CHAPTER 12

1932 Words
"Wala ka talagang balak kumain?" Hindi na mabilang ni Joey kung pang-ilang beses nang itinanong sa kanya ni Luis iyon. Simula nung matapos itong magluto hanggang sa mga oras na 'yon ay paulit-ulit lang ang tanong nito.  Kinarir talaga niya ang pakikipag-eye to eye contact sa telebisyon, ni hindi niya sinulyapan si Luis kaya halos mabaliw-baliw na ito sa pagkausap sa kanya.  Simula nang makatanggap siya ng simpleng text message mula kay Arthur ay mas lalong nagulo ang utak niya.  Dapat ay nabawasan na ang mga inaalala niya. She's one step away from her plans. Malapit na niyang mabawi ang lahat. Ang kulang na lang ay ang muling pagkikita nila ng tiyahin at pinsan then everything's done.  Iyon naman talaga ang plano na sinabi niya noon kay Arthur. Pero bakit parang hindi siya masaya? Bakit hindi mawala-wala ang sakit sa puso niya?  "Abigail naman... kaninang lunch ka pa hindi kumakain. At kanina ka pa nakatulala diyan! I'm starting to get worried." Tumabi si Luis sa kanya at masuyong hinaplos ang kamay niyang nasa magkabilang gilid niya.  Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya nang magdikit ang mga balat nila kaya agad niyang binawi ang kamay at nagpatuloy sa paglalakbay ang isip.  May kulang. Alam niyang may kulang pa. At hindi niya alam kung ano iyon.  "Abi, please? Kahit hindi mo na ako kausapin o pansinan man lang, basta kumain ka lang."  Mariing napapikit siya sa pagbanggit nito sa pangalan niya.  Abi...  Nanginig ang buong kalamnan niya. Bakit masakit parin? Bakit hindi pa rin niya makalimutan ang lahat? Kailangan ba talaga na mapatay muna niya ang mga taong gumawa ng mga iyon sa kanila? Hindi ba sapat na mabawi lang niya ang lahat ng ninakaw sa kanya?  "Abi..." Parang dinudurog ang puso niya. Sa bawat pagbigkas ni Luis sa pangalang iyon ay tinig ng mga magulang niya ang naririnig.  "Abi naman!"  "Can you please shut up?! Nakakarindi ka!" Bulyaw niya kay Luis kahit na ang totoo ay gusto niyang pumalahaw ng iyak.  Gulat na napalayo si Luis sa kanya. "Y-You're crying." Anito.  Agad namang napahawak siya sa pisngi. Naramdaman nga niya ang pamamasa ng pisngi.  "I'm not. Napuwing lang ako." Kaila niya at pinunasan ang pisngi. Pilit ikinukubli ang mga emosyon.  "Hindi ako tanga, Abigail. Why are you crying?" Masuyong tanong ni Luis. Puno nang pag-aalala ang mga mata.  "Dahil nababanas ako sa'yo. I have a lot of things to do pero heto ako, hindi makalabas sa mismong bahay ko."  Napabuntong-hininga si Luis. Pagkatapos ay isinandal ang katawan sa likod ng sofa at tumingala sa kisame.  "Ayaw mo talaga akong makasama, no?" Anito. Puno nang hinanakit ang tinig.  Magrereact pa sana siya pero bigla na lang itong tumayo at dumeretso sa hagdan.  -  NASA loob ng comfort room si Joey nang makaisip siya ng paraan para makatakas kay Luis. Kailangan niyang kumbinsihin ito na buksan ang pintuan patungong balcony. From there, tatalon siya pababa. Kahit mataas ang balcony ay sanay naman siya sa pagtalon-talon sa mga matataas na building. Ang kaibahan lang ay may rapel siyang suot bilang suporta. Unlike sa plano niya, siguradong mababalian siya. Pero ayos lang. Ang mahalaga ay makaalis siya sa bahay.  Nang makalabas na siya, agad na nilapitan niya si Luis at kinumbinse na buksan ang pintuan ng balcony.  "Magpapahangin lang ako!"  "No." Matigas na sagot ni Luis.  "Please? Kahit samahan mo pa ako."  "No, Abigail. Ang mabuti pa ay kumain kana lang."  "Please?" She tried her very best para mapapayag ito. Pasimple siyang nagpapacute at naglalambing dito.  "Abigail...." Yes! Konti na lang!  "Please? Samahan mo na ako. I want to breathe fresh air. Please?"  "Fine!"  "Yey! Thanks, Luis." Using his palm, binuksan ni Luis ang pintuan patungong balcony.  Agad naman siyang lumabas doon ngunit kaagad ding sumunod sa kanya si Luis. Nagkunwari siyang tumitingin-tingin sa paligid habang pinakikiramdaman si Luis.  Nang makahanap nang tyempo, agad na iniangat niya ang katawan at aktong tatalon na nang may humaklot sa kanya mula sa likuran.  Galit na galit ang mukha ni Luis nang magtagpo ang mga mata nila.  "Kabisado ko na ang mga ganyang galawan mo, Abigail. Kapag nilalambing mo ako, lagi kang may kaakibat na plano."  "Bitawan mo ako!" Bulyaw niya pero mas lalo pang hinigpitan ni Luis ang kapit sa kanya.  "Isang beses pa na magtangka kang tumakas, bubuntisin kita. Seryoso ako."  "Gag—" Sinakop ni Luis ang mga labi niya at mapagparusang hinalikan siya.  "And the next time I'll hear you cuss, hindi lang halik ang ipaparusa ko sa'yo." Banta nito at maingat na binuhat siya pabalik sa loob ng kwarto. Hindi na siya nakapalag pa at nagpaubaya na lamang dito. Nag bitiwan siya nito ay dire-diretsong lumabas na siya ng kwarto na nagngingitngit ang kalooban.  -  "Luis! Marco Luis Sy! Buksan mo ang pinto!" Kinakalabog na ni Joey ang pintuan ng kwarto ngunit hindi pa rin iyon binubuksan ni Luis. Napagisip-isip niya na kailangan nilang mag-usap ni Luis. Hindi pwedeng magtagal siya doon. Kailangan ay may gawin siya para makaalis sa sariling bahay.  "Marco Luis! Ano ba?! Buksan mo nga ito at papasukin mo ako! Mag-usap nga tayo nang masinsinan!" Gustong-gusto na niyang murahin ito ngunit inaalala niya ang banta nito sa kanya. Nasisiguro niyang hindi nito palalagpasin ang pagkakataon na mahalikan siya.  The nerve of that perv!  "You know very well na hindi mo masisira ang pintuan na ito kahit anong gawin mo, Abigail. Sasaktan mo lang ang sarili mo. Anong kailangan mo?" Kalmadong bungad ni Luis nang pagbuksan siya nito ng pinto.  "We need to talk! Ano ba talaga ang kailangan mo sa'kin? Bakit mo inaangkin ang bahay ko? At bakit mo ako ikinukulong dito?" Sunud-sunod na tanong niya.  "Simple lang. Dahil gusto ko." Sagot ni Luis.  "Dahil gusto mo? Wow! Hindi ito laro, Luis. At wala akong panahong makipaglaro sa'yo."  "Hindi ako naglalaro, Abigail. Ginagawa ko ito dahil gusto kitang makasama!"  "Sana tinanong mo muna ako kung gusto din kitang makasama, 'di ba?" Sarkastikong sagot niya.  Hindi nakahuma si Luis. "Magkaliwanagan nga tayo, alam mo na labag sa batas ang ginagawa mo, 'di ba? You, locking me up here is considered as illegal detention. Alam mo na malaking kaso iyan—"  "Sana alam mo din na kaya kong lusutan ang mga kasong sinasabi mo." Putol nito sa sasabihin niya.  Bumalasik ang itsura niya. "You, asshole! Umalis ka na sa bahay ko. Hindi mo ito pag-aari at never na magiging pag-aari mo ito."  "Hindi rin. Kapag ikinasal na tayo, conjugal property na ito."  "Gago ka ba?! Nababaliw kana nga! Hinding-hindi mangyayari iyon!"  "Let's see. You're mine, Abigail. Always mine."  "Siraulo! Hindi mo ako pag-aari!" Halos maputol na ang litid na bulyaw niya.  Seryoso ang mga matang sinalubong ni Luis ang mga mata niya. "You're mine, Abigail. Simula nang magkrus ang landas natin, akin ka na. And you can't do anything about it. Akin ka lang. You're stuck with me forever."  "Walang forever!" Tanging nasambit niya.  "Meron. And I'll prove it to you." Nakangising sagot ni Luis.  "Asa." Aniya at binelatan pa ito. Natatawa na lang si Luis sa kanya.  "Bakit ba ang bitter mo? Brokenhearted ka ba?"  "Hindi ako bitter, bwisit ka!"  "Ah, brokenhearted lang?" Dagdag pa nito.  Huminga siya nang malalim para mapigilan ang sarili sa pagsagot. Nasisiguro niyang hahaba nang hahaba ang usapan kapag pinatulan pa niya ito.  Nagdadabog na tinalikuran na lamang niya ito, bumaba na siya at dumeretso sa kusina. Naglagay siya ng tubig sa baso at inisang lagok niya lang iyon.  "Kumain ka na, I cooked your favorite."  "No thanks. Baka malason pa ako." Aniya na agad din niyang pinagsisihan nang makita ang sakit na dumaan sa mga mata ni Luis.  Tinanguan lang siya ni Luis at iniwanan na siya sa kusina.  Nakokonsensiya na nilapitan niya ang mga nakatakip na pagkain sa gitna ng dining table. Halos maglaway siya nang makita ang isa sa mga paboritong ulam.  Nang akmang titikim sa putaheng iniluto ni Luis, may isang kamay ang bigla na lang sumulpot at kinuha ang bowl na lalagyan ng ulam.  "What the—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang makitang si Luis iyon at itinapon na sa trashbin ang ulam.  "Bakit mo tinapon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.  "Hindi mo din naman kakainin." Anito at isinunod na itinapon ang sawsawan na ginawa nito.  "Sayang ang pagkain." Nanlulumong saad niya habang nakatingin sa trashbin.  "Buti pa ang pagkain, pinanghihinayangan mo. Pero ang pag-ibig ko, hindi." pabulong na saad ni Luis pero sapat na para marinig niya.  Napatingin siya kay Luis. Nang magtagpo ang mga mata nila ay siya namang pagstock-up ng utak niya.  "I just confessed my feelings at wala ka man lang reaksyon. f**k!" Sinipa ni Luis ang isang upuan, tumilapon iyon kaya biglang gumana ulit ang utak niya.  Biglang dumagundong ang puso niya. Nagsommersault ang mga paru-paro sa tiyan at parang kinukuryente ang buong katawan niya sa sobrang kilig na naramdaman dahil sa sinabi ni Luis.  Pero nang tignan niya ulit si Luis ay wala na ito sa kinatatayuan nito.  SHIT!  Agad na sinundan niya ito at nadatnan niya ito sa sala na may kasusap sa cellphone.  "Yeah, yeah. Whatever! Thanks, bro." Tanging narinig niyang sagot nito at ibinulsa na ang cellphone.  "What?" Tanong nito sa kanya.  "Mahal mo ako?" Malakas ang loob na tanong niya. Ngunit nang marealize ang ginawa ay gusto niyang lamunin na laman ng sahig.  "Tangina! Hindi ko alam kung ilang drum ba ng anaesthesia ang nilaklak mo para maging ganyan ka kamanhid!" anito.  Uminit naman ang ulo niya sa sinabi nito. "Gago ka, ah! Kung makamanhid ka diyan!"  "Totoo naman! Manhid ka!"  Mabilis na nilapitan niya ito at buong lakas na sinampal. "Kung manhid ako, sana hindi ko na nararamdaman ang sakit dito sa puso ko. At kung manhid ako, sana masaya akong nabubuhay ngayon. Wala kang alam sa buhay ko, Luis. Wala kang alam sa mga pinagdadaanan ko kaya wala kang karapatan na tawagin akong manhid."  "Yes, tama ka. Wala nga akong alam sa'yo. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa buhay mo. I'm always in the dark when it comes to you. Kailangan ko pang lunukin ang pride ko para lang makuha ang katiting na impormasyon tungkol sa'yo. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan mo at kailangan ko pang isugal ang buhay ko para lang sa kakarampot na atensiyon mo. Wala akong kaalam-alam sa buhay mo kung hindi ang pangalan mo pero sobrang minahal kita. I've tried to forget you, Abigail. God knows how I convinced myself to just forget about you. Pero hindi ko magawa kasi kahit wala akong kaalam-alam sa katauhan mo, mahal kita. Kaya kong tanggapin lahat. Kaya kong balewalain lahat ng paniniwala ko. Kasi... kahit hindi ko ginusto... minahal kita. Mahal na mahal kita, Abigail. Mahal na mahal kita at nasasaktan na ako sa pambabalewala mo sakin."  "I'm sorry kung nasabihan kita nang manhid. Baka napuno na lang ako sa pambabalewala mo. I'm sorry, too, sa pagkulong ko sa'yo dito. Ito na lang kasi ang naisip kong paraan para makasama kita..." Huminga nang malalim si Luis at yumuko.  Napatingin na lang din siya sa sahig dahil biglang nagloading ang utak niya sa mga sinabi nito.  Nagulat na lamang siya nang biglang lumuhod sa harapan niya si Luis. Niyakap nito ang mga binti niya at may luha sa mga mata na nakatingala sa kanya.  "Dito ka na lang, Abigail. Don't leave me. Hindi ko naman hinihiling sa'yo na mahalin mo din ako pabalik. Just stay here with me, masaya na ako. Makasama lang kita, okay na ako. Please? Dito ka na lang. Huwag ka nang umalis."  Napatakip na lamang siya ng bibig para mapigilan ang paghikbi habang paulit-ulit na umiiling.  "I-I'm so-sorry." Nahihirapang bigkas niya. "I-I c-can't." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD