BORED na bored na si Joey sa condo ni Arthur. Hindi na siya hinayaan ni Arthur na makielam pa sa pagbawi niya sa mga ari-arian ng pamilya niya. Ito na daw ang bahala sa lahat. Kahit labag sa kalooban niya ay wala na din siyang nagawa dahil isumbong pa siya nito sa tatay nitong nagligtas sa kanya noon.
Dahil walang ibang magawa, napagpasyahan na lamang niyang linisin ang buong condo ni Arthur.
Naliligo na siya sa pawis nang matapos. Maganda iyon dahil matagal-tagal na din siyang hindi pinagpapawisan nang ganoon.
Nang hindi pa makuntento ay nilabhan din niya ang mga bedsheets at kurtina.
Nangangalahati pa lang sa paglalaba si Joey nang maramdaman niyang may pumasok sa Condo.
Mahina lamang ang kaluskos na narinig niya kaya sigurado siyang nag-iingat ang kung sino mang pumasok.
Dahan-dahan siyang lumabas mula sa laundry room. Iniiwasan na makagawa ng kahit anong ingay. Kinuha niya ang tali ng kurtina at ipinalupot sa mga kamay niya.
Pagdating niya sa sala, naabutan niya ang isang pigura ng isang lalaki na nakahiga sa sofa. Inihanda niya ang telang nasa kamay para ipangsakal sa lalaki at dahan-dahan na lumapit dito. Ngunit nang tuluyan na siyang makalapit ay nakita niya ang kulay ng buhok nito.
"Tangina, Bronx! Anong ginagawa mo ditong gago ka?!" Inis na bulalas niya. Ang akala niya ay kung sino na ang pumasok.
"Ang sama ng pakiramdam ko, J." Sagot nito sa paos na boses. Agad na nilapitan niya ito at dinama ang leeg.
"May lagnat ka. Tinatablan ka pala ng sakit?" Pang-aasar pa niya sa lalaki.
"Boring na nga ang trabaho, nahawaan pa ng sakit." may himig pagrereklamo ito.
"Baka naman kasi naikama mo na kaya boring?" Nangingiting pag-iintriga niya.
Sunud-sunod na naubo si Bronx. Natatawang nilapitan niya ito at hinagod ang likuran.
"About that..." Muling umubo si Bronx. "Matagal nang hindi ako ang nakasunod sa pinsan mo. Hindi ko pala type. Baka imbes na makipagkaibigan sa kanya ay ako pa mismo ang gumilit sa leeg niya."
"Ha? Oh, anong tinatrabaho mo ngayon?" Naguguluhang tanong niya.
"Ako ang Head Security ni Luis."
"Kung kay Luis ka nagtatrabaho... then... MAY SAKIT SI LUIS?!" Bulalas niya. Napabangon naman si Bronx sa lakas ng boses niya pagkatapos ay tila nahihilo na muling humiga.
"Huwag ka ngang sumigaw. Ang sakit sa ulo, J. Dito muna ako, may nagbabantay naman sa lalaking 'yon."
"How is he?" Gusto niyang sapukin ang sarili dahil pumiyok pa siya.
"He's good, I guess. Nahawaan niya lahat kami."
Pinalo niya ito sa balikat. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin na siya na pala ang binabantayan mo?!"
Miling umupo si Bronx habang hawak ang nasaktan braso. "A-Aray! Brutal mo talaga. Bakit ko sasabihin sa'yo? You're not part of the team anymore. At isa pa, kayong dalawa ni Arthur, sumusobra na kayo. Ipinapaalala ko lang na nakabakasyon ako. Bakasyon ko 'to. Bakit kung anu-ano ang ipinapagawa niyo sa'kin, ha?"
"Sumusunod ka naman." Nakangusong sagot niya. "Aminin mo man kasi o hindi, alam naman naming gusto mo din. Bakasyon-bakasyon ka tapos nagrereklamo kang nabobore? Eh, syempre bilang mabait kaming kaibigan at ayaw naman naming nabobore ka kaya binibigyan ka namin ng pagkakaabalahan." Itinaas-baba miya ang mga kilay at ngumiti-ngiti.
Kinurot naman ni Bronx ang ilong niya at muling nahiga sa sofa. "Makikitulog muna ako dito. Huwag kang maingay." Anito at pumikit na.
"Kapal ng mukha! Hoy, inom ka muna ng gamot!" Niyugyog niya ito ngunit hindi na ito dumilat. "Bahala ka diyan! Tatawagan ko si Aaliyah! Ipapagahasa kita sa kanya."
Umungol lang si Bronx at ipinagpatuloy na ang pagtulog.
Nagtimpla saglit ng pineapple juice si Joey at kumuha ng gamot sa medicine cabinet at ipinatong sa center table bago binalikan ang mga nilalabhan.
Habang binabantayan ang washing machine, lumilipad ang isip niya kay Luis. She really wanted to see him. Gusto niya itong silipin man lang sa bahay nito. Gusto niyang malaman kung okay lang ba ito. Baka na-i-stressed na ito sa kakatrabaho kaya nagkakasakit na.
Pero sinusuway niya ang sarili. Ilang buwan siyang hindi nagpakita dito, hindi naman pwedeng bigla na lang siyang susulpot ulit sa buhay nito.
Totoo nga atang nagpapaka-ermitanyo na ito. Sa ilang beses na pagbisita niya kay Aya, ni minsan ay hindi nagkrus ang mga landas nila. Ilang beses na din na tinatanong ni Aya kay Kurt kung nagkakasama ba ang dalawa.
"Gago yun, ah! Pinagtataguan pa ata ang pamilya niya." Naiiling na pinagpatuloy niya ang ginagawa. Pero ilang sandali lang ay mapapatigil na naman siya.
"s**t! I really need to see him. Silip lang. Hindi ako magpapakita." Pangungumbinsi pa niya sa sarili.
Agad na inayos niya ang sarili at walang paalam kay Bronx na lumabas ng unit ni Arthur.
HUMINTO si Joey sa tapat ng building kung nasaan ang penthouse ni Luis. Ngunit imbes na bumaba ay tiningala lang niya ang mataas na building.
Gusto niyang sapakin ang sarili dahil kung kailan nandoon na siya ay saka naman siya naduwag. Bigla siyang tinubuan ng hiya. Kung sakaling nandoon si Luis, ano na lamang ang idadahilan niya kapag nagkita sila nito?
"f**k! Huwag na nga lang! Uuwi na lang ako sa bahay ko!" Kausap niya sa sarili at muling pinaharurot ang motorsiklo patungo sa bahay niya.
PAGDATING ni Joey sa sariling bahay, agad na lumapit siya sa pintuan at inilapat ang palad sa sensor. Ngunit ilang beses na niyang ginawa iyon ay hindi pa rin ito bumubukas.
Sinubukan niya ang voice code pero wala ring nangyari. Sinubukan din niya ang manual code pero katulad ng dalawa ay hindi iyon gumana.
Inilabas niya ang cellphone at tinawagan si Arthur. "Anong ginawa mo sa bahay ko? Bakit hindi ako makapasok?"
"Ah- Eh, Mag-doorbell kana lang." Sagot nito at pinatayan na siya ng telepono.
"What the f**k!" Naiinis na pinagpipindot niya ang doorbell.
Naiinis na tumalikod na siya nang wala pa ding nagbubukas ng pintuan.
Humanda talaga sa kanya ang Arthur na 'yon!
"What do you need?" Napahinto siya nang marinig ang boses na 'yon.
Kumabog ang dibdib niya at parang kakapusin siya ng hininga. This can't be!
Dahan-dahan siyang humarap. "Anong ginagawa mo sa bahay ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang magsalubong ang tingin nila ni Luis.
"Bahay mo?" tumawa ito nang nakakaloko. "Wala ka ng bahay, Abigail. Sa'kin na ang bahay na 'to simula nung araw na abandonahin mo kami. Simula nung araw na iniwan mo kami nang walang paalam."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito.
What the f**k!
"Nababaliw kana ba? Anong pinagsasabi mo diyan? Adik ka ba?" Natatawang tanong niya. Pilit iwinawaglit ang kakaibang kabog sa dibdib.
Nilagpasan niya ito at nagtuluy-tuloy sa bahay niya.
"Whoa." Tumaas ang kilay niya nang makitang nag-iba ang ayos sa loob ng bahay. "Pinakielaman mo ang bahay ko?"
"No. Pinakielaman ko ang BAHAY KO." sagot ni Luis na binigyan diin pa ang mga huling salita.
"Hoy, Marco Luis Sy! Bahay ko 'to! Ang kapal naman ng mukha mo! Pinatira lang kita noon dito, pagkatapos ngayon ay inaangkin mo na?! Tangina! Chinese ka nga talaga! Lahat na lang inaangkin niyo! At sino ang nagsabi sa'yong pwede kang tumira dito habang wala ako? Teka nga! Kailan ka pa nandito?"
"Tsk. Kahit ikaw, aangkinin ko na." Bulong nito.
"Anong sinabi mo?!"
"Ang sabi ko, Unlike you, I never abandoned this house. Kaya please, kung ano mang sadya mo sa BAHAY KO, gawin mo na, nang makaalis ka na."
Pumanhik ang lahat ng dugo sa ulo niya. "SIRAULO KA, AH! BAHAY KO 'TO AT KUNG MAY AALIS MAN SATING DALAWA DITO, IKAW YON AT HINDI AKO!" Sigaw niya.
"WALA NANG SA'YO SIMULA NANG ABANDONAHIN MO KAMI!"
"GAGO! Anong katangahan ang pumasok diyan sa kukote mo? Baka gusto mong paulanan kita ng bala? Alam mo kung anong kayang gawin ng bahay ko."
"Go on." Natatawang sagot ni Luis. Puno ng kumpyansa sa sarili. "Tignan natin kung sino ang totoong may-ari ng bahay na 'to."
"What do you mean?"
"Sa pintuan pa nga lang, hindi ka na kilala ng bahay, paanong naging sa'yo ito?"
"Anong ginawa mo sa bahay ko?!" Kumuha siya nang isang matigas na bagay at puno ng lakas na ibinato iyon sa dingding.
Malakas na napasinghap siya nang lumabas ang mga baril mula sa dingding. Imbes na kay Luis, sa kanya tumutok ang mga 'yon.
"P-Paano mo—"
"Simple lang. Because this house is mine."
"Gago ka ba?!" Akmang susuntukin niya si Luis nang maalalang sa kanya nakatutok ang mga baril. Any violent movement from her will trigger the guns to fire.
"Aligae Joyce." Sinubukan niyang i-deactivate ang mga baril. Pero nanatili lang ang mga iyon na nakatutok sa kanya.
"See? Ni hindi mo nga mapasunod ang bahay ko, pagkatapos ay sasabihin mo na sa'yo ito?" Nang-uuyam na saad ni Luis.
Nagtatagis ang mga bagang niya sa mga nangyayari.
Humanda si Arthur sa kanya. Damn him for letting Luis manipulate her command.
"Abigail Sy."
"Anong— Gago ka—" Gulat na gulat siya nang sabay-sabay na bumalik sa normal ang mga dingding ng bahay.
Nanlalaki ang mga mata niya. Puno nang tanong ang mga mata na tinignan niya ito. Nagkibit-balikat lang si Luis at walang lingon likod na pumanhik sa itaas.
"PUTANGINA MO, MARCO LUIS SY! BUMALIK KA DITO! HINDI PA TAYO TAPOS MAG-USAP!" Malakas na sigaw niya. Gusto niyang magwala dahil sa mga nangyayari.
"MAMAYA NA, ABIGAIL SY! PAGOD AKO!" Ganting sigaw nito mula sa itaas.
"ANONG ABIGAIL SY?! BUMABA KA DITO, GAGO KA!"
"HOY! BUMABA KA DITO! TANGINA MO KA!" muling sigaw niya nang hindi ito sumagot.
"HOY! BWISIT KA TALAGANG LALAKI KA! NAKAKABANAS KA TALAGANG GAGO KA!" Akmang papanhikin na niya si Luis nang bumaba ito nang ilang baitang sa hagdanan ng naka-brief lang.
Sunud-sunod na napalunok siya sa ayos nito.
"Pwede huwag maingay? Maliligo lang ako saglit. Kasi katatapos ko lang maglinis ng bahay. Ilang araw akong may sakit kaya medyo magulo. Nanlalagkit na ako at ang pangit naman kung makipag-usap ako sa'yo nang ganito ang amoy ko." Mahabang litanya nito pagkatapos ay muling umakyat.
"f**k! Naisahan ako nang gagong 'yon, ah! Tangina! Humanda ka sakin, Arthur Isaac! Makakatikim ka talaga sakin!" Nanginginig ang mga kamay na d-in-ial niya ang numero ni Arthur ngunit cannot be reach na ito.
"Tangina! Humanda talaga kayong dalawa sa'kin! Pag-uuntugin ko ang mga ulo niyo, bwisit kayo!"
Habang hinihintay si Luis ay pumunta siya sa kusina. Laking gulat niya nang makitang iba na rin ang ayos niyon. Dalawa na ang refrigerator, puno ng stocks ang mga cupboard. Nang buksan niya ang isang ref, puno iyon ng mga karne, isda at kung anu-anong frozen goods.
Malakas na napasinghap siya nang makita ang laman ng bagong ref. Puno iyon ng mga chocolates. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang malaking container ng Chocolate stones na favorite niya.
Pigil niya ang sarili na pakielaman ang mga iyon. Naiinis na umakyat na lamang siya sa second floor. She tried entering the secret room kung saan nakalagay lahat ng mga importanteng gamit niya. Nandoon din ang mga computers at ang main server ng bahay.
She punched in the password.
"Access denied."
"Tangina!"
"Tangina is incorrect. Please try again."
"Tangina mo ka, Marco Luis Sy! Papatayin talaga kita!"
"Tanginamokamarcoluissypapatayintalagakita is incorrect. Please try again."
Naiinis na sinipa niya ang pintuan na kung titignan ay parang dingding lang.
"Access denied. Please try again."
"Punyeta!"
"Punyeta is incorrect—"
"Abigail Sy."
"Door opening."
"Tangina ang corny!" Naibulalas niya nang bumukas ang pintuan. Talagang ikinabit nito ang apelyido sa pangalan niya!
Pumasok siya sa loob ng secret room. Sinubukan niyang palitan ang mga commands pero hindi niya ma-access iyon.
"Aaliyaaaaaaa! Pinagtutulungan niyo ako, ha! Humanda kayo sakin!" Naiinis na binalibag niya ang keyboard.
Si Aaliyah ang nag-install ng mga security features sa bahay nila ni Arthur kaya ito lang ang makakapalit ng mga commands nila nang hindi na kinakailangan ang current passwords.
"What are you doing here?" Umigkas ang paa niya at sinipa si Luis. Nasalag nito iyon kaya umikot siya at nagpakawala ng sunud-sunod na suntok. Nasasalag nito ang ilan ngunit may mga dumadapo parin sa katawan nito.
Hinuli nito ang mga kamay niya. At dahil hinihingal na din siya, hinayaan na lamang niya ito. "Namimihasa ka na sa pananakit sa'kin, ha? Hindi porke't hinahayaan kita ay lulubus-lubusin mo na. Pinagbibigyan lang kita dahil babae ka. Hindi ako kasing hina katulad ng iniisip mo, Abigail. Kung gugustuhin ko lang, kayang-kaya kitang labanan ng mano-mano. Sa susunod na saktan mo ulit ako, sinisiguro ko na hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Puno ng intensidad ang mga mata nito. Tila hindi na ito ang Luis na kilala niya. Nakakailang ang mga titig nito. Nakaka-intimidate.
"B-Bakit... anong gagawin mo?" tanong niya. Tumaas ang kilay nito.
"Gusto mo talagang malaman?" Balik-tanong ni Luis. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila na kahit anong hila ang gawin niya ay hindi niya mabawi ang kamay.
"Nasasaktan ako, Luis, ano ba!" Pinakawalan nito ang mga kamay niya ngunit mabilis naman siya nitong hinapit palapit.
Magkadikit ang mga katawan nila. Gahibla na lamang ang layo ng mga mukha nila. Langhap na langhap niya ang hininga nito.
"I'll make you scream, Abigail. I'll make you scream in pleasure."
"Bastos! Gago ka talaga!" Itinulak niya ito at akmang sasapakin nang hinila siya nito palapit at mabilis na hinalikan siya sa mga labi.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Hindi siya nakapagsalita.
"You're in my house, Abigail. Bawal magmura dito."
"Anong bahay mo?! Bahay ko 'to, gag—"
He kissed her again. "Nababaliw ka na ba?! Tangin—" Pinigil niya ang sarili nang muli na naman nitong ilalapit ang mukha sa kanya.
"Subukan mong halikan ulit ako, paduduguin ko 'yang nguso mo! Manyak." Bulyaw niya.
"Manyak? Hinalikan ka lang, manyak na ako? Eh, paano na lang kung..." Malisyoso nitong pinadaanan ng tingin ang katawan niya.
"You, son of— panget! Ang pangit-pangit mo!" Naiinis na iniwanan niya ito at bumaba sa sala. Naririnig pa niya ang malakas na paghalakhak ng unggoy.
Nagpupuyos ang kalooban ni Joey. Naha-highblood talaga siya kapag kasama niya si Luis!
"Oh, akala ko, umalis ka nanaman." sinamaan niya nang tingin si Luis na tila isang anghel na bumababa sa hagdanan.
"At bakit naman ako aalis? Bahay ko kaya 'to." Inirapan niya ito.
"Doon ka magaling 'di ba? Yung bigla na lang umaalis nang walang paalam." Ani Luis sa sarkastikong tinig.
Natilihan siya. Hindi makahanap nang isasagot.
"I've waited for you to comeback, Abigail. Akala ko may kung anong ginawa ka lang. Damn! Mukha akong tanga na naghihintay. Ramdam ko na, eh! Ramdam ko nang iiwan mo ako, pero pilit kong binabalewala iyon because I know we're good. Hindi ako maka-Diyos, pero minu-minuto, nagdadasal ako na sana bumalik ka na. Tapos malaman-laman ko lang kay Arthur na hindi ka na pala babalik?! Wow! Ano iyon, isang gabing pag-ibig? Tangina!" Napapitlag siya sa lakas ng pagmumura nito.
"Oh, hindi ka na kumibo diyan? Baka naman nagbabalak kana namang umalis? Tignan ko lang kung makakaalis ka pa."
"What the! Anong ginawa mo?" Natitilihang tanong niya. Hindi siya pwedeng magtagal doon!
Ngumisi nang nakakaloko si Luis. "You're stuck here with me, Abigail. Katulad ng ginawa mo sa'kin noon."
"f**k you!"
"Ohh, I love that."
"Gago!" Lumapit sa kanya si Luis. "Subukan mong halikan ako, papatayin kita!"
"Oh, hindi ko susubukan, Abigail." Anito kaya bahagya siyang kumalma. "Gagawin ko."
Hindi na siya nakahuma nang halikan nga siya nito. Marubrob. Puno nang pananabik.
"I miss you, Abigail." Luis moaned in between their kiss.
Same here. Gusto niyang sabihin, but she saved it. Ang tanging gusto na lamang niya ay halikan din ito pabalik.
-
PAGKATAPOS nang pinagsaluhang halik, wala ni isang nagsalita sa kanila. Lumayo sila sa isa't-isa na tila napaso.
Luis went to the Kitchen. Siya naman ay umupo sa sofa at nanood ng T.V. Minsan ay nahuhuli niya si Luis na sumusulyap sa kanya.
Sa tingin niya ay nagluluto ito nang tanghalian dahil naririnig niya ang pagkalansing ng mga kitchen utensils.
She heard the doorbell, tumayo siya at sumilip sa peephole. Nang makitang isa iyon sa mga bodyguard ni Luis ay tinangka niyang buksan ang pintuan ngunit ayaw bumukas niyon.
"Tangina!" Muling nag doorbell si Rob ngunit hindi niya talaga mabuksan ang pintuan.
"MARCO LUIS SY, MAY TAO! BWISIT KA!" Sigaw niya. Lumabas naman mula sa kusina si Luis at napapailing na lang sa hitsura niya.
Effortless na binuksan nito ang pintuan at pinapasok si Rob na may mga dalang plasticbags na sa tingin niya ay pinamalengke nito.
"Thanks, Rob." Anito at dumeretso na sa kusina.
"Hi, Ms. Joey. Welcome back!" Ani Rob sa kanya. Napansin niyang iba ang boses nito.
"May sakit ka din?" tanong niya.
"Sipon lang, Ma'am."
"Magpahinga na muna kayo. Ako na lang dito. Samahan mo si Bronx sa Condo. May sakit din 'yon. Doon na kayo magpahinga."
"Sige po. Thanks, Ma'am." Sumaludo sa kanya si Rob na tinanguan lang niya.
"Magkasama kayo sa bahay ni Bronx?" Tanong ni Luis na kalalabas lang mula sa kusina. Kunot na kunot ang noo nito.
Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang panonood.
"Sino ba ang Bronx na 'yon sa buhay mo?" Tanong pa ni Luis. Nang sulyapan niya ito ay masama na ang tingin nito sa kanya.
"Pakielam mo ba?" Bale-walang sagot niya.
"Answer me, damn it!"
"Oh, akala ko ba bawal magmura dito? Tsk!"
"Sagutin mo ako, Abigail! Sino ba ang Bronx na 'yon sa buhay mo?! Siya ba ang kasama mo nang iwanan mo ako?" Nagtatagis ang mga bagang na tanong ni Luis.
"He's a friend. Kumalma ka nga diyan!" Aniya.
"May kaibigan kang adik?"
"Anong adik?! Hindi adik si Bronx" Depensa niya kay Bronx.
"Kung hindi nag-a-adik ang kaibigan mo, anong tawag sa kanya? Abnormal? Bronx ang pangalan niya tapos kulay silver ang buhok?"
Hindi niya maiwasang mapangisi sa sinabi nito. Para nga naman kasing baliw si Bronx. Nung pareho pa silang nasa America ay kulay Sky Blue ang buhok nito.
"Anong iningingiti-ngiti mo diyan?!" Singhal sa kanya ni Luis. Pagtingin niya dito ay nakatalikod na ito. Padabog na naglakad ito pabalik sa kusina. Dinig na dinig pa niya ang pagbagsak nito sa mga kasangkapan.
Napapailing na lamang siya sa inaasta nito. Kung asyumera lang siya ay iisipin niyang nagseselos ito kay Bronx.
Habang nanonood, o kung panonood nga ang tawag sa ginagawa niyang pagtitig sa telebisyon, iniisip niya kung paano makakaalis sa sariling bahay na inangkin na ni Luis.
Kailangan niyang makaalis doon sa lalong madaling panahon. Hindi siya pwedeng magtagal kasama si Luis, dahil baka dumating ang araw na hindi na niya kayanin pang lumayo sa lalaki.