CHAPTER 17

3708 Words
"Dinner?" NAPATAAS ang kilay ni Joey nang mabasa ang text ni Luis sa kanya.  "Sure. Text me the details," she replied. Nang ma-send na ang text ay muli niyang ibinalik ang tingin sa monitor.  Ka-videocall niya ang kaibigan na kasamahan din sa Universal Panorama. Ibinalita sa kanya ni Aaliyah ang pagbabakasyon nito sa Pilipinas na ipinagtataka niya. Of all places na pwede nitong pagbakasyonan, sa Pilipinas pa.  Aaliyah hates the Philippines. Kahit pa may dugong Pinoy ito ay halos isumpa nito ang Pilipinas dahil sa masamang karanasan nito sa bansa. Idagdag pang kasalukuyang nasa bansa din si Bronx, ang mortal nitong kaaway.  Iba ang kutob niya sa pagdating ng kaibigan. Dahil nasisiguro niya na hindi makakatagal si Aaliyah sa Pilipinas kung wala itong importanteng gagawin. Ang hinuha niya ay may iniutos dito ang mga nakatataas. At iyon ang gusto niyang malaman.  Dahil sa mga oras na 'yon, natitiyak niyang hindi magiging madali kung sakali mang pabalikin na siya ng UP sa base.  "Hey!" Mula sa monitor ay nakita niyang pinanlalakihan na siya ng mata ni Aaliyah.  "What?," tanong niya at idinikit ang katawan sa likod ng swivel chair.  "Don't what-what me. I'll stay in your house. You got it back from Luis, right?"  "No way!" Mariing tutol niya. She can't let her stay in her house! Lalo pa't halos doon na lang naglalagi si Luis. Bago ito pumasok sa opisina ay dadaanan siya nito. Sa t'wing lunch break nito ay sa kanya ito umuuwi at pagkatapos nitong magtrabaho hanggang hating-gabi ay nasa kanya ito.  "Why?" Nakabusangot na tanong ni Aliyaah. "Don't you missed me?"  "Good Lord! Huwag mo nga akong dramahan, okay?! Ang yaman-yaman mo, mag-hotel ka! O kaya naman bumili ka ng bahay mo dito. Psh. Hindi mo naman madadala sa hukay ang mga pera mo!"  "Sama mo." Halos mapalipit ang dila na usal nito. Kahit na sa Pilipinas ito ipinanganak, hirap na hirap ito sa pagsasalita ng tagalog. Siya lang ang nagturo ng tagalog dito na ayaw pa nitong pag-aralan noon.  "Argh! Bahala na. Just take care and have a safe trip. Bye!" Mabilis na paalam niya at agad na pinatay ang connection nila.  Tinext niya si Arthur at tinanong ito kung may alam ba ito sa pagdating ni Aaliyah. She waited for Arthur's reply pero mukhang abala ito kaya binasa na lamang niya ang reply ni Luis sa kanya.  '7pm, Le *****'  Nanlaki ang mga mata niya. Isa iyong fine dining restaurant at alam niyang pahirapan ang reservation doon.  "s**t!" Naiusal niya at napakagat sa sariling labi. That means she needs to wear something formal, something nice and something that she is not. The f**k!  Ipinikit niya ang mga mata at nag-isip kung may babagay ba sa restaurant na 'yon sa mga damit na mayroon siya.  "f**k! What to do?! 'Tangina!" Nagpalakad-lakad siya sa loob ng control room at iniisip kung saan siya kukuha ng damit na isusuot.  Natigil lang siya sa paglalakad nang mag-beep ang phone niya at mag-pop ang text message ni Luis.  'I bought you a dress, but I know you don't like wearing one. So, just wear your style, Babe. I love you just the way are.'  Napahawak na lamang siya sa magkabiling pisngi at nangingiting naglakad patungo sa kwarto. Kahit anong pagmamatigas niya ay kayang-kaya talaga ni Luis na palambutin siya.  Hindi pa rin siya makapaniwala na napapakilig siya ni Luis kahit sa mga simpleng hirit lang nito.  Agad na binuksan niya ang closet  at nakita nga niya ang isang paperbag at isang itim na kahon na may tatak ng isang sikat na brand ng sapatos. Binuksan niya ang may kalakihang paperbag at sunalubong sa kanya ang ni isang off-shoulder long black dress.  Napangiti siya dahil maganda naman ang dress at mukhang kasya naman niya. Pero nang mas busisiin pa niya ang pagtingin sa dress ay bahagya siyang napangiwi nang makita ang mahabang slit niyon sa bandang gilid.  Shit lang!  Dresses and stilettos are not her thing. Pero napagdesisyunan niyang suotin parin ang mga 'yon. Alam niyang hindi biro ang nagastos ni Luis sa mga iyon. At isa pa, gusto din naman niyang maging maayos at karapatdapat sa harapan nito.  MATAPOS mamroblema ni Joey nang mahigit tatlong oras kung paano aayusin ang sarili, finally, she's on her way to the restaurant where she and Luis will dine.  Sanay siyang maglakad ng naka-stiletto dahil kapag may special o kaya naman ay undercover mission ay ganoon ang ayos niya.  Pagdating niya sa vicinity ay agad na sinalubong siya ng valet. Iniabot niya ang susi at minsan pang pinasadahan ng tingin ang sarili bago taas noong naglakad patungo sa entrance ng restaurant.  Nasa bungad na siya ng entrance ng restaurant nang mula sa likuran niya ay may nakakairitang boses na nagsalita.  "Well, well, well. Look who's here!"  Pinaikot niya ang mga mata at huminga nang malalim bago nakangiting hinarap ang nagsalita.  "Madame," nakangiting bati niya kay Mary Sy, "it's nice to see you here." Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nagawa niyang hindi irapan ang matandang babae kahit na sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang tirisin ito dahil sa uri ng pagkakatangin nito sa kanya.  "All dressed up, but still..." bahagya itong ngumiwi pagkatapos ay patuya siyang tinaasan ng kilay. "I wonder whom you'll meet in this kind of place, I guess you're up to hook much richer, much--"  "Oh, you got it wrong, Madame," pagputol niya sa pang-iinsulto nito sa kanya. "I'm here because I have a date," binigyan niya ito nang matamis na ngiti. "and it's with your grandson. So, if you'll excuse me, my date is waiting for me."  Taas noong tinalikuran niya ang matanda at nagtuluy-tuloy na sa pagpasok sa restaurant. Hindi siya papayag na sirain nito ang mood niya. She prepared for that date. Ilang oras siyang nag-ayos and she wouldn't let lady in red to insult her just like that.  Sinalubong siya ng isang waitress  at tinanong ang pangalan niya pagkatapos ay iginiya siya sa isang bahagi ng restaurant na may nakasulat na VIP.  Nang masilayan na si Luis ay parang gusto na lamang niyang magmura. Matikas na nakatayo ito sa gilid ng table na nakalaan sa kanila. Habang papalapit sila ay hindi na niya napigilan ang sarili at napamura na lamang nang mahina.  Marco Luis Sy is dashing in his three-piece suit. Mukhang pinaghandaan talaga nito ang dinner nilang 'yon dahil bagong gupit pa ito. Sa kaliwang kamay nito ay isang boquet ng bulaklak habang ang isa ay nakalahad sa kanya.  Nangingiting iniabot niya ang kamay na marahan nitong pinisil pagkatapos ay hinapit siya payakap dito.  Ang mabangong samyo nito ay agad nanuot sa kanyang ilong. Napapikit na lamang siya ay ninamnam ang yakap nito.  "You look wonderful, Babe."  "Talaga ba? Dapat lang dahil ang gwapo ng ka-date ko." Natawa lang si Luis sa kanya at maingat na iginiya siya nito paupo.  "Oh, before I forgot," nakangiti nitong iniabot ang mga bulaklak sa kanya. "flowers for you, Babe."  "Luh. Anong meron, Bossing? Ikaw ha, may nagawa kang kasalanan 'no?"  "If loving you is a sin, then I have sinned. The hell I care."  "Corny mo!"  May lumapit na waiter sa kanila at dahil hindi naman niya alam kung ano ang mga sineserve nila doon ay hinayaan na lamang niya si Luis na umorder para sa kanila. Alam naman na nito kung ano ang mga gusto at ayaw niyang pagkain.  Habang sinasabi ni Luis sa waiter ang mga orders nila ay nakatitig lang siya sa dito.  Habang tumatagal ay mas lalo itong gumagwapo sa paningin niya. He has this 'kagalanggalang' aura na kapag sinabi niya ay dapat sundin mo. He's manly but sweet. He may look tough and hard but he has this soft side na hindi nito ikinatatakot na ipakita.  Bahagyang napailing si Joey nang mapansin na tapos na pala sa pag-order si Luis at ang buong atensyon nito ay nasa kanya na.  Gusto niyang lamunin na lamang ng lupa dahil nahuli siya nitong titig na titig dito.  "I love the way you look at me, Babe. Pakiramdam ko ay hinuhubaran mo ako." Nakangising usal nito.  Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito, "Gago ka ba?!"  "Siguro. Pero mahal na mahal ka ng gagong 'to, Babe."  "Argh! Huwag ka nga." Nakangusong usal niya dahil nagsimula na namang magsiliparan ang mga paru-paro sa tiyan niya.  Nang ma-i-serve n ang mga pagkain ay todo asikaso sa kanya si Luis. Kagaya nang dati ay nagkukwentuhan sila sa mga nangyari sa araw nila.  "I had a meeting with some clients and just signed some papers. Wala din namang bago." Pagkukwento ni Luis habang hinihiwa ang steak niya. Nang matapos ay inilagay na nito sa harapan niya plate. "Eat a lot, Babe." Anito pagakatapos ay nagbalat naman ito ng hipon na alam niyang para sa kanya din.  Mahilig kasi siya sa hipon pero wala siyang tiyaga kaya ito na ang gumagawa para sa kanya.  "Kain ka muna, Bossing," aniya at inilagay sa plato nito ang paborito nitong lobster.  "Thanks, Babe. What about you? Anong ginawa mo maghapon?" Tanong nito  Bahagya siyang natawa nang maalala na halos naubos ang buong maghapon niya dahil sa ilang oras siyang naligo at nagbabad sa bathtub. At halos tatlong oras din siyang nag-ayos ng sarili para lang masiguro na maayos ang magiging hitsura niya.  Pero siyempre, hindi niya sasabihin 'yon kay Luis dahil baka lumaki pa ang ulo nito kapag nalaman nitong sobrang pinaghandaan niya ang dinner nilang iyon.  "Nakausap ko si Aaliyah. She'll be having her vacation here and she's actually planning on staying at my house."  "Pumayag ka?" Tanong ni Luis at kung hindi siya nagkakamali ay nahimigan niya ang pag-aalala sa boses nito.  "Of course," aniya at hinintay ang reaction ni Luis. Nakita niya kung paanong dumaan ang lungkot sa mga mata nito. "...not," nakangiting dagdag niya.  "Really?" Ani Luis sa masiglang boses.  "Yup! Paano ko pa siya papag-stay sa bahay kung lagi kana mang nandoon? Isa pa, isa lang ang kwarto ko, edi magkakasama tayong tatlo?"  Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ni Luis. Dinaig pa nito ang nanalo sa lotto dahil pati ang mga singkit nitong mga mata ay kumikinang sa saya.  "Ang babaw mo, Bossing, sa totoo lang. Siya nga pala, I saw your grandma here kanina."  Uminom ng tubig si Luis pagkatapos ay kumunot ang noo.  "Si Grandma? Did the two of you talked?"  "Not really pero siya ang unang pumansin sa'kin and you know, her katarayan strikes again. Pero syempre, hindi ko na pinatulan."  "I haven't talk to her again since the last time."  "Huh? Pero, Bossing, ang tagal na no'n, 'di ba?" hindi makapaniwalang usal niya. "Bossing, huwag mo naman tikisin nang ganyan ang Lola mo. 'Di ba we promised to forgive everyone who hurt us? Paano ka makakapagsimula kung hindi mo kinakausap si Lola mo?"  "I'm trying, Babe. But you see, kahit naman isawalang bahala ko na lang ang mga ginawa niya noon, siya mismo kasi ang gumagawa ng way para magalit kami lalo sa kanya. Alam mo naman ang ginawa niya kay Aya 'di ba? Gusto niyang magpakasal si Aya sa isang Chinese businessman kahit na kasal na si Aya kay Kurt even before we found her. At hanggang ngayon, hindi niya matanggap si Aya just because Aya didn't follow the tradition kuno niya?"  "Alright, Bossing, hindi kita pipilitin, pero sana, mahanap mo pa rin sa puso mo ang pagpapatawad. Ikaw na mismo ang nagsabi na I'm healing faster than we thought. Hindi naman ako makakapayag na okay na ako pagkatapos ikaw ay hindi pa. Let's do this together, Bossing. I want to do this with you."  "Okay, Babe. We'll do this together."  "Thanks, Bossing. Ohh," naputol ang sasabihin niya nang makita ang Lola ni Luis na mukhang palapit sa kanila. "your Grandma is coming our way."  Napasulyap din si Luis sa gilid nila kung saan taas noong naglalakad ang Lola nito kasabay ang isang babaeng naka-short bodycon red dress.  Nakita niya kung paanong kumuyom ang panga at umasim ang mukha ni Luis. Tinignan siya sa mga mata ni Luis at nababasa niya sa mga mata nito ang pagkairita.  It's like his eyes were telling her that he's tired of all his grandma's bullshits.  "Marco Luis..." Matinis ang boses na bungad sa kanila ni Mary Sy. Ang babaeng kasama nito ay tinaasan siya nang kilay pagkatapos ay ngumiti nang pagkatamis-tamis kay Luis.  "Grandma," Halos padabog na tumayo si Luis kaya tumayo na din sita bilang pag-galang kay Mary Sy.  "I'm sorry to disturb your dinner, but I can't wait to introduced to you this fine lady over here," inilahad nito ang kamay sa babaeng kasama. "Marco Luis, I want you to meet, Yna. Yna Tang. She's the heiress of the Tang Corporation and mind you, a full blooded Chinese. She's your future fiancee, by the way."  Bahagya siyang nagulat pero nang makabawi ay gusto na lamang niyang humalakhak sa harapan ng dalawang babae.  "Oh, really, Grandma?" Ani Luis at kitang-kita niya kung paanong napuno ng galit ang mukha nito. "Then, Yna and Grandma," binigyang diin ni Luis ang pagtawag nito kay Mary Sy. Pagkatapos ay sinulyapan siya at inilahad ang kamay sa kanya na agad naman niyang tinanggap. "I want you to meet Joey Abigail Sy. My wife."  Sabay na napasinghap ang dalawang babae at kung hindi lamang pinisil ni Luis ang kamay niyang hawak nito ay pagtatawanan niya ang mukha ng dalawa.  "How dare you, Marco Luis Sy!" Bumalasik ang mukha ni Mary Sy at naagaw na nito ang atensiyon ng mga ibang kumakain sa di kalayuan.  "Grandma, please. Stop all this bullshits. Hindi mo na kami mapapaikot sa mga kamay mo."  "How dare you marry that gold-digger bitc—"  "Stop talking ill about her, Grandma, before I forgot that she's the only reason why I'm still talking to you."  "Huh! You let that woman manipulate you, huh? Don't you know that woman has a price, huh?" May himig pagmamayabang na usal nito. "I offered her money and she named her price!"  Napasulyap sa kanya si Luis at nagkibit-balikat lang siya.  "Then I guess, you haven't given her the money yet because as you can see, she's still here with me."  "You stupid!"  "Stop this non-sense, Grandma." Walang-ganang usal ni Luis pagkatapos ay inilabas ang platinum card nito at iniabot sa waiter. "Tell Weriogne to just send my card to my office." utos nito sa waiter at niyaya na siyang umalis sa lugar na 'yon.  Pero bago siya nagpahigit kay Luis ay sinulyapan niya muna ang Lola nitong nag-aapos na sa galit sa kanila. "Oh, Grandma—err, Madame, I forgot to tell you that my offer has been doubled since you haven't given me the amount with the given time. So, from Five Quadrillion US Dollar, it's now Ten Quadrillion US Dollar. Ciao!"  -  "Bakit mo ako ipinakilalang asawa mo? Ayan tuloy, lalong nagalit ang Lola mo. Ikaw talaga, ang hilig mong pa-highblood-in ang Lola mo." Tanong niya kay Luis habang sakay sila ng sasakyan nito.  Ang sasakyang dala niya kanina ay ipaoakuha na lang daw nito. Hinayaan na lamang niya dahil pag-aari din naman nito iyon.  "Mas nakakagalit ang ginawa niya, Babe. Harap-harapan ka niyang binastos. Alam niyang girlfriend kita pagkatapos ay ipapakilala niyang fiancee ko ang babaeng 'yon?"  "Hayaan mo na lang no'n ang Lola mo. Alam naman natin kung ano ang totoo, 'di ba? At saka, hindi ka pa ba nasanay sa Lola mo? Lagi na lang siyang umeeksena."  "I'm sorry about that. Sana kahit umeksena si Grandma ay nag-enjoy ka parin sa dinner natin."  "Basta ikaw ang kasama ko, Bossing, wala akong hindi ma-e-enjoy."  "Thanks, Babe, pero bakit hindi mo ata nasabi sa'kin na nakausap mo si Lola na nag-offer siya ng pera?"  "Ahh, 'yun ba? I think that was the time na nagwala si Marga. I'm sorry, madami lang akong iniisip noon and ayoko din naman sabihin pa dahil hindi naman importante.  "I can't believe that Lola will stoop that low. Hindi ko na talaga siya maintindihan."  "Hey, cheer up, Babe! Huwag mo naman hayaang sirain ng Lola mo ang mood." Aniya dahil napapansin niyang nagsisimula na itong sumimangot.  "I'm sorry, so, where do you want to go next?"  "Ha? Hindi pa ba tayo uuwi?"  "Well, the night is still young, and sayang naman ang bihis mo kung uuwi na agad tayo."  "Naiilang na nga ako, eh. Ikaw, huh? Baka akala mo hindi ko napapansin na kanina mo pa tinitignan ang mga boobs ko, ha? Siguro, sinadya mong ito ang ipasuot sa'kin dahil alam mong luluwa ang mga dibdib ko at magkakaroon ka ng free viewing!"  "You sounds as if I'm a freaking maniac."  "Bakit hindi ba? Nagkukwento nga ako kanina pero ang atensyon mo, nasa dibdib ko!"  Napangisi si Luis pagkatapos ay hindi na napigilan ang mahinang pagtawa.  "Gusto ko ngang sapakin ang sarili ko kanina, Babe," pag-amin nito at inabot ang kamay niya para pisilin. "kung alam ko lang na magiging ganyan ka ka-sexy sa damit na 'yan, pinag-turtle neck na lang sana kita."  "Sus. Kunwari ka pa. Sinadya mo naman."  "I didn't. And the slit of that dress? Dang! Kaninang naglalakad ka ay halos mabulunan ako nang makita ko ang legs mo."  "Ulol! Don't me! Sinadya mo talaga 'to para masilipan mo ako. Hay, nako, Marco Luis Sy! Don't me."  "Eh, bakit sinuot mo pa rin? If I know, gusto mo lang din akong akitin!"  "Hoy! Kahit balot na balot ako, natural na sa'yo ang pagkamanyak mo."  "Damn, nag-uusap lang tayo pero na-a-arouse ako."  "Hoy!" Na-e-eskandalong usal niya.  Tumawa lang si Luis kaya napatingin siya sa umbok sa pagitan ng mga hita nito.  "Eyes up, Babe. Nanunuklaw 'yan."  Napapahiyang napatingin na lang siya sa labas ng bintana ngunit ang isip niya ay nasa umbok sa loob ng pantalon nito. Nahihiwagaan siya kung paanong tila malaki iyon gayong Asian naman ito.  "Damn it!" usal niya nang marealize kung gaanong nakakahiya ang iniisip niya.  "I know what you're thinking, Babe." Ani Luis at mula sa repleksyon nito sa salamin ng bintana ay nakikita niyang nakangisi ito.  "Gago!" Muling humalakhak si Luis kaya mas lalo siyang nahiya sa naisip.  Nagiging mahalay na ang pag-iisip niya dahil kay Luis!  "We're here, Babe." Deklara ni Luis nang ihinto nito ang sasakyan sa isang malawak na soccer field.  "Anong gagawin natin dito?" Tanong niya nang bumaba si Luis at pagbuksan siya ng pinto.  "Stargazing. Wait, may slippers diyan, baka nahihirapan ka na."  Nagpalit siya ng sapin sa paa pagkatapos ay lumabas ng ng sasakyan. Agad na sumalubong sa kanya ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap siya sa sarili.  "Here, Babe." Ipinatong ni Luis sa kanya ang coat nito pagkatapos ay kumuha ng blanket sa trunk ng sasakyan nito. Pagkatapos ay iginiya siya nito sa isang puno sa 'di kalayuan.  Inilatag ni Luis ang blanket, nauna na itong umupo pagkatapos ay tinapik ang space sa tabi nito.  Tinabihan niya ito at nang maayos na ang pagkakaupo niya ay humiga ito at hinila siya pahiga sa dibdib nito.  "Ang ganda ng mga stars..." bulong niya habang nakatingin sa langit na pinapalamutian ng mga bituin.  "Yeah, pero mas maganda ang babaeng kasama ko ngayon."  "Argh!" pabirong hinampas niya si Luis sa tiyan. Hinuli nito ang kamay niya at dinala sa mga labi nito at hinalikan.  Nilaro-laro niya ang butones ng vest nito pagkatapos ay isa-isang inalis sa mga holes. Nang hindi makuntento ay pati ang mga butones ng polo nito ay tinanggal na niya.  "Panindigan mo 'yang ginagawa mo, ah." Ani Luis kaya napatigil siya sa pagkalas ng mga butones nito.  "s**t!" Natatawa na lamang sa kanya si Luis nang isa-isang ibalik niya sa ayos ang mga butones.  "Pakasalan mo na kasi ako para matikman mo na ako."  "Hoy! Kung anu-ano ang pinagsasabi mo diyan!"  "Ayaw mo ba akong pakasalan?"  "Syempre, gusto! Hindi naman kita sasagutin kung wala akong balak na makasama ka habang buhay. Pero masyado pa atang maaga para pag-usapan natin 'yan."  "Anong maaga? Gabi na kaya."  "Bossing!"  "I'm just kidding! But one day, Babe, I'll ask you to marry me. Then you'll say 'yes' and we'll build our own big happy family."  Bahagya siyang nasamid sa huling sinabi nito. "B-Big talaga, Bossing?"  "Yes. Big, big happy family."  Parang gusto nang maiyak ni Joey sa mga sinasabi ni Luis. Ang sarap sa pakiramdam na pinaplano na nito ang future nila together. Ang sarap isipin na parte siya ng mga pangarap nito.  Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan nila. Pareho silang nakatingin lang sa mga langit at inaappreciate ang ganda ng mga ito.  "I want you to be my star, Babe." Kapagkuwan ay usal ni Luis.  "Hmm, why?"  "So when you shine, I know where you are."  "Para mo namang sinabing lagi akong nawawala."  Hindi na sumagot si Luis kaya sinilip niya kung ano ang ginagawa nito.  Seryoso itong nakatingin sa langit na tila naghihintay ng falling star.  "I love you." bulong niya kaya napasulyap si Luis sa kanya.  "I love you more, Babe. More than I can imagine." Mula sa pagkakahiga ay umupo si Luis kaya napaupo din siya. "Wait for me here." Nang tumango siya ay tumayo ito at naglakad patungo sa sasakyan.  Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makarating ito sa sasakyan, tila may kinuha lang ito pagkatapos ay naglakad na ulit pabalik sa kanya.  Muli itong umupo sa tabi niya. "Here, I have a gift for you." Iniabot nito sa kanya ang isang pahabang kahon. "Open it."  Pagbukas niya ay isa iyong white-gold necklace na may pendant na crown, sa gitna ng crown ay naka-engrave ang pangalan ni Luis.  "Since ayaw mo pang tanggapin ang last name ko, I'll give you my first name instead. Marco sana but it's my Dad and Luis naman din ang tawag mo sa'kin kaya Luis na lang. A crown because you are my Queen." Pag-explain nito sa disenyo ng necklace. "Please wear this, Babe, until you can finally accept my lastname. Happy first month anniversary, Babe."  "Awww," her heart just melted, "Thank you, Bossing." Isinuot na sa kanya ni Luis ang necklace pagkatapos ay hinalikan ang magkabilang balikat niya.  "Thank you very much, Babe. Happy first month anniversary." Ulit niya habang nakahawak sa pendat ng necklace.  Pag-angat niya ng mukha nakangiting nakatunghay sa kanya si Luis. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at marahang hinalikan ang mga labi. Agad naman itong sumagot at mas pinalalim pa ang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD