"Bossing, kalas na. Nanlalagkit na ako, promise!" PILIT na inaalis ni Joey ang pagkakayakap sa kanya ni Luis pati na din ang hita nito na nakapalupot sa kanya.
Ayaw pa siya nitong paalisin sa tabi nito ngunit hindi na talaga niya kayang tiisin ang panlalagkit ng katawan at ang pangangati ng mukha dahil sa make-up na hindi na niya nagawa pang tanggalin kagabi.
"Alright, alright." Usal nito kaya tumigil na siya sa pagpupumiglas. Tinanggal lang nito ang binti na nakapatong sa kanya ngunit hindi pa rin siya nito pinapakawalan mula sa mahigpit na pagkakayakap.
"Bossing!" Naiinis nang usal niya at kinurot ito sa tagiliran.
"Ouch, babe! That hurts..." nakasimangot na reklamo nito habang hinihimas ang nasaktang tagiliran. Nakonsensiya naman siya sa ginawa kaya mabilis na hinalikan niya ito sa mga labi.
Hindi iyon inaasahan ni Luis kaya nakawala siya dito at mabilis na bumangon para magtungo sa banyo.
NAKANGANGA si Joey habang pinagmamasdan ang katawan sa full-length mirror sa loob ng banyo.
Mula sa sariling repleksyon ay kitang-kita niya kung paanong namula ang mukha niya nang makita ang mga markang iniwan ni Luis sa katawan niya.
Luis owned her body last night. They didn't went all the way but for Joey, it's still just the same. He already marked her.
Alam niyang magmamarka ang mga halik at pagkagat ni Luis sa katawan niya ngunit hindi niya inaasahan na ganoon iyon kadami!
Halos wala ng pagitan ang mga pulang marka sa leeg niya pababa sa puno ng kanyang dibdib hanggang sa lower abdomen niya. At ayaw na niyang tignan pa isa-isa ang mga 'yon dahil walang pinalampas si Luis kagabi.
"'Tangina! May lahing bampira ata ang hinayupak!"
Ipinagpatuloy na niya pagligo at pinakasabon-sabon ang katawan na tila ba sa ganoong paraan ay mawawala ang bakas na iniwan ni Luis.
Nang matapos ay nagsuot siya racerback bra na terno sa panty niya. Pagkatapos ay nagsuot lang ng bathrobe para maitago ang ibang parte ng katawan.
Pagkalabas niya ay naabutan niya si Luis na nakahiga pa rin sa kama. Hubad ang katawan nito at tanging boxers lang ang nakatakip sa maselang bahagi ng katawan.
Luis is busy with his phone kaya akala niya ay hindi nito napansin ang paglabas niya. Pero nang kukuha na siya ng damit sa closet ay bigla na lang itong nagsalita.
"We'll have dinner sa bahay, Babe."
"Huh? Sa inyo? Anong meron?" tanong niya habang ang atensyon ay sa paghahanap ng damit na pwedeng magtago sa mga kiss marks sa katawan niya.
"Well, I think it's time to finally introduce my girlfriend to them."
"Ahh," tatango-tango pang usal niya pero agad din natigil nang maintindihan ang sinabi nito. Kulang na lang ay mabali ang leeg niya dahil sa marahas niyang paglingon dito. "Girlfriend? Ako?" tanong niya habang ang hintuturo ay nakaturo sa sarili.
"Of course! Sino ba ang girlfriend ko? Ikaw lang naman!" May himig pagka-asar na sagot ni Luis.
"Huh? Pero teka, bakit naman biglaan? At saka 'di ba, kilala naman na nila ako? Hindi na siguro kailangan," nagpa-panic na saad niya.
Hindi naman sa itinatago nila but their relationship was 'almost' a secret. Ang alam nina Aya at Kurt, maging ng ibang mga kaibigan nila na ay bodyguard lang siya ni Luis. Kung may nakakaalam man sa mga nangyayari sa buhay nila ni Luis ay si Arthur lang at alam niyang hindi naman nito iyon ipagkakalat.
"Kilala ka nila bilang kaibigan at former bodyguard ni Aya. This time, I want to introduce you as my girlfriend."
"Eh, may balak ka palang ipakilala ako sa mga magulang mo, bakit mo pa ginawa sa'kin 'to?" bahagya niyang inilislis ang suot na bathrobe at itinuro dito ang mga markang iniwan nito sa katawan niya, "paano ako haharap sa mga magulang mo kung may ganito ako? And don't you dare tell me na maitatago 'to ng damit dahil alam mong hindi!"
Imbes na sumagot ay nakangisi lang si Luis habang nakabalandra sa harapan niya ang hubad nitong katawan. Hindi tuloy niya malaman kung saan ibabaling ang tingin.
Nang mapansin ni Luis ang pagkailang niya ay natatawang tumayo ito at lumapit sa kanya. Agad na lumayo siya pero dahil mahaba ang biyas nito ay agad din siyang nahapit palapit sa katawan nito.
"U-Uy! B-Bakit k-ka ba n-nanghihila?" nauutal na tanong niya. Inilapat niya ang mga kamay sa dibdib nito para bigyan ng distansiya ang mga katawan nila.
"And why are you stammering, hmm?" may pang-asar na ngiti ito sa mga labi habang mas lalo pang hinihigpitan ang pagkakahapit sa kanya.
"Why, Babe? Naiilang ka ba? Kagabi lang ay ikaw mismo ang naghubad sa mga damit ko 'di b-"
"Shut up!" Naramdaman niya ang pag-iinit ng buong mukha niya dahil sa pagpapaalala nito sa ginawa niya.
Luis chuckled sexily. He slightly pinched her chin at iniharap ang mukha niya dito. Nang magtagpo ang mga mata nila ay naiilang na muli siyang tumingin sa kaliwa para maiwasan ang mga titig nito.
Damn, Luis!
"Titingin ka sa'kin o dadagdagan ko 'yang mga kiss marks na 'yan?"
"Eh, bakit ba kasi?" Nakasimangot na sinulyapan niya ito pagkatapos at muling ibinaling ang tingin sa iba.
"Bakit ayaw mong tumingin?" Tanong ulit nito sa nang-aasar na tinig.
"Magbibihis na ako."
Binitawan naman siya nito kaya muli siyang napasulyap dito.
"Go on, Babe. Magbihis ka na," anito at tinignan siya mula ulo hanggang paa nang hindi nawawala ang pagkakangisi. "I'll watch."
"Gago ka ba?! Eh, kung sapakin kita diyan?" Nanlilisik ang mga matang inambaan niya ito pero ang kumag ay ngingiti-ngiti lang.
"Damn, Babe, I love those marks on you." Ininguso nito ang mga markang sumilip dahil sa bahagyang pagkakalislis ng kanyang bathrobe.
"Manyak! Maligo kana nga doon! Ang baho mo na kaya!"
"Talaga ba? Kaya pala..."
"Ano? Sige ituloy mo nang pauwiin na kita sa bahay mo ngayon din."
"Okay lang." sagot nito.
"Ah, ganon?"
"Isasama naman kita." Nakangising pahayag nito.
"Maligo ka na nga!" Siya na mismo ang nagtulak dito papasok sa banyo. Ngingisi-ngisi lang si Luis habang hinahayaan siyang itulak ito.
Nang tuluyan na itong makapasok ay hinila niya ang pinto pasarado at binalikan na ang closet niya.
Eksaktong pagkakuha pa lang ni Joey sa itim na leggings niya nang muling bumukas ang pintuan ng banyo at sumungaw ang ulo ni Luis.
"Babe?" tawag ni Luis.
"Ano na naman?" naiinis na tanong niya pero si Luis ay ngumiti lang.
"I love you." Anito at sinarado na ang pinto.
Naiiling na lang siya sa ka-corny-han nito. Hindi niya alam kung paanong ang isang isip-batang katulad ni Luis ay naging isang Abogado.
Kumuha siya ng t-shirt ni Luis at iyon ang isinuot. Umabot iyon hanggang sa kalahati ng legs niya at dahil maluwang ay kitang-kita ang mga marka sa leeg niya hanggang sa mga collarbones niya.
Ipinaghanda na din niya ng damit na susuotin si Luis pagkatapos ay kinuha ang cellphone nito at naglaro ng mga paborito nilang games.
Joey was engrossed with what she's playing kaya nagulat siya nang mag-ring ang sariling cellphone na connected sa main server ng kanyang control room.
It means that someone's calling her using the line that can only use by the members of UP.
"Babe," kinatok niya si Luis. Mula sa labas ay dinig niya ang pagkanta nito. "sa control room lang ako, ah."
"Alright." sagot nito.
Kaagad na nagpunta siya control room para sagutin ang tawag. Hindi niya maintindihan kung bakit, ngunit nakaramdam siya ng kaba.
"What the f**k, Aaliyah! Akala ko kung sino na!" Nanlalaki ang mga mata na kausap niya sa babaeng nasa monitor.
"You thought it was Chief, 'no?" Nakangisi pa ang babae habang inaayos buhok.
"Why did you fuckin' call?" Naiinis na tanong niya pero sa kaloob-looban niya ay nakahinga siya nang maluwag nang malamang si Aaliyah lang ang tumatawag at hindi isa sa mga big bosses nila sa UP.
"Well, aren't you familiar with the surroundings?" Ipinaikot nito ang gamit na cellphone or tablet at kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya nang makitang nasa tapat ito ng bahay niya. "Base on your expression, I can say that you finally realize that I am infront of your house. Well, what can I say? Surprise!"
"f**k!" Napasulyap siya sa mga monitors kung saan nagpe-play ang mga live footages ng CCTV sa kabuuan ng bahay niya.
Aaliyah's really in front of her house! At tila alam nito na nanonood siya dahil kumaway pa ito sa nakatagong CCTV at nag-flying kiss pa sa kanya.
The perks of being the one who install the security of her house! Alam nito kung saan nakalagay ang mga CCTV sa bawat sulok ng bahay niya.
"Hey, what are you waiting for? Open the door before I'll do it myself." May himig pagbabanta na usal ni Aaliyah.
And sure she could do that!
Joey opened her camera, hindi niya binuksan iyon kanina dahil sa kaba sa kung sino ang tumatawag.
"f**k you!" Bulyaw niya kay Aaliyah at pinatay na ang tawag.
Binalikan niya si Luis sa kwarto pero nasa banyo pa rin ito. She could hear his loud voice singing On Top by James Reid. Kahapon pa nito paulit-ulit na kinakanta iyon at rinding-rindi na siya sa sintunadong boses nito.
"Bossing," Malakas na kinatok niya ito, agad namang tumigil sa pagkanta si Luis at pinagbuksan siya ng pinto. "s**t! Magtapis ka nga!" Na-e-eskandalong bulalas niya nang hubad na humarap ito sa kanya. Mabuti na lang at mabilis siyang naka-ikot at hindi niya masyadong makita ang p*********i nito.
"Hey, what is it? Nakatapis na ako."
Humarap siya kay Luis na nakatapis na nga ngayon. "Huwag ka ngang basta-basta nagbubukas ng pinto kapag nakahubad ka pa! Ano ka, exhibitionist?"
"Alright, I'm sorry, okay? I thought it was something urgent." Pag-e-eksplika nito habang nakataas ang dalawang kamay.
"Something urgent," hindi naniniwalang usal niya, "ang sabihin mo, gusto mo lang talagang ipakita sa'kin 'yang ano mo!"
Luis chuckled kaya mas lalo niyang napagtantong sinadya nito iyon.
"Huwag ka munang bababa, ah? Aaliyah's here." Aniya.
"So?"
"Anong so? Hindi ka niya pwedeng makita. Stay here, okay? Paaalisin ko din siya agad."
"Why? Ayaw mo bang malaman niya na boyfriend mo ako? Ikinakahiya mo ba ako?"
"What the?! Hindi! Ayoko lang na malaman niyang magkasama tayo nang ganitong oras! Ano na lang ang iisipin niya, 'di ba?"
"She'll think that we're-"
"Ah, basta! Huwag kang lalabas." Putol niya sa sasabihin ni Luis.
Kumuha siya ng scarf at ibinalot sa leeg pagkatapos ay nagmamadaling lumabas siya ng kwarto at bumaba para pagbuksan ng pintuan si Aaliyah.
"Duh! What took you so long?" Masungit na tanong ni Aaliyah kay Joey. Nakataas ang kilay nito at nakapewang pa.
Itinulak ni Aaliyah ang maleta nito, gumulong iyon papasok sa bahay niya pero mabilis na hinarangan niya iyon gamit ang isang paa at sinipa ulit iyon pabalik kay Aaliyah.
"Why did you do that?" Nakasimangot na tanong ni Aaliyah.
"Why are you here?" Tanong niya.
"Duh? I already told you, it's my vacation and I'll stay here."
"We both know how much you hate Philippines, Aaliyah. Why here?" Masama ang tingin na tanong niya.
"Argh! Alright! Arthur's planning a month long cruise with his girlfriend. When he learned that I'm having my vacation, he offered me a job. And it's to temporarily manage his company. Happy?"
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joey. Nagtataka siya kung bakit kay Aaliyah pa inihabilin ni Arthur ang kumpanya gayong nandoon naman siya at nakabakasyon din naman si Bronx sa Pilipinas.
Kumpara kay Aaliyah ay mas may kakayahan sila ni Bronx na pamahalaan iyon.
"I know what you're thinking, J." Pagputol ni Aaliyah sa pag-iisip ni Joey. "Art told me you're busy with something or someone-I really don't know. So, he doesn't want to disturb you. And Bronx' vacation will end by next week so, I'm the only option." Pag-e-eksplika ni Aaliyah na saktong-sakto sa mga katanungan sa isip niya.
"Oh, then, what are you doing in my house?"
"Simple. Since I've missed you so damn much, I want to stay with you."
"Oh, f**k you! Buy your own f*****g house here or better stay with your husband!" Bulyaw niya kay Aaliyah at akmang isasara na ang pintuan nang mabilis na inipit nito ang maleta kaya hindi iyon tuluyang sumara.
"Damn you, J! Why you so madamot?"
/
"I'm not madamot! I just don't want to be with you. After you f*****g connived with Arthur and Luis to f*****g change the command of my house, you f*****g want me to accept you here?! You are not f*****g welcome here, b***h!"
"What?! You haven't moved on, yet? You already got your house back!"
"Hindi ko pa rin makakalimutan 'yon!"
"Damn it! It's Arthur's fault, okay? And I had a good deal with Luis so I had no choice that time." Paliwanag nito na nakakuha ng atensyon niya.
"What deal?"
"Well, since he's a Lawyer, he could help me with the divorce."
"You really think you can divorce B just like that?"
"I have to atleast try!"
"Psh! Non-sense! That crazy husband of yours will never let you!"
"What's happening here, Babe? Bakit kayo nagsisigawan?"
Nanigas ang likod ni Joey nang biglang magsalita si Luis. Si Aaliyah ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Luis.
"Bossing, sinabi ko ng huwag bababa, eh!" Pabulong ngunit nanggigigil na bulong niya kay Luis.
"Y-You're still here." Si Aaliyah habang nakatunganga kay Luis. Naiinis na pinitik niya ito sa noo. "Ouch! What's that for?!" Inis na bulyaw ni Aaliyah.
"Psh!"
"Babe, bakit hindi mo siya papasukin?" Tanong ni Luis at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. "Hi, Aaliyah. It's nice to see you again."
"Hi, Attorney, same here." Bati pabalik ni Aaliyah.
Kinuha ni Luis ang maleta ni Aaliyah at ito na mismo ang nagpasok niyon sa loob ng bahay.
Lumapit sa kanya si Aaliyah at bumulong sa tapat ng tenga niya, "What's happening here? Arthur told me you have it back? Why is he still here? And Babe? Duuh?"
"Pumasok ka na lang, huwag nang maraming tanong, pwede?! Pasalamat ka't mabait sa'yo ang isang 'yon!" Nakasimangot na usal niya at nauna nang pumasok kay Aaliyah.
"Bakit ka nakasimangot, Babe?" Salubong sa kanya ni Luis at hinapit siya palapit sa katawan nito habang may ngisi sa mga labi na nakatingin sa scarf na nakapalupot sa leeg niya.
"Damn, I must be imagining things. This ain't real, A. This ain't real." Litanya ni Aliyaah habang nakatingin sa braso ni Luis na nakapalupot sa kanya. Bigla naman siyang napahiwalay kay Luis at pinanlakihan ito ng mata para lumayo sa kanya.
"What?" Kunot-noong tanong ni Luis at muling iniyakap ang braso sa bewang niya.
"f**k! You didn't go berseck when he touched you! You didn't kill him. Ni hindi mo siya nipilay! Malaging na ikaw." Gulat na bulalas ni Aaliyah. She could hear the happiness in her voice.
"Magaling 'yon, tanga!"
"Whatever! I'm so happy for you, J! s**t! I won't be afraid anymore whenever you're on a mission and I am your eyes!" Masayang bulalas ni Aliyaah at yumakap pa talaga sa kanya.
"O-Oo na, alis na diyan." Sabi niya at mahinang itinutulak palayo si Aliyaah sa katawan niya.
"It's just a hug! Arte mo talaga!" Nakasimangot na usal nito. "Oh, wait, you let him touch you, and he's calling you 'Babe'. Damn, b***h! This is not so Joey." Hinawakan ni Aaliyah ang magkabilang balikat niya at inalog-alog siya. "C'mon, ilabas mo my friend. You're not the real J!"
"'Tangina! Nahihilo ako!" Reklamo niya. Tumigil naman si Aaliyah pero may pagtataka pa rin sa mukha nito.
"You said, 'Tangina, and that was so Joey. But damn, you still let him touch you which is not so Joey. Nanggugulo ang utak ko!"
Tumawa nang malakas si Luis kaya napatingin siya dito. Mukhang nag-e-enjoy ito sa panonood sa kanila ni Aaliyah.
"What?" Natatawang tanong ni Luis nang tignan niya ito nang masama.
"Gago! Isa ka pa!" Inirapan niya si Luis at muling hinarap si Aliyaah. "Nagugulo hindi nanggugulo. And he's my boyfriend, dimwit! Mas slow ka pa sa lahat ng slow."
Nalaglag ang panga ni Aliyaah. Naiiling na tatalikuran na sana niya ito nang mula sa peripheral vision niya ay nakita niya ang malapad na ngisi sa mukha ni Luis.
"Anong iningingisi-ngisi mo diyan?" Sita niya kay Luis.
"Nothing. I love you, girlfriend." Malambing na usal nito.
Dahil sa endearment na ginamit ni Luis ay napagtanto ni Joey kung bakit ganoon na lang ito makangisi. Gusto niyang matawa pero mas nanaig ang kilig sa puso niya kaya inirapan na lamang niya si Luis at naglakad patungong kusina.
They haven't eaten anything yet. At alam niyang ilang minuto lang ay maghahanap na ng pagkain si Luis kaya naghanda na siya ng almusal nila.
Habang nagluluto ay panaka-nakang sinisilip niya si Luis at Aliyaah na mukhang seryosong nag-uusap.
Sa basa niya sa buka ng bibig ni Aaliyah ay tinatanong nito si Luis kung paanong nangyaring boyfriend niya ito.
Nasisiguro niyang hindi titigalan ng kaibigan si Luis hangga't hindi nito nalalaman kung paano at saan nagsimula ang lahat sa kanila. Bahala nang mag-usap ang dalawa. Tinatamad siyang mag-explain sa kaibigan at mukhang sinisipag naman si Luis kaya hinayaan na lamang niya ang dalawa.
Mabilis natapos sa pagluluto si Joey dahil nagprito lang siya ng itlog at bacon at habang ginagawa ang mga 'yon ay naluluto naman ang kanin sa rice cooker.
Tinawag na ni Joey ang dalawa na mukhang busy pa rin sa pag-uusap. Nang makalapit ay agad na tumabi sa kanya si Luis at naglalambing na ipinalupot ang mga braso sa bewang niya.
"Sorry, hindi ako nakatulong. May pinag-usapan lang kami ni Aaliyah." Si Luis.
"It's okay, Bossing. Anyway, wala tayong fried rice. Hindi na kasi ako nagsaing kagabi." Aniya.
"It's okay, Babe. Come, let's eat." Pinaghila siya nito ng upuan pagkatapos ay si Aaliyah naman.
"I'll get use to this. I'll get use to this. I'll get use to this." Mantra ni Aaliyah habang nakapikit ang mga mata.
"Hoy! Anong ibinubulong-bulong mo diyan?" Sita ni Joey kay Aliyaah habang nilalagyan ng kanin ang mga plato nila.
"First, you let him touch you, then you told me he's your boyfriend. And now, you cooked?! Damn, J! You really need to see a priest or whoever that can eliminate the spirit who possessed you."
"Siraulo ka, ah! Huwag kang kakain!" Aniya at tinangkang kunin ang plato nito.
"Hey-" Mabilis na pinigilan siya nito, "I'm starving to death. I'm sorry, okay?" Ani Aliyaah at mas nauna pang kumain sa kanila ni Luis.
Sasagot pa sana siya pero inawat na siya ni Luis. Nagsimula na silang kumain ngunit panaka-naka ay nagkakasagutan sila ni Aliyaah dahil nagpupumilit pa rin ito na mag-stay sa bahay niya.
Nagmistulang referee tuloy si Luis sa kanilang dalawa ni Aliyaah. Minsan kapag napapansin ni Luis na naiinis na siya ay bigla na lamang siyang susubuan nito. May pagkakataon pa na bigla na lamang siya nitong hinalikan sa harap ni Aliyaah dahil puro na lang mura ang lumbas sa bibig niya.
Tapos na silang kumain nang may bumusina sa labas ng bahay.
"May bisita ka, Babe?" Tanong ni Luis.
Hindi pa nakakasagot si Joey ay nag-ring na ang cellphone niya na nakapatong sa island counter. Agad na tumayo siya para sagutin ang tawag.
"Pasok kana lang. Nasa kusina ako." Kausap niya sa tumawag. Hindi pa ito nakakasagot ay pinatayan na niya ito ng cellphone.
"Who's that, Babe?" Tanong ulit ni Luis pero imbes na sumagot ay nginitian niya lamang ito.
Bumalik siya sa tabi ni Luis at hinawakan ang kamay nito at marahang pinisil.
Ilang saglit lang ay naramdaman na niya ang pagpasok ni Bronx sa bahay niya.
"Hey, J, bakit mo ako-" natigil ito sa pagtatanong maging sa paglapit sa kanila nang makita nito si Aliyaah.
"What are you doing here?" Sabay na bulalas ng dalawa.
Agad na nag-apoy ang mga mata ni Aliyaah habang si Bronx ay nawalan ng emosyon ang mukha.
"Sinadya mo 'to, Babe?" Pabulong na tanong ni Luis kay Joey.
Tumango lang si Joey at hinarap na ang dalawang kaibigan.
"Nasa sala ang mga gamit niya, B. Ihatid mo siya kay Arthur o kung saan siya pwedeng tumira." Kausap niya kay Bronx habang nakaturo kay Aliyaah.
"No way! Bakit ko naman siya ihahatid? Makaalis na nga." Nang akma ng tatalikod si Bronx ay mabilis na hinila niya ito para mapigilan.
"Teka lang. Hindi 'yan marunong mag-commute. Gusto mo bang maligaw dito 'yan?" Pangogonsensiya niya kay Bronx. Agad na nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "I can't let her stay here. Alam mo naman na dito nakatira si Luis, 'di ba?" Dagdag pa niya kahit na umuuwi naman si Luis sa bahay nito kahit mga ilang oras lang.
"f**k! Eh, ang amazona niyan! Sa palagay mo ba at sasama sa'kin 'yan? Tsk!"
"Gawan mo ng paraan. Gamitin mo ang alas mo." Panunulsol pa niya. "A, sumama kana sa kanya." Hinarap niya si Aliyaah na masama pa rin ang tingin kay Bronx.
"No way! I don't want to be with that asshole!"Nagdadabog na tumayo si Aliyaah.
"I don't want to be with you, too! But I'm sure J won't let you stay here, so if you don't want to sleep in the sidewalk, you better come with me." Ani Bronx sa nagpipigil na tinig.
"Duh! I have a lot of money, I can even buy you and this whole damn country, so why would I let myself sleep in a goddamn sidewalk?" Umambang susuntukin ni Aliyaah si Bronx kaya agad na gumitna siya sa dalawa.
"Hoy, huwag nga kayo dito magyabangan! Umalis na kayo, ginugulo niyo ang katahimikan ng bahay ko."
Pati si Luis ay napatayo na din at pumagitna na sa dalawa.
"Bahala ka nga sa buhay mo!" Tumalikod na si Bronx at lumabas na sa kusina. Agad naman niya itong pinasundan kay Luis para pigilan ito sa pag-alis.
"Balaha talaga nga ako sa buhay ko!" Ganting bulyaw ni Aliyaah kay Bronx. "Did I said it right?" Tila bigla itong na-conscious sa tagalog nito
"Bahala 'yon, gaga!" Pagtatama niya sa kaibigan.
"Whatever! I really, really hate that Bronx with silver hair! He's so f*****g arrogant."
"Oh, so you like the Bronx with Sky Blue hair more?"
"Duhh! Makayalas-makalasay-makalas-Argh! Makalis na nga!"
"Ayan! Tama 'yan! Ihahatid pa kita hanggang sa labas." Nakangiting usal niya.
"I really hate you, J. It's just for a month-"
"Hindi nga kasi pwede!"
Pagdating nila sa sala ay nakatayo doon sina Luis at Bronx.
"Saan ko ihahatid 'yan?" Tanong ni Bronx sa kanya.
"Sa condo ni Arthur." Sagot niya, "O kaya sa bahay mo."
"Duh! I'd rather be homeless for a month than to be in the same roof with that f*****g bastard. And I'd rather die than to breathe the same air with that shameless, ass-fucker, manwhore!" Binawi ni Aliyaah ang maleta nito kay Bronx.
"Masyado ng madumi 'yang bibig mo, babae. Baka gusto mong linisin ko 'yan gamit ang bibig ko?" Si Bronx.
"Ayyy. Sige nga, B. Sige nga." Sabad ni Joey. Agad naman siyang hinila ni Luis para patigilin sa pambubuska sa dalawa.
"You- you're really an ass, Bronx!" Bulyaw ni Aliyaah.
"Oh, siya, sige na. Tama na 'yan. You hate each other to death. Alam naman namin 'yon. Pero hindi niyo maipagkakaila sa'min na mahal niyo din naman ang isa't isa. Kaya sige na. Umalis na kayo." Aniya
"I agree!" Sabad naman ni Luis. "Well, been there done that. Right, Babe?" Nang tumango siya ay kinindatan siya ni nito. "So, just kiss and make up."
Silang dalawa na mismo ni Luis ang nagtulak palabas sa kina Bronx at Aliyaah na nag-aangilan pa rin.
Nang tuluyan ng makalabas ay agad na sinarado na nila ang pintuan. Bahala ng magpatayan ang dalawa.
"You alright, Babe?" Tanong ni Luis nang makita nito ang pagmasahe niya sa magkabilang sentido.
"I'm not! Naubos ang powers ko sa dalawang 'yon." Nakasimangot na usal niya. Nangingiti namang niyakap siya ni Luis at iginiya papanhik.
"Come, Babe, I'll recharge you."
Napabuntong-hininga si Joey nang tanging operator na naman ang narinig niya sa kabilang linya. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Luis ngunit mukhang wala talaga itong balak na sagutin ang tawag niya.
Umuwi si Luis sa bahay ng parents nito at mukhang tuluyan na itong nagtampo sa kanya dahil pangatlong beses na iyon na pagtanggi niya sa pag-attend ng family dinner ng mga ito.
Noong una ay idinahilan niya ang mga kiss marks sa katawan niya. Sinabi niya dito na hahayaan na muna niyang mawala ang mga iyon para naman desente siyang makaharap sa mga magulang nito.
Sa pangalawa ay idinahilan niyang masama ang pakiramdam niya dahil sa menstruation. Naiintindihan naman nito iyon at sa katunayan ay inalagaan pa siya nito.
Ngunit sa pangatlong pagkakataon na pagdadahilan niya ay tuluyan ng nawalan ng pasensiya sa kanya si Luis. Noong una ay pinipilit pa siya nito pero nang maglaon ay tuluyan na itong nainis at bigla na lang umalis.
Hindi malaman ni Joey kung kanino maiinis. Sa sarili ba niya dahil masyado siyang nagpapa-apekto sa pagtatampo nito o kay Luis na hindi maintindihan ang takot niya?
Pinili na lamang ni Joey na mainis sa sarili. Hindi naman kasi alam ni Luis na natatakot siya sa pwedeng isipin o sabihin ng mga magulang nito tungkol sa kanya. Iniisip din niya ang Lola ni Luis na alam niyang galit na galit pa rin sa kanya. Paano na lang lung nandoon din ito? Nakakahiya naman sa mga magulang ni Luis kung sakaling magkasagutan sila ng matanda.
Idagdag pa na siguradong updated ang Daddy bi Luis sa mga nangyayari sa business world kahit na si Luis na ang namamahala sa kumpanya nito. Paano niya ipapaliwanag kung sakaling magtanong ito tungkol sa Salazar Holdings?
Iniisip din niya kung ano na lamang ang iisipin ng mga ito kapag nalaman nilang nakapatay ng tao ang girlfriend ng anak ng mga ito?
She used to not care about what other people say. Pero simula nang dumating sa buhay niya si Luis, naging conscious siya sa mga nangyayari sa buhay niya. Ayaw na niyang magkaroon ng bad impression sa kanya si Luis. Gusto niya ay maging perpekto ang tingin nito sa kanya.
Pero kahit pala anong gawin niyang pagtatago at pagkalimot sa nakaraan, may mga pagkakataon parin at mga tao na magpapaalala sa kanya ng mga iyon. Na kahit sabihin niyang tapos na ang lahat, nasa nakaraan na 'yon hindi pa rin maiiwasan na maidala 'yon sa kasalukuyan. At ang takot na bumabalot sa pagkatao niya sa mga oras na 'yon ang patunay kung gaano ka-f****d-up ang buhay niya.
Joey tried calling Luis again, pero sa hindi mabilang na pagkakataon ay hindi ito sumagot. Alas siete kinse na at alam niyang nagsisimula na ang dinner ng mga ito.
She have to make up her mind. Luis is so important to her. Ayaw niyang nagtatampo ito sa kanya. Kaninang umalis ito ay alam niyang masama ang loob nito kaya mas lalong bumibigat ang loob niya. Lahat ay ginagawa nito para sa kanya nang walang hinihinging kapalit. Pagkatapos ay gusto lang nitong ipakilala siya sa parenta nito ay hindi pa niya ito mapagbigyan.
Kung aalis siya agad sa oras na 'yon, baka maabutan pa niya ang dinner ng mga ito. Pero hindi naman siya pwedeng basta na lamang sumulpot doon.
Joey knows she have to dressed-up. She needs to atleast look presentable. Iniisip din niya kung ano pwedeng dalhing pasalubong.
She's panicking. The last time she felt that was when she's an helpless child! She used to be calm even when she's at the middle of a warzone.
Damn, Luis! Paano nito nagagawang pakabahin siya nang ganoon!
"Damn it! Bahala na!"
-
Limang minuto. Eksaktong limang minuto nang nakatayo si Joey sa harapan ng malaking gate ng mansyon ng mga Sy. Hindi niya magawang pindutin ang doorbell dahil kinakabahan siya sa mga pwedeng mangyari.
Matapos niyang makapag-ipon ng lakas ng loob para pumunta sa mansyon ng mga Sy ay dali-dali siyang nagbihis at umalis. Dumaan siya saglit sa isang bakeshop para bumili ng mga cupcakes na paborito ng Mommy ni Luis pagkatapos ay dumeretso na sa mansyon.
"Damn, Joey! You can f*****g do this. This is for your boyfriend!" Pagpapalakas niya ng loob sa sarili bago pinindot ang doorbell.
Ilang saglit siyang naghintay bago siya pagbuksan ng gate ng isa sa mga katulong.
"Ay, kayo ho pala, Ma'am. Pasok po kayo." Nakangiting bati ng katulong sa kanya. Kilala na siya ng mga ito dahil ilang beses na din naman niyang sinamahan si Aya doon.
"Salamat. Nandiyan ba si Luis?" Tanong niya.
"Opo."
"Sino ang bisita natin- Joey, anak! Ikaw pala." Nakangiting sinalubong siya ni Alicia Sy-ang Mommy ni Luis at Aya.
Sa nanginginig na labi ay nginitian din ni Joey ang Ginang. Nagmano siya dito bilang paggalang. Parang gusto niyang maiyak nang tawagin siya nitong 'anak'.
"Pasensiya na po sa istorbo, Tita." Nahihiyang usal niya.
"Hindi naman, anak. Katatapos lang din naming mag-dinner at nagpapababa pa kami ng kinain. Ano ang sadya mo, anak?"
"S-Si Luis po sana."
"Kaaakyat lang sa kwarto niya, hija. Badtrip kasi ang binata namin. Dapat ay kasama namin sa dinner ang girlfriend niya, eh mukhang nagkatampuhan sila kaya pagkatapos ng dinner ay pumanhik na. Dito daw siya matutulog pero sa tingin ko ay hindi kaagad makakatulog 'yon." Nangingiting paliwanag ng Mommy ni Luis.
"G-Ganoon po ba?" Gusto niyang mapangiwi sa sinabi nito. "Pwede po ba siyang makausap?"
"Oo naman. Halika sa loob. Ipapatawag ko siya sa kasambahay." Iginiya siya nito sa loob at pinaupo sa isa sa mga mararangyang sofa pagkatapos ay inutusan nito ang iaang katulong upang tawagin si Luis.
Sa pagkakaupo ay halos manginig ang mga tuhod ni Joey. Gusto na niyang murahin ang sarili dahil kahit anong pagpipigil ay hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib niya.
"Who's looking for me, Mom?" Mas lalong nanginig ang mga tuhod ni Joey nang marinig ang tinig ni Luis.
At habang pinapanood ang pagbaba ni Luis sa hagdan ay kumakabog nang malakas ang dibdib niya.
"Kaibigan niyo, anak." Sagot ng ginang.
Hindi na niya napigilan ang mapangiwi sa sinabi nito.
"Babe?" Gulat na bulalas ni Luis nang makita siya. Ang mga singkit nitong mata ay nanlaki pagkatapos ay umiling pa ito na tila hindi kumbinsido na nasa harapan siya nito.
"H-Hi." Nakangiwing bati niya kay Luis.
"W-What are you doing here? What the hell! Why am I asking you that! Come here, Babe!" Anito pero ito na mismo ang lumapit sa kanya at mahigipit siyang niyakap.
Gumanti siya ng yakap kay Luis. Nakahinga siya nang maluwag sa naging reaksyon nito. Hindi na ito galit sa kanya. Suddenly, her fears fade away. Si Luis lang ang nakakapagpakaba sa kanya at si Luis lang din ang may kakayahang pakalmahin siya.
Damn! This man really owns her.
"Ah, Bossing," naiilang na tawag niya at marahang itinutulak ito palayo sa kanya. "Your Mom's watching us." Nakangiwi usal niya habang nakatingin sa Ginang na nanlalaki ang mga mata na pinapanood sila habang may pagtataka sa mukha nito.
"Ah, yeah right. C'mon, I'll introduce you." Luis held her hand. Lumapit sila sa Ginang na inayos ang expression ng mukha. Ngumiti ito sa kanila ni Luis pero hindi pa rin maitatago ang pagtataka sa mukha nito.
Mukhang nagulantang ito sa ginawang pagyakap sa kanya ni Luis.
Joey's heart started to beat faster than usual again but she knows that everything will turn out to be just fine. Alam niyang hindi siya pababayaan ni Luis.
"Mom, meet the love of my life, my girlfriend, and your soon to be daughter-in-law, Joey Abigail Salazar." Proud na pagpapakilala sa kanya ni Luis.
Hindi niya maiwasan ang pag-iinit nang mukha sa sinabi ni Luis. Damn him for making her feel that kind of kilig. Parang kinikiliti ang puso niya sa mga hirit nitong mas lalong nakakapagpalalim sa pagmamahal niya dito.
"I knew it from the start, Honeypie! You and Joey will make a perfect couple." Nakangiting pahayag ng Ginang pagkatapos ay lumapit sa kanya para yakapin siya. "Oh, Joey! I fell in love with you the moment my daughter Aya brought you here. I'm glad you came into my children's life especially to my panganay's life. Sinabi ko pa nga noon kay Aya na magiging perfect pair kayo ni Luis. Aya will surely be glad kapag nalaman niya ito."
"S-Salamat po. A-Ahm, I-I really don't know what to say... Ah, masaya din po ako na dumating sa buhay ko si Aya dahil kung hindi, hindi ko po makikilala ang napakakulit at napakapasaway na panganay niyo."
Napahalakhak ang Mommy ni Luis sa sinabi ni Joey. Alicia Sy looks very lively unlike when she first met her. Mukhang naging malaki ang pagbabago sa kalusugan nito simula nang matagpuan na ng mga ito si Aya. Iba talaga ang dulot na saya ng iaang kumpletong pamilya.
"Sinabi mo pa, anak! Napakapilyo ng panganay ko. Sana ay mapagtiisan mo ang katigasan ng ulo nito."
"Mom!" Angal ni Luis. "Where's Dad?"
"I'm here." Sabay-sabay silang napasulyap sa padating na si Marco Lucio Sy-ang ama ni Luis. "What's happening here? Mula sa library ay dinig na dinig ko ang halakhak mo, Honey."
"Honey, you should meet Joey." Si Ginang Alicia.
"Of course, I know Joey. Kumusta ka, hija?" Nakangiting bati sa kanya ni Marco Lucio Sy.
"Magandang gabi ho. Maayos naman po ako." Lumapit sa ama ni Luis para magmano.
"She's our daughter-in-law, Honey." Pahayag ni Ginang Alicia.
"Really?" Tanong ng Ama ni Luis pagkatapos ay ngumiti nang matamis sa kanya. "I knew it! Sabi ko naman sa'yo, Honey, isa sa mga kaibigan ni Aya ang magiging manugang natin."
"But you said it's Almira." Pambubuko ni Ginang Alicia.
"Almira is Art's girlfriend, Dad!" Si Luis na hinapit siya palapit sa katawan nito.
"I won, Honey. Buy me the limited edition bag we saw in Paris." Mas lalong lumapad ang pagkakangisi ng Ina ni Luis.
"What? Pinagpustahan niyo kung sino ang magiging girlfriend ko?" Si Luis na hindi nakapaniwala sa mga narinig sa mga magulang.
Natatawa na lamang siya sa mga ito. Ngayon ay alam na niya kung bakit makulit at pilyo sina Luis at Aya. May pinagmanahan pala ang mga ito.
"Not a serious bet, Honeypie. Siyempre gusto din naman naming makilala kung sino ang makakabihag sa puso mong salawahan. At kahit sino pa 'yan, we will accept her. We were just glad it's Joey. At saka, kasal na ang kapatid mo, hindi naman ata namin hahayaan na tatandang binata ang panganay namin." Paliwanag ng Ina nito.
"At saka, naririndi na din ako sa mga nababalitaan kong pambababae mo. Kaya't hindi na din kami makapaghintay na may ipakilala ka sa'min dahil alam namin na kapag ipinakilala mo na, you're really serious with her." Ang Daddy ni Luis.
"God! I really do have a weird parents." Ani Luis pagkatapos ay tumingin sa kanya. "I hope you still love me after hearing all that."
"Of course! Ano ka ba!" Sagot niya.
"Anyways, have you eaten?" Tanong ni Luis sa kanya. Napatingin siya sa mga magulang ni Luis dahil nahihiya siyanv sumagot.
"Actually, I... h-haven't." Nakangiwing sahot niya.
"What?!" Magkapanabay na bulalas ni Luis at ng nanay nito kaya mas lalo siyang napangiwi.
Magkumahog sa pagtawag si Ginang Alicia sa mga kasambahay at ipinahanda ang hapag-kainan. She even personally went the kitchen to supervise the preparation.
"Bakit hindi ka kumain? Damn, Babe! Kaya gusto ko ay lagi tayong sabay, eh! Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo!" Panenermon sa kanya ni Luis. Medyo tumaas pa ang boses nito.
"Son, huwag mo namang pagtaasan ng boses ang manugang ko. Kasalanan mo din naman. Kanina mo pa siya niyayakap-yakap diyan, ngayon mo lang naisipang itanong kung nakakain na ba siya? Malamang hindi pa! We were supposedly to eat dinner with her 'di ba? She was late so it means she haven't had her dinner yet. Huwag ka ngang tanga, anak." Mahabang litanya ng Daddy ni Luis.
Laglag ang panga ni Luis habang si Joey naman ay natatawa na lamang. May pinagmanahan talaga si Luis!
"Let's go, Joey. Your Mommy Alicia prepared the dinner sayang at hindi ka nakasabay kanina sa amin." Anyaya sa kanya ng Ama ni Luis. Inakbayan siya nito para igiya sa dining room.
Pagdating nila sa marangyang dining room-no, it's a dining hall-nakahanda na ang mga pagkain sa mahabang lamesa.
"Maupo ka na, hija." Si Ginang Alicia. "Iniinit pa ang mga ibang putahe. Gusto pa sana kitang sabayan, anak, pero busog na busog na ako."
"Okay lang po. Maraming salamat po." Nakangiting usal niya kahit na gusto na niyang malula sa dami ng mga pagkain na nasa hapag.
Nagsisisi na siya na hindi pa siya agad sumama kay Luis. Kung alam niya lang na ganoon na lamang pinaghandaan ng mga magulang nito ang dinner na iyon ay siguradong hindi niya tatatanggihan si Luis.
"Bossing... ang daming pagkain, nakakahiya naman." Bulong niya kay Luis na nakaupo sa tabi niya. Sa harapan nila ay ang mga magulang nito.
"Sasabayan kita. Hindi din naman ako nakakain nang maayos dahil wala ka."
Nangingiti sa kilig si Joey ngunit hindi din naman siya maiwasan ang mailang lalo na't pinapanood sila ng mga magulang ni Luis.
Nilagyan ni Luis ng kanin ang plato niya habang ang ina naman nito ay tumayo pa talaga para lagyan siya ng ulam habang sinasabi nito ang pangalan ng mga putahe.
Sa bawat pagsubo niya ay nakangiting nakatingin sa kanya ang Mommy ni Luis kaya halos hindi na niya manguya ang kinakain. At mukhang napansin iyon ni Luis dahil tumigil ito sa pagkain at pinanlakihan ng mga mata ang magulang na nahuli nitong titig na titig sa kanya.
"C'mon, Mom, Dad! Naiilang ang girlfriend ko sa inyo." Si Luis sa mga magulang nito. Agad naman niya itong siniko at pinanlakihan ng mga mata.
Wala talagang filter ang bibig nito!
"Alright, son. Let's go, Honey. Hayaan na muna natin silang kumain. Sa sala na lang natin sila hintayin." Anyaya ni Marco Lucio sa esposo.
"Alright. You better sleep here, Joey. Gusto kitang makakwentuhan." Nakangiting pahayag ng Ginang bago ito tuluyang sumama sa esposo.
"God! Alone at last!" Ani Luis pagkatapos ay hinawakan ang baba niya at itinaas ang ulo at mariin siyang hinalikan sa mga labi.
"Bossing!"
"What? I haven't kissed you properly yet!"
"Baka makita tayo ng mga magulang mo!"
"So what?"
"Anong so what?! Nakakahiya kaya!"
"Psh! Non-sense! Baka nga bukas ay mamanhikan na ang mga 'yan sa'yo, eh."
"Baliw! Kumain kana nga. Lakas mong makasermon na pinapabayaan ko ang sarili ko, eh, ikaw din naman! Kung hindi mo ako kasama ay hindi ka din naman kumakain nang maayos! Oh, ayan," Naglagay pa siya ng kanin at maraming ulam sa plato nito. "Damihan mo ang pagkain mo."
"Alright, Commander! You're the boss!"
-
IT was eleven-thirty in the evening when Joey and Mommy Alicia called it a night. Sa hiling ng butihing Ginang ay nag-stay nga siya sa bahay ng mga ito. Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga bagay-bagay pagkatapos ay ikinuwento nito sa kanya ang kabataan ni Luis.
Sa sobrang dami nilang napag-usapan, dumating pa sila sa punto ng buhay ng mga ito kung saan pakiramdam daw nito ay napabayaan nito si Luis.
Alam niya ang parteng iyon dahil naikwento na sa kanya iyon ni Luis. It's nice to hear the side of his Mom. Atleast ngayon, alam niyang hindi naman pala tuluyang nabale-wala si Luis. Na kahit na naging busy ang mga ito sa paghahanap kay Aya ay hindi naman nakalamutan ng mga ito si Luis.
'Yun lang ang itinanim ni Mary Sy sa utak na Luis-na pinabayaan lang ito. And now, she can't wait for Luis to hear the other side of the story. His parents side of the story. Kahit alam na niya, ayaw niyang sa kanya manggaling iyon. One of these days, magkakaroon din ng heart to heart talk si Luis sa mga magulang nito, at doon, mabubuksan ng mga ito ang topic na pilit tinatakbuhan ng mga ito. At kapag dumating na ang araw na 'yon, nasisiguro niya na pare-pareho nang makakalaya ang mga ito sa kahapon. Ang hinihintay na lamang niya ay ang side ng Lola nito. Because she knows, the old woman, no matter how unreasonable it is, has her own side of the story, too.
She was healed. Thanks to Luis. And now, she can't wait for the love of her life to completely heal his heart.
"Anong iniisip ng mahal ko?" Napasulyap si Joey sa lalaking nakayakap sa kanya. Marco Luis Sy smiling from ear to ear.
Kapit na kapit ito sa kanya na parang tatakasan niya ito. Papaano kasi ay inihanda ng mga kasambahay ng mga ito ang isang guestroom para sa kanya ngunit hindi ito pumayag na magkahiwalay sila kaya nagpumilit talaga ito na sa kwarto siya nito matulog.
Nahihiya siya sa parents nito kaya ayaw niyang pumayag pero ang hudyo ay nagpaalam pa talaga sa mga magulang nito na matutulog sila sa isang kwarto. Wala na tuloy siyang nagawa nang pumayag ang mga ito.
"We talked about your childhood. Ikinuwento din niya sa'kin kung paano mo niligawan ang teacher mo noong grade 2 ka."
"Damn! Si Mommy talaga! Ano pa?"
"Well, ibinuking din niya sa'kin na lagi daw nakakakita ng mga men's magazine ang mga kasambahay sa kwarto mo noong teenager ka. Pagkatapos ay nanghiram daw ng mga dvd's ang mga kasambahay at drivers niyo. Action and horror daw ang mga case pero nung pinlay nila ay mga porn videos naman."
"That's normal for boys, Babe!" Depensa nito sa sarili.
"She even told me about you being caught in an hotel room with your highschool teacher! Kadiri ka talaga! Napaka mo!"
"Hey! She's the one who brought me there! At walang nangyari dahil nga nahuli kami ng bodyguard ko. Ano pa ang sinabi ni Mom? Wala ba siyang ipinakita sa'yo?"
"Meron. 'Yung mga old videos and photos mo."
"Even those I'm naked?"
"Oo! Walanghiya ka talaga! Inborn na pagiging exhibitionist mo! Manyak ka pa! Pati pagiging babaero mo, kinuwento niya. Kadiri! Pati School Principal ay pinapatos mo?"
"Hey! I was already in college that time! She's a high school principal and she is so damn hot! At sila mismo ang lumalapit sa'kin. What can I do?"
"Hay, nako! Marco Luis, ha? Subukan mo lang talaga na ngayon gawin 'yan. Malaman ko lang talaga na may mga babae pang pumupunta sa'yo sa opisina mo," Pagalit na usal niya. "Naku, sinasabi ko sa'yo, maghahalo ang balat sa tinalupan. Hindi kita sasantuhin, puputulan talaga kit-"
Luis stopped her by kissing her lips.
Pumatong ito sa kanya, "Ang dami mong sinasabi. Dati pa 'yon okay? I'm a changed man now. Ikaw na lang ang babae ko. At ikaw na lang ang magiging babae ko. Mahal na mahal kita, okay? Ikaw lang. Do you trust me?" Nag-aapoy ang mga mata nito na puno nang pagnanasa sa kanya.
"I do."
"Good." Ani Luis pagkatapos ay muli siyang hinalikan sa mga labi.
Nang palalimin pa nito ang paghalik sa kanya ay napausal na lamang siya ng dalangin na sana ay hindi siya magising kinabukasan na puno na naman ng mga marka sa buong katawan. Especially now that he's so turned on.