"Hahahaha. Epic talaga ang muka ni Liza Hahahaha. Sakit na ng tyan ko kakatawa." Oo nga Yasmin. Halata ngang masaya ka. Grabe. Patapos na ang introduction ng University President na si Mr. Asuncion, tawa pa din siya ng tawa. Para ngang di niya kapatid yung tinatawanan niya e. And guess what, Ate pa niya si Liza. Talaga nga naman.
"If later we smell something mabaho, we know na where it came from. This girl is so kakainis na talaga! Kanina pa look ng look ang mga students dito sa pwesto natin because of her. Maybe they're thinking that we are crazy. Because of you Yasmin! Sakit mo talaga sa bangs! You're so!" Pinag-krus pa ni Faith ang dalawa niyang braso at masamang tinignan si Yasmin pero hindi man lang tumigil si Yasmin sa pagtawa. Mas lalo pa ngang lumakas ang tawa niya.
"Bakit ba Faith? Eh nakakatawa naman kasi talaga siya e." Inirapan lang ni Faith si Yasmin bago tumingin sa stage kaya ganun na lang din ang ginawa ko at hindi na inintindi pa si Yasmin na para ng ewan.
"Mr. Asuncion, we all know na kilala po kayo as a Man of Words. Ano pong pwede niyong iwanang message sa mga students natin this school year?" Sa wakas tumahimik na din ang mga kasama ko at eto lang ang tanging narinig ko sa lahat ng sinabi ni Mr. Asuncion. Imagine, 2 hours na ang program na to pero eto lang ang narinig ko. Goodbye speech pa. Pambihira talaga!
"Hmm. Just follow your dreams and of course you're heart. Because it will lead you for your happiness and contentment in life." Nagpalakpakan kaming lahat dahil sa iniwang message na 'yon ni Mr. Asuncion. Tama naman siya. Kung hindi mo gusto ang ginagawa mo, hindi ka magiging tunay na masaya.
"Guys, see you tomorrow na lang! I'm going to SM pa kasi. You know. Bibili pa kasi ako ng mga libro e. May bagong romance novel kasing lumabas." Maarteng paalam ni Faith samin ng matapos ang program. Nagalisan na ang mga estudyante sa field pero nandito pa din kaming apat.
"Ewan ko sayo. If I know, susundan mo lang si Sean don sa mall." Natatawang sabi ni Maria pero inirapan lang siya ni Faith. "By the way, uwi na din ako girls. Need ko pa kasing pumunta sa coffee shop ngayon e. Sabi kasi ni Mommy, wala daw bantay don ngayon. Nag-leave kasi si Tita Trisha at umuwi ng Pampanga." Paalam din samin ni Maria. "Uy feeling sabay na tayo pauwi!" Napasimangot na lang si Faith sa tinawag sakaniya ni Maria. Haha. Cute talaga ng friendship nilang dalawa.
Sa napansin ko kasi sakanilang tatlo, si Maria at Faith ang pinaka-close at mukang mag-best friend pa ang dalawa. Sabi kasi nila, mahigpit daw ang parents ni Yasmin kaya minsan lang nila makasama sa mga bonding nila. Magkakaklase daw ang tatlo nung high school kaya naging malapit sila sa isa't isa. Naiba lang ang kurso ni Yasmin since ayon ang gusto ng Daddy at Mommy niya.
"Ako din uuwi na girls. Baka kasi nandyan na yung sundo ko. Alam niyo naman si Daddy. Masyadong mahigpit sakin. Baka pagalitan pa ako ng di oras." Malungkot na paalam ni Yasmin samin. Kahit pa ngumiti siya at tumawa ng malakas, ramdam mo pa din ang problema niya sa buhay. Wala pang isang araw kaming magkakakilala pero madami na din akong nalaman tungkol sakanila. Hindi ko nga akalain na kahit pala nasayo na lahat ng mamahaling bagay hindi pa din pala sapat 'yon para maging masaya ka. Kagaya lang ni Yasmin. Buhay prinsesa nga siya pero bawat galaw naman niya ay kontrolado ng parents niya.
"Okay sige. Ingat kayong tatlo ha." Nakangiting sagot ko naman sakanilang tatlo.
"Hindi ka ba sasabay samin? Tara!" Pamimilit ni Maria sakin pero umiling lang ako. "Okay sige. Bukas na lang ulit Kim. Babye." Lumapit pa sakin yung tatlo para makipag-beso.
"I'll gonna text you lang Kim later! Mua!" Dagdag pa ni Faith at sabay sabay na silang umalis palabas ng University.
Naiwan naman akong magisa sa may field. Gustuhin ko mang sumabay na sakanila pero pupunta pa kasi ako sa Admin ngayon para kumuha ng ID at gala. Tinignan ko ang relos ko ng tuluyan na silang makaalis. Past 5PM na pala kaya pala kokonti na ang mga estudyante dito sa Campus. Nag-decide muna akong mag-CR bago pumunta sa may Admin. Sabi naman nila ay 7PM pa daw nagsasara iyon kaya madami pa akong oras. Kakapasok ko pa lang ng cubicle ng may mga estudyante ding pumasok ng CR. Ang iingay nila na para bang wala sila sa school kung umasta.
"Gosh! Excited na talaga ako sa Acquaintance Party. Sana nga yayain ako ni Sean as his date e." Girl 1.
"Me too. I also wish na iinvite din ako ni Vincent o kaya ni Papa Kent. Basta kahit sino sa BTS, masayang masaya na ako! I'm so excited na talaga!" Girl 2.
"Don't worry girls. Ako ang bahala sainyo." Lalabas na sana ako ng matigilan ako ng marinig ko ang boses na 'yon. "Kakausapin ko na lang si Baby Andrew ko." Malanding sabi niya sa mga kasama niya. Hindi ako pwedeng magkamali, alam kong si Liza 'yon. Tsk. Baby Andrew? Kelan pa niya naging Baby yung mayabang na 'yon? Hay naku.
Pinakiramdaman ko muna sila kung lalabas na ba sila sa CR bago ako lumabas ng cubicle. At ng marinig ko na ang pag-click ng doorknob at ang pagbagsak ng pinto, don na ako lumabas. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na agad sakin ang matapang na pabango nung tatlong babae. Tsk. May sinusitis pamandin ako. Ano ba yan. Mabilis na lang akong nagayos ng sarili bago lumabas ng CR. Baka sipunin pa ako kung tatagalan ko sa loob. Pambihira naman kasi sa pabango e. Pabaho. Tsk.
Nagkabit-balikat na lang ako tsaka dumiretso sa Admin para bilhin yung mga kailangan ko. Hindi daw kasi pwedeng bumili sa labas nung gala dahil sa logo ng University kaya no choice ako. Wala ng masyadong estudyante sa Campus kaya medyo nakakatakot na talaga. Isa pa, medyo madilim na din talaga since 6:30PM na. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng tuluyan. Tumigil ako sa bus stop para mag-antay ng masasakyang jeep.
Halos 30 minutes na akong nagaantay pero wala pa ding tumitigil na jeep sa tapat ko. Lagot ako neto kay Mommy e. Ayaw kasi nun na gabi na ako kung umuwi. Bahala na nga!
Habang nagaantay ay napatingin ako sa apat na kotse na naka-park sa di kalayuan sa may bus stop. Maya maya lang ay may lumabas ng grupo ng mga lalaki na mukang galing din sila sa loob ng Campus. At base sa paglalakad at mga porma nila ay mukang sila ata yung Bangan? Bangtin? Bang-tan? Oo. Ayon nga! Basta! Sila yung grupo ng mga sikat at mayayabang sa Campus na feeling artista.
"Mauna na ako." Cold na sabi nung lalaking matangkad na maputi. Gwapo din siya. Pero mukang suplado at serious type. Pumasok agad siya sa color black na bagong model ng Mercedes Benz at hindi man lang niya inantay ang sagot ng mga kaibigan niya. Tss. Sungit pala!
"Teka, pareng Kent sabay na ako sayo." Sabi naman nung lalaking brown ang buhok na gulo gulo. Gwapo din naman siya, infairness. Sabagay, lahat naman sila gwapo! Pambihira. Edi sila na. Tapos maya maya lang naman ay sumunod na din sakaniya yung lalaking sobrang puti na singkit ang mata at kulay green ang buhok. Grabe ha? Nag-glugluta ba yon? Sobrang puti e. Daig pa ata niya ang kulay ni Maria. Hahaha.
Tinignan ko naman yung natitirang apat at naguusap usap pa sila. May lumapit naman na lalaking naka-suit dun sa puti ang buhok na matangkad at inabutan ito ng susi. Pumasok naman agad yung lalaki sa gray Porsche at tumango lang don sa tatlong natitira pa. Mga pipi ba sila? Mukang ang titipid kasi nilang magsalita e. Puro tanguan lang.
Don't get me wrong ha. Inaantay ko lang kasing dumaan ang jeep kaya pati sila ay napapanood ko na. Psh. Sorry. Defensive. Basta, I'm not interested sakanila. Promise yan!
Hindi naman nagtagal ay sumakay na din sa blue Ferrari na kotse yung mapayat at orange ang buhok. Kasunod nito yung crush na crush ni Faith na color red ang hair. Infairness naman talaga sakanila, lahat sila ay talagang gwapo. And mayabang. Haha. Di ko mapigilang matawa sa pangaasar ko.
Tinignan ko si Andrew at siya na lang naiwan sakanilang pito. May hawak itong cellphone at mukang busy sa pag-tetext. Nagulat ako ng may biglang lumapit sakaniyang tatlong lalaki. Naka-uniform sila kaya sure akong hindi namin sila ka-school mate. Malaki din ang katawan nila at mas matangkad din sila kay Andrew. Laking gulat ko ng biglang hawakan nung isang lalaki ang kwelyo ni Andrew at bigla na lang nito sinuntok si Andrew. Dahil sa sobrang gulat ko ay hindi ko na naiwasang mapasigaw.
Tinakpan ko agad ang bibig ko dahil sa takot na baka marinig nila ako at baka madamay pa ako. Tinignan ko ulit sila at halos manlaki ang mga mata ko ng makitang bagsak na agad yung tatlong lalaking lumapit kay Andrew. Wow! Napabagsak niya agad 'yon ng ganong kabilis? Siya na talaga!
"Puro kayo yabang wala naman pala kayong binatbat!" Maangas na sabi ni Andrew don sa tatlong lalaking namumulipit na sakit. Tinadyakan pa niya sa tyan yung isang lalaki bago mabilis na sumakay sa kulay dark red niyang Lykan Hypersport. Familiar ako sa mga kotse dahil nung nabubuhay pa si Daddy ay mahilig na siya sa mga kotse. Isa pa, car manufacturer din ang family namin ng mga iba't ibang klase ng kotse. Hindi nga lang si Mommy hands on don dahil mas gusto niyang i-pursue ang carreer niya bilang isang event planner and organizer.
Sinundan ko lang ng tingin si Andrew hanggang sa dumaan siya sa may harap ko. Halos lumandag naman sa gulat ang puso ko ng makita kong nakatingin si Andrew sakin. Walang expression ang muka niya habang nakasakay sa magara niyang sasakyan. Hindi ko mabasa kung galit ba siya sakin o talagang wala lang siyang pakialam kahit makita pa niya ako dito. Hindi naman siya nagtagal at mabilis na siyang nagmaneho palayo sakin.
Sabagay. Wala naman talaga siyang pakialam sakin. Hindi niya ako kilala. At hindi kami close.
"Tangina, boss. Halimaw talaga sa pakikipagbugbugan yang si Andrew. Iisa na siya pero wala pa tayong nagawa." Boy 1
"Wala akong pakialam sakaniya. May araw din sakin yang Andrew Perez na yan. Intayin niya lang. Manghihiram din ng muka sa aso yang mayabang na yan!" Sabi nung boss 'daw' tsaka tumakbo palayo.
Hindi nawala sa isip ko yung away na nakita ko kanina pati na din ang pagtingin ni Andrew sakin ng ganon hanggang sa makarating ako samin. Wala si Mommy kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Humiga agad ako sa kama ko at nakatitig lang ako sa kisame. Madaming question marks sa utak ko. Madaming tanong na gusto ko ng sagot.
Sino ba talaga si Andrew Perez?
Bakit galit na galit sakaniya yung tatlong 'yon?
At bakit niya ako tinignan kanina? Ano kayang iniisip niya?
"Argghh!!!" Bumangon ako at hinilamos ng dalawang kamay ko ang muka ko. "Kim, wag mo na ngang isipin ang Andrew na 'yon. Wala kang pakialam sa monster na 'yon! Wala. Wala. Wala."