Title: Boy's Love Complex
Genre: TeenFic
Status: Ongoing
Username:Toripresseo
Blurb
Morrigan Batista, 25 years old. President ng pinakamalaking fanbase ng four seasons at the same time sikat na writer ng kasalukuyang pinagkakaguluhang book ng mga katulad kong boys love shipper.
"Mas tumaas ang ratings ng book mo ngayon. Araw-araw may tumatawag sa publishing house para magpa- reserve ng copy ng boy's love Complex."
"Magandang balita naman 'yon diba?" Natatawang tanong ko.
Matapos ko makipag-usap sa editor ko at maibigay ang bagong copy ng volume ng story na ipa-published ngayong year. Nagpaalam na ako dahil may pupuntahan pa ako.
Nang makalabas ako ng coffee shop kung saan kami nag-meet ng editor ko. Tumawid na ako sa kabilang kalsada at napagpasyahan na lang maglakad since walking distance lang naman mula dito ang lugar kung saan ako pupunta.
Hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan may mga upuan sa labas at lamesa.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko at tumakbo patungo sa lamesa kung nasaan ang anim na lalaki na mukhang may sari-sarili nanamang mundo.
"Kyaah! I missed you so much!" hyper na sambit ko matapos yakapin ang leeg ng lalaking may suot na bonet at nakatalikod sa pwesto ko na alam kong si Kylo Kenshin.
Bespar ko 'nong highschool na hanggang ngayon friendshit ko pa din.
"Namis kita, Kenshit!" natutuwa na sambit ko at mas hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.
Natawa ako ng may humawak sa braso ko at ginulo ang buhok ko.
"Ang tagal natin hindi nagkita. Microgirl."
"Gaguu! Bwisit ka pa din kahit kailan. Kung patayin kaya kita sa story ko tapos si Keith ulit ang gawin kong leading man sa story ni Kenshit," pananakot ko.
"It's okay."
"Nakita mo naman kung paano ako nagsunog ng pera para kay Kylo. Kaya ko ulit gawin 'yon masunog ko lang lahat mg story mo."
Napahawak ako sa dibdib ko at nanghihina napaupo sa upuan na bakante.
"Wala ka talagang puso, Acer boy. Wala kang utang na loob huhu," pa-iyak effect ko.
"Tungunu niyo ngayon na lang ulit nagkita-kita tatawanan niyo lang ako."
"Pagkatapos niyo ako iwan. Nakakasakit kayo sa heart," drama ko.
"Sinasama ka kasi namin. Ayaw mo naman."
"Hindi ko naman kasi pwede iwan ang trabaho ko dito and duhh hindi na tayo katulad 'nong college para buntutan ko pa kayo."
"Hindi naman namin kailangan ng stalker."
"Tangna mo Kenshit," mura ko na kinatawa ng lalaking katabi ko bago niyakap sa braso ang boyfriend niya.
"Hindi ko ini-expect na malayo ang mararating ng librong ito. Parang kahapon lang tinatanong mo sa amin kung pwede mo ba ito ipublished," ani ni Sorin na kinatingin ko.
Hawak niya 'yong isa sa copy ng story na ginawa ko.
"Paanong hindi malalayo ang mararating 'nan. Nakikisabay yata sa tatag at tagal niyo. Look mas lalong tumataas ang rating habang tumatagal."
"Madami na din nago-offer na gawin series ang gawa ko pero siyempre hindi ako pumayag," ani ko na may malapad na ngiti.
"At bakit naman? Maganda ng opportunity iyon."
"Siyempre gusto ko 'yong originals ang maga-act ng sarili nilang story. Hihi at kayong anim ang nire-request ko."
Nanlaki ang mata nila matapos marinig iyon.
"Malaki ang talent fee niyo kaya siyempre nagiipon muna ako. Iyon na 'yong pinaka-gift ko sa inyo since 'nong wedding niyo wala ako."
Napatigil ako ng yakapin ako ni Sorin.
"Hindi talaga namin alam kung paano magpapasalamat 'sayo."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Kayo kaya nagpapayaman sa akin. Kaya nga tuwing nakikita ko kayo. Para kayong mga naglalakad na milliones sa harap ko—alam niyo na."
"Gaga ka talaga," niyakap ulit ako ni Sorin. Tiningnan ko ulit sila isa-isa at pinasadahan sila ng timgin.
"Legit guys. Mas masaya ako na makita kayong matatag kaysa malaman na nagunguna pa din sa rating ang story ko na boy's love Complex."
Tiningnan ko si Sorin at sina Lancer.
"Dahil sa totoo lang kung wala kayo. Wala ang boy's love complex at hindi ko mararating kung nasaan ako ngayon."
"Ano ka ba Morri? Kung wala ka. Wala din kami. Hindi kami matututo at tatag kung wala ka sa tabi namin na lahat."
"Deserve mo kung nasaan ka ngayon."
Napangiti na lang ako at humilig sa balikat ni Sorin.
"Deserve niyo din ang maging masaya at magkaroon ng happy ending," ani ko bago tiningnan sila isa-isa.
Ngumiti ako matapos pumasok sa idea na masasabi kong isa ako sa pinakamaswerte na tao sa mundo. Para akong isang anghel na pinababa sa langit para sa isang mission.
'Yon ay masaksihan ang isa pang-uri ng pagmamahal na hindi maiintindihan ng ordinaryong mga tao.
Isang istorya ng mga nagmamahalan na dapat ipamahagi sa iba para mabuksan ang kani-kanilang isipan. Uri ng pagmamahal na magpapa-realize sa atin na ang tunay na pagmamahal ay walang pinipili.
Pagmamahal na puro, pulido at malinis. Walang halong paghahangad at kasakiman.
'Yon ang uri ng pagmamahal na kinalimutan ng madaming tao. Iyon ang pagmamahal na natutunan ko sa mga taong nasa harap ko at pinamahagi sa mundo.