02

2119 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Kenshit! Saan ka ba nagsusuot at bigla kana lang nawa— teka ayos ka lang ba?" Napatigil si Morrigan matapos dumating si Kylo na gusot ang sariling uniform at gulo-gulo ang buhok. "Napaaway ka ba? Bakit may gasgas 'yang siko mo?" Walang salita na binaba ni Kylo ang mga kahon at tiningnan ang sarili. "Nadapa ako." Kumunot ang noo ni Morrigan matapos iyon isagot ng binata. Magtatanong ulit si Morrigan nang mabilis na tumalikod si Kylo at lumabas ng dorm. "Anong nangyari sa kupal na 'yon?" tanong ni Morrigan sa sarili matapos mapansin ang hindi maintindihan na expression ni Kylo. Nang araw na iyon sinantabi muna ni Morrigan ang mga iniisip at nag-ayos ng mga gamit sa dorm. Dinner na ng matapos siya at hindi niya na nakita si Kylo. Kinuha nito ang phone at sinubukan kontakin ang kaibigan. Hindi sinasagot kaya nag-iwan na lang siya ng message at lumabas ng dorm para bumili ng makakain. Matapos ipitan ang buhok kinuha ni Morrigan ang coat niya sa upuan at sinuot. Tuluyan ng lumabas si Morrigan sa sariling dorm katulad ng inaasahan wala pang masyadong estudyante ang nasa loob ng university. Wala pa ding laman ang mga kwarto sa building na iyon dahil wala pa siyang nakikita na mga ibang estudyante sa palapag na iyon simula ng dumating siya. Napalunok si Morrigan dahil sa idea na maaring may multo duon. Dahil nga dakilang writer siya sobrang lawak din ng imahinasyon niya. Morrigan Batista's POV "Nakakaloka, ngayon pa umariba ang imagination ko. Bakit parang may nakatingin sa akin at may naririnig akong naglalakad," parang tanga na sambit ko habang pilit na hinahakbang ang mga paa ko. Lahat na yata ng dasal sinaksak ko sa isip ko para mawala ang takot ko. Para yatang tumigil ang ikot ng mundo ko matapos may narinig akong paghila ng upuan mula sa likuran ko kaya—. "Ahhh!" Napasigaw ako at nagtatakbo. Puno ng takot at kaba ng dibdib ko hanggang sa bumangga ako. "f**k!" Napamulat ako ng mata na hindi ko napansin na napapikit na pala ako matapos ako mapatakbo dahil sa takot. "Bata sorry! Hindo ko sinasadya!" Napaalis ako sa ibabaw ng bata na nabangga ko at alanganin napataas ng kamay matapos niya ako tingnan ng masama. Napakurap ako matapos mapansin ang suot nitong uniform. Hinimas-himas nito ang likod ng ulo at matama akong tiningnan. Hindi ko maiwasan bahagyang matulala matapos makita na mala-fictional character din ang features ng batang nabangga ko. Iyong totoo napunta ba ako sa loob ng isang nobela ng hindi ko alam? Napailing ako sa idean na pati bata napagpapantasyahan ko na pero mygod! Kahit yata senior citizen mai-inlove sa batang ito kapag lumaki na. "Hindi ako bata. I'm freaking 21 years old at mas matanda ako sa iyo." Nanlaki ang mata ko matapos iyon marinig. Napatakip ako ng bibig dahil may habit pa naman ako na mas nauuna umariba ang bibig ko kaysa sa isip ko. "A-Ah, h-hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga." Tumayo ako at inabot ang kamay ko sa lalaki. Imbis abutin iyon. Mag-isa siya tumayo at inismiran ako. Napa-pokerface ako. Ang cute na bata ang sarap pigain at pisatin. Nakakainis ang attitude. Pwera biro ang liit niya lang talaga. Hanggang dibdib ko lang siya kahit itong height ko hindi normal para sa isang babae. Pinagpagan ng lalaki ang sarili niya at tiningnan muna ako ng masama bago tumalikod. "Hindi naman siguro niya ako isusumpa 'noh? Nakabangga yata ako ng dwende," bulong ko habang nakatingin sa lalaki na nakapamulsahan naglalakad palayo. — Matapos ko bumili ng bread, cup noodles, juice at ilan pang pagkain. Naglakad na ulit ako pabalik sa dorm ko. Sa labas ako ngayon bumili ng dinner dahil mas mura. Kailangan ko magtipid para kahit papaano mabawasan ang gastusin nina mama. Napatigil ako sa paglalakad matapos ma-realize na babalik na naman ako sa building. "Gosh! Kailangan ko na talaga tawagan si Kylo. Aatakihin ako sa puso kapag—." Literal na nanlaki ang mata ko matapos makapa na wala sa bulsa ng jacket ko ang phone ko. Gusto ko maiyak dahil mukhang naiwan ko iyon sa hallway. Kung may makapulot 'man sana huwag itapon sa basurahan imposible naman kasi pag-interesan pa iyon dahil sa mas matanda pa yata tingnan iyon sa lola ko. Kinapa ko ang bulsa ng pajama ng bulsa ko at ng ma-realize na wala na talaga naiinis na umupo ako sa sahig habang subo ang bread na binili ko. "Alam mo bang may curfew ang university. Malapit na mag-9pm." Napaangat ako ng tingin. Napanganga ako. Muntikan pa mahulog ang tinapay na nasa bibig ko. Buti na lang mabilis ang reflexes ko at nasalo ko iyon. "Bata ikaw na naman?" Napa-pokerface siya at tumalikod. Aalis ito nang mabilis ako tumayo at hinarangan siya. "Waah! Huhu joke lang! Natatakot ako pabalik sa building, nawala din phone ko samahan mo ako sandali lang." Pakapalan na ng mukha pero ayoko talaga bumalik sa building ko mag-isa. "Get down." Malamig na sambit niya kaya ang ginawa ko lumuhod ako para pantayan siya. Napakurap ako ng mas naging gwapo siya sa paningin ko dahil sa liwanag na nanggagaling sa lightpost na nasa gilid namin na dalawa. "Pwede ba isabit na lang din kita sa pinto ng kwarto ko?" out of the blue na sambit ko. Napatakip ako ng bibig ng makita na mukhang naasar siya duon at nilampasan ako. "Waah! Joke lang again! Kuya! Nagbibiro lang ako." Hinabol ko siya. Ang liit-liit na tao ang bilis maglakad. Nawala agad siya sa paningin ko tapos napansin ko na ang kinatatayuan ko na lang ang maliwanag. "Bata? Joke lang naman eh huhu." Nakaramdam na naman ako ng lamig dahil sa takot. Hindi ako takot sa dilim pero takot ako sa multo kahit hindi pa talaga ako nakakakita nuon. Pilit kong pinapasok sa isip ko na nasa paligid pa din 'yong bata at may kasama ako. Hindi ko gaanong makita ang daan pero sa pagkakaalam ko dito pumunta 'yong bata at daan din ito papunta sa building kung nasaan ang dorm ko. "Rogue, huwag tayo dito." "Call me babe." Napangiwi ako matapos marinig iyon. Napalingon kung saan ko narinig iyon at duon may nakita akong dalawang bulto ng tao. Isang babae at lalaki na nasa parte ng garden. 'Teka? Rogue? Siya ba 'yong ex boyfriend ni Sorin?" Humakbang ako palapit sa lugar na iyon ngunit may harang na screen kaya umikot ako. Ngunit bago pa ako makapasok ng tuluyan sa loob may humila sa akin sa kabilang parte ng field. "Ano 'yon?" Nanlaki ang mata ko matapos makita 'yong bata. Nakatakip ang kamay niya sa bibig ko at nakatingin sa dalawang tao na tinitingnan ko. "Sagana ka lang sa laki wala ka naman utak." Aba't hilahin ko kaya ang dila ng batang ito. Inalis ko ang kamay niya magsasalita ako nang yakapin niya ako sa leeg at takpan ulit ang bibig ko matapos may makita pa kaming isang anino sa hindi kalayuan. "Balak mo ba talaga sirain ang image ng university Rogue? Wala ka 'man lang ba kahit konting respeto sa sarili mo?" "Ngayon nakikita kita diyan sa loob ng garden at nandito ako sa field. Mukha akong nasa zoo at nakakita ako ng dalawang unggoy na nag mamake-out." "Lancer!" Nanlaki ang mata ko matapos marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Umalis na tayo dito," ani ng bata. Inalis niya ang kamay niya hihilahin niya ako paalis duon nang hilahin ko siya pabalik at nag-gesture na manahimik. "Anong ginagawa mo?" "Alam ko gusto mo makakita ng nagma-make out pero gusto ko makita ang mga susunod na scene kaya shhh ka lang. Manonood tayo ng drama." Hinila ng bata ang kamay niya pero agad ko ulit iyon kinuha at sinabihan na manahimik. "Siguradong masasaktan si Sorin kapag nalaman niya na ang pinakamamahal niyang boyfriend kasalukuyang nasa loob ng garden at nakikipag-make out sa kung kani-kanong babae." "Ha! Sa tingin mo maniniwala sa iyo si Sorin? Baka nakakalimutan mo kung ano ka sa paningin ni Sorin ngayon?" Gumusot ang mukha ko matapos marinig iyon. Kaya pala malakas ang pakiramdam ko na si Lancer talaga ang male lead eh. "Walang hiyang lalaki. Manloloko. Ang kapal ng balat." "Kung balatan ko kaya siya ng buhay at isabit ko sa flag pole para may silbi naman ang kakapalan ng mukha niya." 3rd Person's POV Tinitigan ng lalaki ang babae habang nakataas ang kamao at parang anytime balak na nito sumugod sa dalawang tao na nasa hindi kalayuan sa kanila. "Kahit anong gawin mo hindi ka pakikinggan ni Sorin. Ikaw nag sumira sa buhay niya at kung susubukan mo na siraan ako kay Sorin siguradong iisipin niya lang na gusto mong sirain kaming dalawa." Napa-pokerface si Morrigan dahil isa sa mga part na iyon ang ayaw niya sa mga nababasa niyang story. Tumayo na siya makalimpas ang ilang segundo at hinila ang lalaki paalis duon. "Ayoko talaga sa nga character na masyadong tanga!" Napa-pokerface ang lalaki habang kinakaladkad siya ni Morrigan papunta sa building. Bubulong-bulong si Morrigan at dahil sa inis hindi nito napansin na nasa harap na siya ng sariling dorm. "Bwisit talaga ang mga lalaki! Mga manloloko! Siraulo! Akala mo naman kung sino siyang gwapo! Mas bagay si Lancer kay Sorin! Mas suppory ko sila! Hindi sila bagay ng Rogue na iyon!" Tumikhim ang binata at duon naagaw niya ang pansin ni Morrigan na nanlaki ang mata matapos siya makita. Nabitawan nito ang kamay niya na bahagyang namumula dahil sa pagkakahawak ng dalaga. "A-Anong ginagawa mo dito?" "Dinala mo ako dito," pokerface na sambit ng binata. "O mas tamang sabihin na kinaladkad mo ako papunta dito." Dagdag ng lalaki na kinanganga ng dalaga matapos makita ang tyura ng binata. "Waah! Huwag mo ako isusumbong sa DSWD hindi ko sinasadya! " "Nasaktan ba kita bata? Sorry!" Halos ibaliktad na siya ni Morrigan para i-check kung nasaktan ba siya o may galos. Bahagya niyang tinulak ang babae at tinabig ang kamay nito paalis sa pisngi niya. "Hindi ako bata," ani ng binata na nakatingala at masama ang tingin kay Morrigan. "Hehe, hindi ka nga bata." Napa-pokerface ang binata matapos makita na lumuhod ulit ang babae at pinantayan siya. "May masakit ba sa iyo? Sorry hindi ko napansin na nakakaladkad na kita." "Ay tama! Madami akong biniling candy! Gusto mo ba?" Tumayo ulit ang babae at kinuha ang plastic bag na dala niya kanina. Kumuha ito ng apat na candy at inabot sa bata. "Peace offering ko," ani ni Morrigan bago inabot iyon sa lalaki. Inismiran siya nito pero kinuha ang candy na inaabot ni Morrigan. May nilabas din ang binata sa bulsa at binaba iyon sa lamesa na nasa gilid ng pintuan. "May curfew ang university na ito ng 9pm. Huwag ka ng lalabas." Napakurap si Morrigan matapos siya talikuran ng binata at lumabas ng kwarto. "Gosh! Ang cool niya. Mukha lang bata," bulong ni Morrigan na napanguso bago mapatingin sa kamay niya na hindi sinasadyang mahawakan ng binata. "Hihi maliit lang siya pero magkasing laki ang palad naming dalawa. Ang cute." Maya-maya napatigil si Morrigan matapos maalala ang scenario kanina sa field. Umupo ang babae sa gilid ng kama at humalumbaba. "Dapat ma-realize ni Sorin na niloloko siya ni Rogue. Pero paano? Hindi naman kami close." "Morri!" Morrigan Batista's POV Napatigil ako ng bumukas ang pinto at habol hininga na pumasok si Kylo. Agad itong lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Thanks god. Nandito ka." Napaupo si Kylo at parang bata na pinunasan ang sarili gamit ang sarili niyang braso. "Anong nangyari at mukha kang nakipag-marathon?" Natanggap ko ang text mo. Naiwan ko 'yong phone ko sa dorm. "Nakabili ka na ng dinner mo. Ikaw lang mag-isa?" "Hindi, may nakasama akong bata." "I mean nabangga ko siya sa hallway kanina tapos pagbalik ko nakaladkad ko siya dito kaya may kasama ako hehe." "Bata? Paano magkakaroon ng bata sa parte na ito ng university?" Kumunot ang noo ni Kylo at tiningnan ako na parang nagdududa. Natawa ako ng alanganin. Totoo naman iyon pero sabi hindi naman ng lalaking iyon hindi daw siya bata. "21 years old na siya hehe. Mukha lang bata hindi ko kilala eh." "Hindi ka dapat nakikipag-usap sa kung sino na lang." "Hindi na ako bata at isa pa. Diba kaya nga ako nandito para maka-experience ng bago para sa pagsusulat ko?" Hindi nagsalita si Kylo pero nakikita ko ang pagkadisgusto sa mukha niya. Minsan talaga hindi ko mabasa ang ugali ni Kylo kahit pa sabihin na kilala ko na ito mula pagkabata. "Mabuti pa Kylo kumain na muna tayo. May binili akong cup noodles." "Hindi ka mabubusog sa cup noodles." "Kailangan ko magtipid noh. Panlaman tiyan din ito at sarado na mga tindahan sa labas kanina kaya ito na lang talaga nabili ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD