MAGAAN ang pakiramdam ni Joey nang magising kinabukasan. Katulad ng dati ay magkatabi silang natulog ni Luis. Ang pagkakaiba lang ay mas naging extra-sweet and clingy nito.
Pagtingin niya sa wall clock ay malapit nang magtanghalian. Kahit na gusto pa niyang humiga sa tabi ni Luis ay kailangan na niyang bumangon para makapaghanda ng tanghalian nila.
Dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising si Luis na mahimbing pa ring natutulog. Mukhang napagod ito sa kakukwento at katatanong nito sa kanya.
Nagpunta siya sa banyo para maghilamos. Naglalakad na siya palabas ng kwarto nang mapansin niya ang mga maletang nasa gilid ng pintuan. Napahinto siya sa tapat ng mga iyon.
Naalala niya ang plano kagabi na hindi niya masabi-sabi kay Luis. Both of them were in cloud nine last night and she doesn't have the heart to ruin the moment.
Sinulyapan niya si Luis na mahimbing pa ring natutulog. Napabuntong-hininga na lamang siya at hinila ang dalawang maleta para lagyan ng mga damit.
Nang matapos ay ibinaba na niya ang mga 'yon at itinuloy na ang pagpunta sa kusina para magluto ng pananghalian nila ni Luis.
INIHAHANDA na ni Joey ang mga pagkain sa lamesa nang marinig niya ang mga yabag na tila nagmamadali. Napasulyap siya sa pintuan ng kusina at doon bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Luis.
Magtatanong sana siya kung anong nangyayari dito nang inilang hakbang lang nito ang distansiya nila at yakapin siya nang napakahigpit.
Dama niya ang bigat ng paghinga at pintig ng puso nito. Nag-aalalang tinanong niya ito, "What's wrong?"
"I thought you left me again." Ani Luis habang patuloy sa pagyakap sa kanya.
"It's okay, Bossing," hinagod-hahod niya ang likod ni Luis para mapakalma ito. "I'm just here."
"Don't do that again, Babe. Huwag kang aalis sa tabi ko habang tulog ako. I don't like waking up without you by my side."
"I'm sorry, Bossing. Alam ko naman kasi na pag-gising mo, gutom ka na kaya nagluto na ako."
"God! Waking up without you by my side gave me a mini-heart attack." Kumalas na si Luis sa pagkakayakap sa kanya pagkatapos ay humalik sa kanyang labi. "Good Morning." Bati nito, may ngiti na sa mga labi.
"Tanghali na kaya." Aniya at hinila na ito paupo sa isang silya. Napatigil siya sa pagseserve ng pagkain nito nang mapansin niya ang paglingon-lingon nito na tila may hinahanap.
"Anong hinahanap mo?" Hindi makatiis na tanong niya.
"Saan mo itinago, Babe?" Tanong nito habang palingon-lingon parin sa island counter at lababo.
"Huh? Ang alin?" Nagugulahang tanong niya.
"'Yung mga nasunog mo." Ininguso ni Luis ang mga ulam nila, "Maayos ang pagkakaluto ng mga 'yan, Babe." dagdag pa nito habang may ngisi sa mga labi. Halatang nang-iinis lang.
Sinamaan niya ito ng tingin at nagdadabog na binitawan ang serving plate. "Hindi ako nakasunog! Sipain kita diyan."
Lalayo na sana siya kay Luis nang pigilan siya nito at hapitin siya paupo sa kandungan nito.
"Luis!" Na-e-eskandalong bulalas niya at pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakayakap ng braso sa bewang niya habang nakayukyok ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat niya.
"Dito ka lang sa tabi ko," parang batang paslit na usal nito. "Gusto ko nasa malapit ka lang lagi."
"Eh, paano ka makakakain ng maayos? Bossing naman, umayos kana. Pagkatapos nating kaumain, hindi na ako aalis sa tabi mo."
"Talaga?" Umangat ang ulo ni Luis at kumikislap ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Oo. Kaya umayos ka na."
Binuhat siya naman agad siya ni Luis at ito na mismo ang nagbaba sa kanya paupo sa katabing silya.
Napapailing na lamang siya sa mga ginagawa nito. Para talaga itong bata kung umasta minsan.
NANG matapos magtanghalian, nagyaya si Luis na manood ng tv sa sala. Nang makaupo na ito at tapikin ang katabing espasyo sa sofa ay saka niya naalala ang napagpasyahang desisyon kanina.
"May sasabihin pala ako," nananantiyang pagsisimula niya.
Agad na kumunot ang noo ni Luis. Pagkatapos ay nagseryoso ang mukha.
"What?"
"Hinanda ko na ang mga gamit mo," aniya at ininguso ang mga maleta nito.
"What the hell?! Pinapalayas mo ba ako?" Bulalas nito at biglang napatayo.
Bahagya siyang napangiwi sa lakas ng boses nito. "Hindi naman sa ganoon," bahagya siyang lumapit dito at hinaplos ang pagitan ng mga kilay nito para mawala ang pagkakakunot niyon.
"Naaalala mo ba ang tinanong mo sa'kin kagabi?" Tanong niya.
"Of course! I asked you to be my girlfriend."
"Exactly. And I said yes, 'di ba? Kaya girlfriend mo na ako ngayon."
"Yeah. Babe, ano ba, kinakabahan ako. What's the matter?"
"Since you're my boyfriend now, hindi na tayo pwedeng magsama sa iisang bubong. Kasi 'di ba, kahit naman wala tayong ginagawang masama, may malisya na sa pagitan natin. Kaya ayan, inihanda ko na ang mga gamit mo para makauwi ka na sa bahay mo."
Nalaglag ang panga ni Luis sa sinabi niya.
"You're kidding me, right?" Nasa mukha ito ang kalituhan.
"Nah, I'm serious."
"Ano na naman ba ito, Babe? Hindi ito magandang biro, ah."
"Sino bang nagsabing nagbibiro lang ako. Seryoso ako, Bossing. At kung gusto mong magsama tayo sa iisang bubong, edi mag-break na tayo. Balik na lang tayo sa dati. Kliyente kita, bodyguard mo ako. Oh, ano? Deal?"
Napahimas si Luis sa kanyang ulo pagkatapos ay ginulo-gulo nito ang sariling buhok.
"Mababaliw ako sa'yo, Joey Abigail! Kung kailan tayo naging magkasintahan, saka pa tayo maghihiwalay ng tirahan? Nakakagago naman ata 'yon!" Nakapamewang na naglakad ito palayo.
"Aba't baliw ka pala, eh! Edi sana, imbes na maging girlfriend mo, tinanong mo na lang ako kung gusto kong maging live-in partner mo!" Nagdadabog na sagot niya. Kahit anong pagpapakahinahon ang gawin niya, kapag talaga si Luis ang kausap
niya ay hindi niya mapigilan ang pag-taas ng boses.
"Babe naman..."
"Don't babe-babe me. Pumili ka, break o hiwalay ng tirahan?"
"Syempre, hiwalay ng tirahan!" Lumapit ito sa kanya at naglalambing na yumakap sa kanya. "Pero pwede pa naman akong mag-stay dito, 'di ba?"
"Oo naman. Basta ba hindi ka dito matutulog sa gabi."
"Alright."
"Ayun. Madali kana man palang kausap."
"Syempre. Kahit labag sa loob ko, basta ba para sa'yo, gagawin ko."
"Corny mo." Natatawang usal niya habang inilalayo ang mukha dito.
"I love you." Madamdaming pahayag nito.
Nagmake-face siya para maitago ang kilig, "I love you too." ganting usal niya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
"Huwag ka ngang kiligin diyan. Magbe-break din tayo sa twenty-three 'no!" Pabirong usal niya nang marinig ang malakas na pagkabog ng dibdib nito.
"Psh! Akala mo ba pakakawalan pa kita? You're stuck with me forever."
"Eh, kaso walang forever, pa'no 'yan?"
Inirapan lang siya ni Luis at muling inihilig ang kanyang ulo sa dibdib nito at marahang gumalaw na tila nagsasayaw.
-
NAGTATAGIS ang dibdib ni Joey sa galit sa kung sino mang taong naghihintay na pagbuksan niya ng pinto. Nasira ang mahimbing na pagtulog niya dahil sa ilang beses nitong pagpindot sa door bell ng kanyang bahay.
Puyat si Joey at kulang sa tulog dahil halos ala-una na nang madaling araw nang makumbinsi niya si Luis na umuwi na sa bahay nito. Nagpupumilit pa kasi ito na matulog pa ng isang beses sa bahay niya.
Ala-sais kinse pa lang ng umaga at antok na antok pa siya. Pinapangako niya na makakatikim ng walang katapusang mura mula sa kanya ang sino mang bumungad sa kanya sa pinto.
Padabog na binuksan ni Joey ang pinto at magtatatalak na sana nang salubungin siya nang nakangiting mukha ni Luis.
"What the f**k?!" Tanging nasabi niya.
"Good morning, Babe! I brought you breakfast," anito at nauna nang pumasok sa kanya at dumeretso na sa kusina.
"Marco Luis Sy! 'Tangina! Ala-una ka na nga lang umalis, pagkatapos ay nandito kana agad nang ganito kaaga?" Pasigaw na tanong niya habang palapit dito.
"Limang oras tayong hindi nagkita, Babe. Na-miss agad kita." Nakangiti pang sagot ni Luis.
"'Tangina! Ano pang silbi nang paghihiwalay natin ng tirahan kung ilang oras pa lang ang lumilipas ay bumabalik kana agad dito?"
"Kaya nga dapat, pabalikin mo na lang ako dito. O kaya naman, sumama kana lang sa'kin sa bahay ko."
"Damn you!"
"Babe, ah! Nakakailang mura ka na. Sisingilin kita ng halik mamaya."
"Gago! Tell me, hindi mo tinanggal ang mga maleta sa kotse mo, 'no?"
Bilang sagot ay ngumiti lang si Luis. Naiinis na ginulo-gulo niya ang buhok at tinatamad na naglakad patungo sa sala. Humiga siya sa sofa at ipinikit ang mga mata. Antok na antok pa talaga siya. Bahala na si Luis kung anong gusto nitong gawin sa bahay niya.
"Babe," NARARAMDAMAN ni Joey ang pagtawag ni Luis at ang marahan nitong paghaplos sa kanyang buhok. Pero dahil inaantok pa ay hindi niya pinapansin iyon. "wake up, I have to go."
"Go, antok pa 'ko." sagot niya habang nakapikit pa rin.
"Hindi mo kinain 'yung dala ko. Don't forget to eat later, okay?"
"Yeah."
"Come, lipat ka sa kwarto para mas komportable ka."
Hindi na siya sumagot at itinaas na lang ang mga kamay na agad ipinalupot ni Luis sa batok nito at binuhat na siya papanhik sa kwarto.
Nang mailagay na siya sa ibabaw ng kama ay nagbilin pa ito nang kung anu-ano na hindi naman niya pinapakinggan bago ito nagpaalam at tuluyang umalis.
Nasisiguro naman niya na ilang oras lang ay babalik din ito.
Tama nga ang hinala ni Joey na hindi iniuwi ni Luis ang mga gamit nito dahil nang magising siya at naligo, nakita niya ang isang maleta ni Luis sa dating lagayan nito. Nang buksan niya ang closet ay naroon na rin ang iilan sa mga gamit nito.
Napapailing na lamang siya. Nagpagod lang pala siya sa pag-e-empake ng mga gamit nito.
PIGIL ang galit ni Joey habang nagmamaneho patungo sa bahay ng kanyang mga magulang.
Habang kumakain ay nakatanggap siya ng text mula kay Rob, ang tauhan niya na nagmo-monitor sa mga CCTV footages ng bahay nila. Ibinalita nito sa kanya na nagwawala daw si Marga at pinagbabasag nito ang mga kagamitan sa buong bahay.
Importante kay Joey ang lahat ng mga kagamitang iyon. Her mom is an antique entusiasts at halos lahat ng mga kagamitan nito ay nasa bahay pa rin na tinirhan ni Marga.
Halos paliparin na niya ang motorsiklo para lamang makarating agad sa bahay nila. Pagdating niya sa bahay, ang umaatungal na si Marga ang sumalubong sa kanya. Parang gusto niyang manlambot nang makita ang kabuuan ng bahay. Nakakalat sa sahig ang mga basag-basag na kagamitan. Wala ni isa ang nasa ayos.
Si Marga ay nakatayo sa isang panig ng bahay, ang atensiyon nito ay nasa family portrait nila kaya hindi nito napansin ang pagdating niya. Pinabalik niya ang larawang iyon sa dati nitong lugar nang mabawi na niya ang lahat sa mga ito.
Akmang lalapit si Marga sa frame nang magsalita siya, "Pakielaman mo 'yan nang gawin ko din sa'yo ang ginawa ko sa tatay mo." mapanganib na usal niya.
Gulat na napaharap kay Joey si Marga. Bumalatay ang takot sa mukha nito na agad namang napalitan ng galit.
"You, b***h!" Duro ni Marga sa kanya. "You ruined everything! I hate you to bits, Abi! I hate you and your family! Dapat ay nagsama-sama na lang kayo sa impyerno!"
Nagpantig naman ang tenga niya sa narinig kaya inilang hakbang niya ang distansiya nila at sinakal ito gamit ang kaliwang kamay, "Huwag mong itulad ang pamilya ko sa pamilya mo, Marga. Kung may nababagay man sa impyerno, kayo 'yon! Kayo ng nanay at tatay mong magnanakaw!" puno ng galit na usal niya. Bawat pagbigkas niya ng mga salita ay mas lalong dumidiin ang pagkakasakal niya dito.
Pulang-pula na ang mukha ni Marga at kung hindi lang siya nagpipigil ay kayang-kaya niyang patayin ito sa isang hagod lang niya sa leeg nito kaya bago pa siya tuluyang mawalan ng kontrol sa sarili ay patulak na binitawan niya ito.
Nang makawala sa kanya si Marga ay kitang-kita niya kung paano ito humigop ng hangin.
"Demonyo ka talaga! Halimaw!" Nahihirapan at halos pabulong na lang na usal nito.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Marga. Baka nakakalimutan mong sa'kin ang bahay na ito at kapag pinalayas ko kayo dito ay sa kangkungan kayo pupulutin ng nanay mo. Nagpapakabait ako sa inyo, Marga. Kung hindi lang ako naaawa sa inyo, sana ay nanghihimas na kayo ng rehas ngayon. Linisin mo ang lahat ng mga ikinalat mo bago ko iguhit sa katawan mo ang mga pinagbabasag mo."
Nakaupo pa rin si Marga at tila walang balak na sundin ang utos niya kaya pumulot siya ng isang bahagi ng vase ng binasag nito. Parang batang napaurong ito sa takot pagkatapos ay sunud-sunod na tumango.
Pasimple siyang tumingin sa isang camera na naka-install doon, alam niyang pinapanood sila ni Rob at alam na nito ang gusto niyang ipahiwatig.
Naglakad na siya palabas ng bahay at dali-daling sumakay sa kanyang motorsiklo nang isang magarbong sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay.
Muli siyang bumaba at kunot-noong hinintay na bumaba ang sakay niyon.
Gustong mapamura ni Joey nang mapagsino ang taong sakay niyon. Kahit hindi pa niya nakikita ang mukha nito, sa aura pa lang ay alam na niya kung sino ang bisita niya, 'yon ay kung siya nga ang pakay nito.
Mula ulo hanggang paa ay naka-pula ito, kumikinang ang katawan nito dahil sa mga suot na gintong alahas. Maging ang suot nitong pulang terno ay napapalamutian ng gintong disenyo. Walang duda, it's Mary Sy. Her boyfriend's grandmother.
"So, you really are a Salazar, huh?" Bungad ni Mary Sy sa kanya. Ni hindi man lang ito bumati at talagang tinaasan pa siya nito ng kilay.
"Any problem with that, Madam?" Taas-noo niya itong hinarap.
Naglaro ang nakakalokong ngiti sa mga labi ng matanda. Naasar siya itsura nitong iyon at kung hindi lang ito lola ni Luis ay kanina pa niya binura ang ngiting iyon sa pagmumukha nito.
"I wonder what you did to have the solo proprietorship to the whole wealth of the Salazar's and how you will use that for your other plans especially to my grandson."
Nagtagis ang bagang niya sa sinabi nito at hindi na niya itinago pa ang galit. What a lucky day to deal with two daughters of Satan.
"Madam, I don't have time for your bullshits so if you'll excuse me," tinalikuran na niya at pinipigil ang pag-alpas ng galit. Ano mang segundo ay pwede nang kumawala ang tinatago niyang halimaw sa katawan. At ayaw niyang sa harapan ng lola ni Luis lumabas iyon. Dahil kahit gaano pa ito kasama sa paningin niya ay may kaunting paggalang pa naman siya dito bilang lola ng boyfriend niya.
"How much?" Napatigil siya sa paglalakad at tila naramdaman niya ang pagsabog ng lahat ng dugo sa loob ng ulo niya.
Pagkaharap niya dito ay nakangisi ang matanda at tila sinusubukan talaga siya.
"How much, Joey Abigail Salazar? How much do you need for you to leave my grandson alone?"
She smirked, "Five..." naglakad siya pabalik at hinarap ito, isang dipa na lang ang layo ng mga mukha nila. "Five Quadrillion US Dollar. May ganoon ka bang halaga?"
Kitang-kita niya ang panggagalaiti sa mukha ng matanda. "Gold digger!" Akusa pa nito sa kanya.
Bilang sagot ay nginitian na lamang niya ito nang matamis at tuluyan nang naglakad patungo sa kanyang motorsiklo. Agad na pinaandar na niya iyon at binusinahan pa ito na nakatayo pa rin sa labas ng sasakyan.
Kung hindi lang talaga siya nag-aalala na baka atakihin ito ay talagang makikipagtalastasan talaga siya dito.
Gustung-gusto din niya itong insultuhin kanina kung hindi lang talaga niya iniisip ang pwedeng maramdaman ni Luis. How dare that old woman to offer her money?
Kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga assets ng mga magulang niya, ang trust fund niya sa tatay ni Arthur, at ang lahat ng mga kinita niya magsimula nang magtrabaho siya sa UP ay kayang-kaya niyang sabayan ang yaman ng mga Sy.
Dahil sa nagpupuyos na kalooban ay halos lumipad na siya sa kalsada dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya sa motorsiklo. Ilang minuto lang ay nakarating na siya sa bahay niya.
PAGPASOK ni Joey sa kanyang bahay ay nakabusangot na mukha ni Luis ang nadatnan niya. Nakatayo ito sa sala at nakapamewang pa.
"Saan ka galing?" Agad na tanong ni Luis.
Bahagya siyang napangiwi at kaagad ding ngumiti nang matamis at binati ito, "Hi, Bossing! Kanina ka pa?" yumakap siya kay Luis at nilambing-lambing ito.
"Ten minutes ago. Nagmamadali akong pumunta dito pagkatapos ay hindi kita aabutan? Saan ka nagpunta?" Masungit pa rin ang tinig nito kaya inangat niya ang mukha at hinarap ito.
Pakiramdam niya ay bata siya na pinapagalitan ng ama kaya mas lalo niyang pinagbuti ang panlalambing.
Hinalikan niya ito nang mabilis sa labi pagkatapos ay pinaikot ang mga braso sa leeg nito.
"Ang sungit naman ng Bossing ko. Sorry na. May inasikaso lang ako." Paliwanag niya at hinalik-halikan ang labi nito.
Ilang saglit lang ay umangat na ang gilid ng labi ni Luis.
"God! Why can't I stay mad at you?" Anito at hinapit ang bewang niya palapit sa katawan nito.
"Because I'm irresistable!" Kinindatan niya ito kaya tuluyan na itong natawa.
"That. And because I love you so damn much."
"I love you so damn much too, Bossing."
NAGYAYA si Luis na kumain sila sa labas pero dahil pakiramdam niya ay naubos ang lakas niya ay nagstay na lang sila sa bahay.
Nakahiga sila ni Luis sa kama at nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Kinuwento din niya ang nangyari kanina but of course, minus the meeting with Lady in Red.
"I don't know what to do with them anymore, Bossing. Pinipilit kong maging mabait, pero sila kasi ang gumagawa ng mga bagay na ikagagalit ko." May himig na pagsusumbong na usal niya.
Simula nang maging opisyal na magkasintahan sila, nangako sila sa isa't-isa na sasabihin ang lahat ng nararamdaman nila para maintindihan nila ang isa't isa.
"You've done your part, Babe. Bahala na sila sa buhay nila. Tinupad mo naman ang pangako mo sa kanila na patitirahin pa rin sila sa bahay niyo, but look at what they've done." Hinahaplos ni Luis ang balikat niya habang hinahalik-halikan ang kanyang sentido.
"Nakakaawa din naman kasi sila. Kung paaalisin ko sila, hindi ba't parang wala na din akong pinagkaiba sa kanila?"
"Kung sabagay. Pero kasalanan naman kasi nila. Anong plano mo ngayon?"
"I'll give them another chance," Nalaman niya na nagwala pala si Marga dahil hindi na nito mabili ang mga gamit na gustuhin nito. Hindi pa lang siguro ito nakakapag-adjust. "pero kapag gumawa ulit sila nang kagaguhan, pasensiyahan na lang talaga. Kinalimutan ko ang mga ginawa nila sa'kin noon para lang makapagsimula kami ulit. Gusto kong makawala sa nakaraan at alam kong hindi mangyayari 'yon kung dala-dala ko pa rin ang poot sa puso ko. At kung hindi man dumating ang araw na magkakaayos-ayos kami, at least hindi ako magi-guilty dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko naman sila pinabayaan."
"I'm so proud of you, Babe. You're healing faster than we thought."
Mula sa pagkakasandal sa dibdib ni Luis ay hinarap niya ito, "It's all because of you, Bossing. Thank you."
"I promised you that, right? I'll fix you, Babe. I'll shower you love until it hurts no more."
MATAMIS ang ngiti ni Joey habang pinapanood si Luis na ayusin ang suot nitong damit. Inabot na naman sila nang madaling-araw at kung hindi pa pinaalala ni Luis sa kanya na uuwi pa ito sa bahay nito ay nakalimutan na niyang hindi na nga pala sila magkasama sa iisang bahay.
Ang mga gamit pala na ibinalik ni Luis sa closet niya ay ang mga damit nito na paborito niyang suotin noong hindi pa niya boyfriend ito.
Nahihiya man niyang aminin ay mas komportable siya kapag ang mga damit nito ang suot niya.
Lumalit si Luis sa kanya at mariin siyang hinalikan sa mga labi, "Alis na ako, Babe. Good night."
"Take care! Good night, Bossing Babe." Bago tuluyang lumabas ng kwarto niya ay hinalikan pa siya ulit nito sa mga labi.
Gustong kaltukan ni Joey ang sarili dahil ilang segundo pa lang ang nakalilipas at hindi pa man tuluyang nakakaalis si Luis ay parang nami-miss na niya ito.
She can't believe that she'd fell deeply madly in love with Luis. He was once her mortal enemy!
-
Time flies fast when you enjoy the moment. Parang kailan lang no'ng aso't pusa sina Joey at Luis. Who would've thought na magkakasundo sila at ngayon ay halos mag-iisang buwan na sila bilang magkasintahan.
Sa bawat umaga ay sabik na bumabangon si Joey dahil alam niyang darating si Luis. Walang palya ito sa pambubwisit sa kanya sa umaga. Ito na ang nagsilbing alarm clock niya.
Ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Alas-diyes na nang umaga ngunit wala pa rin itong paramdam sa kanya. Wala ni isang text.
Sa buong durasyon ng relasyon nila ni Luis, kahit kagigising na lang nito ay ite-text siya nito babatiin kahit na mababasa na lang niya iyon kapag magkasama sila.
Kahit ayaw ay napapa-isip siya nang masama. Tinignan niya lahat ng mga gadgets niya pero wala namang alert sa kanya kung sakali mang may nangyaring masama dito.
Nagtungo siya sa kanyang secret room at nanood sa mga monitors. Normal naman ang lahat. Sa katunayan, ang magaling niyang boyfriend ay nasa opisina nito at seryoso sa ginagawa.
Nag-text siya dito at mula sa mga monitor ay nakita niya ang pag-ilaw ng cellphone nito na nakapatong sa ibabaw ng table.
Mukhang hindi iyon pansin ni Luis kaya tinawagan niya ito, but to no avail, hindi din nito sinagot ang tawag niya.
Naiinis na nagbihis siya at inihanda ang motorsiklo. Susugurin niya ito! Tignan lang niya kung babalewalain pa siya nito.
"Bakit nag-cellphone ka pa kung hindi ka rin naman pala marunong magreply sa mga text at sumagot ng mga tawag?!" Bungad niya kay Luis nang makarating siya sa opisina nito.
Nagulat si Luis pero agad din itong nakabawi. "I was busy." Bale-walang sagot nito at muling ibinaling ang atensyon sa laptop at sa mga papeles na kaharap.
Nagpantig ang tenga niya sa isinagot nito, "Anong busy?! Hoy! Kahit nasa kalagitnaan ka ng hearing, kapag ako ang nagtext at tumatawag, sumasagot ka."
"s**t!" Tumayo si Luis at hinarap siya. Nakapamewang pa ito at parang nagtitimpi ng galit.
"Huwag mo akong ma-s**t-s**t diyan. Ako ba talaga ginagago mo, ha?!" Nag-iwas lang ng tingin si Luis pagkatapos ay humugot nang malalim na hininga. "Kinakausap kita, Marco Luis Sy."
"Fine!" Pabagsak na umupo ito sa sofa at parang babae na inirapan siya. "Twenty-three kasi ngayon!"
"Oh? Anong connect? Anong meron sa twenty-three?" Naguguluhang tanong niya pagkatapos ay nag-isip kung may usapan ba sila na hindi magkikita sa araw na 'yon.
"Sabi mo kasi, magbe-break din tayo sa twenty three kaya iniiwasan kita."
Nalalaglag ang panga ni Joey sa isinagot ni Luis. Nang marealize kung ano ang ibig nitong sabihin ay napabunghalit siya ng tawa.
Ang mga singkit na mata ni Luis ay lalo pang naningkit sa sama ng pagkakatingin sa kanya.
"Grabe, Bossing..." Hawak niya ang tiyan habang ang isang kamay ay nasa bibig para mapigilan ang pagtawa. "hindi ko alam kung saan napunta ang katalinuhan mo. Ngayon ko lang talaga napatunayan na nakakabobo ang pag-ibig." Muli siyang napabunghalit ng tawa.
Napansin niya ang pag-iiba ng expression ng mukha ni Luis kaya kahit halos magkandasamid-samid na siya ay pinigilan niya talaga ang pagtawa.
Muling tumayo si Luis at bumalik sa swivel chair nito. Poker face na hinarap nito ang laptop at nagtitipa.
"Bossing... Babe..."
"Don't talk to me. Tumawa kana lang diyan."
"Ito naman, nagsusungit kaagad. Natawa lang ako kasi naniwala ka pala doon sa sinabi ko na magbe-break din tayo sa twenty-three."
"Ewan ko sa'yo. Saan mo ba napupulot ang mga 'yan?"
"Narinig ko lang kay Kate."
"Psh!"
"Ikaw naman kasi! Agad kang nagpapaniwala."
"Alam mo naman na lahat ng sabihin mo, paniniwalaan ko, 'di ba?"
"Psh! Joke lang kasi 'yon. Madalas kong marinig kay Kate 'yon kapag may nakikita siyang couple." Paliwanag niya.
"Bitter talaga ang batang 'yon. Huwag ka ngang nagdididikit sa kanya." Nakasimangot pa ring usal nito.
Umupo siya kandungan nito at naramdaman niya ang paninigas ng katawan nito. "Sorry na. Nakakatawa ka naman kasi. Para 'yun lang. C'mon, Bossing, smile!"
Ngumiti si Luis pero hindi umabot sa mga mata nito. "Huwag ka nga! Hindi mo bagay. Smile genuinely, Babe."
"Paano ako makakangiti kung inuupuan mo si ano..." napansin niya ang pag-iiba ng ritmo ng paghinga nito.
"Huh? Anong inuupuan ko si ano—Oh, my gosh!" Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo siya mabilis na tinakpan ang mukha para hindi nito makita ang pamumula ng kanyang mukha.
"You're red as tomato, Babe. Can I call you Lady in Red?" May himig pambubuska na tanong ni Luis.
"What the?! Shut up!" Nahihiyang usal niya at tinalikuran si Luis. Narinig pa niya ang mahinang halaklak ni Luis na lalong nagpapula sa kanya.