CHAPTER 14

2454 Words
ITINIGIL ni Joey ang pagtutupi ng mga damit nila Luis dahil sa pakiramdam na may nakatitig sa kanya. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakatayo sa may hamba ng kusina si Luis at tila wala sa sarili na nakatitig sa kanya. "Hoy! Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Baka gusto mo akong tulungan?" Tila nagulat naman si Luis sa pagsigaw niya kaya bumalik ito sa tamang huwisyo. Umiiling na lumapit ito sa kanya. "Problema mo?" Tanong niya nang makaupo na ito sa tabi niya. "Sino 'yung tumawag?" Ininguso pa niya ang cellphone nito na kakapatong lang sa lamesa. "Si Princess lang." Sagot nito. "Si Princess lang pero kailangan mo pang lumayo? Ganoon ba ka-confidential ang pinag-usapan niyo? Psh!" Padabog na ipinagpatuloy niya ang pagtutupi ng mga damit. "Selos ka?" Nakangising tanong ni Luis.  "Why should I? Gago!" Inis na bulyaw niya. Nagulat na lamang siya nang biglang dumukwang si Luis at halikan siya sa mga labi.  Bago pa siya makakilos para sapakin ito ay agad na nakabalik na ito sa pwesto. "Bawal kang magmura, 'di ba?" "Argh! Itupi mo na 'yang mga briefs at boxers mo!" Naiinis na bulyaw niya. "Ayoko nga. Itong mga panty mo ang gusto kong itupi." Anito.  Bago pa niya mahablot ang mga panties ay agad na nailayo na nito ang mga 'yon. "Ibigay mo sa'kin 'yan!" "Ayaw." "Isa!" "Dalawa." "Para kang bata, Marco Luis!" "Baby pa naman ako. Padede nga." "Manyak ka talaga! Siraulo!" Naiinis na hinayaan na lamang niya ito. Nang matapos siya sa ginagawa, iniakyat na niya ang mga iyon at isinalansan sa mga closet. Pagbalik niya sa sala ay hindi pa rin tapos si Luis sa pagtutupi ng mga boxers nito.  Iilang piraso lang ang mga iyon at mukhang dinadasalan pa nito isa-isa kaya hindi ito matapos-tapos. "Akin na nga ang mga 'yan!" Hinablot niya kay Luis ang mga boxers nito at siya na ang nagtupi. Ilang minuto lang ay natapos siya. "Ako na din maglalagay sa damitan mo, nakakahiya naman sa'yo." "Thanks, babe." Nakangising pagpapasalamat nito. Nagdadabog na tinungo niya ang hagdanan Nang nasa gitna na siya ng hagdan, narinig niya ang pag-a-I love you nito sa kanya. Naiiling na napangiti na lamang siya. Gago talaga ito. Pagkatapos siyang inisin ay pinapakilig naman siya nito. NAPAPANSIN ni Joey na hindi mapakali si Luis. Nanonood sila ng tv at hindi siya makapag-concentrate sa palabas dahil sa paglilikot nito. Nakasandal kasi siya dito kaya konting galaw lang nito ay nararamdam niya. "What is it?" Hindi nakatiis na tanong niya. "Huh?" "Kanina ka pa hindi mapakali diyan." "'Di ba tumawag si Princess?" "Oh? Tapos?" "She informed me about the event na inorganized ng sinusuportahan kong foundation." "Ahhh. Oh, anong problema? Hmm?" "May benefit concert kasi, pwede mo ba akong samahan?" Tila nanantiyang tanong nito. Gusto niyang matawa sa tanong nito. "As your bodyguard or as your date?" "Huh?" "Are you asking me to be your date or you want me to accompany you as your bodyguard?" "Of course, as my date!" "Then, repeat the question again. Ayusin mo." "Will you be my date for the benefit concert?" Napansin niyang namumula si Luis. "Hmm? Pag-iisipan ko." Kunwaring sagot niya dahil alam niyang nahihiya ito. "Babe!" Mas lalong namula si Luis at mukhang hindi na iyon dahil sa nahihiya ito. "Oo na." Natatawang sagot niya. "Bakit ka nahihiyang magtanong, Bossing? Saan napunta ang kapal ng mukha mo?" Parang babaeng umirap ito sa kanya. "Lagi mo kaya akong tine-turn down. Tsk." Kahit anong pigil ay hindi niya naiwasang humagalpak ng tawa. Naiinis tuloy na niyakap siya ni Luis at nanggigigil na kinagat-kagat ang gilid ng leeg niya. "Nakakainis ka. Pinagtatawanan mo pa ako." Anito pagkatapos ay itinuloy ang ginagawa. "Aray. Bossing masakit, ano ba." Natatawang pigil niya dito. Tumigil naman agad si Luis pero nakayakap pa rin ito sa kanya. "I love you. I love you. I love you. I love you." Paulit-ulit na kinintalan nito ng halik ang leeg niya. Nagsiliparan ang mga paru-paro sa tiyan niya. Gusto tuloy niyang maglupasay sa sahig dahil sa kilig. Parang kinikiliti ang puso niya.  Wala na. Uwian na. May nanalo na. Mukhang kailangan na talaga niyang tanggapin na kahit hindi niya ginusto ay mahal na din niya si Luis. TINUTULUNGAN ni Joey si Luis sa pag-aayos at paghahanda ng mga papeles na dadalhin nito para sa meeting nito kinabukasan. Maayos na nakasalansan na kasi ang mga iyon pero dahil na-bore siya ay nakibasa-basa na din siya sa mga papeles kaya nagkandahalo-halo na ang mga iyon.  Nang matapos sila sa pag-aayos ay naupo siya sa tapat ni Luis at kinuha ang folder na naglalaman ng files ng mga ari-arian ng mga magulang niya na nabawi na ni Arthur sa Tita niya.  "Oh, baka ikalat mo na naman 'yan, ha?" Dinig niyang sabi ni Luis ngunit hindi niya ito pinansin.  Binasa niya ang laman ng mga iyon, ngunit panaka-naka'y napapatulala siya.  "Problem, babe?" Napatingin siya kay Luis na seryosong nakatingin sa kanya.  Bahagya siyang umiling pagkatapos ay ipinagpatuloy ang pagbabasa kahit na hindi naman talaga niya maintindihan ang binabasa dahil lumilipad ang isip niya.  "I know something's bothering you. Kanina pa ako nakatingin sa'yo at kung hindi malalim 'yang iniisip mo, kanina mo pa dapat ako sinisigawan."  "Ayaw mo ba 'yun? Hindi kita sinisigawan?"  "As much as I want to, Babe, alam ko na hindi normal 'yun sa'yo. May megaphone kaya diyan sa ngala-ngala mo." Anito.  Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito. "Baliw ka talaga!"  Tumayo ito at lumipat sa tabi niya. "Nahihiya ka bang magsabi?"  "Of course not!"  "Eh, ano nga ang problema?"  "Wala nga."  "Alam kong meron, Babe. C'mon, you can tell me everything." Pangungulit nito.  "I was just wondering... hanggang saan ang nakwento sa'yo ni Arthur?"  Kumunot ang noo ni Luis.  "You know, about my past."  "Ahh, 'yung mga nangyari lang sa family mo."  "What exactly?"  "Babe, are you sure na gusto mong pag-usapan natin 'yon?" Nag-aalangang tanong ni Luis.  "Yes. I need to know kung hanggang saan ang alam mo."  "Alright. Naikwento sa'kin ni Arthur na namatay ang Papa mo dahil sa isang aksidente. Pero pagkatapos ng ilang buwan, nalaman ng Mama mo na pinlano iyon." Huminto si Luis sa pagsasalita at humawak sa mga kamay niyang nakakuyom.  "Continue, please." Aniya pero umiling lang si Luis.  "Babe..."  "Continue, Bossing. Let's see kung hanggang saan ang alam mo sa pagkatao ko. Kung hanggang saan ang alam mo sa nakaraan ko."  "Babe, it doesn't matter. Nakalipas na 'yon. What's important is—"  "Ituloy mo ang kwento. Saka mo na sabihin ang mga 'yan kapag alam mo na ang buong pagkatao ko."  Napabuntong-hininga na lang si Luis at ipinagpatuloy ang pagkukwento ng mga nalaman nito mula kay Arthur.  "Your Mom confronted your Uncle, but she end up being raped and murdered. Your sister was raped too by your own Uncle at m-muntikan ka na din ma--r-rape kung h-hindi ka lang nakalaban."  Sumisikip ang dibdib niya sa mga naririnig. Pero kailangan niyang gawin 'yon. Kailangan niyang malaman kung hanggang saan ang alam nito. At para na rin masubukan niya ang sarili niya.  "Ano pa?"  Umiling si Luis. "'Yun lang. 'Yun lang ang sinabi ni Arthur. May mga dapat pa ba akong malaman?" Tanong nito.  "Madami pa, Luis." Mapait ang ngiting sagot niya.  "Kapag ba nagtanong ako, sasagutin mo?"  "Depends. Alright, I give you five minutes. Ano ba ang gusto mong itanong?"  "After everything that happened in your family, saan ka napunta? I mean, what happened to you? Paano ka nabuhay mag-isa?"  "Art's father adopted me, not legally though, but he sent me to New York, bought a house for me, sent me to a nice school and provided everything for me." Diretsang sagot niya.  "Are you a member of the secret organization where Art belongs to?"  Marahan siyang tumango. "Yeah."  "So, you're a part of UP, too. Art's an ex-cop. What about you?" Nagulat siyang alam nito ang tungkol sa UP pero hindi siya nagpahalata.  "Ex-Convict." Sagot niya. Deretso ang tingin sa mga mata nito.  Hindi kaagad nakahuma si Luis. Napansin niya ang pagbukas-sara ng bibig nito. Tila hindi nito mahaluhap ang sasabihin.  Tumingin siya sa suot na relong pambisig. "Time's up." Aniya at iniwanan itong nakatulala.  PRENTENG nanonood si Joey sa pirmahang nagaganap sa pagitan ni Arthur at Tita Margie niya. Kasama ni Arthur si Luis habang kasama naman ng Tita Margie niya ang anak nito at isang abogado. Nasa kabilang silid lamang siya. Nakikita at naririnig niya ang lahat ng mga nangyayari dahil sa mga built-in mic at one way mirror na naka-install sa conference room ng opisina ni Arthur. Finally! Nakuha na din niya lahat ng mga ari-arian nila. At dahil iyon sa tulong ni Arthur na siyang kumilos para sa kanya. Gusto niyang pumalakpak. Gusto niyang magsaya. Pero kailangan pa niyang makaharap ang mga ito para maipamukha niyang buhay na buhay siya at siya ang may karapatan sa lahat ng mga tinatamasa ng mga ito.  Nangangati na ang mga paa niyang lumabas sa silid na kinalalagyan. Nasasabik na siyang makita ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nagpakilala na siya. Nang matapos ang pirmahan, nagpaalam na ang abogadong kasama ng mga ito. Narinig niya na gustong makilala ng Tita Margie niya ang taong nakabili sa sa kumpanya. Gusto niyang mapahalakhak. Kung hindi ba naman ito isa't kalahating tanga, nauna pa ang pagpirma bago kilalanin ang nakabili ng kumpanya. Mula sa one way mirror ay nakita niya ang pagsenyas ni Arthur. That's her cue. Inayos niya ang sarili at taas noong lumabas ng silid. "Hello, Tita Margie! Hi, Marga!" Masiglang bati niya sa mga ito habang may ngiti sa mga labi na hindi niya alam kung saan niya hinugot.  Hindi talaga siya binibigo ng acting talent niya. Kitang-kita niya kung paano kumunot ang noo ng Tita at pinsan niya. Nang tumabi siya kay Luis ay nakita niya pagtikwas ng kilay ni Marga. "Parang gusto kong masaktan na hindi niyo ako nakikilala." Madramang usal niya at itinapat ang kamay sa puso habang umiiling-iling. Hinarap niya sina Luis at Arthur, "Mr. Sy, Mr. Acosta, hindi niyo ba ako ipapakilala kina Mrs. Salazar at Ms. Salazar?" "Oh, my bad," Ani Arthur at ipinakilala siya. "Mrs. Salazar and Ms. Salazar, I want you to meet the new owner of the Salazar Holdings, Ms. Joey Abigail Salazar." Nanlaki ang mga mata ng Tita Margie niya. Nakita pa niya ang bahagyang pagbuway ng pagkakatayo nito. Mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ito ni Marga na nasa mukha din ang pagkagulat. "A-Abi?!" Bulalas ng Tita niya habang sapo ang dibdib nito. "The one and only." Nakangiting sagot niya at nagtaas ng noo nang bumalasik ang mukha ng Tita niya. "You! Ikaw ang nakabili ng kumpanya?! Hayop ka! Napakasama mo! Sinadya mo ba 'to, ha?!" Nanggagalaiting tanong ng Tita niya. "Mabait pa nga ako sa lagay na 'to. Dahil kung kasing sama niyo lang ako, sisiguraduhin ko na ni singkong duling, hindi niyo mapapakinabangan sa kumpanyang pag-aari ng mga magulang ko!" "Nasisiguro kong pinagplanuhan mo ito! Ginipit mo kami! Ikaw ang may pakana kung bakit naghihirap kami!" Bulyaw ng Tita Margie niya. Lalapit na sana ito sa kanya ngunit dalawa ang pumuprotekta sa kanya. Kahit hindi niya kailangan ay alam niyang hindi hahayaan nina Luis at Arthur na masaling ng mga ito kahit ang dulo ng daliri niya. Parang nagpantig ang tenga niya sa sinabi nito. "Aba! Teka lang, ha? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon na naghihirap kayo? Ipapaalala ko lang, ha? Ang tagal na nasa inyo ang kumpanya. Ang tagal niyong nagpakasasa sa kayamanan ng pamilya ko, hindi ko na kasalanan na tatanga-tanga kayo at hindi kayo marunong humawak ng negosyo!" "Dapat nabulok kana lang sa kulungan! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang Daddy ko! Hayop ka! Wala kang kasing sama! Sa impyerno ka nababagay!" Lahat sila ay napatigil dahil sa sinabi ni Marga. Napasulyap siya kay Luis na mukhang gulat na gulat sa narinig. Hindi niya alam pero bigla siyang na-bother sa naging reaksyon nito. Nagtatagis ang kalooban na hinarap niya si Marga. "Dapat lang sa kanya 'yon dahil rapist ang tatay mo! Kulang pa ang ginawa ko sa kanya! Kulang na kulang pa sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa nanay at kapatid ko!" Ganting bulyaw niya. Gustong-gusto niyang saktan ito dahil sa sinabi nito. Nanggigigil siya. Ngunit pinigipigilan niya ang sarili dahil baka kapag dumapo ang kamay niya dito ay baka kung ano pa ang magawa niya. "Hindi! Hindi totoo 'yan! Sinungaling ka! Gawa-gawa mo lang 'yan! Baliw ka! Huwag kang maniwala sa kanya, anak. Nababaliw na ang babaeng 'yan." Anang Tita Margie niya. "Ha! Ako pa talaga ang baliw ngayon? Ikaw ang baliw dahil hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap na rapist ang asawa mo. Kitang-kita mo ang mga ebidensiya noon, 'di ba? Alam mo ang totoong nangyari, pero anong ginawa mo? Nagbulag-bulagan ka? Kasi ano? Mahal na mahal mo ang asawa mong harap-harapan kang niloloko!" Aniya dahil kahit bata pa siya noon, alam niyang nambabae ang Tito Jonas niya. Bahagya siya napaurong nang umastang sasampalin siya ng Tita Margie niya. Ngunit nagulat na lang siya nang makitang hawak ni Luis ang braso nito.  "Subukan mo, para ni singkong duling ay wala kayong makuha." Matatag na banta ni Luis bago padaskol na binitawan ang braso ng Tita Margie niya. "Bakit nagpakita ka pa dito?! Napakademonyo mo! Bumalik ka na sa impyernong pinanggalingan mo!" Si Marga na naka-alalay sa Mommy nito. "Ay, nagsalita ang Santa. Don't worry, Dear, kung babalik man ako sa impyernong pinanggalingan ko, sisiguraduhin ko na magkikita-kita ulit tayo." Nakangising sagot niya kay Marga. "At kung sakali mang mauna akong makabalik sa inyo, huwag kang mag-alala, ikakamusta ko kayo sa tatay mong kanang kamay ni Satanas!" Litanya niya habang taas noong nakatingin sa mga ito. Sasagot pa sana ito pero naunahan ito ni Arthur. "Tama na 'yan. Maluwag ang pintuan, maari na kayong lumabas." Ani Arthur at itunuro pa ang pinto. Dinuro-duro silang tatlo ng Tita Margie niya, "Mga hayop kayo! Pagsisisihan niyo 'to!" Anito at lumabas na ng conference room kasama si Marga. "Well, I didn't expect this to end just like that. That was so childish and uncool." Aniya. "Alam mo pala ang salitang childish and uncool," Sarkastikong sagot ni Arthur. "Alin ang mas childish at uncool, ito ba o ang mga pinaggagagawa mo noon?"  Sinamaan niya ng tingin si Arthur pero ininguso lang nito si Luis na tahimik pa rin. Pagkatapos ay nagpaalam na ito dahil susunduin pa daw nito si Almira. Nang sila na lang dalawa ni Luis ay hindi niya malaman kung paano ito kakausapin. Nakatingin lang kasi ito sa sahig at mukhang malalim ang iniisip. "B-Bossing..." Sinubukan niyang hawakan ang braso nito pero dumampi pa lang ang kamay niya ay pumiksi na ito. "Let's go home." Walang sulyap na yaya nito at nauna ng lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD