Chapter 1

4055 Words
Kimberly's POV   Maaga akong nagising dahil first day ko ngayon sa bago kong eskwelahan. I'm taking up BS Nursing at graduating na ako this school year. I'm from South Korea pero pure Filipino talaga ako. May business lang kami don kaya don kami nagsstay for the past 6 years. Kahit pa malapit na akong grumaduate ng kolehiyo sa SoKor, kinailangan pa din naming umuwi ng Pilipinas dahil sa negosyo. Ayaw ko namang maghiwalay pa kaming dalawa ni Mommy kaya sumama na lang ako dito. Kami na lang kasi ang magkasama sa buhay simula ng namatay si Daddy when I was in gradeschool. Kaya gusto kong samahan siya kahit ano pang mangyari.   Kinuha ko ang damit ko at simpleng white plain shirt at fitted pants lang ang sinuot ko at saglit na inayos ang buhok ko. Naglagay na din ako ng pulbos at lip gloss para di naman ako magmukang multo sa sobrang putla. Nang makita kong ayos na ako, kinuha ko agad ang bag ko at lumabas na ng kwarto.   Nasa hagdan pa lang ako ng maamoy ko na agad ang niluluto ni Mommy. For the meantime, si Mommy muna ang gagawa ng mga gawaing bahay like sa pagluluto at kung ano ano pa. Sinabi ko sakaniya na ako na lang ang gagawa non pero ayaw niyang pumayag. Asikasuhin ko lang daw ang pagaaral ko kaysa mangialam pa ako. She's really the best mom in the world. Kaya kahit wala na akong Daddy, masaya pa din naman ako because of my Mom.Pagdating naman sa paglalaba at pamamalantsa ay may nakausap na si Mommy last week na pupunta dito tuwing Sunday pero hindi siya stay-in.   Last week lang din kasi kami bumalik ng Philippines kaya wala pa kaming nakukuhang kasama dito sa bahay. Kaya kami lang dalawa ang nandito. Pero dapat talaga ngayon pa lang kami uuwi pero nagsimula na pala ang klase a week ago kaya kinailangan na naming makauwi agad. Nagasikaso pa ako ng mga papeles ko kaya ngayon pa lang ako makakapasok.   "Kim?" Tawag nito sakin ng yumakap ako mula sa likuran niya. "Baby girl matatapos na tong niluluto ko. Maupo ka na dyan, magaamoy usok ka pa e." Natatawang sabi niya sakin. Sinunod ko na lang ang utos niya at umupo na nga ako para kumain.   Inilapag ni Mommy ang dalawang plato na may lamang bacon, hotdogs, eggs and sausages. Kinuha niya din ang fried rice sa kitchen counter at pinatong din iyon sa may lamesa. Wow, amoy pa lang nakakatakam na.   "Ako na po Mom ang kukuha ng drinks. What do you want? Coffee, milk or tea?" Tanong ko sakaniya bago tumayo.   "Coffee will do baby girl." Tumango lang ako at nagsimula ng magtimpla ng coffee for her and fresh milk for me. Di ako mahilig uminom ng coffee or kahit anong drinks na may caffeine since napagaralan nga namin.   Bumalik ako sa dining area dala ang coffee at milk sa magkabila kong kamay. Umupo ako sa binakantehan kong upuan at nagsimula ng kumain. "Hmm, namiss ko tong ganitong pagkain, Mom." Masayang sabi ko sabay subo ng fried rice na may kasamang egg at hotdog.   "Ako nga din e. But-" Hindi na natapos ni Mommy ang sasabihin niya ng tumunog ng malakas ang cellphone niya na nakapatong sa may kitchen counter. Tinignan niya 'yon at biglang nangunot ang noo niya. May problema kaya? "Tsk. Wait lang baby girl ha." Tumango lang ako kaya tumayo na siya agad at naglakad palabas ng dining area. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang inaantay na makabalik si Mommy. Nagmadali na din akong kumain kasi ayoko namang ma-late ako sa first day ko sa new school ko. Nakakahiya naman kapag nagkataon.   After couple of minutes, bumalik na din naman si Mommy agad. Malungkot ang muka niya at mukang mainit ang kaniyang ulo. Sakto naman at patapos na akong kumain. Tumayo ako at nilapitan ko siya. She looked at me at parang naiiyak na siya.   "May problem po ba Mom? Please tell me." Seryosong tanong ko. Umiling lang siya at pekeng ngumiti sakin. "Fine. I will not forcing you to tell me what happened. Pero, nandito lang ako Mom if kailangan mo ng kausap. Okay?" I hugged her tight at ganon din naman siya. Hindi nagkukwento sakin si Mommy tungkol sa business dahil hindi din naman ako interesado sa negosyo. Kaya hindi na lang ako umimik pa. I know my Mom very well kaya sure akong masusulusyunan niya din agad kung ano man ang kaniyang problema.   "Go ahead baby girl. Baka mahuli ka pa sa klase mo e. Take care, Kim. Okay? I love you anak." She kissed me on my forehead and hugged me tight.   "Sige po Mom. I love you too. I'll call you na lang if nagka-prob ako sa school ha. Bye, Mom. Ingat ka din po dito." I kissed her in her cheeks bago kinuha ang bag at mga gamit ko atsaka naglakad palabas ng bahay.   Nilock ko muna ang gate namin tsaka nagsimulang maglakad palabas ng subdivision. Nasa bukana lang naman ang bagong bahay na binili ni Mom kaya hindi mahirap maglakad papunta sa sakayan. Dati kaming nakatira sa Bulacan bago kami pumunta sa SoKor. Taga doon kasi ang family side ni Daddy. Pero simula ng mamatay si Daddy, umalis na din kami don. Nakatayo pa din naman ang bahay namin don pero pinapalinis at pinaalaga na lang ni Mommy sa mga kapatid ni Daddy. Nalulungkot kasi si Mommy kapag nakikita ang dati naming bahay. Masyadong madaming memories doon. Grade 4 pa lang ako ng mamatay si Daddy John sa sakit na lung cancer. Masyado pa akong bata ng mangyari 'yon pero ang lungkot at sakit nandito pa din sa puso ko.   Anyway, ayoko ng mag-drama ngayon. Pinikit ko na lang ang mga mata ko bago tumingin sa mga dumadaang sasakyan sa labas ng subdivision. We have cars naman sa bahay pero di pa ako pinapayagan ni Mommy gumamit ng kotse kahit pa 20 years old na ako. Nabangga kasi ako nung time na nag-drive ako 2 years ago kaya galit na galit si Mommy sakin. Haha. Buti na lang talaga at gasgas lang ang natamo ko sa pagkakabangga ng kotse sa malaking puno at walang nabaling buto sakin. Kaya okay lang talaga sakin na walang kotse, mas gusto ko pa din namang mag-commute na lang. Tipid na sa gas, di pa makakadagdag sa polusyon sa mundo.   Pumara agad ako ng jeep na may nakasulat na Kalayaan. Sa Diliman pa kasi yung University na pinag-enrolan ko, medyo malayo siya dito sa BF Homes Paranaque. Pero ayos lang din sakin. Halos isang oras at kalahati lang din naman ang byahe bago ako makarating sa bago kong University. Medyo familiar na ako sa Manila kasi last week na umuwi kami dito, namasyal kami ni Mommy. Kaya di na ako maliligaw. Yun nga lang ay hanggang Paranaque to Diliman lang ang alam ko. Haha.   Nang makarating ako sa napaka-laking signage ng 'Emerald University' ay bumaba agad ako ng jeep at lumapit don sa guard na busy sa pag-cecellphone. Mukang may katext pa ata si Manong kas muka siyang kinikilig na ewan e. Hahaha.   Anyway, "Excuse me po." Pagkuha ko ng atensyon niya ng tuluyan na akong makalapit sakaniya. "I'm Kimberly Vargas. Transferee po ako dito." Pagkasabi ko non ay tumayo na siya sa pagkakaupo niya at binulsa ang hawak na cellphone.   "Ah ganon ba. Sige punta ka na lang Miss sa may registrar office. Dumiretso ka lang dito tapos kumanan ka. Makikita mo na don ang malaking signage ng registrar." Paliwanag niya. Tumago lang ako at malapad na ngumiti.   "Sige po Manong. Thank you so much." Ngumiti akong muli sakaniya bago tuloy tuloy sa pagpasok sa loob ng University. Gaya nga ng instructions ni Manong ay dumiretso lang ako papasok. Malaki ang campus kaya nakakalito talaga, compare sa school ko sa SoKor. Madami kasing buildings dito at pasikot sikot kung saan saan. Kumanan nga ako gaya ng sabi niya pero isang malaking building lang ang nandito. Wala din ang signage na sinasabi nung guard sakin. "Tsk. Mukang mali pa ata yung sinabi nung guard. Kaloka." Bulong ko. Nag-decide na lang akong maglakad lakad baka sakaling nalagpasan ko nga lang ang registrar office. Gustuhin ko mang magtanong sa mga estudyante pero wala naman akong makitang mga nagkalat na estudyante sa campus. Malas ko naman!   Babalik na sana ulit ako sa entrance ng may makita akong dalawang estudyante sa isang sulok. Nasa gilid sila ng building at seryoso lang silang naguusap doon. Nakatalikod sakin yung lalaki habang nakaharap naman sa pwesto ko yung babae. Hindi ko masyadong makita ang itsura nung babae kasi nahaharangan din ito ng malaking lalaki. "Sakanila na lang kaya ako magtanong? Sige na nga. Wala naman akong choice e." Lalapit na sana ako sa dalawa ng matigilan ako ng makitang may kung anong tinapon sa malayo yung lalaki. Hala. LQ ata sila. Wrong timing naman ako e.   "Pwede ba Liza. Tigilan mo na ako. Hindi kita gusto. Hindi mo ba 'yon naiintindihan?" Nanigas ako ng marinig ko ang boses ng lalaki. Ang lalim kasi ng boses niya na para bang pwede ka ng lumangoy. Ehh. Wala na, ang korni ko na. Basta, ang manly ng boses niya. Nakakatakot siya, in short.   "Andrew. Please naman, gustong gusto kasi talaga kita." Pagmamakaawa naman nung babae. Hindi ko gustong makinig sa usapan ng may usapan pero ang lakas kaya ng boses nila. Kahit ata sinong dumaan maririnig din sila e. "Please Andrew. Ako na lang." Nagulat ako ng biglang yakapin nung babae yung lalaki kaya nakita ko na ang itsura nito. Maganda siya ha. Muka nga siyang artista e. Pero bakit ayaw sakaniya nung lalaki? Hmp.   "Bitawan mo ako." Maotoridad na sabi nung lalaki. Sumunod naman yung babae at lumayo nga siya don sa lalaki. Humarap yung lalaki sa pwesto ko at muntik na akong matumba ng magtama ang mga mata namin. Patay na ako nito! Nakakatakot kasi ang itsura niya e. Mukang hindi siya gagawa ng maganda.   Hindi agad ako nakakilos hanggang sa naglakad na siya palapit sa direksyon ko. Akala ko lalagpasan niya na ako pero tumigil pa talaga siya sa tapat ko. "Ayoko sa lahat ng may nakikinig sa usapan ng may usapan." Nakakatakot na sabi niya habang titig na titig sakin. Nakailang lunok pa ako bago siya tuluyang umalis. Hinawakan ko agad ang tapat ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Nakakatakot naman pala talaga ang lalaking 'yon e. Sayang siya, gwapo pa naman niya pero ang sama pala ng ugali. Tse!   Never na never na talaga akong magkakagusto sa ganung klaseng lalaki. NEVER in my life!   Nang tuluyan na akong kumalma ay tinignan ko agad yung babae. Nakayuko siya at halata mong umiiyak na ito. Hindi naman ako nagdalawang isip na lapitan siya. Kinuha ko sa bulsa ko ang panyo ko at inabot iyon sakaniya. "Here." Inangat niya ang muka niya at tinitigan lang niya ang panyo na inaabot ko. Tumingin naman siya sakin at parang nagaalangan pa siya kung kukunin niya 'yon. "Kunin mo na, Miss. Malinis yan." Sabi ko sabay ngiti. "Hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganong klaseng lalaki. Kung mahal ka niya talaga, hindi ka niya sasaktan." Di ko alam kung saan ko nakuha yung sinabi kong 'yon pero muka namang gumaan ang pakiramdam niya dahil don.   "Hindi naman niya ako mahal e. Hehehe." Ngumiti siya sakin pero may natitira pa ding luha sa mga mata niya. Kinuha niya ang panyo ko at pinahid niya 'yon sa mata niya. "Thank you dito ha. Di mo na dapat ako tinulungan e. Nakakahiya nga at nakita mo pa akong umiiyak." Nakangiti niyang sabi sakin.   "Ano ka ba. Ayos lang 'no. Sensya ka na ha, kung narinig ko pa yung paguusap niyo. By the way, I'm Kimberly Jean Vargas pala. Kim na lang ang itawag mo sakin." Inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands sakaniya at tinanggap naman niya 'yon agad. "Transferee ako dito from South Korea pero Pinay ako. BS Nursing nga pala ang kinukuha ko. Hinanap ko kasi yung registrar office e. Pero mukang naligaw ata ako." Mahabang paliwanag ko sabay tawa. Ayokong maging feeling close sakaniya pero siya lang naman ang pwede kong pagtanungan.   "Liza Alcantara. Fourth year din ako, BS Civil Engineer. Halika gusto mo samahan kita sa registrar? Mamaya pa naman ang klase ko e." Nakangiting alok niya sakin.   "A-h. O-kay lang ba?" Nahihiyang tanong ko. Tumango lang siya sakin atsaka ngumiti. Nauna na siyang maglakad sakin kaya sumunod na lang ako. Lumiko siya sa kaliwa kaya napairap na lang ako sa isip ko. Sabi ni Manong Guard, kanan daw. KANAN. Eh kaliwa naman pala. Tsk.   "We're here na. Tara sa loob." Siya na ang pumihit ng doorknob tsaka kami pumasok. "Hi Miss Eli. Si Kim pala. Transferee po siya dito." Pagpapakilala niya sakin don sa babaeng nasa loob ng registrar office. Baka siya na registrar clerk. "Sige na, lumapit ka na sakaniya. Wait na lang kita dito." Tumango lang ako sakaniya at naglakad palapit don sa babae na tinawag niyang 'Miss Eli'.   Nagbigay lang siya sakin ng mga rules and regulations ng school at nagpaliwanag din siya ng kung ano ano. Wala pala kaming uniform dito at freestyle lang everyday, pwede nga din daw kahit naka-pambahay lang basta wag lang daw undies. Haha. Pagbibiro ni Miss Eli. Binigay niya na din sakin ang schedule ko sa buong semester.   "So, Welcome sa Emerald University Miss Vargas." Inabot niya sakin ang kamay niya para makipagkamay.   Ngumiti ako ng kay lapad at inabot ang kamay niya. "Thank you po, Ma'am." Nag-bow pa ako sakaniya bago pinuntahan si Liza na nakaupo sa may waiting area.   "Okay na?" Bungad niya agad sakin ng makalapit ako. Umoo lang ako sa tanong niya at nag-thumbs up pa. "Ok good. Tara na. Turo ko na sayo ang magiging room mo." Sumunod lang ako sakaniya hanggang sa tumigil siya sa pinakadulong building sa tapat ng registrar office. "Dito ang magiging room mo, Kim." Tinuro niya sakin ang building sa tapat namin at wala pang estudyante sa loob kaya nakahinga ako ng maluwag buti na lang. Nakakahiya kasi kung late agad ako diba? 1 week na nga ang na-missed ko e. "Tapos don naman ang room ko." Tinuro niya ang tapat na building ng building namin. By department pala ang mga building dito.   "Wow. Thank you Liza. Thank you talaga ng maraming marami." Nakangiting sabi ko sakaniya.   "No worries. O sige, don na ako sa room namin ha. Kita na lang tayo mamaya." Tumango lang ako sakaniya at papasok na sana ako sa room ko ng hawakan niya ang braso ko. "Ah, Kim. Yun palang kanina? Yung samin ni Andrew? Pwede ba satin na lang 'yon? Wag mo na lang sana ikwento pa sa iba? Okay lang?" Pakiusap niya. Tumango lang ako sa pakiusap niya. "Thank you Kim ha. Sige, babye." Nag-paalam lang kami sa isa't isa bago siya nagmadaling umalis para pumunta sa building ng department nila at pumasok naman ako sa room namin.   Umupo ako sa pinaka-dulong upuan kasi baka may umookyupa na ng mga upuan sa harap. Nakakahiya naman kasi kung aagawan ko sila ng pwesto nila. Binasa ko lang ang schedule ko habang inaantay ang mga magiging kaklase ko ng biglang may pumasok na dalawang babae. Ang iingay nila kaya napatingin ako sakanilang dalawa.   Wow. Ang gaganda naman nila. Ganito ba talaga ang estudyante dito? Muka silang mga artista. Grabe.   "Hello Miss. Bago ka dito?" Umupo sa tabi ko yung babaeng maputi na mukang manika. Tumango lang ako sakaniya kaya ngumiti naman siya sakin. Mas lalo lang siyang gumanda dahil sa ngiti niyang 'yon. "I'm Maria." Inabot niya sakin ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yon.   "Hello Maria. I'm Kim." Tipid na sagot ko dito.   "Wow. Kim, you're so pretty naman. I like you na agad." Maarteng sabi naman sakin nung isang babaeng kasama ni Maria. Matangkad siya ng konti sakin at ang tangos ng kaniyang ilong. Muka nga siyang koreana e. "I'm Faith. Nice to meet you, Kim." Imbis na makipag-kamay siya gaya ng ginawa ni Maria ay niyakap niya ako.   Mababait pala lahat ng estudyante dito. Kahit medyo may pagka-maarte si Faith. Hahaha.   "Yehey. We have new friend na. I'm so masaya na." Pumapalakpak pa si Faith habang sinasabi niya 'yon. Ang cute naman niya.   Kaniya kaniya naman silang tanong ng kung ano ano tungkol sakin hanggang sa nagsidatingan na ang iba pa namin mga kaklase pati na din ang professor namin kaya natigilan na kami sa paguusap at mamaya na lang daw nila itutuloy.   "Good morning class." Medyo mataray na sabi nung professor. Kagaya lang ni Miss Minchin ang itsura nitong professor namin kaya nakakatakot. May kinuha siyang index card sa bag niya at isa isa niyang tinawag ang mga pangalan namin para sa attendance.   "Ramos, Faith Angela?"   "I'm here." Bubbly na sigaw ni Faith na pati mga kaklase namin ay natawa na lang. Ang kulit kasi ni Faith e. Hahaha. Mukang di siya natatakot sa terror na professor na to.   "Santiago, Maria Celine?"   "Present." Tinaas lang ni Maria ang kamay niya hindi kagaya ng ginawa ni Faith.   "Okay, you have a new classmate. Transferee siya from Seoul National University. Miss Vargas, come here so you can introduce yourself." Hindi naman ako nagdalawang isip na tumayo at naglakad sa unahan. Natatawa na lang ako kasi panay pa ang cheer ni Faith sakin. Nakakatuwa lang na kahit kanina lang kami nagkakilala ay parang magkaka-close na agad kami. Parehas nga sila ng ugali ni Liza e. Sure akong magiging magka-kaibigan din sila. Ipapakilala ko pala sila sakaniya mamaya.   Gaya ng sabi ng Miss Estefan na siyang name ng professor namin na siyang adviser pala namin ay pinakilala ko ang sarili ko sa unahan. May mga tinanong ang mga kaklase ko tungkol sakin at magiliw ko namang sinagot ang lahat ng 'yon. Pagkatapos kong magpakilala ay nagsimula na ding mag-discuss ang professor namin. Halos dalawang oras din ang klase namin sakaniya dahil major subject pala iyon at medyo boring siyang magturo. Haha. Buti na lang at nagpa-dismiss na din siya agad.   "Tara na sa cafeteria. Ipapakilala ka namin kay Yasmin, Kim." Masayang sabi ni Maria sakin habang inaayos ang gamit niya.   "Yes. I'm very sure that she will like you like us. She's kind naman kahit pa ganon ang itsura niya." Natatawang sabi naman ni Faith kaya nakatanggap tuloy siya ng mahinang kurot mula kay Maria. Halos same nga lang din sila ng ugali ni Camille, yung best friend ko na nasa SoKor. Kaya sure akong magkakasundo din ang tatlong to. "Let's go na Kim." Hinawakan ni Faith ang kamay ko at palabas na sana kami ng room ng may magsigawan sa labas ng hallway. Tumigil kami sa pinto para tignan kung bakit nagtitililian ang mga babae.   "Nandito na pala ang grupo ng mayayabang." Bulong ni Maria sa tabi ko pero sapat lang para marinig ko. Papalapit na nga sa pwesto namin ang grupo ng mga lalaki.   Sila pala yung tinitilian. Grabe, mga artista kaya sila? Dami nilang fans ah.   "Kent, pakiss!" "Baby Andrew, sakin ka na lang!" "Vincent, please marry me!" "Sean I love you!" "BTS!"   Ilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga estudyante sa may hallway. Tinignan ko naman ang dalawa sa tabi ko at nakasimangot lang si Maria na para bang naiinis din siya sa nakikita niya kagaya ko. Samantalang si Faith naman ay halatang kilig na kilig pa sa nakikita. Namumula kasi ang magkabilang pisngi niya e.   "Grabe, Sean my love is so handsome talaga. Nakaka-G-R-R-R talaga." Mahinang sabi niya habang titig na titig don sa lalaking kulay pula ang buhok. Infairness, gwapo naman yung Sean kahit medyo maliit. Hehe.   Nagulat ako kasi nang lumagpas sila sa pwesto namin ay nakita ko si Andrew sa pinaka-dulo. Yung lalaking mayabang na nagpaiyak kay Liza. Eh kaya naman pala ganun ang ugali. Sikat naman pala siya. Tsk. Bad boy!   "Hey, Kim. Kilala mo si Andrew?" Nagulat ako sa naging tanong ni Maria kaya ganun na lang ang pagkailing ko.   "Eh why you're titig na titig to him? Siguro, he looks handsome to you 'no?" Pangaasar naman ni Faith sakin.   "Ano ba kayo. Eh crush nga ni Liza yan e." Tumigil sa pagtawa ang dalawa at napatingin sila sakin. Tingin na para bang may masama akong nasabi. Patay na ako nito! Bakit ba kasi ang daldal ko e. Naku naman!   "Who? Liza? Liza Alcantara?" Takang tanong ni Faith. Tumango na lang ako kahit pa nangako ako kay Liza na di ko sasabihin. Grr, bahala na nga. Maiintindihan naman siguro ni Liza 'yon tutal mabait naman siya. "Ghad. Kim, don't be friend with her nga. She's so b***h kaya and so sama ng ugali."   "Hindi naman ah. Muka naman siyang mabait e." Sagot ko kay Faith. Eh talaga namang mukang mabait si Liza e.   "Ah, bahala ka Kim. Siya, tara na. Wala na yung BTS." Tumango lang kami sa sinabi ni Maria. Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Hindi na din naman namin pinagusapan pa si Liza. Di ko alam pero naniniwala kasi akong mabait si Liza. Hindi naman sa hindi ako naniniwala kila Maria at Faith pero ewan ko. Basta!   Naghanap lang silang dalawa ng mauupuan at sa pinaka-dulo lang ang may bakante. Pag-upo pa lang namin ay may lumapit agad saming isang babae. Maganda din siya gaya nila Maria pero muka lang siyang mataray dahil sa taas ng kaniyang kilay.   "Hey. Kanina ko pa kayo inaantay. Ang tagal niyo." Umupo siya sa tabi ni Maria bago tumingin sakin. "Who's she?" Seryosong tanong niya kaya naman nakaramdan ako ng takot. Hala, baka ayaw niya sakin. Baka awayin niya ako. Wag naman sana.   "She's Kim. And she's our new friend. Don't away nga her. Ikaw talaga. You're so maldita." Inirapan pa ni Faith yung babae pero tinawanan lang niya si Faith.   "Ahh. I see. Kaya pala maganda din siya like us." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko 'yon mula sakaniya. Hays, buti naman. Hindi ako duwag pero ayoko lang ng may nakakaaway. "I'm Yasmin." Inabot niya ang kamay niya sakin at tinanggap ko naman 'yon.   "Kim." Tinignan ko siya at ngumiti naman siya sakin. Teka, bakit parang may kamuka siya? Ahh. Okay! "Kamuka mo si Liza." Mahinang sabi ko pero alam kong sapat lang 'yon para marinig nilang tatlo.   "Liza? Iww. Hindi ko siya kamuka 'no. Mas maganda pa ako sakaniya." Natatawang sabi ni Yasmin. "Oo, kapatid ko yung impaktang 'yon." Impakta? Is she really that bad para mainis sila ng ganito? Eh muka namang mabait si Liza e. Hmmm.   Hindi na lang ako nagtanong pa about Liza sakanila kasi baka ayaw din naman nilang pagusapan ito. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain. Pinagpatuloy nila Faith and Maria ang pagtatanong sakin at nasasagot ko naman lahat ng 'yon. Nakikisali na din si Yasmin sakin na pagalaman kong BS Pharmacy pala ang kinukuha niyang kurso. Natigil lang kami sa paguusap ng may malakas na humampas sa table namin. Sabay sabay kaming napalingon don at laking gulat ko ng makita ko ang galit na galit na muka ni Liza. Bakit parang nagiba ang awra niya? Kanina lang muka siyang anghel, ngayon naman muka na siyang kontrabida. Totoo kaya ang sinasabi nila Maria? Naku naman!   "Hey, little sis. Bakit parang narinig kong pinaguusapan niyo ko?!" Ang taas ng kilay niya na para bang hindi siya umiyak kanina. Ganon? Kanina ang bait niya, ngayon naman sumama na ang ugali? Pwede pala 'yon. Napatingin siya sa direksyon ko at mukang nagulat siya ng makita niya akong kasama nila Yasmin. "Oh Kim. What are you doing here? Friends mo ba ang mga losers na to?" Mataray na tanong niya.   Losers? Tinawag ba talaga niyang losers ang mga bago kong kaibigan? Wow.   "Yes. Kaibigan ko nga sila Liza. Bakit?" Buong tapang na sagot ko. Mabait ako kaya dapat lang na mabait din ang mga kaibigan ko. Bakas sa muka niya ang pagkainis sa naging sagot ko bago siya nagsalitang muli.   "Fine! Whatever! Magsama sama kayong mga losers! Let's go girls." Umalis na siya sa table namin at sumunod naman sakaniya yung dalawa niyang alipores.   Hindi ko akalain na masama pala talaga ang ugali niya. Tama nga sila Faith. Akala ko pa naman mabait siya kasi tinulungan pa niya ako kanina. Pero hindi pala. Buti na lang din at nalaman ko agad ang tunay niyang ugali.   May mga ganon pala talagang klase ng tao? War-freak. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD