Hindi ko inaalis ang tingin ko sakaniya habang buhat buhat niya ako palabas ng school. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin dahil sa itsura naming dalawa ni Andrew. Pero wala akong pakialam sakanila. Masaya ako at sa buong buhay ko ngayon lang may nagligtas sakin ng ganito.
Andrew, ikaw na ba ang prince charming ko?
Aish! Kim, hindi. Hindi ang sagot sa tanong mo. Bad boy siya at hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Asa ka pa! Tinulungan ka lang niya kasi ano. Kasi.. Ay ewan! Siya lang ang nakakaalam nan.
Hindi ko naman mapigilang mapaiyak. Ganito na ba talaga ako kahina para magkaroon pa ng prince charming? Ganito na ba ako kalampa para hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko?
Dahil sa sobrang pagtitig ko sakaniya, hindi ko na namalayan na nasa loob na pala kami ng sasakyan niya. Nakahiga pa din ako dahil hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Pinagmamasdan ko lang siya at diretso lang ang tingin niya. Parang ang lalim din ng iniisip niya.
Nagaalala kaya siya sakin? Tsk. Impossible! Naaawa siguro siya sakin. Hmp baka!
Yakap yakap lang niya ako buong byahe na para bang may lakas pa ako para makatakas mula sakaniya. Pero hindi ko na lang 'yon pinansin. Hinayaan ko na lang na yakapin niya ako. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko habang nakayakap siya sakin. Hays. "Matulog ka na muna. Malayo pa tayo." Seryosong sabi niya pero hindi pa din siya tumitingin sakin. Hindi na ako sumagot pa at pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Hinang hina na din talaga ako at gusto ko ng matulog.
"Hindi ka na nila magagawang saktan ulit. Subukan lang nila. Ako na ang makakalaban nila." Hindi ko na masyadong naintindihan ang huli niyang sinabi dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
~~*~~
Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa muka ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon ng mapansin kong wala ako sa kwarto ko. Pero dahil sa katangahan ko, nawala na sa isip ko ang mga pasa at sugat ko kaya ganon na lang ang pag-kirot ng malaglag ako sa kama. "Ouch. Ang sakit non ah." Daing ko at dahan dahang tumayo para makaupo ng maayos sa malambot na kama.
Nang maka-recover ako sa sakit ay inikot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Kulay black and white ang kabuuang kulay ng kwarto. Kwarto to ng lalaki, sigurado ako. Pinikit ko ang mga mata ko ng medyo kumirot ang pisngi ko. Hanggang sa naalala ko si Andrew. Siya ang tumulong at nagligtas sakin.
"Nasan na kaya siya?" Bulong ko. Dahan dahan akong tumayo para libutin ang sa tingin ko ay kwarto niya. Ang daming drawings na nakapatong sa may lamesa. Inisa isa kong tignan 'yon at ang bilis ng t***k ng puso ko ng makitang meron din akong isang drawing dito. May date pang nakalagay sa pinaka-ibaba pero 2 days ago lang ang date na to. Ito yung date ng lumabas si Andrew sa hospital last Saturday. Naka-sideview ako dito at nakatingin sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip ko.
Hawak hawak ko lang ang sketch pad na may guhit ng larawan ko ng magbukas ang pintuan ng kwarto. "Oh, gising ka na pala." Hindi ako lumingon sakaniya at mabilis na binalik ang sketch sa lamesa. "Kumain ka na." Maotoridad na utos niya.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago humarap sakaniya. "Nasan pala ako? Anong ginagawa ko dito?" Matagal na katahimikan bago siya sumagot no- tumawa. Pinatong niya sa lamesa ang tray na may lamang madaming pagkain tsaka umupo sa black couch.
"As far as I remembered, nakita kitang sinasaktan ng grupo nila Liza tapos tinulungan kita at dinala dito sa kwarto ko." Tumango tango lang ako. Tama naman pala ako ng hinala. Kwarto nga niya ito.
Saglit naman kaming natahimik hanggang sa napatingin ako sa suot kong damit. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang iba na pala ang suot kong damit. "Nasan ang damit ko? Anong ginawa mo sakin?" Niyakap ko ang sarili ko para itago sa manyak na to. Don't tell me, nakita niya na. NAKITA NIYA ANG KATAWAN KO? "Waaah!!!" Malakas na sigaw ko.
"Pwede ba wag ka ngang maingay. Tinapon ko na ang mga damit mo, sira sira na kasi." Nanlumo naman ako dahil sa sinabi niya. Ganon na ba talaga kalaki ang galit nila Liza sakin para pati damit ko ay masira na. Nakakainis naman oh! Pano na ako makakauwi nito! Huhu. Pero nakakaiyak talaga. Ang bad boy na to ang nagpalit ng damit ko. Waaahhh! Nakakaiyak! "Sila Manang din ang nagbihis sayo, hindi ako. Hindi ako interesadong makakita ng aparador." Dagdag pa niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Sinong tinawag niyang aparador?
Hoy! Baka kala mo, sexy kaya ako! Huhu. Hindi na lang ako sumagot at inirapan na lang siya.
"Kumain ka na. Kagabi ka pa hindi kumakain e." What? Kagabi pa? s**t! Patay ako nito kay Mommy. Agad kong inayos ang sarili ko at kinuha ang mga gamit ko. "Hoy nurse! Anong ginagawa mo?" Nurse? Stupid! May pangalan ako.
"Ano pa sa palagay mo? Malamang uuwi na. Kagabi pa pala ako wala. Malamang hinanap na ako ni Mommy tapos hindi pa ako nakapasok ngayon. Patay na talaga ako nito." Paiyak na sana ako pero naudlot lang dahil sa malakas niyang pagtawa. "Anong nakakatawa ha? Ako na nga tong mapapagalitan dahil sayo e." Pinag-krus ko ang dalawang braso ko at masamang tumingin sakaniya.
"At ako pa talaga ang sinisisi mo ha? BAKA AKO ANG TUMULONG SAYO at kung hindi dahil sakin, baka sa hospital na ang tuloy mo." Pinagdiinan pa talaga niyang tinulungan niya ako. Aish! Oo na. Thank you sayo, Andrew. Pero kaya naman talaga nila ako sinaktan, gawa po. Gusto ko sanang sabihin 'yon, pero wag na lang. "Pumunta na din ako sainyo kagabi at pinagpaalam na kita. Pumayag naman ang Mommy mo, nakakatawa nga at mukang gustong gusto niyang dito ka matulog samin. Bakit kaya?" Napakamot pa siya ng kilay niya na lalong nagpadagdag ng lakas ng dating niya. ANO? Kim, 'yon pa talaga ang napansin mo ha. Stupid!
"Pano mo nalaman ang bahay namin? Tsaka bakit di mo pa ako inuwi tutal pumunta ka naman pala don." Galit na sabi ko. Hindi ko alam kung nasa paa ba ang utak ng bad boy na to e. Ang lakas ng trip, hindi pa ako inuwi samin. Tsk.
"I have my own ways Miss Genius. Atsaka po." Tumayo pa siya at unti unting lumapit sakin. "Sabi mo sakin, ANDREW WAG MO AKONG IWAN. So ginrant ko lang ang wish mo. Kawawa ka naman kasi e." Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi niya. Totoo? Totoo? TOTOONG SINABI KO 'YON?! Tinignan ko siyang muli at tawa siya ng tawa. Nakahawak pa siya sa tyan niya at mukang sobrang saya niya. Samantalang ako, halos mamula na ang buong pagkatao ko. Lupa please kainin mo na ako! Ngayon din!
"Wala ka na ding dapat pang intindihin, nagpaalam na ako sa adviser mo pati sinabi ko na din sa mga kaibigan mo. Kumain ka na dyan at magpagaling." Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa tsaka lumabas ng kwarto.
Naiwan naman akong nakatulala dito. Hindi ako makapaniwala na sinabi ni Andrew ang mga 'yon lalong lalo ng hindi ko inaasahan na gagawin niya ang lahat ng to para sakin. Gosh! Kim, feeling mo naman si Cinderella ka na? Baka may kinain lang na maganda ang bad boy na 'yon kaya bumait sakin ng mga 5%. *Kruu* Napahawak naman ako sa tyan ko ng tumunog ito. Shocks! Gutom na nga ako.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at umupo na ako para kumain. Ang daming pagkain naman nito, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakain ng ganitong kasarap na pagkain. Don't get me wrong, okay? Masarap magluto si Mommy pero iba kasi ang lasa ng pagkain nila. Halata mong mayaman talaga sila dahil mukang professional chef pa ang nagluto nito. Edi sila na talaga!
Wala pa atang trenta minutos ng maubos ko ang pagkaing dinala ni Andrew. Seryoso nga, gutom talaga ako. Tatayo na sana ako para ilabas ang pinagkainan ko ng magbukas muli ang pinto. "Andr-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may tatlong babae ang pumasok sa kwarto. Naka-uniporme sila at base don ay masasabi kong mga kasambahay sila dito.
"Miss Kim, ako na po ang bahala dyan." Kinuha nung isang babaeng na sa tantya ko ay nasa mid 30's na. Lumabas ito ng kwarto, siguro para dalhin sa kusina ang tray. Naiwan naman ang dalawang kasambahay dito sa kwarto kasama ko. Yung isa ay mukang nasa 60's na, may hawak siyang medicine kit samantalang ang isang babae naman ay mukang ka-edad lang namin ni Andrew.
"Miss Kim, gagamutin ko po ang sugat niyo." Naiilang man ako pero wala na akong nagawa. Nakakahiya naman kung mag-iinarte pa ako. "Ako pala si Aling Dolores. Manang ang tawag sakin dito sa mansyon." Ah okay. "Miss Kim, wag ka pong malikot. Saglit lang po ito." Una niyang ginamot ang sugat sa noo ko at yung isang babae naman ay sa mga kalmot ko sa braso at hita ang ginagamot niya.
"Kim na lang po ang itawag niyo sakin." Naiilang na sabi ko. Natigil naman sila sa paggamot sa sugat ko at nilingon ako.
"Miss Kim, pagagalitan po kami ni Sir Andrew e." Sagot nung babaeng kaedad namin ni Andrew.
"Wag niyo ng intindihin 'yon. Akong bahala don." Ngumiti ako sakanila at ang kanina nilang takot sakin ay napalitan na din ng ngiti.
"Ang bait niyo naman po Miss Kim. Kaya po siguro nagustuhan kayo ni Sir Andrew. Si Miss Dawn po kasi masungit at masama ang uga-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng putulin siya ni Manang Dolores.
"Daisy!" Malakas na suway ni Manang.
"Ay sorry po Lola. Sorry po Miss Kim. Ang daldal ko po talaga. Pasensya na po." Patuloy lang siya sa paghingi ng paumanhin ng hawakan ko siya sa braso niya.
"Okay lang, Daisy. Hindi ko naman boyfriend si Andrew. School mate lang kaming dalawa." Hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko. Buti na lang din at hindi na siya nagtanong pa sakin.
"Kim, pasensya ka na sa apo ko ha. Madaldal kasi talaga ang batang yan." Ah, mag-lola pala silang dalawa. Nakakaintinding tumango lang ako sakaniya. "Okay na po. Kapag po may kailangan kayo i-press niyo lang po ang number 5." Tinuro niya sakin ang parang maliit na cellphone na nakasabit sa dingding. "Naka-connect na po samin yan. Sige po, aalis na po kami. Magpahinga na po kayo dito." Paalam nila Manang at Daisy sakin. Lumabas na agad sakin kaya naiwan na ulit akong magisa dito.
Hindi ko naman naiwasang isipin yung sinabi ni Daisy. Sino yung Dawn? Ex girlfriend ba siya ni Andrew? O girlfriend niya? Di ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba dito sa parte ng puso ko dahil sa kaisipang 'yon. Maswerte siguro si Dawn kasi minahal siya ng bad boy na kagaya ni Andrew. Ang sabi kasi nila, masarap daw magmahal ang bad boy kasi sobra sobra ito kung magmahal.
"Aish! Kim, tumigil ka nga. Kung ano anong iniisip mo e!" Mahina kong sinabunutan ang sarili ko para maalog naman ng konti ang brain cells ko. Hanggang sa may naalala ako. Tumayo ulit ako at muling pinuntahan ang mga sketches ni Andrew. Inisa isa ko ulit tinignan ang mga iyon at bukod pala sa kaisa-isang drawing ko ay may drawing din ng isang babae ang nandito. Sobrang dami niyang drawing dito. "Baka ito na si Dawn. Maganda naman pala siya. Hindi na ako magtataka kung minahal siya ni Andrew." Napatingin ako sa likod nung sketch nung 'Dawn' at may nakasulat dito sa likod. Para siyang love message ni Andrew sa babae.
Hi hun,
Wala na naman akong magawa kaya napag-diskitahan kong iguhit ka. Wala ka ng magagawa don kasi patay na patay sayo ang boyfriend mo. Haha. Hun, mahal na mahal kita. Sana hindi na tayo maghiwalay. Diba sabi ko sayo, ibibigay ko sayo ang surname ko, 5 years from now? And I can't wait to wake up every morning na ikaw ang kasama ko. Wala na akong ibang minahal kundi ikaw lang at wala na akong mamahalin pa kung hindi lang din Dawn Martinez ang pangalan. Happy Anniversary hun! I love you so much!
Love,
AMP
Hindi ko maintindihan kung bakit parang may naramdaman na naman akong kakaiba dito sa dibdib ko matapos kong mabasa ang 'love message' ni Andrew kay Dawn. Baka naman kinilig lang ako sa love story nila, tama 'yon lang. Kinilig lang ako! Wala ng iba.
Nakakatuwa lang na ang isang napaka-bad boy na si Andrew Perez ay sobra kung magmahal. Napaka-swerte nga ni Dawn. Sobrang swerte niya.