Chapter 3.2

1709 Words
Mahigit dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din gumigising si Andrew. Gustuhin ko mang umalis dito sa hospital pero wala namang maiiwanang magbabantay sakaniya. Hindi naman ako ganung kasama para pabayaan siya ditong magisa. Kawawa naman kasi siya e.   Nakailang punas na ako sa braso, binti at ulo niya ng basang bimpo para bumaba naman kahit papano ang fever niya. Kahit kasi pinainom na siya ng gamot kanina ay hindi pa din bumababa ang lagnat niya. Masyado kasing nabugbog ang katawan niya kaya talagang tataas ang lagnat niya.   Napatingin ako sa braso niyang may bandage. Alam kong dahil sa pagharang niya sa tubo na dapat para sakin kaya nagkaroon siya ng ganito. Oo na, sinisisi ko na ang sarili ko. Napatingin ako sa cellphone ni Andrew na nakapatong sa cabinet ng tumunog ito. Kinuha ko agad 'yon at tinignan kung sino ang tumatawag. Lumabas sa screen nito ang pangalang 'Vincent'. Ayoko mang sagutin at mangialam sa gamit niya pero wala naman akong nagawa kundi sagutin ang tawag. Dapat lang na malaman nila ang nangyari sa kaibigan nila at para na din makauwi na ako. Alam kong galit na sakin si Mommy dahil hindi na ako pumasok ngayong araw late pa akong makakauwi. Sana lang maintindihan niya ako.   Nangangatal ang kamay ko ng itapat ko sa tenga ko ang cellphone. "He-llo." Kinakabahang sabi ko sa kabilang linya. Grabe naman kasi, baka magalit pa sakin ang bad boy na to dahil sa pinakialamanan ko ang gamit niya. Tsk. Bahala na nga. Wala naman siyang laban sakin sa dami niyang pasa e. Tignan na lang namin!   "Sino to? Bakit babae ang sumagot sa cellphone ni Andrew. Tangina hindi ko alam." Iba't ibang boses ng lalaki ang nasa kabilang linya. Mukang naka-loud speaker sila. "Nasan si Andrew?" This time isang boses na lang ng lalaki ang nagsalita at nawala na din ang ingay sa background niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala sa kaibigan nila. Sabagay, kahit naman ata sinong kaibigan e, ganon ang mararamdaman.   "Nandito siya sa St. Luke's. Nabugbog kas- *toot* *toot*." Tinignan ko ang screen at pinatayan na pala ako ng walanghiya ng tawag. Pambihira! Wala talagang modo ang mga bad boys na 'yon. Kakainis! Frustrated na binalik ko ang cellphone ni Andrew sa cabinet at muli siyang tinignan. "Grabe talaga kayong mga bad boy! Hmp!" Sabi ko na lang sakaniya na para bang narinig niya ang sinabi ko.   Hindi ko alam pero parang may nagtutulak sakin na titigan ang maamo niyang muka. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang muka niya. Kahit may bandage siya sa noo niya at sa may gilid ng labi ay masasabi mo talagang perfect ang kaniyang itsura. Gwapo talaga siya sa gwapo. First time ko ngang makakita ng ganitong kagwapo. Sobrang lapit pa "Kung di ka lang bad boy, baka nagustuhan na kita." Bulong ko habang titig na titig pa din kay Andrew. Natigilan naman ako dahil sa sinabi ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko at pinaghahampas iyon. Lintek na yan! Ano ba yung sinabi ko? San nanggaling 'yon? Iniwas ko na lang agad ang tingin ko sakaniya at baka kung ano ano na namang lumabas sa bibig ko na hindi maganda. Kadiri ha. Ako magkagusto sa lalaking to? No way, hi way!   Kinuha ko na lang ang cellphone ko na kanina pa pala tunog ng tunog. Sa sobrang pre-occupied ko, hindi ko na napansin ang mga tumatawag sakin. Pagtingin ko ay sobrang dami ko na palang missed calls and messages simula kanina pang umaga. Inisa isa kong binasa ang mga messages ko at lahat ng 'yon ay galing sa tatlo at may ilang galing din kay Mommy.   Faith: Kim! You're late na talaga. Where na ba talaga you? Faith: We're calling you so many times but you're not answering your phone. Gagalit na talaga me sayo. Why you're ganyan ba? Faith: We're worried na Kim. Please text us. Maria: Kim, anong nangyari? Bakit hindi ka pumasok? Maria: Please reply. Puntahan ka namin sainyo. Yasmin: Kim!!! Mommy: Nandito ang mga kaibigan mo, hindi ka daw pumasok? Nasan ka Kimberly Jean?   Hindi ko na pinagpatuloy ang pagbabasa sa messages nila dahil sa nabasa kong message from my Mom. Once kasi na Kimberly Jean na ang tinawag niya sakin alam kong galit na siya. Nagsimula na akong mag-isip ng ma-dramang palusot at lahat sila ay sinendan ko. Ilang minuto pa ay tumunog ng muli ang phone ko at tumatawag na nga si Faith sakin. Huminga muna ako ng malalim bago tinap ang answer button.   "Fait-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumigaw na siya sa kabilang linya.   "Yahh! We're looking for you but you're ignoring us lang pala. What's the problem ba? Why nasa hospital you?" Tuloy tuloy na sabi niya kaya di na ako nakasingit pa. "We're so worried na talaga Kim. Even you're Mom doesn't know what happened to you." Dagdag pa niya. Alam kong mali ako dahil hindi ko agad sinabi sakanila kung nasan ako. Pero, haler. Masyado naman silang OA e. Ayos lang naman ako. Super maayos.   "Relax lang Faith. Nandito ako sa hospital ngayon gawa ni Andrew." Napakagat labi na lang ako dahil sa katangahan ko. Bakit ba nadulas pa ako sakaniya? Hala naman, baka kung ano namang isipin nila sakin. "Faith, dinala ko kasi si Andrew dahil-" She cut again my words at malakas na nagtitili sa kabilang linya. Huh? Anong nangyari sa babaeng to? "Faith, anong problema mo?" Tili pa din siya ng tili na para bang kinakatay na baboy.   "Akin na nga." Rinig kong sabi ng katabi niya. "Hey, Kim. Si Yasmin to. Bakit kasama mo si Andrew ha? Don't tell me." Kahit di ko siya kita ay sure akong may madumi na namang tumatakbo sa isip niya. Kahit isang araw pa lang kami nagkakilala ay alam kong ganon siya.   "Ano ka ba Yasmin. Dinala ko sa hospital si Andrew kasi napagtulungan siya. Tapos-" Natigilan ako sa pagkukwento sakaniya ng nangyari ng biglang malakas na bumukas ang pintuan ng inookyupa naming kwarto. Sa totoo lang parang masisira na nila ito. Iniluwa nito ang mga kaibigan ni Andrew. Tsk. Kaya naman pala e. Mga hambog naman pala ang sisira ng pinto. Tinignan ko lang sila at mukang nagaalala din sila sa kaibigan nila.   "Ano Kim? Tapos ano?" Hindi ko na masyadong naintindihan ang sinasabi ni Yasmin kaya pinatay ko na 'yon. Itetext ko na lang sila mamaya once na makauwi na ako.   "Anong nangyari kay Andrew?" Seryosong tanong sakin nung kulay orange ang buhok. Hindi naman agad ako nakasagot dahil sa sobrang gulat sakanila. Haler, ikaw kasama ang BTS sa iisang kwarto. Ewan ko na lang kung makapagsalita ka pa ng maayos.   "Tangina. Gawa na naman nila Santos to." Mahinang sabi nung 'Sean'. Siya lang ang alam ko ang pangalan sa BTS dahil gawa ni Faith. Bukambibig ng babaeng 'yon ang pangalan ng lalaking to e. Tapos puro picture pa ni Sean ang nasa cellphone niya. Yeah super fangirl siya.   "Hindi ka ba magsasalita, Miss?" Tanong naman nung lalaking maputi na green ang buhok. Nahalata ata nila na natetense ako sa presence nila kaya natawa silang lahat. Well except don sa gwapong masungit.   Tumikhim muna ako bago nagsimulang magsalita. "Ah. Ano. Ano kasi nakita ko si Andrew na pinagtutulungankaninakayadinalakosiyaditokasinawalansiyangmalay." Dire-diretsong sabi ko na para bang may humahabol sakin na kabayo. Nagulat naman ako ng bigla na namang nagtawanan yung BTS. Nababaliw na ata sila? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nabugbog na nga tong tropa nila e. Tapos pagtatawanan pa nila? Tsk.   "Kayo kasi e, tinatakot niyo si Ate." Hindi ko alam kung sinong nagsabi non. Bahala na siya don. "Salamat at dinala mo siya dito. Humanda talaga samin ang grupo ng mga 'yon." Binulong lang nung kulay orange ang hair ang huling sentence na sinabi niya kaya hindi ko na masyadong naintindihan 'yon.   "Ah. Walang anuman. Sige, aalis na ako. May kasama na naman siya e." Madali kong kinuha ang bag ko para umuwi na. Hindi ko na ata kaya kung mag-sstay pa ako dito ng sobrang tagal kasama ang BTS na to. Oo, gwapo naman talaga sila at para silang mga artista. Pero, muka naman silang mangangain ng buhay. Di na uy! Bahala na sila dyan.   "Wait lang!" Tawag sakin ng kung sino. Hindi ako lumingon pero tumigil ako sa paglalakad. "Anong pangalan mo?" Tanong nila na para bang ang bait bait nila para makipag-close sakin.   Nilingon ko sila at pinagtaasan sila ng kilay. "Bakit? Bakit kailangan niyong malaman ang pangalan ko?" Buong tapang na sagot ko. Binabawi ko na ang sinabi ko. Hindi na pala ako natatakot sakanila. Hindi sila nakakatakot! "Aalis na ako!" Hindi na sila nagsalita pa dahil sa sinabi ko. Kahit di ko sila tignan ay alam kong nakasunod lang ang mga mata nila sakin. Binuksan ko ang doorknob at palabas na sana ako sa kwarto ng may sumigaw sakanila.   "Stop!" Kahit di ako tumingin sakanila ay alam kong si Andrew ang nagsalitang 'yon. Boses pa lang ay alam ko na. Nanginig naman ang buong katawan ko sa lakas ng boses niya. Naku po, gising na si Monster! Sabi ko lang sa isip ko. Nanatili lang akong nakatalikod habang nakahawak pa din sa doorknob. "What did you call me?" Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa batok dahil sa tanong niyang 'yon.   Dahan dahan akong humarap sakaniya at lahat sila ay nakatingin na sakin. "Hehe. Wala akong sinabi 'no." Nag-peace sign pa ako at pilit na ngumiti pero hindi naman nagbago ang expression ng muka nila. Muka pa din silang galit sa mundo. Hindi ko naman akalain na napalakas na pala ang pagsabi ko ng 'monster'. Grr. katakot! "Sabi ko, uuwi na ako kasi may kasama ka na naman dito." Patay malisyang sabi ko.   "Ano ka sinuswerte? Sino bang may gawa kung bakit ako nandito ngayon ha?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ano?! Ako pa talaga ang sisisihin niya sa pagkaka-confine niya dito? Pambihira talaga! "You need to stay here. Samahan mo ako. And be my nurse. Okay?" O oh! Ano ba tong nangyari sakin? May masama ba akong nagawa para mangyari sakin to? Hindi na ako sumagot at nagtangkang tumakas dahil sa sama ng tingin nilang lahat sakin.   Welcome to hell, Kim. Welcome sa pagiging nurse mo sa bad boy na to! Huhu. Kakaiyak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD