"I'm sorry, I can't"
Parang sinasaksak ng libo-libong patalim ang puso ni Joey nang maramdaman ang mas lalong paghigpit nang pagkakayakap ni Luis sa mga binti niya. At kasabay nang pagyugyog ng balikat ni Luis ay pag-agos nang masaganang luha niya.
Alam niyang nasasaktan niya si Luis, but it hurts her even more. Dahil aminin man niya o hindi, alam niya na unti-unti na din niyang minamahal si Luis. Hindi niya alam kung paano nangyari, hindi niya alam kung paano at kung kailan nagsimula. Basta ang alam niya, nagawa na nitong bumuo ng sariling tahanan sa puso niya.
Hindi niya ito papatulan sa mga kalokohan nito kung wala lang ito sa kanya. Hindi niya sasabayan ang trip nito kung wala siyang pakielam sa nararamdaman nito. Hindi pa lang talaga iyon ang tamang panahon para sa kanila. Wrong timing.
Everything about them is wrong timing.
Sana ay hindi na muna niya ito nakilala. Sana nagtagpo na lamang ang mga landas nila kapag buo na ulit ang pagkatao niya.
If only she could turn back the time. But of course, kahit anong gawin niya, hinding-hindi na niya mababago ang nakalipas na. Hindi na niya pwedeng baguhin ang mga nangyari na.
"Luis..." Pilit niyang binabaklas ang pagkakayakap nito sa kanya ngunit sadyang mahigpit iyon. Konting-konti na lang ay mawawalan na siya ng balanse sa pagkakatayo. "Bossing... listen to me, please?" Sinubukan niyang i-angat ang mukha nito ngunit paulit-ulit na umiling lang ito.
"Wa-Why? Bakit hindi ka pwedeng mag-stay sa tabi ko?"
"Dahil natatakot ako! Natatakot ako na baka hindi mo matanggap ang nakaraan ko." Umiiyak na pag-amin niya.
"I-If I stay... If I stay here with you... would you accept my past? K-Kapag hindi na ako yung Abigail na kilala mo... kapag hindi na ako yung Abigail na malakas, mamahalin mo pa rin ba ako?"
Unti-unting nag-angat ng mukha si Luis. Nagtagpo ang mga mata nilang parehong hilam sa mga luha.
"W-What do you mean?" nagtatakang tanong nito pero hindi maikakala ang kislap ng pag-asa sa mga mata nito.
"I have a f****d up life, Luis. There are things in my past that keeps on haunting me. Yes, they made me stronger but at some point, they become my weakness, too. Hindi ako kasing lakas katulad ng iniisip mo. May mga sugat ako mula sa kahapon na hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom. Ang Abigail na nakilala mo, yung malakas, yung laging nakasigaw sa'yo, isang bahagi lang ng pagkatao ko 'yon. Hindi mo pa nakikilala si A-Abi... Si Abi na mahina. Si Abi na umiiyak sa gabi kapag mag-isa na lang. Si Abi na paulit-ulit dinadalaw nang masamang kahapon. Si Abi na..."
"Sa tingin mo ba, ganoon lang kababaw ang pagmamahal ko sa'yo? Na hindi na kita mamahalin kapag nalaman ko ang mga kahinaan mo? Sa palagay mo ba ang pagiging malakas mo lang ang minahal ko sa'yo? Nobody's perfect, Abigail. Alam ko na may kahinaan ka. Alam ko na may mga secrets ka. Marami pa akong hindi alam sa'yo and it might break my heart kapag isa-isa ko ng nadidiskubre ang iba pang bahagi ng pagkatao mo. But it won't stop me from loving you."
"No, nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka pang alam."
"I know everything, Abigail. Alam ko kung ano ang nangyari sa'yo fifteen years ago. "
Nanlaki ang mga mata niya. Naramdaman niya ang panginginig ng kalamnan. "P-Paanong...." Nangatal ang bibig niya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya dahil sa biglaang pagkabog nang mabilis ng kanyang dibdib.
"Alam ko ang mga nangyari sa'yo fifteen years ago. Pero sa kabila ng mga nalaman ko, wala ni katiting ang nabawas sa pagmamahal ko sa'yo. Bagkus ay mas lalo kitang minahal. Mas lalo kitang hinangaan. Mas lalong tumaas ang tingin ko sa'yo. Alam mo bang nakakapanliit ka? You have everything that can torn a man's ego."
Mapait na ngumiti si Luis. "Pilit kong ipinapasok sa isip ko na I should stop dahil sasaktan mo lang ako. Hindi mo naman kasi ako kailangan. Kaya mo ngang mabuhay mag-isa. Kaya mong protektahan ang sarili mo. Hindi mo kailangan ng lalaki sa buhay mo. At mas lalong hindi mo kailangan ang isang tulad ko."
Muling tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Luis.
"Alam ko namang paulit-ulit mo lang dudurugin ang puso ko. Pero tangina, Abigail! Kahit anong gawin ko, kahit anong pilit kong kalimutan ka na lang, mahal pa rin talaga kita. Tangina! mahal na mahal kita, Abigail."
"B-Bossing..."
"Sa'kin kana lang, Abigail. Pangako, hindi kita sasaktan. Kahit hindi mo ako mahalin pabalik, basta sa'kin ka lang. Ayos na ayos na 'ko."
"I can't promise you anything, bossing. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong ibigay. Hindi ko alam kung hanggang kailan. But for now, I'll stay. I'll stay here with you."
"Talaga?" Nagliwanang ang mukha ni Luis. Nang tumango siya ay sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito. Pagkatapos ay mabilis itong tumayo at hinalikan siya nang mariin sa mga labi.
"'Yun lang ang gusto kong marinig, Abigail. Now, it's my job to do everything and anything to make you stay here with me forever."
-
"Where are you going?" Napasulyap si kay Luis nang bigla na lang itong magsalita. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan. Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Bahagya siyang natawa dahil sa hitsura nito. "Gagantihan ko lang si Arthur." Sagot niya sa tanong nito. Nakita niya ang pag-aalinlangan nito kaya nangingiting hinila niya ang kamay nito at niyakap ito nang mahigpit. "Babalik din ako kaagad. Mabilis lang 'to. Isang sapak lang, promise." Natatawang bulong niya.
Malalim na bumuntong-hininga si Luis at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Hindi ba ako pwedeng sumama? I promise, I won't interfere."
Marahan na inilayo niya ang katawan dito. "Hmm? Pag-iisipan ko." Umakto siya na nag-iisip. Pinipigilan niya ang pagngiti dahil sa nakakatawang hitsura ni Luis. Para itong bata na may pag-aasam sa mukha habang hinihintay ang desisyon niya.
"Sige na nga!" Bulalalas niya.
Ngumisi nang pagkalapad-lapad si Luis at napasuntok pa sa hangin. Napapailing na lang siya dahil parang bata na naman kung umasta ito.
Nang makalabas sila, nag-unahan pa sila patungo sa driver seat ng kotse.
"Ako ang magdadrive!" Sabay na bulalas nila. Napatigil sila saglit pagkatapos ay nagtawanan.
"Sige na nga! Baka umiyak ka pa diyan." Pagpaparaya niya at lumipat sa kabilang panig, nang akmang bubuksan na niya ang pintuan ng passenger seat, nagulat siya nang maunahan siya ni Luis. Binuksan nito ang pintuan at inalalayan siya sa pagpasok.
"T-Thanks!" Nahihiyang usal niya.
Nang makapasok na ito ay napansin niya ang pagpipigil nito ng ngiti. Susulyap ito sa kanya pagkatapos ay napapailing.
"Gago ka talaga!" Hinampas niya ito sa balikat at sinimangutan ito.
"Sinabi ko na kasi sa'yo na masanay ka na. Ang cute mong mag-blush, babe."
"Stop it! Sasapakin na talaga kita, bwisit ka." Aniya pero nagpatuloy lang ito sa pagngiti-ngiti nito. "Nababaliw kana talaga." Bulong niya at itinutok ang atensyon sa labas ng bintana.
Napaigtad siya nang kunin ni Luis ang kamay niya at marahang pisilin iyon. Sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit mas hinigpitan nito ang pagkakahawak.
"Hey, you're driving." Sita niya kay Luis dahil nagiging clingy na naman ito.
"So?" Sagot nito habang ang mga mata ay tutok na tutok sa daan.
Napapailing na lamang siya at hinayaan na ang trip nito kahit na naiilang siya. She's not into mushy things na mukhang trip na trip naman ni Luis.
Pagdating nila sa bahay ni Arthur, sakto namang pasakay ito sa sasakyan, mabilis na nilapitan niya ito at sinakal gamit ang mga braso niya. Mabilis ang mga kilos nito para kumawala sa kanya pero bago pa nito magawa ang kung ano mang balak nito ay nagsalita na siya.
"Gago ka, Arthur!" Napatigil si Arthur.
"What the f**k, Joey! Muntik na kitang ibalibag!" Bulyaw nito sa kanya at maingat na tinanggal ang mga braso niya sa leeg nito.
"Huwag mo akong ma what the f**k, what the f**k diyan at baka i-pako kita sa krus, tarantado ka!"
"Anong problema mo?!" Inis na muling bulyaw ni Arthur at inayos ang polo na nagusot.
