Maaga akong gumising para magluto ng almusal namin ni Mommy. Alam kong ayaw niyang gawin ko to pero gusto ko lang talagang makatulong sakaniya kahit papano. 4th year college na ako at hindi na ako baby pa. Dapat lang naman na matuto na ako sa gawaing bahay.
Kinuha ko ang iPad ko para mag-search ng mga recipes na madaling lutuin. Gusto kong gawing espesyal ang breakfast namin ni Mommy ngayon. Kagabi kasi hindi na siya nag-dinner dahil sa sobrang late na siyang umuwi galing sa trabaho kaya gusto kong kumain siya ngayon ng masarap. Kung masarap nga ang luto ko. Haha.
Nag-browse lang ako ng mga easy recipes and presto! Mushroom and Egg White Omelet ang lumabas sa sinearch ko. Kinuha ko ang mga kailangang ingredients tsaka sinunod ang instructions ayon sa internet. This is my first time to cook kaya medyo kinakabahan talaga ako. I tried to cook before pero talagang hindi para sakin ang kaldero at sandok.
Halos kalahating oras din bago ako natapos sa pagluluto. Gumawa din kasi ako ng toasted bread na may strawberry and raspberry jam. My favorite and Mom's favorite. Gumawa din ako ng brewed coffee for her and fresh milk for me. Inayos ko lahat ng niluto ko sa lamesa at nag-lagay pa ako ng pang-garnish na parsley at pinatong din ang kinuha kong red rose sa garden namin sa may lamesa.
Iniwan ko na muna ang niluto ko don at alam kong mamaya lang ay magigising na din si Mommy. Bumalik ako sa kwarto ko para maligo at mag-ready na pagpasok. Maong skirt and white polo ang napili kong suutin ngayon na tinernuhan ko ng white 3 inches heels na sandals. Hinayaan ko na lang na bagsak ang medyo mahaba kong buhok at naglagay din ako ng manipis na lipstick tsaka lumabas ng kwarto ko dala ang bag ko.
Dumiretso naman agad ako sa kusina at naabutan ko si Mommy na nakatayo sa may lamesa habang titig na titig sa inihanda kong pagkain. "Jo-un a-chim!" [Jo-un A-chim = Good morning] Lumapit ako sakaniya para yakapin siya mula sa likuran. "Mom, wag ka ng umiyak. Alam kong touch ka for having me as your daughter. And thank you for that." Natatawang sabi ko sakaniya para naman gumaan ang atmosphere dito sa bahay. Alam kong kapag umiyak si Mommy, mamaya ko pa to mapapatahan.
"Baby girl. You're so sweet. You don't need to this." Hinawakan niya ang muka ko at naiiyak na naman siya.
"Aish! Mom, I want to do this. Para sayo, kasi alam kong pagod ka na kakatrabaho para sa pamilya natin so..." Humiwalay ako sakaniya at pinag-hila ko siya ng upuan. "Umupo ka na at kumain na tayo. Tama na drama, Mom." Natatawang sabi ko.
Tumango lang naman siya at nagsimula na ding kumain. Kwento lang siya ng kwento tungkol sa nangyari sakaniya kahapon habang kumakain. Ganon din naman ang ginawa ko at tawa siya ng tawa kay Faith at Yasmin. Sana daw ma-meet niya ang mga bago kong kaibigan. Mag-seset daw siya ng dinner date para sakanila at sabihan ko na lang daw sila Faith. Gusto ko nga ding ikwento sakaniya yung tungkol kay Liza at Andrew pero pinag-urungan na ako ng dila ko. Siguro, di ko na dapat pang ikwento ang lalaking 'yon sa Mommy ko. Para san pa, diba?
Anywya, masaya ako at nagustuhan ni Mommy ang niluto ko kahit medyo matabang lang daw sa asin. Hahaha.
"Baby girl, malelate pala ulit ako ng uwi ngayon ha. May dalawa kasing meetings akong pupuntahan." Kinuha niya ang brewed coffee sa tabi niya at mabilis na ininom 'yon. "Maliligo na ako, Kim. Ingat ka pagpasok mo ha. Di ko na namalayan ang oras e." Niyakap niya ako saglit tsaka nagtatakbo paakyat sa taas.
Alam ko na din kung bakit medyo nalungkot si Mommy kahapon dahil sa text message na nabasa niya. Kinailangan na kasi niya talagang i-take over ang car manufacturing company namin. Sapat na daw ang anim na taon na pagiging event organizer. Nalulungkot ako for Mom pero sabi niya ay ayos lang daw 'yon. Ayaw naman niyang pabayaan ang kompanyang pinaghirapang itayo ni Daddy. Kaya ayon, bye bye event planner na siya at magiging CEO na siya ng Vargas Automotive Company. Buti na lang din at hindi ako pinilit ni Mommy at Daddy na kumuha ng business course. Kaya love na love ko talaga sila Mommy at Daddy.
Habang iniinom ko ang fresh milk ko ay biglang umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. A text message from Faith. Binuksan ko agad 'yon at halos manlaki ang mga mata ko sa message niya sakin.
Faith Ramos: Kim, where are you? Mag-start na ang class natin after 20 minutes. Go faster!
Hindi na ako nag-reply pa sakaniya at kinuha ko na agad ang bag ko at nanakbo na ako palabas ng bahay. Sumigaw na lang ako kay Mommy na aalis na ako at sinagot niya din ako ng sigaw na 'Oo sige. Ingat'.
May dumating agad na jeep kaya nakahinga ako ng maluwag. Wag sanang traffic, naku patay talaga ako nito e. Palinga linga ako sa lahat ng madadaanan ko at ng makita ko na sa di kalayuan ang malaking EMERALD UNIVERSITY ay pumara na agad ako at nag-desisyon na manakbo na lang baka kasi sakaling mas mabilis pa ako sa jeep na sinasakyan ko. Tinignan ko ang malaking orasan sa may guard house ng makarating ako sa labas ng University at napabuga na lang ako ng hangin ng makitang 5 minutes na lang bago mag-7AM. Papasok na sana ako ng gate ng mapalingon ako sa may kanan ko. Sa may di kalayuan sa University ay may malaking puno at may isang estudyanteng pinalilibutan ng limang estudyanteng naka-uniporme.
Katulad iyon ng uniporme ng mga lalaking nakita ko kahapon na binugbog ni Andrew. Hmm. Ayoko na sanang makisali pa sakanila ng mapatingin ako sa estudyanteng pinalilibutan nila at puno na ng pasa ang muka nito. s**t! Si Andrew. Pinagtutulungan nila si Andrew. Pinagpalit-palit ko ang ang tingin ko sa orasan at kay Andrew. "Bakit ko ba tutulungan si Andrew? Eh hindi ko naman siya kaibigan. Bahala nga siya dyan!" Sabi ko na lang sa sarili ko. Hahakbang na sana ako papasok sa school ng kung anong nagtulak sakin na tulungan ko daw si Andrew. Hindi ata maatim ng konsensya ko kung pababayaan ko na lang si Andrew na magisa don.
Lumiko ako ng way at naglakad ako palapit sakanila. Huminga ako ng malalim bago sumigaw. "HOY!" Buong tapang na sigaw ko. Natigilan naman sila sa pagsuntok kay Andrew at dahan dahan nila akong nilingon. Puro pasa din sa muka yung limang estudyante at nagkalat na ang dugo sa uniporme nila. Napatingin naman ako sa mga kamay nila at may mga hawak pala silang tubo. Patay na! Ano ba tong ginawa ko!
"Bakit? Sino ka ha? Bakit ka nangingialam dito?" Dahan dahan ng lumapit yung lalaking matangkad na medyo may kalakihan ang katawan. Sa tantya ko ay mukang nasa trenta anyos na siya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makitang ilang kilometro na lang ang layo sakin nung lalaki. Nanginginig na ang buong katawan ko ng itaas niya ang tubong hawak niya. Pinikit ko ang mga mata ko ng makitang sobrang lapit na niya sakin. Bahala na kung anong mangyari sakin. Inantay kong ipukpok niya sakin yung tubong hawak niya pero ilang segundo na ang nakakalipas at wala akong naramdamang masakit na kahit ano sakin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at halos matumba ako ng makitang nasa harapan ko na si Andrew. Ang lapit lapit niya sakin at para bang maling kilos ko lang yan ay mahahalikan ko na siya.
Tinignan ko si Kuya at bakas sa muka niya ang gulat ng harangin ni Andrew gamit ang kanang braso nito ang tubong ipampupukpok sana sakin. "Bakla ka na ba talaga Santos? Pati babae papatulan mo?" Tinulak ni Andrew yung tinawag niyang 'Santos' sabay sipa sa tyan nito. Kahit puro pasa at dugo na ang katawan ni Andrew ay nagawa pa din niyang lumaban don sa malaking lalaki. Napatingin naman ako sa apat na kasamahan nung 'Santos' at lahat sila ay nakabulakta na sa sahig at namimilipit na sa sakit ng katawan.
Pinanood ko lang si Andrew kung paano niyang ginawang parang punching bag yung malaking lalaki na 'Santos' ang pangalan. Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na napansin na nakatayo na pala yung dalawang kasamahan nung 'Santos.' Pupukpukin dapat nila si Andrew ng tubo ng may makita akong kahoy at mabilis kong kinuha iyon at pinaghahataw ko yung dalawang lalaki sa kanilang likod. Hindi ako tumitigil sa paghampas sakanila hanggang sa tumayo na din si Andrew at hinawakan ang kamay ko at hinila sa likod niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa hawak na 'yon ni Andrew. No boyfriend since birth diba ang peg ko? Kaya first time in my life na may humawak sa kamay ko na lalaki bukod sa Daddy ko.
"Dyan ka lang sa likod ko." Maotoridad niyang utos sakin kahit kita mong nanghihina na siya. Tumango lang ako kahit di niya 'yon kita. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung ano matapos niyang sabihin ang anim na salitang 'yon. Para bang nasa fairy tale kaming dalawa at pinoprotektahan ako ng prince charming ko sa mga kaaway.
Isa isang lumapit yung limang estudyante at isa isa din silang pinagsusuntok ni Andrew. Nakatingin lang ako sa likod niya habang ginagawa niya 'yon. Parang wala siyang sugat at pasang iniinda kung makipag-laban siya. Tama nga sila, monster talaga ang isang to pagdating sa pakikipag-laban. Parang hindi siya napapagod e. Parang hindi siya nasasaktan.
Nakatingin lang ako sakaniya habang nakikipagsuntukan siya at hindi ko alam pero siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Parang nag-slow motion din ang paligid. Parang si Andrew at ako lang ang nandito. Pinikit ko ang mga mata ko at muling nagmulat. "s**t. Ano ba 'yong naisip ko? Kadiri ha." Bulong ko tsaka muling tumingin sakanila. Nakahinga ako ng maluwag ng muling bumalik ang mga tingin ko sa dati.
Sabay sabay na dapat susugod yung lima ng makarinig kami ng malakas na pag-pito mula sa likuran. Napatingin kaming lahat don at para bang nasagip kami ni Andrew mula sa dilim ng makita ko si Manong Guard na may kasamang dalawang baranggay tanod. "Hoy! Anong ginagawa niyo dyan!" Lalapit na sana sila samin ng mabilis na kumaripas ng takbo yung lima. Tsk. Mga duwag naman pala! Puro lang yabang!
Tinignan kong muli si Andrew at bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kong bumagsak siya sa lupa. Nagtatakbo ako palapit sakaniya at kahit mabigat ay nagawa ko pa din siyang buhatin at ipatong sa legs ko. "Manong, tulong po! Tulungan niyo po kami!" Sigaw ko kay Manong Guard na nakatulala lang samin. Hala ka, Manong! Wala ka sa drama.
Ilang segundo din bago nahimasmasan si Manong Guard atsaka lumapit samin. Pinagtulungan nilang buhatin si Andrew at mabilis na sinakay sa tricycle na dumaan. Nasa loob kami ni Andrew at inihiga ko siya sa lap ko. Nasa likod naman yung dalawang baranggay tanod na siyang kumakausap sa driver. Hindi pwedeng sumama si Manong guard dahil naka-duty siya. Siya na lang daw ang magsasabi sa mga advisers namin sa nangyari. Gustuhin ko mang pumasok at pabayaan si Andrew dito pero hindi naman maatim ng konsensya ko na basta na lang siyang iwang magisa. Tinulungan niya ako kaya dapat lang din na tulungan ko siya.
Nakahawak lang ako sa muka ni Andrew na puro pasa at sugat na. Hindi ko namang maiwasang mapatitig sa maamo niyang muka. Ang matangos niyang ilong, ang mapula niyang mga labi na kahit malakas siyang manigarilyo at ang makinis niyang muka na nagkaroon lamang ng mangilan-ngilang sugat pero hindi pa din maaalis na gwapo talaga siya.
"Sana lagi ka na lang tulog. Kasi muka kang mabait kapag tulog." Sabi ko habang titig na titig pa din sakaniya. Hindi ko naman namalayan na nandito na pala kami sa St. Luke's. Inihiga nila si Andrew sa stretcher habang ako ay nasa tabi lang niya at hawak hawak ang kamay niya. Nang pinasok nila si Andrew sa emergency room don ko lang binitawan ang kamay niya atsaka kinausap ang dalawang tanod. "Salamat po, Manong sa pagdala samin dito." Kumuha ako ng 500 sa bulsa ko para iabot sakanila bilang kabayaran sa pagtulong nila samin pero tinanggihan lang nila 'yon. Ang bait naman nila. Yung iba kasi mukang pera talaga.
"Pumunta na lang po kayo Ma'am sa baranggay kung gusto niyong ipa-blotter ang may gawa sa boyfriend niyo nan." Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi ni Manong tanod. Boyfriend? Hindi ko boyfriend ang Andrew na to 'no. Hindi ko na naitama ang sinabi nila dahil nagpaalam na sila sakin. "Sige po, Ma'am. Mauna na po kami." Tumango lang ako sakanila tsaka sila sumakay muli sa tricycle na sinakyan namin. Bumalik naman agad ako sa loob ng emergency room para puntahan si Andrew na mahimbing pa din na natutulog.
"Ma'am, okay na po ang boyfriend niyo. Mawawala din po ang pasa niya at nagamot na din po namin ang mga sugat niya. Kailangan lang po niyang magpahinga ng mga ilang araw at pwede na po siyang pumasok ulit." Mahabang sabi sakin ng Doctor. Hindi ko na lang inintindi ang pagtawag niya ng boyfriend ko si Andrew. Hayae na nga. Ang mahalaga ay ayos na siya. Nabunutan naman ako ng tinik dahil sa sinabi niyang 'yon. Salamat sa Dyos. Masamang d**o talaga. Tsk. "Ililipat na po namin siya sa kwarto niya. Kapag nagising na po siya pwede na po siyang makalabas." Tumango lang ako sakaniya bago sumunod sakanila habang hila-hila nila ang stretcher ni Andrew papunta sa hospital room.
"Maiwan na po namin kayo dito, Ma'am. Kapag may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako don sa nurse station." Tumango lang ako sa sinabi ni 'Nurse Lily' ayon sa nametag niya. Akala ko lalabas na siya sa kwarto ng tumigil pa siya sa tapat ko. "Ma'am, ang gwapo gwapo naman po ng boyfriend niyo. Bagay na bagay po kayo." Nakangiting sabi ni Nurse Lily tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.
Boyfriend?
Boyfriend?
BOYFRIEND?
Kelan ba nila ititigil ang pagiisip na boyfriend ko ang bad boy na to?! Hindi kami bagay, hindi kami lalong lalo ng malabong maging boyfriend ko ang Andrew na to. NEVER nga diba!