GANADO sa pagkain ng lunch sina Joey at Aliyaah. Pareho silang seryoso at walang may gustong magpaistorbo sa pagkain ng ginisang sardinas na may repolyo, tuyo, itlog na maalat na may kamatis, at bagoong at kamatis bilang sawsawan.
Mula nang dumating si Aliyaah sa bansa ay lagi itong nagrerequest ng ganoong pagkain kay Joey pero dahil si Luis ang kasabayan niya sa pagkain ay hindi niya mapagbigyan ang kaibigan dahil hindi naman kumakain ng ganoong mga pagkain ang kasintahan.
Kaya nang malaman ni Joey na may luncheon meeting si Luis at hindi makakasabay maglunch sa kanya ay agad na tinawagan niya si Aliyaah at sinabihan ito na maglunch sa bahay niya dahil magluluto siya ng mga paborito nilang pagkain. Busy si Aliyaah pero nang malaman nito ang balak niya ay agad na pinuntahan siya nito.
Katulad ni Aliyaah ay miss na miss na din niya ang mga ganoong pagkain. Magsimula kasi nang makilala niya si Luis at makasama ito ay hindi na siya nakakakain ng mga ganoong pagkain.
It's for the poor, yes. Totoong ang mga nasa hindi maalwan na buhay ang madalas mag-ulam nang ganoon. Pero para sa kanila ni Aliyaah, isa ng pribilehiyo at napakalaking biyaya ang makakain ng mga pagkaing ganoon lalo na't pareho nilang naranasan ang magutom at walang makain.
Katulad niya, may masalimuot ding karanasan si Aliyaah sa bansa. Maswerte lang sila at may mga taong tumulong sa kanila, dinala sila sa ibang bansa at binigyan ng magandang buhay. Aliyaah's past experiences were also the reason why she's a member of UP.
Ikatlong plato na ng kanin ang kinakain ni Joey nang magring ang cellphone niya. Saglit silang natigilan ni Aliyaah at nagkatinginan pagkatapos ay nagsimula na ulit kumain si Aliyaah habang siya ay gustong-gusto nang murahin ang kung sino mang gumambala sa pagkain niya.
Pero nang tignan niya ang screen ng cellphone at ang larawan ni Luis ang nakadisplay sa screen ay dali-dali siyang tumayo para maghugas ng kamay.
Then she remembered, 'yun nga pala ang ringtone ni Luis sa kanya at kahit pa nakasilent ang phone niya ay tutunog iyon kapag si Luis ang tumatawag.
"Hello, Bossing." Bati niya nang sagutin ang tawag.
"Hello, Babe. Bakit ang tagal mong sumagot?" Tanong ni Luis at kung tama ang hinala niya ay nakabusangot na ito sa kabilang linya.
"Kumakain kasi ako. Bakit ka napatawag? Akala ko ba may meeting ka?" Naglakad siya palayo at tumalikod kay Aliyaah na kahit sumusubo at ngumunguya ng pagkain ay nakatingin pa rin sa kanya at pinapanood ang bawat galaw niya.
"Really? Good. I excused myself for a while so I can talk to you and make sure you've eaten your lunch."
"Sus." Tanging nasabi niya dahil bigla na namang nagliparan ang mga alaga niyang paru-paro sa tiyan.
"I love you, Babe. Kailangan ko ng bumalik sa meeting. I miss you."
"Hoy! Anong I miss you ka diyan! Galing ka palang dito kaninang umaga at nag-videocall ka pa sa'kin two and a half hours ago pa lang!"
"Eh, miss na nga kita agad-"
"Ay, ewan ko sa'yo! Sige na, ba-bye na. I love you too." Bago pa man ito makasagot ay pinatay na niya agad ang tawag.
Nangingiting binalikan niya si Aliyaah na agad tumutok ang mga mata sa kanya kaya agad niyang pinaseryoso ang mukha.
"What happened to your Walang Forever?" Si Aliyaah habang sinisimot ang kanin sa plato.
"Tsk! Walang pakialamanan. Nung nagpakasal ba kayo ni Bronx, pinakialaman kita?" Taas-kilay na tanong niya. Natahimik naman si Aliyaah at nag-iwas ng tingin.
"I want to eat more. Kain ako pa." Pag-iiba ni Aliyaah sa usapan at muling kumuha ng kanin.
Tatlong malalaking lata ng sardinas, anim na plastic ng tuyo at isang dosenang itlog na maalat ang naubos nila sa isang kainan lang. Nagtawanan na lamang sila ni Aliyaah nang maging ang kanin sa malaking rice-cooker ay naubos nila.
Sa sobrang kabusugan ay tinamad na ang dalawang magligpit ng pinagkainan. Kahit sa pagtayo ay pareho pa silang tinatamad kaya halos pagapang na lang silang nagtungo sa sala.
"Thank you, Lord. Nibusog akong madami." Usal ni Aliyaah
Kunot-noong napasulyap si Joey kay Aliiyah. "Anong sabi mo?"
"Nibusog akong madami, sabi ko."
"'Langya! Ikaw lang talaga nakakaintindi sa mga pinagsasasabi mo."
"Atleast I can speak the language."
"Bulol naman at mali-mali. Nung tinuturuan ka kasi, inuna mo pa ang pagkerengkeng ayan tuloy."
"What? What is kerengkereng?"
"Kerengkeng! Ay, ewan! Inaantok ako. Huwag mo akong kausapin."
"Away ko na balik sa office. Antok na din si ako."
"Uy! Pinapasahod ka ni Art, balik ka na do'n."
"Away. Antok na ako..."
"Ayaw kasi 'yon. Away-away ka diyan," pagtatama niya sa tagalog nito pagkatapos ay ngumisi, "Isusumbong kita kay Art," pabirong banta niya
"Go on. He's busy with his girlfriend and I'm sure they are seizing the moment. Only three days left, so..." Kibit-balikat na sagot ni Aliyaah.
"Ang bilis ng araw..." pabuntong-hiningang usal niya.
"I can't wait to be back in US."
"Why? Miss mo na agad si B?" nakangising usal niya.
"Duh! Of course not!" Pagalit na usal ni Aliyaah pagkatapos ay nagseryoso amg mukha. "I bumped into the former secretary of DSWD. Damn, man! I can't wait to set my hand on him and make him pay for all his evilness."
"Oh! I see. Well, I'm done with mine, may be you can start yours?"
"Nah! There's a right time for that. Una ko muna divorce."
"Psh! Asa ka pa." Natatawang usal niya at muling nilingon si Aliyaah na nag-aayos ng pagkakahiga sa mahabang sofa.
"Tulog ako din." Usal nito pagkatapos ay pumikit na. Naiiling na ipinikit na din niya ang mga mata at nagpadala sa antok.
NAGISING si Joey dahil sa pamilyar na amoy at init ng katawan ng lalaking nakayakap sa kanya. Pagmulat niya ng mga mata ay mahimbing na natutulog sa tabi niya si Luis.
He's only wearing white v-neck shirt and a boxer shorts. Luis looks very tired. Kaya siguro hindi na siya ginising nito at tumabi na lang sa kanya para makapagpahinga.
Nang dumating ito kanina ay naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya patungong kwarto. Pero dahil antok na antok pa siya ay itinuloy na lamang niya ang pagtulog.
She looked at their intertwined hands. Kahit sa pagtulog ay gustong-gusto ni Luis na magkahawak ang mga kamay nila. And while looking it it, she realized how lucky she is for having Luis in her life. Walang araw na hindi nito ipinadadama sa kanya na she is loved.
Mabilis na dinampian niya ng halik sa mga labi si Luis pagkatapos ay dahan-dahang binitawan ang kamay nito pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay nagising na si Luis at agad na hinawakan ang kamay niya.
"Where are you going?" Paos ang tinig na tanong ni Luis. Bahagya lang nakabukas ang mga mata nito at mukhang inaantok pa.
"Sa kusina lang ako, Babe. Sleep more. I know you're tired." Mahinang usal niya.
Bahagyang tumango si Luis at ipinakit na ulit ang mga mata.
"Babe, ang kamay ko..." usal niya nang hindi pa rin pakawalan ni Luis ang kamay niya.
Imbes na bitawan ay hinila siya ni Luis pabalik sa kama at mahigpit na niyakap. Halos sumubsob na ang mukha niya sa dibdib nito.
"I miss you, Babe." mahina at paos na usal ni Luis.
Nag-aalalang sinulyapan niya ang mukha nito. His voice is unusual. Matamlay din ang pagsasalita nito.
"Are you okay, Babe?" nag-aalalang tanong niya kasabay ng pagdampi ng palad sa leeg nito. "You're sick!"
Tanging ungol lang ang naging tugon ni Luis.
Dali-dali siya nag-ayos ng pagkakaupo at muling dinama ang leeg nito. Mainit nga ito! Hindi niya agad napansin kanina dahil ang akala niya'y normal na temperatura ang naramdaman niya.
Akmang tatayo si Joey nang pigilan siya ni Luis.
"Stay here, please." Nakapikit ang mga matang usal nito.
"K-Kukuha lang ako ng pampunas sa katawan mo para mabawasan ang init," paliwanag niya pero umiling lang si Luis at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay.
"No. Stay."
"Ikukuha din kita ng gamot. Kumain ka na ba?"
"I don't like meds..."
"Pero-
"Just stay. I don't need anything, Babe. Ikaw lang, okay na ako."
"But-"
"Shh. I'm fine. Lagnat lang 'to. Mawawala din agad." Hinila ulit siya ni Luis pahiga sa dibdib nito.
Kahit nag-aalala si Joey sa kalagayan ni Luis ay nanatili siya sa tabi nito. Hinintay niyang tuluyang makatulog si Luis bago dahan-dahang tumayo. Nagtungo siya sa mga drawers at maingat na naghalungkat sa mga gamit doon. Ang alam niya ay binigyan siya ng isang dosenang thermometer ni Altheia. Hindi niya lang matandaan kung saan niya nailagay ang mga 'yon.
Ilang mga drawers pa ang hinalungkat niya bago mahanap ang mga iyon. Agad na binuksan niya ang isa at maingat na inipit sa kili-kili ni Luis.
Nang tumunog na ang thermometer ay lalo siyang nag-alala nang umabot ng 39.6°c ang temperature ni Luis.
Dali-daling nagbukas ng cellphone si Joey para mag-research kung ano ang pwede niyang gawin para bumaba ang lagnat ni Luis.
Nang may mahanap ay agad na lumabas siya at nagtungo sa kusina. Nagulat pa siya nang malinis iyon at maayos na nakasalansan ang mga kagamitan. Wala nang bakas ng pinagkainan nila ni Aliyaah.
Nagpakulo siya ng tubig sa electric kettle, in-on niya ang security camera ng kwarto kaya habang hinihintay kumulo ang tubig ay nababantayan niya si Luis. Habang nakasalang ang tubig ay sumilip siya sa sala, wala na doon si Aliyaah.
Joey wonder kung sino ang naglinis ng mga kalat. Kung si Aliyaah ay isang malaking himala ang nangyari. Pero saka na niya pagtutuunan ng pansin iyon, ang mahalaga ngayon sa kanya ay si Luis.
Inihanda ni Joey ang lahat ng mga kakailanganin niya sa pagpupunas ng katawan ni Luis. Nang kumulo na ang tubig ay agad na bumalik siya sa kwarto.
Ungol ang sumalubong kay Joey pagdating niya sa kwarto.
Agad na nilapitan niya si Luis, "May masakit ba sa'yo, Babe?" tanong niya habang dinadama ang leeg at noo nito.
"M-Mommy..." ungol ni Luis kasabay ng pag-agos ng luha sa gilid ng mata nito.
"Do you want me to call your mom?" Nag-aalalang tanong niya habang pinupunasaan ang luha nito.
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Luis, "No. She might be busy." Mahinang sagot nito.
"Wala namang ginagawa si Mommy mo sa bahay, 'di ba?"
"Baka nasa kina Aya siya. I'm fine, Babe. Sorry for making you worry." Anito at muling pumikit.
Parang may munting kurot siyang naramdaman sa puso sa pait ng tinig nito. Pero isinawalang bahala na muna niya iyon.
"Pupunasan kita, Babe, ah?" She started undressing Luis. "Hands up, Babe." Aniya at agad naman nitong itinaas ang kamay. "Are you sure you don't want to drink med? Masyadong mataas ang lagnat mo."
Umiling si Luis.
"Alright." Nagsimula na siyang punasan ang buong katawan ni Luis, at habang ginagawa iyon ay paulit-ulit na tsine-tsek niya kung bumababa ba ang temperatura nito.
Ilang minuto din niyang ginawa iyon at nakailang palit din siya ng tubig bago bumababa hanggang 37°c ang temperatura ni Luis. Saka pa lang siya nakahinga nang maluwag at medyo naibsan ang pag-aalala.
"Damn, Babe. You'll be the death of me." Mahinang usal niya.
Inilabas na niya ang mga pinag-gamitan. Pagkatapos ay naghanda ng makakain ni Luis. Nang matapos ay binalikan na niya ulit si Luis at habang binabantayan ang mahimbing na pagtulog nito, pinanood niya ang lahat ng mga cctv footages ng bahay at mga opisina nito.
Gusto niyang alamin kung anu-ano ba ang pinag-gagagawa nito para magkasakit ito.
There's nothing unusual naman bukod sa madaming meetings at paglalagari nito sa tatlong kumpanya. Yes. Tatlo.
Hindi sinabi sa kanya ni Luis na pinamamahalaan na nito ulit ang Tan&Sy! And now she's wondering if he really quit.
Gusto niyang mainis dahil nagpi-feeling superhero ito!
Joey continued watching. Nasa footages na siya ng bahay nito nang mapansin niyang sa halos lahat ng footages ay bumabangon sa madaling araw si Luis. She zoomed-in at nakita niyang trabaho sa opisina ang ginagawa nito.
Hindi maiwasan ni Joey na mapamura. 'Tangina lang! Sa ganoon pala hinahati ni Luis ang oras nito. In the morning, before he goes to office, dinadaanan siya nito sa bahay. Pagkatapos ay maglalagari ito sa tatlong kumpanya. Sa lunch time ay sa kanya ito umuuwi. Then after work ay nasa kanya ulit ito. Madalas ay inaabot sila nang madaling-araw sa pag-uusap at pagkukwentuhan na sana ay nilalaan na lamang ni Luis sa pagtulog! Pag-uwi nito sa sariling bahay nito ay dalawa o tatkongbiras itong matutulog pagkatapos ay muli na nitong haharapin ang mga trabaho.
Pinaghalong pagod at puyat. Idagdag pa ang mga alalahanin nito sa mga kumpanyang pinamamahalaan. Damn! Paanong hindi ito magkakasakit kung ganoong ang routine nito araw-araw?
Ang sakit sa pakiramdam na sa kagustuhan nitong ma-please ang mga mahal sa buhay ay nakakalimutan na nito ang sariling kalusugan. Joey felt guilty too. Hindi niya alam na ganoon na pala ang ginagawa ni Luis. Masyado siyang nagkomportable na wala ng threat sa buhay nito kaya hindi na niya tsine-tsek ang mga footages sa opisina at bahay nito. Isa pa'y madalas naman silang magkasama. And if only she knew na ganoon pala kapagod ang bawat araw nito, sana ang mga oras na sinasayang nila sa sa gabi ay pinahinga na lang nito. But Luis is Luis. Alam niyang hindi ito papayag na lumipas ang gabi na hindi siya nakakakwentuhan. At ngayong alam na niya, sisiguraduhin niya na kahit magkasama sila ay makakapagpahinga parin si Luis.
Kaya kahit gabi na, pinakialaman niya ang cellphone ni Luis at tinawagan ang mga secretaries nito. Pina-cancel niya ang lahat ng appointments and meetings nito habang ang mga importante ay pina-resched niya.
Luis badly needs rest. At sa ayaw at sa gusto nito ay papagpahingahin niya muna ito sa bahay. Subukan lang talaga nitong magreklamo at hindi siya mangingiming kutusan ito.
-
"Babe, I love to stay here with you 24/7 doing nothing but you know, I need to work my ass off."
Saglit na itinigil ni Joey ang paghahalo ng pancake mixture nang sa hindi na mabilang na pagkakataon ay marinig ang pagpupumulit ni Luis na pumasok na sa trabaho.
It's his 4th day doing nothing in her house. Well, not really. Because most of the time, they spent their day talking about non-sense thing, fighting over petty things, and kissing, flirting, necking ang petting.
"Ako, Babe, kapag nakulitan sa'yo, I'll let you work non-stop. Sisiguraduhin ko din na hindi kana makakabalik pa sa'kin kahit kailan." Naiinis na sagot niya.
"Babe naman..." Si Luis na naglalambing na yumakap sa kanya mula sa likuran. "Kapag hindi pa ako pumasok, mas madadagdagan ang trabah-"
"I'll help you." Putol niya sa sasabihin nito. Binitawan niya ang bowl na hawak at hinarap ito nang hindi umaalis sa pagkakayakap nito. "Kahit mag-hire pa tayo ng isang-daang mga secretaries mo para lang mapagaan ang trabaho, gagawin natin. Just rest, okay? Hayaan mo na muna ang mga kumpanya mo. Hindi naman iyon babagsak dahil sa isang linggong pag-absent ng CEO. "
Luis pouted. Mabilis na hinalikan niya iyon at kumawala na sa yakap nito.
"You're being extra sweet, Babe. Parang gusto ko na lang atang magkasakit araw-araw." Nakangising usal ni Luis.
Dali-daling kumuha siya ng sandok at hinampas sa balikat nito.
"Ouch!" Reklamo ni Luis. Nakokonsensiyang agad na nilapitan niya ito.
"I'm sorry!" Hinimas niya ang nasaktan braso ni Luis, "Nakakainis kana man kasi! Halos mamatay ako sa pag-aalala nang magkasakit ka, kahit lagnat lang 'yon ay nakamamatay pa rin, pagkatapos ay sasabihin mo sa'kin ngayon na sana araw-araw kana lang na may sakit? Gago ka ba, ha? Oh, heto," iniabot niya ang kutsilyo kay Luis. Bahagya pa lang itong napaurong sa pag-aakalang sasaksakin niya ito. "Patayin mo na lang ako, gago ka!"
Gulat si Luis sa naging reaksiyon niya. Ang mga singkit nitong mata ay nanlaki.
Naiinis na pinahid niya ang luhang pumatak sa kanyang mukha.
Kinuha ni Luis sa kanya ang kutsilyo at hinapit siya payakap dito. "I'm sorry, Babe. I was just kidding. I didn't mean what I said. I'm sorry. Don't cry, please." Marahang hinahaplos ni Luis ang kanyang buhok.
"Gago!" Inis na usal niya pero gumanti din ng yakap.
They stay in that position for a while. Naghiwalay lang sila nang maamoy na niya ang pagkasunog ng butter sa kawali.
-
PINANGAKO ni Joey kay Luis na sasamahan niya ito sa pagbabalik nito sa opisina, kaya nang matapos ang isang linggo nitong pahinga, sinundo nga siya nito para isama sa opisina.
Pero gusto niyang kutusan si Luis dahil bored na bored na siya. Ang akala niya ay hahayaan siya nitong tumulong sa mga gagawin nito pero ang damuho ay isinama lang pala siya para may landiin ito kapag ito ang nabobore sa mga pinipirmahan nito.
"Babe, come her-"
"'Tangina mo, humalik ka sa pader." Naiinis na usal niya dahil alam niyang tinatawag lang siya nito para magpahalik.
Tumawa si Luis kaya mas sinamaan niya ito ng tingin.
Magsimula kanina ay tinatawag lang siya nito para magpahalik o di kaya ay yakapin at panggigilan. Ang akala pa naman niya ay bibigyan siya nito ng trabaho. Mabuti pa noong bodyguard siya nito ay marami siyang ginagawa.
"Seriously, Babe, come here, may ipapakita ako sa'yo." Ani Luis at itinuro ang laptop nito.
"Umayos ka, huh? Sasapakin na talaga kita." Banta niya habang naglalakad palapit dito.
Nang makalapit siya ay agad na hinila siya ni Luis paupo sa kandungan nito.
"What's is it?" Tanong niya habang nakatingin sa laptop nitong ang background ay larawan nilang dalawa. Inayos ang pagkakaupo sa kandungan nito para mas matignan ang laptop kahit na hindi niya malaman kung anong tinutukoy nito. Sa ginawang pagkilos ay bahagyang napaungol si Luis kaya tinampal niya ito sa braso.
"Nagigising ang alaga ko, Babe." tila nahihirapang usal nito.
Tatayo na sana siya pero mabilis na hinapit siya ni Luis. "Don't move."
"Ang manyak mo, eh! Ano ba kasi 'yon?" Nag-init ang mukha ni Joey. Nararamdaman nga niya ang pagkabuhay ng p*********i nito.
"Wala lang. I just want you near. I love you." Mahinang usal nito sa tapat ng tenga niya. Tumindig ang mga balahibo niya sa ginawa nito.
Damn, Luis! Paano ito hindi matatambakan ng trabaho kung puro kalandian ang inaatupag nito!
-
'Have you read Aliyaah's e-mail?'
TEXT iyon mula kay Arthur. Napakunot-noo si Joey nang maalalang naka-received nga siya ng e-mail kay Aliyaah few hours ago.
Hindi niya pinansin iyon sa pag-aakalang magyayaya lang ito ng videocall. Isang linggo na itong nakabalik sa US at alam niyang makiki-chismis lang ito sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Agad na nagpipindot siya sa cellphone at nagtungo sa mga e-mails. She clicked Aliyaah's e-mail.
'I'm coming back to PH to fetch you, guys, J and Art. Ready your things. Chief wants you both here as soon as possible.'