01

2228 Words
Chapter 01 3rd Person's POV "Ayoko na magsulat." "Morri! Huwag kang sumuko. Magsulat ka lang ng magsulat." "23x na ako ni-reject ng mga publisher at publishing house na pinapasahan ko." "Dapat siguro makinig na lang ako kay mama. Tigilan ko na ito at mag-aral ako ng college." "Ano naman kukuhanin mong course?" "Gusto ni mama na maging nurse ako." "Pero pagiging writer gusto mo." Yumuko ang dalaga at sumubsob sa lamesa. "Wala daw ako mararating sa pagiging writer." "Pero kapag pumatok naman ang story mo jockpot ka. Instant celebrity kana may published book ka pa." "Kung hindi naman? Kulelat diba?" "Morrigan Batista, pwede ba think positive?" "Isa lang 'yan sa mga struggle na dapat mong harapin para marating ang goal mo." Humilig si Morrigan sa lamesa at tiningnan nito ang bestfriend na si Kylo Kenshin. Childhood friend s***h bestfriend. First year college na din ito sa susunod na pasukan at kumukuha ng course na culinary art. "Sa tingin mo hindi pa dapat ako sumuko?" "Yes naman. Dadating din iyong oras mo. Kung talaga mahal mo ang pagsusulat huwag kang susuko okay?" Nag-thumbs up si Kylo na kinatawa ng mahina ni Morrigan. Umupo ang babae ng maayos at tiningnan ang envelop kung nasaan ang manuscript niya. "Bakit ba nirereject ng mga publisher ang story mo?" "Hindi daw kasi story ang ginagawa ko. Mas mukha daw pagsasadula iyan." "Boring daw basahin at hindi daw makakaakit ng kahit na sinong mambabasa." "Lahat ng writer may sariling way sa pagsusulat." "Sa iyo kasi masyadong—." "Makatotohanan? Walang thrill,walang solid na plot, madaming loopholes." "Easy, hindi ako 'yong nan-reject sa story mo." "Siguro kailangan mo lang ng new environment. Sabay na tayo mag-enroll sa lunes okay?" "Baka habang nag-aaral ka magkaroon ka din ng idea. Ang alam ko kasi karamihan sa mga writer kumukuha ng inspiration base sa environment or experience niya. Bakit hindi mo subukan baka matulong?" "Hindi iyong lagi kang nakakulong dito sa kwarto mo." Sumubsob ullit si Morrigan sa lamesa. "I try my best since wala na naman akong choice dahil may deal kami ni mama." Morrigan Batista's POV Dumating ang lunes pumunta nga kami ni Kylo sa university kung saan nag-elementary, nag-highschool at balak ni Kylo mag-college. Private ang university na ito at sa kasamaang palad ito lang ang school na may complete na course. Madami kang pagpipilian at malaki ang university. "Kung hindi kita kasama Kenshit naligaw na ako. Ang laki ng university na ito," ani ko matapos ilibot ang paningin ko. Halatang may mga kaya ang mga estudyante na nandito. Ang dami kong nakikitang mamahaling kotse na nakaparada sa parking lot na nadaanan namin. "Tumatanggap sila ng scholar gusto mo ba i-try?" tanong ni Kylo na kinatingin ko. "Para iwas malaking bayarin sa family mo." Hindi naman kasi kami mayaman. Tumigil ang nakakatanda na kapatid ko para makapag-college ako kaya kailangan ko i-grab ang kahit na anong opportunity since nasa college na ako. "Mababa ang avarage ko sa tingin mo makakapasa ako?" "Hindi sila bumabasa sa avarage sa test na mismo. Kung mage-exam ka at makapasa ka, mapapanatili mo iyon makakapasok ka ng scholar." "Gusto ko subukan baka makapasa makatulong kahit papaano kina mama." Habang naglalakad kami papunta sa office bahagya ako napatigil matapos makita ang tatlong lalaki na kalalabas lang sa isang kwarto. "Gosh, mukha silang mga fictional character. Sino sila?" tanong ko matapos hila-hilahin si Kylo ag tinuro ang tatlong lalaki. Nanlaki mata ni Kylo at binaba ang kamay ko na nakaturo. Isa sa kanila napatingin sa amin pero bago pa ako maka-react hinila ako ni Kylo papunta kung saan. "Gaga ka talaga Morrigan pahamak ka." Huminto kami sa harap ng isang lab room. Kinamot nito ang sariling ulo at tiningnan ako. "Hindi ka dapat basta na lang nagtuturo. Hindi mo kilala mga 'yon." "Kaya nga tinatanong ko kung sino sila diba? Mukha silang mga fictional character hihi ang gwapo." Bigla tuloy akong na-curious. Hinimas-himas ko ang baba ko. "Last na nakita kitang na-curious sa isang tao. 24/7 ka nakabuntot duon at dinaig mo pa ang stalker." Nanlaki ang mata ko at tiningnan si Kylo. "Hindi totoo 'yan! Hindi—." Napatigil ako ng hawakan ako ni Kylo sa magkabilang balikat at seryosong tinitigan ako. "Morrigan, mangako ka. Hindi ka lalapit sa tatlong iyon kahit na anong mangyari." "Sila 'yong tipo ng mga taong dapat mo iwasan aa university na ito. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay tita kapag may nangyari sa iyo." Natawa ako at pabiro na hinampas sa balikat si Kylo. "Kenshit masyado kang seryoso, tinatanong ko lang kung sino sila. Kung sinabi mo 'yan susundin kita hindi ako lalapit." Mukha naman nakahinga siya ng maluwang sa sinabi ko matapos niya ako titigan. Hinawakan niya ako sa kamay at inaya na ako papunta kung saan. I don't mind naman kasi madalas nga kami natutulog ni Kylo magkatabi at physical contact hindi na bigdeal sa amin dalawa dahil para na din kami magkapatid. "Kenshit, nagugutom na ako. Wala bang bukas na cafeteria dito." "Bakit kasi hindi ka kumain kanina?" "Kasi nga nagmamad—." "Morri!" Nabitawan ako ni Kylo nang may taong bumangga sa akin dahilan para matumba ako sa sahig. Nanlaki ang mata ko nang magkalapit ang mukha namin kaya naitulak ko ito. Ang kapal kasi ng make up nito. Puro tattoo sa katawan at talaga naman nakakagulat ang physical features niya. "Sorry, hindi ko sinasadya may mga taong—." "Ayon siya! Habulin niyo!" Nahila ako ni Kylo matapos may mga lalaking naka-suit ang dumating. Mabilis na tumayo ang lalaki na mukhang kasing height ko lang din at tumakbo. "Katatapos lang ba ng festival dito? Ano ba 'yon? Rockstar or clown?" "Si Sorin Tadeo 'yon. Fiancee ng isa sa tatlong lalaki na nakita ko kanina." Napatingin ako kay Kylo matapos mabakas ko sa boses nito ang pagkadisgusto. 3rd Person's POV "Bitawan niyo ako! Ano ba?!" Marahas na hinila ng mga lalaking naka-suit ang binata at tinulak papasok sa isang kwarto na nasa loob din ng university. "Sinubukan mo na naman ba sumama kay Rogue ha? Sorin?" Tinulak ng mga tauhan ng binata ang lalaki dahilan para mapaluhod ito sa sahig. Lumabas ang mga tauhan ng binata at iniwan sila sa loob. Walang emosyon na tumayo ng ayos si Lancer Riego, anak ng may-ari ng university at tumatayong student council president. Sa harap ng madaming estudyante. Isa ito sa mga taong nirerespeto at dapat tularan. Mabait ito at kumpara sa dalawa pa nitong miyembro ng student council mukha itong hindi makabasag pinggan. "B-Bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan Lancer?! Wala ka ng mapapala sa akin!" "Bumagsak na ang negosyo ng pamilya ko! Wala ka ng mapapala! Please pabayaan mo na ako!" Ngumisi ang lalaki at bahagyang niluwagan ang suot nitong necktie. Humakbang ito palapit sa binat at hinawakan ang panga nito. "Baka nakakalimutan mo na may utang pa din ang buong angkan mo sa pamilya ko." "Malinaw ang nakasulat sa kontrata." "Babayaran ko 'yon! Hayaan mo ako magtrabaho! Gagawin—." "Para ano? Magsama kayo ni Rogue?" Napangiwi ang binata at pilit na inalis ang kamay ng binata sa panga niya matapos iyon higpitan ni Lancer sa pagkakahawak. Kinabig ni Lancer ang panga ng binata at nilapit sa mukha niya. "Sorin, akin ka lang. Naiintindihan mo ba?" Buong lakas na tinulak ni Sorin ang binata kaya mabilis na nagdilim ang mukha ng binata at walang kaano-anong binalya ang lalaki sa pintuan. "Inuubos mo talaga ang pasensya ko Sorin," ani ni Lancer na nagdidilim ang mukha. Umayos ito ng tayo at hinubad ang necktie nito na suot. Bumakas ang takot sa mukha ni Sorin matapos hubarin ni Lancer ang suot nito na uniform at parang laruan na hinila si Sorin na nagsisigaw para humingi ng tulong. — Hindi alam ni Morrigan ang ire-react matapos sabihin ni Kylo lahat ng nalalaman niya tungkol sa tatlong student council. "Wala 'man lang ba nagtangkang tumulong kay Sorin?" tanong ni Morrigan habang kagat-kagat ang hawak na sandwitch. "Para na din hinukay nila ang sarili nilang libingan kapag ginawa nila iyon." Nag-pop sa mukha ni Morrigan ang mukha ng isa sa tatlong tao na tinutukoy ni Kylo. Sa paningin ng dalaga ito ang may pinaka-maamong mukha. Gwapo din ito at mukhang pati siya naloko sa panlabas nito na anyo. "Mas lalo tuloy akong na-curious. Wait sino pala si Rogue?" — Nagising na lang ang binata na nasa kama na siya. Sobrang sakit ng katawan at puro sugat. Pilit na tumayo kahit masakit ang balakang at naglakad palapit sa malaking salamin na nasa kwarto. Wala siyang kahit na anong saplot at nababalutan ng mga pulang marka ahg katawan niya. Hindi maiwasan ni Sorin na mandiri sa sarili dahil sa mga kababuyan na ginagawa sa kanya ng Lancer. Para siyang tanga na hinila ang kumot at pilit na kinukuskos iyon sa balat niya para alisin ang mga marka. Unti-unting bumuhos ang mga luha ng binata at naiiyak ito na umupo sa sahig. "Bakit ba kailangan ito mangyari sa akin?" Niyakap nito ang sariling katawan at tiningnan ang sarili sa salamin. Ginawa niya na lahat para ayawan siya ng binata. Nagpakulay ng buhok, nagmake-up ng makapal, sinubukan niya na din magsuot ng mga pambabae na damit at binalot ng tattoo ang katawan niya. Lahat na ginawa ng binata para ayawan siya ni Lancer, minsan na din nahuli siya ni Lancer na muntikan na makipag-make out kay Rogue pero imbis pandirihan siya at hiwalayan na. Kinulong lang siya nito sa kwarto at halos magtatatlong taon siyang hindi pinalabas ng mansyon. "Wala na yata talagang pag-asa para makaalis ako sa impyerno na ito." Morrigan Batista's POV Nakapasa ako sa university. Hinihintay na lang din namin ang result ng application ko para sa scholar ship. Hindi din ako makapaniwala na magkakaroon din ako ng sarili kong dorm sa university. Hindi ko maiwasan matuwa dahil duon tapos nalaman ko pa na solo ko ang dorm. Kung babalakin ko ulit magsulat may tahimik ako atmosphere. "Kumpleto na ba mga gamit mo?" Napatingin ako kay Kylo na nakasandal sa gilid ng pintuan habang naka-cross arm at nakatingin sa akin. "Yes, ilalabas ko na lang din ang mga ito. Wait baka gusto mo naman ako tulungan. Nakikichismis kana lang din naman." "No, thanks. Ikaw na lang. Mga damit mo lang naman iyan." "Eh di kuhanin mo na lang 'yong ibang kahon sa baba. Ang sakit na kasi ng kamay ko eh. Please!" Sumimangot si Kylo pero hindi nagsalita at umalis na lang. Napahagikhik ako sa idea na ang swerte ko talaga sa bestfriend ko. Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mga damit ko hanggang sa lumipas ang mga minuto wala pa din Kylo na dumating. "Nasaan na kaya ang kupal na iyon? Nadaganan ng tatlong kahon?" Maya-maya napagpasyahan ko na din lumabas ng dorm at naglakad palabas ng building. Tinungo ko ang parking lot kung saan ko iniwan ang mga kahon na binilin ko kay manong guard. Pagpunta ko duon wala na 'yong mga kahon at wala din Kylo. Napakamot ako sa ulo. Saan naman pupunta ang loko na iyon dala 'yong mga gamit ko. "Ano? Bakit hindi mo pa hayaan si Sorin?" Kumunot ang noo ko matapos marinig iyon. Napatingin ako sa isa sa mga sasakyan na nasa parking lot. May nakita akong dalawang kapre sa gilid ng itim na SUV at dalawa sila sa tatlong tinuro sa akin ni Kylo na huwag lalapitan. Nakayukong humakbang ako palapit sa kotse na iyon at umupo sa sahig na nasa kabilang bahagi ng sasakyan. Si Sorin ang usapan nila. Gosh, ito ang mahirap sa pagiging writer. Kapag may interesante na pangyayari o scenario hindi namin maiwasan na mas ma-curious. "Sinabi na ni Tito Lance na i-turn down mo na ang contract diba? Bakit hindi mo na lang hayaan si Sorin?" "Para bumalik siya kay Rogue?" "Pinahihirapan mo lang si Sorin, Riego. Sinasaktan mo lang din ang sarili mo. Hindi mo pwedeng ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi naman talaga ikaw ang gusto." Napangiwi ako dahil hindi lang sila mga mga mukhang fictional character. Pati mga personality nila at plot ng buhay nila pang-fiction story. Hindi ako makapaniwala. "Hindi ako papayag Keith. Akin si Sorin. Gagawin ko lahat para mapasakin siya at mahalin niya din ako." "Kung kinakailangan ikandado ko siya sa kwarto gagawin ko para hindi na sila magkita ng Rogue na iyon." Mali ang pagpapakita ng affection ni Lancer pero halatang totoo ang pagmamahal niya kay Sorin. — Habang naglalakad pabalik sa dorm ko hindi ko maiwasan na maawa kay Lancer kahit pa sabihin na sinasaktan nito si Sorin. Gusto lang ni Lancer na mahalin siya ni Sorin pero paano nangyayari iyon kung iba ang gusto niya at takot siya kay Lancer. "Second lead syndrome." Napakamot ako sa ulo sa idea na isa iyon sa mga plot na ayoko talaga. Sabi ni Kylo mahal na mahal nina Sorin at Rogue ang isa't isa. Half brother ni Lancer si Rogue at before naging fiancee ni Sorin si Lancer boyfriend na ni Sorin sa Rogue. Nag-break lang sila dahil kay Lancer at si Sorin hindi pa din maka-move on. Sinusubukan pa din nito tumakas kasama si Rogue pero lagi sila nahuhuli dahil duon laging sinasaktan ni Lancer si Sorin. "Gosh, bakit may instinct ako na si Lancer at Sorin talaga ang para sa isa't isa hindi ang Rogue na iyon?" "Kailangan ko magimbistiga. Kailangan ko mahanap ang male lead which is si Rogue Riego hihi." "Aja!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD