CHAPTER 15

2696 Words
MULA sa sasakyan hanggang sa makarating sila sa bahay, wala ni isa sa kanila ni Luis ang nagsalita kaya nagulat na lamang siya nang yakapin siya nito mula sa likuran.  "Anong gusto mong ulam, Babe?" Tanong nito.  "Ha?" Tanging nasambit niya dahil hindi niya inaasahan ang tanong nito.  Mabaliw-mabaliw siya sa kakaisip kung bakit bigla na lang itong nanahimik matapos malaman ang isang bahagi ng pagkatao niya, pagkatapos ay tatanungin siya nito kung anong gusto niyang ulam? Nakaka-'tangina talaga ito!  Mabilis na tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya, "Seryoso ka ba talaga sa tanong mong 'yan, ha, Marco Luis?" Nakapamewang na hinarap niya ito.  "Of course!" Tila naguguluhan pang sagot nito.  "'Tangina ka talaga, eh, 'no?! Pagkatapos mo akong i-silent treatment, pagkatapos kong mabaliw-baliw sa kakaisip kung ano ang iniisip mo, yayayakap-yakap ka ngayon tapos tatanungin mo ako kung anong gusto kong ulam?! Ako ba talaga, ginagago mong hinayupak ka?"  Bahagyang natawa si Luis sa kanya at muli siyang niyakap. "Sorry na. Nagulat lang naman ako sa nalaman 'ko. Pero okay na, na-digest ko na. Sorry for the silent treatment."  "Gago!"  "Uyy, na-bother siya. Love mo na 'ko, 'no?"  "Kapal mo! Bwiset!" Natatawa na ding sagot niya. Pero hindi pa rin siya nakakahinga nang maluwag. There's a part of her na gustong tanungin ito kung pareho pa din ang nararamdaman nito sa kanya.  "Ano ngang gusto mong ulam? Pagkatapos nating kumain, mag-uusap tayo, hmm?"  "Kahit ano lang." Kinakabahang sagot niya at bahagyang tumango.  Pinakawalan na siya ni Luis at tinungo nito ang kusina, siya naman ay umakyat na sa kwarto. Nagpalit lang siya ng damit pagkatapos ay patagilid na humiga sa kama.  Pakiramdam niya ay dumating na ang araw na kinatatakutan. Ang unti-unting paglayo ng loob ni Luis sa kanya kapag nalaman na nito ang nakaraan niya.  Parang gusto niyang umiyak kanina dahil sa biglang pananahimik ni Luis.  Nang sabihin niya dito na ex-convict siya ay natakot na siya sa naging reaksyon nito. Pero mas natatakot siya ngayon dahil nalaman na nitong mamamatay-tao siya.  Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ninamnam ang sugat ng kahapon na kailanman ay hindi na ata maghihilom pa.  Nakuha na niya lahat, pero bakit hindi pa rin siya masaya? Fifteen years na ang lumipas pero bakit sariwa pa rin ang sugat?  "Babe?" Mabilis na pinunasan niya ang luha nang marinig ang tinig ni Luis.  "Hmm?" Nagpanggap siyang inaantok at hindi ito hinarap. Naramdaman na lamang niya ang paglundo ng kama pagkatapos ay ang paghapit nito sa kanya mula sa likuran.  "I just ordered foods. Tinamad akong magluto." Anito. "Okay ka lang ba?"  "Yeah." Halos pumiyok na sagot niya.  Hindi nagsalita si Luis. Nakayakap lang ito sa kanya.  "Babe..."  "M-Mahal mo p-pa ba a-ako?" Halos pabulong na tanong niya. Naramdaman niya ang pagkislot ni Luis sa likuran niya.  "Anong klaseng tanong 'yan? Syempre naman!"  Hinarap niya ito at tinitigan sa mga mata. Gusto niyang makita sa mga mata nito ang katotohanan. "Kahit na nalaman mo na ang isang bahagi ng pagkatao ko? Kahit na mamamatay-tao ako?" Lakas-loob na tanong niya.  "Hindi mababago ng nakaraan mo ang pagmamahal ko sa'yo, Joey Abigail. Mahal kita at tatanggapin ko kahit ano pa ang nakaraan mo." Puno ng sinseridad na sagot nito kaya hindi na niya napigilan ang mahinang paghikbi.  "But I want to know, what happened that day, Babe?"  Mula sa pagkakahiga ay umupo siya sa ibabaw ng kama. Ginaya ni Luis ang ginawa niya kaya magkaharap na nakaupo sila sa ibabaw ng kama.  "It was the ninth day after Mama's burial. Iyak nang iyak si Ali habang nasa tapat ng gate. Araw-araw nandoon siya, umiiyak, waiting for Mama to come home. She's too young, hindi pa niya maintindihan na Mama's not coming back anymore. I was ten. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Tapos biglang dumating si Tito, pulang-pula 'yung mga mata niya. Para siyang lasing. Lumapit siya sa'min then he started carressing me. Akala ko kinocomfort niya ako. Pero kahit bata pa ako, alam ko na hindi normal ang paghaplos niya sa katawan ko.Takot na takot ako noon. So ang ginawa ko, kinagat ko siya at itinulak nang malakas. Dahil siguro sa sobrang kalasingan, natumba siya. I used that opportunity. Agad na binuhat ko si Ali. Pumasok kami sa kwarto nina Mama. Nagtago kami sa built-in closet. Pero nakita parin kami ni Tito. Kinuha niya sa'kin si Ali. Wala akong nagawa. Ikinulong niya ako sa kwarto. Tapos ang sunod na narinig ko na lang 'yung pagtawag sa'kin ni Ali. 'Yung paghingi niya ng saklolo." Muling tumulo ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata nang maalala kung paanong wala siya nagawa para sa kapatid.  "Hindi ko na alam kung ilang minuto ang lumipas. But it feels like forever. Basta nung hindi ko na naririnig ang boses ni Ali, saka pa lang muling bumukas 'yung pintuan. It was Uncle, lumapit siya sa'kin. He keep on saying na pagsasawaan niya ang katawan ko. Just like what he did to my mother. Doon ko lang nalaman na Mama was raped. Pinaniwala nila ako na namatay si Mama dahil sa sakit and that she was depressed dahil sa nangyari kay Papa. Takot na takot ako noon dahil sa hitsura ni Tito. Then nung nakalapit na siya sa'kin, he started carresing me. Pero nanlaban ako. I did everything para makawala sa kanya. Kinagat ko siya, kinalmot at pinagsisipa sa ari niya. Then I saw Mama's cutter na ginagamit niya kapag nananahi siya. I used that. Paulit-ulit. Sinaksak ko siya. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi ko na mabilang. Habang umiiyak ako, patuloy pa rin ako sa pagsaksak sa kanya. Kahit hindi na siya gumagalaw, patuloy pa rin ako. Tumigil lang ako nung naputol 'yung cutter. At doon ko lang din napansin na nahiwalay na pala yung braso niya sa katawan."  "Oh, my God." Tanging naibulalas ni Luis at mahigpit na niyakap siya.  "Kahit ako nagulat nung makita ko ang nagawa ko. Punong-puno ng dugo ang mga kamay ko habang hawak pa rin 'yung cutter. Doon pa lang ako natigil sa pag-iyak. It feels like my world stops. Nagmanhid ang katawan ko. Nawalan ng kulay ang paligid ko. I lost my emotions habang nakatingin sa katawan ni Tito. Kaya nung dumating si Tita Margie at magsisigaw, tulala lang ako. I heard her calling me names, pero hindi ko na pansin. Basta ang nasa isip ko noon, I killed my own Uncle pero hindi ako makaramdam ng kahit anong pagsisisi. Then, the next thing I knew, bitbit na ako ng mga pulis. Nung mapadaan kami sa isang kwarto, I saw some of the police carrying my s-sister. P-Punit-punit 'yung damit niya, at may bahid ng dugo ang katawan. Muling nagising ang diwa ko. Tumakbo ako palapit sa kanya. Doon pa lang muling tumulo ang luha ko. K-Kaya p-pala hindi ko na marinig ang boses niya. P-Patay na din pala siya." Muli siyang humagulgol. Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap ni Luis sa kanya.  "T-Tapos—"  "Shhh. Tama na, Babe. Okay na 'yon."  Bahagya siyang lumayo dito at kahit hilam ang mukha ng luha ay hinarap niya ito. "No! I want you to hear everything. Gusto kong malaman mo lahat. I want you to know everything that happened that day. Kung paanong niyurakan nila ang pagkatao ko. Kung paano nila sinira ang buhay ko. Pagod na akong sarilinin lang ang sakit. Matagal na panahon bago ako nagkalakas ng loob na magkwento, Luis." Humahagulgol na siya. Muli siyang niyakap ni Luis at naramdaman niya ang paulit-ulit na paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.  "Kahit sa psychiatrist ko ay hindi ko natatapos ang kwento dahil bigla akong inaatake ng takot ko. Sa'yo ko lang gustong sabihin ang lahat. Please hear me out. Hindi na ako pinakinggan ng mga tao noon. Pati ba naman ikaw? Hinusgahan nila ako nang hindi naririnig ang buong kwento, please, hindi ko na talaga kakayanin kung pati ikaw, husgahan ako nang hindi nalalaman ang lahat."  Hindi nagsalita si Luis at patuloy lang ito sa marahang paghaplos sa likod niya. "I believe you, Babe. Ikaw lang ang paniniwalaan ko. Lahat ng sasabihin mo, paniniwalaan ko. And I won't judge you. Kahit ako ay magagawa ang ginawa mo kung sa'kin mangyari iyon. Tama na, Babe. It's okay. Hindi ko naman na kailangan pang marinig ang lahat, pero kung iyon ang makakapagpagaan sa loob mo, I am very much willing to listen, Babe."  Tumango-tango siya at muling inalala ang lahat. Ever details of what happened that day.  "Kung anu-ano ang narinig ko sa mga taong nakaalam ng ginawa ko. They called me monster, unhuman at kung anu-ano pang mga masasakit na salita. Kahit ang mga pulis, agad akong hinusgahan. Hindi daw kasi magagawa ng isang normal na 10 years old ang nagawa ko. Gusto nila akong dalhin sa mental institution dahil nababaliw na daw ako. 'Yung iba sinasabi na nasapian ako ng demonyo. I was convicted as a murderer. Kahit na sinabi kong ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. Pati 'yung katotohanang na-rape ang kapatid ko, nawalang saysay. Kahit na lumabas na sa medico legal na nagahasa nga siya. I was ten pero nasa kulungan ako. Hindi pumayag si Tita na mapunta ako sa custody ng DSWD. Binayaran niya ang mga lahat ng mga pulis. Lahat ng karapatan ko niyurakan nila. Kung hindi pa dumating si Tito Angel, hindi ko na alam kung nasaan ako ngayon o kung buhay pa ba ako."  "Damn this rotten justice system!" Dinig niyang usal ni Luis. "How's your life after that, Babe?"  "Tito Angel sent me to New York. Doon ako nagsimulang muli. Pero hindi naging madali. Mahirap. Sobrang hirap. Matagal bago ako nakacope-up. May psychiatrist na tumutulong sa'kin pero may mga pagkakataon talaga na hindi ako nakakapagpigil lalo na kapag natitrigger 'yung phobia ko. You see, I go berseck kapag naririnig ko ang mga words na binitiwan ni Tito noon. Kahit hindi sila directly para sa'kin, natitrigger n'on ang phobia ko. Sinubukan kong pumasok sa isang normal na University pero hindi lang iilang beses akong nireklamo dahil kapag may humawak sa'kin ay binubugbog ko sila. Hanggang sa inilipat ako ng University. Doon ko nakilala ang kaibigan ni Tito Angel na head ng UP noon. They help me used my experiences for my advantage. Hanggang sa unti-unti, natututunan ko ng kontrolin ang sarili ko."  "You are the strongest woman I've ever known, baby. I am so proud of you."  "Mahal mo pa rin ba ako?"  "Mahal na mahal na mahal kita, Joey Abigail. Kahit si Abi ka pa, si Joey, o kung sino pa man, you will always be my Abigail and I will love you no matter what."  -  "SANDALI lang, Bossing," BAGO pa sila makapasok sa isang malaking gate ay pinahinto na niya si Luis. "Sigurado ka ba na ayos lang na ganito ang suot ko?"  She's wearing a black shirt, black jeans and black boots. Habang ito ay nakasuot ng long-sleeves polo na naka-tuck in sa khaki pants nito.  "Of course. Babe, it's just a concert. Kahit ano ay pwedeng isuot."  "Eh, malay ko ba kung anong klaseng concert 'di ba? Tapos tignan mo sila, naka-dress pa!" Aniya at itinuro ang ilan sa mga kasabayan nila sa pagpasok.  "Trust me, Babe, you're beautiful with what you are wearing. Wala nga silang sinabi sa'yo, oh."  "Bolero! Tara na nga!" Natatawang sumunod na lang ito sa kanya.  Nang makarating sila sa malawak na garden kung saan gaganapin ang concert ay agad na inestima sila ng mga staff ng foundation. Pinakilala siya ni Luis sa mga ito at sa iba pang mga malalaking tao na nandoon sa event.  Naupo sila sa presidential table na nakahanda para sa mga sponsors ng Foundation. Habang nakikipagkamustahan si Luis sa mga kakilala nito ay inilibot niya ang tingin sa paligid. May nagpeperform na mga kababaihan sa makeshift stage habang ang mga nasa grounds naman ay mga kababaihan din na sa nasa edad 16 pataas. Pare-parehong nakasuot ng kulay pink na damit na may nakasulat na 'survivor'.  Gusto sana niyang tanungin si Luis tungkol sa Foundation ngunit busy pa ito sa mga kausap kaya pinanood na lamang niya ang mga performance. Nang matapos mag-perform ang mga ito ay pumanhik sa stage ang emcee at pormal na sinimulan ang programa. Nagpasalamat ito sa lahat ng mga sponsors at doon niya nalaman na mga abused women pala ang mga tinutulungan ng Foundation. Tinawag na ang mga banda at mga sikat na personalidad na inimbitahan para sa benefit concert. Nang tumugtog na ang mga ito ay nagsimula nang mag-ingay ang crowd.  Niyaya siya ni Luis na makisali sa crowd, nagtungo sila sa gitna at inenjoy ang mga awitin na inihanda para sa mga abused women. Magkatabi lang sila ni Luis at kung alam nila ang kanta ay nakikisabay din sila.  Nang nasa kalagitnaan na ng concert, nagbigay ng touching message ang lead vocalist ng banda. She could hear the sniffing sounds of everyone. Maging siya ay hindi mapigilan ang emosyon dahil sa sinseridad ng boses nito.  "This one is for all of you." Nagsimula na ulit tumugtog ang banda.  When you try your best but you don't succeed  When you get what you want but not what you need  She felt goosebumps all over her body nang sabayan ng crowd ang singer. Damang-dama niya ang emosyon sa buong paligid.  When you feel so tired but you can't sleep  Stuck in reverse  When the tears come streaming down your face  'Cause you lose something you can't replace  When you love someone but it goes to waste  What could be worse?  "Let's go altogether for that," anang vocalist and everyone throw their hands up in the air.  Lights will guide you home. And ignite your bones. And I will try to fix you.  Hindi na niya napigilang mapaluha. Pakiramdam niya ay para sa kanya ang kanta. Pasimple niyang pinunasan ang luha ngunit nagulat na lamang siya nang pigilan ni Luis ang kamay niya at ito na mismo ang nagpunas niyon.  Yumakap si Luis sa kanya mula sa likuran. Ipinatong nito ang baba sa balikat niya at pabulong na sinasabayan ang kanta habang dahan-dahan na nag-i-sway ang katawan nila.  And High up above or down below  When you're too in love to let it go  But if you never try you'll never know  Just what you're worth  Lights will guide you home  And ignite your bones  "Babe," Nagsalita ito sa tapat ng tenga niya. "Alam ko na hindi ka pa totally healed, kahit sinasabi mo na okay kana, alam ko na hanggang ngayon, dala-dala mo pa rin 'yung takot sa puso mo. Let me in, Babe. Let me heal you. Let me fix you. Be my girlfriend."  Hinarap niya si Luis at pinakatitigan ito sa mga mata. Pagkatapos ay nakangiting tumango. "Let us fix each other, Luis." Sagot niya.  Kasabay ng pagsabog ng mga confetti sa paligid nila, mariing hinalikan siya ni Luis sa mga labi. Maingay ang paligid nila pero dinig na dinig niya ang pagbulong nito sa kanyang tenga ng mga katagang kahit kailan ata ay hinding-hindi niya pagsasawaang marinig mula dito.  "I love you, Babe."  Tears stream down your face  When you lose something you cannot replace  Tears stream down your face and I  Tears stream down your face  I promise you I will learn from my mistakes  Tears stream down your face and I  Parang gusto niyang malula sa sobrang taas ng pedestal na pinagtuntungan nito sa kanya at gusto din naman niyang malunod sa pagmamahal na ipinapakita at ipinadadama nito. Nakakalunod, pero ayaw niyang umahon. Nakakalula but it feels like heaven. After everything that happened in her life, hindi na siya umasa na makakaramdam pa siya nang ganoong klaseng saya.  Siguro nga, itinadhana na magsalubong ang landas nila. Itinadhana na magkakilala sila, itinadhana na mahulog ang loob nila sa isa't-isa. Itinadhana ang lahat ng mga nangyari sa buhay nila, hindi lang para magkaintindihan sila, kundi para ayusin nila ang isa't-isa.  Siguro nga tama si Arthur. Ibinagay ng Diyos sa kanya si Luis para punan ang pagmamahal na matagal na ipinagkait sa kanya. Na si Luis ang sagot ng Diyos sa lahat ng mga panalangin niya noon. Lights will guide you home  And ignites your bone  And I will try to fix you  "I love you, too, Luis." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD