'Have you read Aliyaah's e-mail?'
TEXT iyon mula kay Arthur. Napakunot-noo si Joey nang maalalang naka-received nga siya ng e-mail kay Aliyaah few hours ago.
Hindi niya pinansin iyon sa pag-aakalang magyayaya lang ito ng videocall. Isang linggo na itong nakabalik sa US at alam niyang makiki-chismis lang ito sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Agad na nagpipindot siya sa cellphone at nagtungo sa mga e-mails. She clicked Aliyaah's e-mail.
'I'm coming back to PH to fetch you, guys, J and Art. Ready your things. Chief wants you both here as soon as possible.'
Pagkabasa ay malakas na tumawa si Joey. "'Tangina! What a joke!" Hindi pa siya nakuntento at humalakhak pa siya. She laughed her out para maibsan ang sakit na naramdaman nang mabasa ang e-mail.
Si Luis na seryoso sa trabaho ay napahinto sa ginagawa at nagtatakang napatingin sa kanya.
"What happened?" Tanong nito.
"Wala lang. May nabasa lang akong nakakatawa." Sagot niya at muling humalakhak kahit na ang totoo ay gusto na niyang umiyak.
What a joke! Mapaglaro talaga ang tadhana. Just when she's enjoying her life in the Philippines, saka naman siya pinapabalik ng UP. Kung kailan mahal na mahal na niya si Luis at hindi na niya ito kayang iwan.
Kumunot lang ang noo ni Luis pero ngumiti din. Tumatawa parin na nilapitan niya ito at patagilid na umupo sa kandungan nito. Isiniksik niya ang ulo sa leeg nito.
"Whoa!" Bulalas ni Luis. "What is it, Babe? Anong gusto ng baby ko?"
Umiling lang siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap dito na tila sa ganoong paraan ay mawawala ang sakit dulot ng pagkadurog ng puso.
Masakit. Masakit na masakit. Ang e-mail ni Aliyaah ay isang sampal sa kanya. Sampal ng katotohanan. Sampal ng malupit na tadhana na tila ginigising siya sa kahibangang pangarap niyang magkaroon ng mapayapang buhay kasama si Luis.
"C'mon, Babe, what is it? Hmm? Tell me." Malambing na tanong ni Luis habang hinahalikan ang pisngi niya.
"W-Wala nga," sagot niya. Ilang beses siyang lumunok para mawala ang bikig sa lalamunan. Kinagat din niya ang nanginginig na labi para mapigilan ang paghikbi.
"Do you want to go home?" tanong ulit nito.
"But, you are my home."
"f**k," inalis ni Luis ang pagkakayap niya dito para makita nito ang mukha niya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya, "Bakit mo ako pinapakilig, hmm? Sa'yong sa'yo na ako, Babe. All of me. Hindi mo na kailangan pang pahulugin ako ng paulit-ulit. I am so madly, deeply in love with you, Babe."
Mariing hinalikan siya ni Luis sa mga labi, "Uwi na tayo?" tanong nito at nang tumango siya ay agad na inayos na nito ang mga gamit.
PAGDATING nina Joey sa bahay ay kaagad na dumeretso siya sa kwarto. Nahiga siya sa kama at niyakap ang unan. Sa paanan niya ay nakatayo si Luis na puno ng pag-aalalang nakatingin sa kanya.
"What's wrong, Babe? May problema ba?"
Umiling siya at inihilig ang ulo sa unan.
"May sakit ka ba? May masakit ba sa'yo?" Sumampa si Luis sa kama at naupo sa gilid niya.
She smiled bitterly, "Masama lang pakiramdam ko," pagdadahilan niya.
That's the truth. Masama ang pakiramdam niya. Sa sobrang sakit ng puso niya, pati ang katawang laman niya ay sumasakit na rin. She is emotionally sick.
Seeing Luis and knowing that she has to leave him soon makes her whole being aches in so much pain. Parang sinasagasaan ng pison ang puso niya at paulit-ulit na dinudurog iyon.
"H-Ha? Ba-Bakit ngayon mo lang sinabi?" Nagpapanic na tanong ni Luis. He started blabbering things na agad niyang pinutol sa pamamagitan ng paghigit dito pahiga.
"Shh. Just hug me and I'll be okay."
Luis obliged. Niyakap nga siya nito nang mahigpit. "Rest, Baby. You took care of me when I was sick, let me take care of you now and for the rest of our lives."
For the rest of our lives
Tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Joey. Luis can't see her face dahil nakayukyok ang ulo niya sa dibdib nito. Pinipilit niyang hindi nito mahalata ang pag-iyak.
"Sing for me," hiling niya.
"Huh? Anong kakantahin ko?"
"Kahit anong gusto mo."
"Naglalambing ang Baby ko. This ain't normal. Kailangang pagbigyan." Luis cleared his throat.
"I wasn't perfect, I've done a lot of stupid things. I'm still no angel..." he started singing.
"She changed my life, she cleaned me up. She found my heart, like a only a woman can."
No. It's you who changed my life, Luis. It is you who found my broken heart and the one who fixed it.
"She pulls me up, when she knows I'm sad. She knows her man, like only a woman can."
Malumanay ang boses ni Luis. It's not his usual singing voice. It's like he's soothing her. He's soothing her broken and aching heart. He's fixing her over and over again.
"And who decided I'd be hers? I wanna hate them 'cos now I can't live without her."
Hindi na napigilan ni Joey ang pag-galaw ng balikat dahil sa pag-iyak. Natigil si Luis sa pagkanta, "Babe," inangat nito ang ulo niya. "why are you crying?"
"Don't mind me, Babe. Wala lang 'to. Bigla-bigla na lang akong nagiging emotional," pagsisinungaling niya at pinilit ngumiti habang pinupunasan ang sariling luha.
"Buntis ka?"
"Gago! Sana nakakabuntis ang halik, 'di ba?"
"I'm just kidding. Hindi ako sanay na ganyan ka. I'd rather hear you cursing me than see you that sad and worst, crying. Cheer up, Babylove. I'm just here."
"I love you, Marco Luis Sy. With all that I am and all that I have. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita at naging bahagi ka ng buhay ko. I will love you forever, Babe. Even in my afterlife." Another fresh tears streamed down her face.
"Sandali nga," nagseryoso si Luis. "you aren't dying. Huwag ka ngang magsalita na parang may malalang karamdaman ka." Pagalit na usal ni Luis habang pinupunasan ang mga luha niya. "You're making me nervous, Babe. And it's not funny at all especially now that you're not feeling well and I can't do anything to make you feel okay."
"Malay mo, pagtulog natin, hindi na ako magising-"
"Don't say that! Kung kailangang bantayan ko ang bawat paghinga at pagtibok ng puso mo, gagawin ko, masiguro ko lang na magigising ka ulit."
Joey smiled. How can she not love this man? Paanong hindi siya mahihirapan na iwanan ito kung ganoon nito ipinapakita at ipinadadama ang pagmamahal nito sa kanya?
"At kung sakali mang mangyari nga 'yang sinasabi mo," Luis paused, huminga ito nang malalim at saglit na ipinikit ang mga mata. Pagmulat nito ay puno ng pagmamahal na tinitigan siya nito sa mga mata. "take me with you. Because I can't imagine life without you."
Ahh! Ang kaninang pag-iyak ay natigil. Umusbong ang hindi pilit na ngiti. Though her heart is broken because of the sudden news from Aliyaah, it didn't stop beating and it continues to fall harder for Luis.
Unti-unti ay napapabungisngis siya, "Don't worry, Babe. I won't die in my sleep."
"f**k! Nakakatakot tuloy matulog!"
"Oh, c'mon. Let's sleep, Babe. I wanna see you in my dreams."
"Pagkatapos mong gisingin ang diwa ko sa mga pinagsasabi mo, yayayain mo akong matulog?"
"Malay mo, kahit man lang sa panaginip ay mapagbigyan kita sa sexy time na gusto mo." Nakangising biro niya.
Luis groaned. Inirapan siya nito pero nakisakay din sa kanya. "Bakit hindi mo na lang ako pagbigyan ngayon?"
"Oh, sure. Why not?" She started unbuttoning his polo. Hindi pa ito nakakapagbihis.
Nanlaki ang mga mata ni Luis. Hinuli nito ang kamay niya at pinigilan siya sa ginagawa. "Ang tanong, gusto ko ba?"
This time, siya naman ng nagulat sa sinabi nito.
"Tumigil ka, Babe. Pakasalan mo muna ako bago mo ako matikman."
"Hoy! Gago ka, ha?! Ikaw pa may ganang mag-demand ng kasal?"
"Syempre! Malay ko ba kung pagkatapos mo akong tikman ay takasan mo na lang ako at hindi ako panagutan. Paano naman ang puri ko, 'di ba? Kaya dapat, kasal muna."
"Kapal ng mukha mo, Marco Luis Sy! Parang ako pa ang sabik na sabik makipag-s*x sa'yo, ah! Sa dami ng mga naikama mo outside marriage, ngayon ka pa may policy'ng ganyan?"
"Malamang iba ka sa kanila. Hindi kana man pangkama lang. Ikaw 'yung tipo ng babaeng inihaharap muna sa altar. Ikaw 'yung tipo ng babaeng panghabang-buhay at hindi pang-one night stand lang. Ikaw 'yung tipo ng babaeng-"
"Oo na. Tama na. Baka pakasalan mo pa ako ngayon din. Tulog na tayo. Gusto ko ng matulog."
"Hindi mo ako pauuwiin?"
"Nah. I want to sleep with you."
"And who am I to say no?" Hinubad ni Luis ang polo at pantalon. Leaving him with just his short and boxers.
Yumakap si Joey kay Luis at sinubukang makatulog. Pero ang isip niya'y ayaw siyang hayaan. Gising na gising ang diwa niya. Thinking about possibilities and thinking about ways on how to spill the news to Luis.
JOEY doesn't know what to do. Aliyaah's really back. Nagkausap-usap na silang tatlo. Masakit man para sa kanya na iwanan si Luis, kailangan niyang gawin 'yon.
She and Arthur tried to talk to their Chief. Masyadong mahaba ang training period at planning nila sa misyon na 'yon. Nakiusap sila na next year na lang babalik ng US dahil ang buong taon naman ay nakalaan lang para sa training at pagpapatuloy ng surveillance. Ang balak nila ni Arthur ay magtraining na muna sa bansa with the special forces pero hindi sila pinayagan.
UP wants them as soon as possible. Sinabi na ni Arthur kay Almira ang nalalapit nilang pag-alis. But what they didn't expect is Arthur's decision.
He's staying. Almira asked him to stay. He's willing to give up everything for the love of his life. Habang siya, wala ng pinagpiliin pa. Sa una pa lang, ipinasok na niya sa isipan na kailangan niyang iwanan si Luis. Oo, nahihirapan siya at alam niyang mahihirapan siyang ipaintindi kay Luis ang gagawin, pero sa bawat pagtatapos ng araw, malinaw sa isip ni Joey kung ano ang pipiliin.
"I don't care how much will I pay! Almira wants me to stay then I will stay!" Si Arthur nang banggitin niya kung ano ang pwedeng mawala dito.
"Alam mo, Arthur, ang gago gago mo! Tangina, pwede ka nang ipabaril sa Luneta dahil sa sobrang pagkamartyr mo!" Bulyaw niya. Nawawalan ng pasensiya. Hindi niya alam kung kay Arthur ba o sarili niya dahil hindi niya kayang gawin ang mga kaya nitong gawin para sa mahal nito.
"You'll pay twenty billion? You'll going to give up all your savings just because your girlfriend wants you to stay?" Si Aliyaah. Hindi din ito makapaniwala sa maging desisyon ni Arthur.
"Yes." Sagot ni Arthur.
"Putangina, Arthur! Gumising ka nga sa kahibangan mo! Lagi na lang bang ikaw ang magsasakripisyo? Putangina! Bakit hindi mo sabihin kay Almira na kailangan mo talagang umalis? I'm sure maiintindihan niya iyon."
Gusto niyang palakpakan ang sarili. Saan niya hinugot ang mga salitang lumalabas sa bibig? Ang gusto niya ay murahin ang sarili. Ipamukha sa sarili na lagi na lang si Luis ang nagsasakripisyo sa relasyon nila.
Hindi niya alam kung paano niya nagagawa iyon. Taliwas ang gustong sabihin ng puso't isip sa mga sinasabi ng bibig niya.
Paano niya nagagawang pilitin si Arthur na sumama sa kanila kung ang sarili niya mismo ay hindi niya makumbinsi na lisanin ang bansa? Paano niya nasasabi ang lahat ng mga iyon kung ang tanging gusto niya ay pareho silang maiwan sa bansa para makasama nila ang mga mahal nila?
Pero paano niya tatalikuran ang sinumpaang tungkulin? Paano niya tatalikuran ang mga taong gumabay sa kanya noong ang akala niya ay wala ng patutunguhan ang buhay niya?
"No. I'll stay." Pinal na sagot ni Arthur. She continued arguing with him pero desidido ito. He'll stay. He'll continue his life with Almira. Habang siya ay kailangang tanggapin na hanggang doon na lang sila ni Luis.
Siguro nga unfair siya, selfish and all dahil hindi niya kayang talikuran ang UP para kay Luis.
BUO at pinal na ang desisyon ni Joey. Babalik na siya sa US. Alam naman niyang mangyayari iyon. Her indefinite leave has ended. Inasahan na niya iyon, ang ipatawag siyang muli ng UP. Ang hindi niya inaasahan ay ang sitwasyon niya.
Inihanda na niya ang mga gamit na dadalhin sa US. Pati ang mga papeles niya. Inihahabilin na din niya sa mga tauhan ang kumpanya ng mga magulang niya. Ang bahay nila ay sisimulan ng i-restore pag-alis niya. May kaunting renovation pero minor lang. Ang gusto niya ay ganoon parin iyon. May last will na din siya para kung sakaling mamatay siya sa misyon, may magandang kapupuntahan ang mga pinagpaguran niya.
She's all set. Pero bago siya tuluyang umalis ng bansa, kailangan muna niyang ayusin ang lahat. Tatapusin niya ang inumpisahan upang tuluyan ng mapalaya ang sarili sa masalimuot na kahapon.
She went to their house. Naabutan niya ang tiyahin at pinsan na nag-aaway. Her Aunt Margie is crying while Marga's in her usual fiesty attitude. Kuntodo ayos ito, mamahalin ang kausotan at mukhang hindi alintana ang kasalukuyang sitwasyon. Sa magkabilang kamay nito ay mga paperbags mula sa mga mamahaling brand ng damit.
Nag-aaway ang dalawa dahil lumustay na naman ng pera si Marga. Napapailing na lang siya sa pinsan. Makakatagal kaya ito sa gagawin niya?
"What are you doing here?" Si Marga sa nanlilisik na mga mata.
Tinaasan niya ito ng kilay at nakipagpaligsaan sa pakikipagtitigan. "Let me remind you, Marga, this house is mine. May karapatan akong pumunta sa bahay na 'to sa kahit anong oras at pagkakataon na gustuhin ko."
Marga's about to retaliate, mabilis lang itong nahawakan ng nanay nito.
"A-Anong sadya mo, Abi?"
"I want to talk to you," sagot niya kay Tita Margie."
"At para saan naman?!" Pagalit na tanong ni Marga. Imbes na sumaglt ay dumeretso siya sa sala at naupo sa sofa. Sumunod sa kanya ang dalawa at naupo sa kaharap ng inupuan niya.
"I want you out of this house," diretsong sabi niya.
Nagulat ang Tita Margie niya. Ang mga mata nito ay nagsimulang magtubig. "P-Pero w-wala kaming titirhan..." Sa nanginginig na boses ay usal nito. The strong, powerful Margarita Salazar was gone. Tila hindi na ang Margie na nagpakulong sa kanya noon ang kaharap.
"You, b***h! Napakawalang-puso mo! Kinuha mo na ang lahat sa'min, pagkatapos ay paaalisin mo kami dito? Ang kapal naman ng mukha mo!" Nanggagalaiting bulyaw ni Marga. Tumayo ito para lusubin siya pero napigilan ito ng ina.
"A-Abi... M-Maawa kana sa'min. B-Bigyan m-mo pa kami ng ilang buwan... M-Maghahanap l-lang kami-"
"No, Mom!" Putol ni Marga sa sinasabi ng ina. "Huwag kang magmakaawa sa kanya! Inagaw niya ang lahat sa'tin! Kinuha na niya ang business na'tin. Pati ang bahay na 'to ay kukunin pa niya?"
"Walang sa inyo, Marga. At mas lalong walang sa'yo. Lahat ng mga tinatamasa mo, lahat ng mga meron ka magsimula noon ay sa'kin lahat. Sa'min ng pamilya ko. Walang sa'yo. Itimo mo 'yan sa utak mo." Matapang na sagot niya sa mga paratang nito. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya pero wala siyang pakielam. Hindi siya natatakot.
Hinarap niya ang Tita Marga niya, "I'll give you enough money so you can start a business. I'll give you a decent house, too, even if you don't deserve it. Tandaan niyo, hindi ko ito ginagawa dahil lang naaawa ako, hindi din dahil mabait ako kundi dahil hindi ako masama."
Mula sa backpack na dala ay inilabas niya ang envelope na naglalaman ng pera, inilapag niya iyon sa harapan ng mga ito kasama ang titulo ng bahay at lupa na binili niya para sa mga ito.
"I wish you all the best in this world, Tita Margie and Marga." Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng Tita Margie niya pero si Marga ay mas lalong nagtagis ang panga. Kitang-kita niya ang pagngitngit ng mga ngipin nito. "Sana sa susunod na pagkikita natin, natutunan niyo nang magpahalaga sa mga bagay-bagay dito sa mundo. Maliit man o malaki. At sana, dumating ang araw na pare-pareho na tayong makalaya sa sugat ng kahapon." Tumayo na siya at bahagyang yumukod sa harapan ng mga ito. "Hanggang sa muli, Tita Margie, Marga."
Taas noong lumabas siya ng bahay. Narinig pa niya ang pagsisisigaw ni Marga mula sa loob. Nagagalit ito dahil pumayag ang nanay nito sa kagustuhan niya. It's not like they have a choice.
Tinawagan niya si Rob at pinapapunta na ito sa bahay para tulungan ang Tita Margie niya at si Marga sa paglipat sa bagong bahay ng mga ito. It's not as big as her family's house pero malaki na para sa dalawang tao. Fully furnished na din ito kaya hindi na poproblemahin ang mga kagamitan.
Dumeretso si Joey sa memorial park. Simula nang dumating siya sa Pilipinas ay hindi pa niya nadadalaw ang puntod ng pamilya. Ang gusto niya, haharap lang siya sa mga ito kapag nakabawi na siya sa mga taong sumira sa buhay niya, sa buhay nila o kaya naman ay kapag bangkay na din ang tita Margie niya.
Pero habang pinaplano niya ang mga gagawin, sunud-sunod ang realization sa buhay niya. Hindi pala kaya ng konsensiya niya na may maghirap dahil sa kanya. Dahil kahit gaano pa naging kasama ang mga ito sa kanya, pamilya niya parin ang mga ito. Alam niya kung gaano kasakit ang mawalan ng pamilya, ng mga magulang, it's hell. Ayaw niyang may ibang makaranas pa niyon. Lalo na ng isang miyembro ng pamilya nila.
Because no matter what, family is family. Kahit gaano mo pa kamuhian ang isang miyembro ng pamilya, kahit ilang beses mo pa siyang itakwil, may isang tila invisible na tali na patuloy na nagdudutong sa bawat isa.
Nakatayo si Joey sa harapan ng puntod ng pamilya. Three thombstone infront of her. She stared at the inscriptions in each of them.
Jonathan O. Salazar
Alyza Gaiel M. Salazar
Aligael Joyce M. Salazar
Hindi magkakalayo ang mga araw ng kamatayan ng mga ito. Her tears streamed down her face. Nanginginig ang mga tuhod na napaluhod siya sa harapan ng mga iyon.
"I'm sorry," nahihirapang usal niya. "I'm sorry it took me years to visit you. I'm sorry, Papa. I'm sorry, Mama. I'm sorry, Ali. I'm sorry that I can't just move on. I'm sorry, it took me a lot of time to finally let go. I'm sorry, I wasn't able to fulfill my promise to take revenge. But I know you're proud that I still let the good take over me inspite of all the evilness surrounding me. Malungkot man na mag-isa na lang ako, masakit man, mahirap man na tanggapin na hindi ko na kayo makakasama pa sa mundong ito, I promise, I will be fine. Kahit na miss na miss ko na kayo, kahit gusto ko na kayong makasama ulit, I promise to continue fighting, I promise to continue living. Hug me tight, Mama, I need you to tell me it's going to be alright. Tap my shoulder and kiss my forehead, Papa, I need to know if I'm still on the right track. Pray for ate, Ali. Ask God to help me surpass everything and anything that will come my way. I love you, Fam. Until we meet again."
Joey freed herself. Free from hatred. Free from the pain of the past. Free from all the bad memories of her childhood.
Joey's completely fixed and healed. Ngayon naman, bago niya ipaalam kay Luis ang pag-alis, she'll do something for him. Luis fixed her, now, it's time for his heart to be fixed. At sisimulan niya iyon sa pagkausap sa Lola nito.