"What? Inalagaan mo si Andrew? As in si Andrew Perez?" Malakas na sabi ni Yasmin. Napatingin naman ako sa mga estudyante sa paligid at lahat sila ay nakatingin na samin. Nandito kasi kami sa cafeteria ngayon. Nagkukwento ako sakanila tungkol sa pagiging nurse ko kay Andrew ng dalawang araw pero eto namang si Yasmin pinagsigawan pa talaga sa lahat.
"Wag ka ngang maingay Yas." Suway sakaniya ni Maria. "Pinagtitinginan na tuloy tayo dito e. Sorry Kim, ganyan kasi talaga yang babaeng yan." Ngumiti na lang ako para sabihin ayos lang kahit ang totoo ay hindi. Eto na naman kasi ang grupo nila Liza e. Papalapit na sila samin.
"Ano yung nabalitaan ko ha? Inalagaan mo daw si Baby Andrew ko? Bakit, Kim? Kelan ka pa niya naging nurse?" Mataray na tanong niya sakin. Ang taas ng kilay at muka talaga siyang kontrabida. Magsasalita na sana ako ng si Yasmin na ang nagsalita.
"Narinig mo na diba? Sinabi sakaniya ni Andrew na gusto niyang maging nurse niya si Kim. Bingi ka 'te?" Hindi naman namin napigilang matawa sa sinabing 'yon ni Yasmin at pati na ang mga estudyante sa cafeteria ay nakitawa na din.
"Grr! May araw ka din sakin, Kim! Kapag lang nakita kong lumalapit ka pa sa boyfriend ko. Humanda ka talaga sakin!" She flips her hair at susugudin pa sana siya ni Yasmin ng hawakan na namin siya sa braso niya.
"Hayaan mo na siya, Yas." Tipid akong ngumiti sakanilang dalawa pero ang totoo nan ay nalulungkot ako para kay Liza. Nagagawa nya ang ganitong bagay dahil lang sa lalaki. Sa lalaking hindi naman siya kailanman magugustuhan. I didn't say na ako ang gusto ni Andrew kasi malabo din akong magustuhan ng bad boy na 'yon. Pero si Liza? Hays. Bahala na siya. Gusto niya si Andrew, go. Kaniyang kaniya na.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo habang inaantay ang klase namin. Wala si Faith ngayon kasi may pupuntahan daw sila ng parents niya kaya kami lang tatlo lang ang nandito ngayon. Natigilan kami sa paguusap ng magsigawan ang mga estudyante sa cafeteria. Nilingon namin 'yon at napabuga na lang ng hangin sa nakita. "Eh kaya naman pala parang sinisilaban sa pwet ang mga babaeng to. Nandito na pala ang BTS nila." Bulong ni Yasmin habang nakatingin sa may pintuan.
Paparating na nga ang grupo nila kaya kaniya kaniya na namang tilian ang mga babae dito. Hindi na lang namin 'yon inintindi at nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan. Nakaupo ako sa tapat nila Yasmin and Maria kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa BTS na nakaupo sa likuran nila. Nakaharap sakin si Andrew at halos mabuga ko sa muka nung dalawa ang iniinom kong juice ng bigla akong kindatan ni Andrew.
"Anong nangyari sayo Kim?" Alalang tanong sakin ni Maria. Umiling lang ako habang hawak hawak ang dibdib ko. Napatingin ulit ako sa pwesto nila at tawa ng tawa si Andrew. Hindi ko alam kung yung katangahan ko ba ang tinatawanan niya o ibang bagay e. Bigla ko namang naalala yung nangyari last week.
*Flashback*
"Ipag-talop mo nga ako ng apple." Utos niya sakin na para bang may sahod ako mula sakaniya. Hindi ako kumilos at nanatili lang akong nakaupo sa couch ng hospital room habang nanonood ng TV. "Uy, nurse!" Tawag niya sakin pero hindi ko pa din sya nililingon. "Humanda ka sakin pag labas ko dito." Pagbabanta niya. Tumayo na ako atsaka lumapit sakaniya ng nakapa-mewang pa.
"Ano ba kasi 'yon?" Walang ganang tanong ko. Nakakainis naman kasi e, dalawang araw na siyang nandito sa hospital at ang sabi ng Doctor ay pwede na daw siyang lumabas pero ang lalaking to, napapasarap ata kasi ayaw pa daw niyang lumabas. Nakakainis diba? Ayos lang sana kung siya na lang magisa e. Pero haler, nadadamay ako dito sa kaartehan niya! Buti na lang talaga at pinayagan ako ng college dean namin na wag munang pumasok ng dalawa araw. Di ko alam kung paano nagawa ni Andrew 'yon pero eto na nga, dalawang araw na akong nandito sa hospital kasama ang monster na to.
"Paki-abot nga yung tubig." Kinuha ko agad ang mineral water sa ref at basta ko inabot sakaniya 'yon. "Thanks nurse." Natatawang sabi niya. Alam kong sinasadya niyang inisin ako at ako naman tong nagpapauto sa bad boy na to. Isang beses lang dumalaw yung barkada niya dito at 'yon yung time nung una ko siyang dinala dito at hindi na 'yon naulit pa. Kahit nga family niya or kahit relatives niya ay walang dumadalaw sakaniya. Kahit naman masama ang ugali niya, naaawa pa din ako sakaniya kasi mukang walang nagmamahal sakaniya. Psh.
"Ano pang iuutos mo?" Umiling lang siya sakin kaya bumalik na ulit ako sa pwesto ko kanina. Hindi pa ako nakakatagal sa pagkakaupo ng tawagin na naman niya ang ako. Pambihira!
"Nurse!!" Padabog akong lumapit sakaniya hanggang sa napahawak ako sa braso niya. s**t, ang init niya. Pinatong ko ang likod ng palad ko sa leeg at noo niya. Sobrang init niya talaga. Nagulat ako ng alisin niya ang kamay ko at galit na tinignan ako. "Ano ba? Ano namang nangyayari sayo?" Nakakunot na tanong niya. Sa totoo lang, hindi ako natatakot sakaniya. Natatawa ako sa itsura niya. Ngayon ko lang to sasabihin, ang cute pala niyang magalit. Haha.
"Ang taas ng lagnat mo. Teka nga." Kinuha ko ang gamot niya sa ref atsaka kumuha ng tubig. Nakasunod lang naman ang tingin niya sa lahat ng gawin ko. Muka talaga siyang ewan. "Oh, inumin mo to." Inilagay ko ang tablet sa kamay niya pero binalik niya ulit 'yon sakin. "Ano ba? Sabi ng doctor kapag nilalagnat ka pa uminom ka nito." Pinag-cross niya ang braso niya at wala siyang tigil sa pagiling sakin.
"Ayoko nan! Mapait yan!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Maya maya lang ay hindi ko na napigilang matawa. Sobrang lakas ng tawa ko na para bang nababaliw na ako. Eh kasi naman e. Ang laki laking tao, takot sa gamot? HAHAHAHA. "Hey, can you please stop laughing? Mahal mo pa ba ang buhay mo?" Tinignan ko siya at seryoso na nga siya kaya tumigil na ako sa pagtawa pero sa totoo lang, nagpipigil lang ako.
"Ano ka bakla? Takot sa gamot?" Sabi ko ng matapos ako sa pagtawa. Nagiba naman agad ang expression ng muka niya. Bumangon siya at inilapit ang bibig sa tenga ko.
"Stop calling me gay. Baka hindi mo magustuhan ang kaya kong gawin sayo." Nagtaaasan lahat ng balahibo ko. Geez. Kakadiri siya!
"Ano ba?!" Lumayo ako sakaniya at kinuskos ang braso ko.
"HAHAHAHA." Siya naman ngayon ang tumawa ng kay lakas.
Hindi ko na lang siya inintindi. Pinilit ko siyang painumin ng gamot sabay painom ng tubig sakaniya. Halos masamid na siya sa ginawa ko. "Yah! Who told you that you can do that to me!" Umuusok na ang ilong niya sa galit. Pero hindi na ako natatakot sakaniya. Sa gamot pa nga lang ay takot na siya e.
"Diba nurse mo ako? So dapat sumunod ka sakin." Natatawang panakot ko sakaniya. Hindi naman maipinta ang muka niya at any minute ay nagmumuka na ulit siyang monster.
Makalabas lang ako dito, humanda ka sakin. Back to normal tayo!" May halong pagbabantang sabi niya sakin. "Back to normal tayo. Hindi kita kilala at wag na tayong magpapansinan sa school." Napangiti naman ako sa sinabi niyang 'yon.
"Okay deal! Back to normal tayo." Puno ng pagmamayabang na sagot ko. Pabor sakin 'yon, pabor na pabor. Haha.
*End of flashback*
"Kim? Huy Kim!" I blinked my eyes twice at nagulat ako ng makitang ang lapit na ng muka nila Maria at Yasmin sakin. "Yan! Kanina ka pa namin tinatawag e. Tulaley ka e." Tinignan ko sila saglit bago tumingin sa pwesto nila Andrew. Wala na pala sila dito. Buti naman at di niya nakitang nakatulala na ako sakaniya.
"Sorry. May naisip lang ako."
"Sino? Si Andrew?" Malakas na sabi na naman si Yasmin. Bukod sa hindi na mapagkakatiwalaan tong si Yasmin, mabibingi ka pa kung katabi ka niya. Nakatanggap tuloy siya ng mahinang hampas mula kay Maria. "Aray naman. Eh tinatanong ko lang naman kung sinong inisip ni Kim. Kung si ANDREW ba. Bakit nananakit ka dyan?" Alam kong sinasadya niya talagang iparinig sa mga estudyante dito para inisin ang kapatid niya. Ayos lang sana pero hindi naman siya ang mapapahamak kundi ako.
"Lakasan mo pa yang boses mo, Yasmin. Naku Kim. Tara na, pumasok na nga tayo." Sumangayon ako sa sinabi ni Maria kaya iniwan na namin si Yasmin don na nakanguso. "Wag mo na lang intindihin 'yon. Kulang kasi ang turnilyo non e." Parehas kaming napahagikhik ni Maria sa sinabi niya.
Pumasok na kami sa room namin at sakto lang ang dating namin kasi kararating lang din ni Miss Moly. "Good afternoon class." Bati niya samin. Bata pa si Miss Moly, sa tantya ko ay nasa 26 years old lang siya. Dalaga pa siya at masasabi mong maganda din siya kaya madami ding mga estudyanteng lalaki ang nagkakagusto sakaniya. "Since 25th anniversary na ng Emerald next week. Napag-meetingan ng faculty na ang bawat department ay dapat magkakaroon ng booth. Aside from that, dapat hindi tayo gagastos ng malaki. Okay, you may now start asking." Nagtaas agad ng kamay si Myla. Ang president ng klase namin. "Okay, Myla. Ano 'yon?"
"Miss Moly, dapat po ba related sa kurso ang mapipiling booth?" Tanong nito.
"Good question. Hindi naman daw required 'yon. Kahit anong booth ang ibigay natin basta maganda at hindi tayo mapapareho sa ibang department." Si Miss Moly kasi ang acting adviser namin ngayon dahil sa naka-leave si Miss Estefan kaya siya muna ang nagaasikaso sa section namin. "Kung anong ma-suggest niyo, sasabihin ko kay Miss Natalie at Mr. Dean para kami na ang mag-finalize ng lahat." Tatlong section kasi ang BSN at sila Miss Natalie at Mr. Dean naman ang adviser ng dalawang section na 'yon.
"Miss, marriage booth na lang kaya? Gusto kong makasal sa isa sa BTS e." Malanding sabi ni Karen. Nagtilian naman ang iba pa naming kaklase at mukang gustong gusto din nila 'yon.
"Ang lalandi talaga." Bulong ni Maria sa tabi ko na nakapagpatawa sakin. Sira kasi e, nasa unahan lang namin sila Karen, buti na lang at di kami narinig.
"I think may nag-suggest na nan. Magisip na lang kayo ng iba. Hindi ko naman kayo mamadaliin. I need that tomorrow afternoon pa naman. Okay class?" Sumangayon lang kaming lahat pero ang grupo nila Karen ay hindi pa din tumitigil sa paguusap ng mga booth na pwede para mapalapit sa BTS. I wish mapapayag nga nila ang mga 'yon. Eh, saksakan ng sungit ang mga 'yon. Hahaha. Goodluck talaga!
Hindi na lang inintindi ni Miss Moly ang ingay ng mga kaklase ko at nagsimula na siyang magturo. Mukang kami nga lang ni Maria ang nakikinig at ang ilang mga lalaki. Mukang lahat kasi sila ay excited na sa anniversary ng school. At excited din silang magpapansin sa mga crush nila. Tsk. Pambihira talaga!
Siya na ang last class namin at tuwing Wednesday ay alas kwatro kami umuuwi at tuwing Friday naman ay half day lang kami. "Gusto niyong pumunta sa shop sa Saturday?" Bulong ni Maria sakin habang nakatutok ang mga mata sa black board na pinagsusulatan ni Miss Moly.
"Sige. Wala naman akong gagawin sa Saturday." Tumango siya sakin at ngumiti. Na-excite naman ako bigla. Hindi pa ako nakakagala dito sa Philippines e, sa bahay at school lang kasi ako e. Sana payagan ako ni Mommy.
15 minutes na lang at matatapos na ang klase ni Miss Moly. Nagpa-assignment lang siya tsaka lumabas na. Naguunahan naman sa paglabas ang mga kaklase ko. Kaya kami na lang ni Maria at grupo nila Karen ang naiwan sa classroom.
"Excited na talaga ako. Magbabayad talaga ako para magpakasal kami ni Andrew sa marriage booth na 'yon." Malanding sabi ni Karen sa mga kaibigan niya. Nagkatinginan naman kami ni Maria ng banggitin niya ang pangalan ni Andrew.
"Goodluck sayo, Karen. Ang alam ko kasi may nililigawan na yung si Andrew e." Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita sakanila kasi busy ako sa pagaayos ng mga gamit ko.
"Ah, kahit na. Humanda lang sakin kung sino yung babaeng 'yon. Sakin lang si Andrew ko. Sakin lang siya." Sabi niya sabay tawa na parang kontrabida. Hindi na lang namin sila inintindi ni Maria. Lumabas na kami ng classroom at sabay na din kaming lumabas ng campus.
"Hindi ka ba sasabay samin, Kim?" Tanong ni Maria ng dumating ang sundo niya. Umiling lang ako at ngumiti.
"Wag na. Lalayo pa kayo e. Kaya ko na naman na. Ingat na lang kayo." Pipilitin pa sana niya ako pero pinagtulakan ko na siya papasok sa kotse nila tsaka nag-babye. Taga Paranaque pa kasi ako at siya naman ay sa Makati. Medyo lalayo pa kasi sila. Nakakahiya.
Hinabol ko pa ng tingin ang sasakyan nila Maria hanggang sa tuluyan na itong nawala. Hindi naman nagtagal ay may dumating na ding jeep sa tapat ko. Sumakay agad ako at sa pinaka-dulo ako umupo. Kukuha na sana ako ng pamasahe ko ng hindi ko makita ang wallet ko. "s**t!" Mahinang bulalas ko. Mukang naiwan ko pa ata sa classroom. Tsk. "Wait lang po Manong. Bababa po ako." Tinignan ko ang binabaan ko at nakahinga ako ng maluwag ng makitang malapit pa ako sa University.
Tumakbo na ako papasok sa loob at buti na lang, hindi pa naka-lock ang room namin. Hinanap ko agad ang wallet ko at nasa upuan ko ito. Buti na nga lang at dito ko to naiwan. Kundi, maglalakad ako pauwi. Tsk.
Lumabas agad ako ng makuha ko ang wallet ko at laking gulat ko ng bigla na lang may humila sa buhok ko. "Ano ba. Nasasaktan ako." Sigaw ko sa kung sino man tong napagtripan pa ako.
"Masasaktan ka talaga kung hindi mo tatantanan si Andrew. Diba, binalaan na kita? Hindi ka ba talaga natatakot sakin ha?" Nanigas ako ng marinig ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilala ko ang boses na to.
"Ano ba Liza! Hindi ko nga boyfriend si Andrew. Lalong lalo ng hindi ko siya nilalandi! Bitawan mo na nga ako." Hila-hila niya pa din ang buhok ko hanggang sa makarating kami sa may gilid ng building. Basta na lang niya ako hinagis sa sahig at kasama ang dalawa pa niyang kaibigan ay pinagsasabunutan na nila ako. Merong kumalmot sa legs at braso ko at hindi ko alam kung sino 'yon. "Tama na! Ano ba. Nakikiusap ako. Tama na." Hindi nila ako pinakinggan at patuloy lang sila sa ginagawa nila. Sinampal ako ni Liza ng sobrang lakas na siyang nagpalabo ng paningin ko.
Hinang hina na ako. Sobrang dami ko ng pasa at kalmot sa katawan ko. Ang sakit. Napaka-sakit. Hindi ko deserve to. Wala akong ginagawa sakanila para ganituhin nila ako.
Wala na akong lakas pa para awatin sila at nagdasal na lang ako na sana makita kami ng guard o kahit sinong estudyante. Basta tulungan lang nila ako dito. "Tigilan niyo yan!" Napakalakas ng sigaw niya. Napapikit na lang ako. Thank you po Lord sa pagdinig ng wish ko. Dahil sa panlalabo ng mga mata ko kaya hindi ko masyadong maaninag ang muka niya, unti unti siyang lumapit sa pwesto namin kaya unti unti ko ding nakita ang muka niya.
"Andrew?"