"Huwag magmaang-maangan, Arthur. Alam mo kung bakit ako nandito, isa kang taksil! Bakit mo ipinagkanulo ang bahay ko? Nababaliw kana ba?! Humanda ka sa'kin, gaganti ako. At sinisigurado ko na hindi mo magugustuhan!" Aniya at tinalikuran na ito. Mabilis na bumalik siya sa kotse at sinabihan si Luis na magdrive patungo sa workplace ni Almira.
"Gaganti ka talaga?" Tanong ni Luis sa kanya.
"Oo. Ang gagong 'yon!" Nakaismid na sagot niya.
"Huwag na. Okay na din naman tayo."
"Ah, basta! Humanda sakin ang hinayupak na 'yon."
"Anong plano mo?"
"Secret." Natatawang sagot niya.
-
"Almira!" Kunwari'y gulat na bulalas ni Joey nang magkita sila ni Almira.
"Joey girl! Bakit gulat na gulat ka?" Natatawang tanong nito bago siya nilapitan at bineso.
"K-Kung nandito ka, sino ang kasama ni Arthur?" Kunwari ay naguguluhang tanong niya.
"Huh? Anong kasama? Kate-text lang sa'kin ni Art, he's in his office." Iwinagayway pa ni Almira ang cellphone nito.
"P-Pero..." Sinadya niyang putulin ang sasabihin para magtaka si Almira.
"Hey, what is it? Joey girl, ha? Kinakabahan ako sa'yo!"
"Babe, stop it. Almira, don't listen to her, nanti-trip—" pinanlakihan niya ng mata si Luis dahil sa pagsabat nito sa pag-acting niya.
"Huwag mo na ngang pagtakpan ang kaibigan mo." May pagbabanta sa tinig na bulong niya kay Luis na sinadya niyang iparinig kay Almira. Sumusukong napabuntong-hininga na lamang si Luis.
"Hey, anong meron? Anong pinagtatakpan? Ano ba talagang nangyayari?" Naguguluhan ng tanong ni Almira.
"Si Arthur kasi, nakita ko na may kasamang babae. Akala ko nga ikaw kasi ang sweet nila." Dire-diretsong sagot niya.
Nakita niya ang pamumutla ng mukha ni Almira kasabay ng pamumuo ng mga luha sa mata nito.
"Babe, nababaliw kana ba?!" Mariin na bulong ni Luis sa tapat ng tenga niya.
Hindi niya ito pinansin dahil tutok ang mga mata niya kay Almira na hindi magkandaugaga sa pagtipa sa cellphone ito.
"Where are you?!.... Gago ka! Sinungaling!.... Nagmamaang-maangan ka pa! Sinabi ni Joey sa'kin na nakita ka niya na may kasamang ibang babae!..... No, you listen! I hate you, Arthur! I so f*****g hate you! ...... Break na tayo, bwisit ka!"
Gustong mapangisi ni Joey habang nakikinig sa pakikipag-usap ni Almira kay Arthur habang si Luis naman ay hindi malaman kung paano pakakalmahin si Almira.
Ilang saglit lang ay tumutunog na ang cellphone niya. Si Arthur ang tumatawag.
Sinagot niya iyon at ni-loudspeaker.
"WHAT THE f**k, JOEY ABIGAIL SALAZAR! ANONG SINABI MO SA GIRLFRIEND KO?!"
"Well, gumanti lang ako. Binalaan naman kita, 'di ba? Actually, kasama ko ngayon si Almira at paniwalang-paniwala siya sa sinabi ko."
Napatigil sa paghikbi si Almira at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanya at sa cellphone na hawak niya. Nakangiwing nag-peace sign siya dito.
"Nababaliw ka na talaga, Joey! Titirisin talaga kita kapag nakita kita!" Pinatayan na siya ni Arthur.
"Gawa-gawa mo lang 'yon?" Si Almira.
"Hehe, sorry, nadamay ka. 'Yung siraulong boyfriend mo kasi, ang pakielamero."
"So, he's not cheating on me?" Paninigurado pa ni Almira. Tila disappointed pa ito.
Hmm. Sa tingin niya ay magka-away na naman ito at si Arthur bago pa niya gawin ang planong paghihiganti kay Arthur.
"Hinding-hindi magagawa ni Arthur 'yon. Have a little faith on him, Almira. Mahirap lang kausap si Arthur. He's control freak pero hindi 'yon manloloko." Tinapik pa niya ang balikat ni Almira at hinila na si Luis palabas ng lobby.
Nang makasakay na sila sa sasakyan ay sakto namang pagpark ng sasakyan ni Arthur. May pagmamadali sa kilos nito kaya sabay na lang silang natawa ni Luis.
"Dinamay mo pa si Almira." Ani Luis na naiiling na lang sa mga trip niya. "I love this side of yours, babe. Ngayon ko lang nalaman na magaling ka palang umakting."
Naiiling na lang din siya sa ginawa.
-
"Babe? Wake up, babe." Naramdaman ni Joey ang paulit-ulit na pagkintal ng mga labi ni Luis sa kabuuan ng mukha niya.
"Bossing naman! It's too early." Nakapikit pa ring reklamo niya. Itinutulak niya palayo ang mukha nito.
"I have to go, Babe. May pinapahawak na case sa'kin si Arthur."
"Siya na lang papuntahin mo dito. Inaantok pa ako."
"Babe, it's Arthur."
"So?" tuluyan na niyang iminulat ang mga mata.
"Siya ang dahilan kung bakit kasama kita ngayon."
"Psh! Oo na! Wait for me. Sasamahan kita." Aniya at tumayo at dumeretso sa banyo.
-
"You're here." Bungad ni Arthur sa kanila ni Luis nang makita sila nito.
"Ay, hindi! Picture lang namin 'to!" Pabalang na sagot niya. "Ang aga mo namang magpatawag ng Attorney. Anong meron?"
Imbes na sumagot ay nagpabalik-balik lang ang tingin ni Arthur sa kanilang dalawa ni Luis.
"Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Arthur.
"Wow! Nagtanong ka pa talaga, ha?" Masungit na sagot niya.
"Ang grumpy mo, babe. Kulang sa tulog?" Inirapan niya lang si Luis.
"Kayo na ba?"
"Hindi." Mabilis na sagot niya. Nang tignan niya si Luis ay nag-iwas ito ng tingin.
Pumalatak si Arthur at napailing-iling.
Hinawakan niya ang kamay ni Luis at marahan iyong pinisil. Napasulyap sa kanya si Luis. Ngumiti ito ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito.
"Alright, let's get down to business." Ani Arthur at nagsimula na sa pag-explain ng kasong gustong ipahawak kay Luis.
"Everything's settled. Pirmahan na lang with the presence of the lawyers, of course. Then after that, everything's yours again." Ani Arthur.
"Will you be there?" tanong niya kay Arthur habang binabasa ni Luis ang mga papeles na ibinigay ni Arthur.
"Yes, alam naman nila na hindi ako ang bibili. At kapag hinanap ka nila, saka ka lang magpapakita. But be sure na nagkapirmahan na bago ka nila makilala."
"Are you ready, babe?"
"I am. I've been waiting for that day to happen."
May mapanganib na ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
-
"Bossing, bakit kanina ka pa tahimik?" Hindi makatiis na tanong ni Joey kay Luis.
Simula nang manggaling sila sa opisina ni Arthur ay hindi na ito nagsalita. Kapag nagtatanong siya dito ay para silang naglalaro ng pinoy henyo dahil puro oo, hindi at pwede ang sagot nito.
Hindi din ito naglambing sa kanya noong nasa sasakyan sila. Dati ay hawak nito ang kaliwang kamay niya habang nagmamaneho ito.
"Bossing..." Naglalambing na tinabihan niya ito sa sofa. Niyakap niya ito sa tagiliran at isiniksik ang ulo sa pagitan gilid ng leeg nito.
"Hm?" Tanging sagot ni Luis.
"Ayaw mo 'kong kausap?"
"Hindi naman sa gan'on."
"Ahhh! Nagtatampo ka 'no? Dahil ba sinabi ko kay Arthur na hindi tayo?"
Hindi sumagot si Luis pero nakita niya ang pag-asim ng mukha nito.
"Eh, totoo naman kasi. Hindi naman talaga tayo, 'di ba? Hindi kana man nanligaw. Hindi din naman kita sinagot. Eh, 'di hindi nga tayo!"
"Tsk! Pinamukha pa talaga." Bulong ni Luis.
"Bossing naman..." nakangusong anas niya nang tanggalin ni Luis ang pagkakayakap niya dito.
"Ano ba kasi talaga tayo?" Diretsong tanong nito sa kanya.
"Wala."
"Wala?! Wala lang 'to sa'yo? We kissed! We hugged! Magkasama tayo sa iisang bubong tapos wala lang tayo?"
"Para sa'kin kasi, hindi naman importante ang label. Ang importante, alam natin na mahalaga tayo sa isa't-isa. Hindi ko man sinasabi pero isa ka sa mga pinakamahahalagang tao sa buhay ko. I won't stay here with you, if you're not."
Ngumiti nang matamis si Luis. "I love you, Babe." Anas nito at ginawaran siya ng halik sa noo.
"Huwag ka nang magsusungit ulit, ha? Ako lang ang may karapatang magsungit sa bahay na 'to."
"Opo." Natatawang sagot ni Luis at ito na mismo ang naglagay ng mga braso niya payakap sa katawan nito.