Chapter 03
3rd Person's POV
Lahat na ginawa ni Sorin Tadeo para makatakas kay Lancer. Lahat na din ng kademonyohan na naiisip ni Sorin na magagawa ng isang tao nagawa ni Lancer.
Sa isip ng binata isang demonyo si Lancer na nagkatawang tao. Galit na galit siya dito tipo na mas gugustuhin niya pa na mamatay kaysa maikasal dito.
Mula sa rooftop. Umiiyak na tiningnan ni Sorin ang ibaba ng university.
"Ano bang kasalanan ko 'nong unang buhay ko para parusahan ako ng ganito?"
Dinama ni Sorin ang hangin hanggang sa unti-unting pumasok sa isip nito ang mga ala-ala na pilit niyang kinakalimutan.
Kung paano siya binenta ng sarili niyang angkan, ipagtabuyan ang sariling pamilya dahil sa frustration at kung paano siya babuyin ni Lancer sa mga nakalipas na taon.
"Lahat na ng bagay kinuha ng hayop na iyon. Wala siyang tinira na kahit konting dignidad sa pagkatao ko," bulong ni Sorin habang nakatingin siya sa ibaba at nakatayo sa gilid ng rooftop.
"Kung mamatay ako ngayon. Makakatakas na ako sa impyernong buhay na ito. Makakalimutan ko ang lahat."
Niyukom ni Sorin ang kamao. Ihahakbang niya ang isang paa nang may taong humila sa kanya dahilan para mahulog siya sa sahig hg rooftop at madaganan ang taong humila sa kanya.
"Aray ko!"
Napatigil si Sorin matapos makita ang babae matapos niya magmulat ng mata.
Napaalis ito sa ibabaw ng babae at napaupo sa sahig.
"Gosh! Balak mo ba magpakamatay?"
Hinimas-himas ni Morrigan ang likod ng ulo at tiningnan si Sorin na puno ng lungkot ang expression.
Nagkalat din ang makapal nitong make up kaya hindi alam ni Morrigan kung maawa ba siya dito o matatakot dahil sa tyura nito ngayon.
Ang balak talaga nito maghanap ng lugar na matatambayan dahil next week pa ang simula ng klase at nakuha niya na din niya ang schedule niya. Wala siyang magawa kaya nagikot-ikot siya tapos nakita niya nga, si Sorin na balak yata mag-suicide na agad niyang pinigilan.
Morrigan Batista's POV
Napa-pokerface ako sa idea na kung nahuli siy ng dating siguradong nabawasan ang isa sa mga fictional character na shini-ship ko.
'Gosh, ito ba ang tinatawag na destiny? Gusto ba talaga ni god na mangialam ako sa mis-understanding ng dalawang lead na ito.'
Parang gusto ko maiyak sa saya. Kung novel lang ang mundo na ito at lahat ito panaginip paninindigan ko na maging extraordinary cupid ng dalawa sa main characters ng nobela na ito.
"Ikaw 'yong nabangga ko 'nong enrollment. A-Ano na naman ginagawa mo dito?"
"Tatambay lang," sagot ko.
"Rooftop? Gagawin mong tambayan?"
"Duhh! Mas valid naman iyon na reason para pumunta dito kaysa mag-suicide diba?"
Bumaba ang tingin ni Sorin. Duon nakita ko ang real personality nito na iba sa character na gusto ipakita ng mga tattpo at make up niya sa katawan.
"If you don't mind. Kung gusto mo ng makakausap pwede mo sa akin sabihin problema mo."
Hinalungkat ko ang maliit kong bag at nag-abot ng tubig kay Sorin. Dahan-dahan iyon kinuha ni Sorin at binuksan
Hinintay ko siya makainom. Katulad ng inaasahan hindi ito nagsalita at mukhang wala din itong tiwala sa akin.
Kung io-open ko ang about sa kanila ni Lancer siguradong hindi na ako nito lalapitan. Kahit mamatay na ako sa curiousity at kating-kati ang dila ko na magsabi ng opinyon ko sa relationship nila ni Rogue. Sa pagkakataon na ito kailangan ko manahimik at mapalapit kay Sorin.
Kailangan ko gawin ang plano ko ng paunti-unti. Oplan ayusin ang misunderstanding! Aja!
Kung gusto ko maging maayos sina Lancer at Sorin. Mas safe kung si Sorin ang lalapitan ko kaysa kay Lancer na mukhang time bomb ang personality.
Hindi mo alam kung kailan sasabog at kung gaano kalala ang damage na gagawin kapag na-activate.
Mukha naman mabait si Sorin pero halatang hindi ito okay.
'Tanga mo Morrigan. Kung okay ba si Sorin maiisipan nito magpakamatay?'
"Gusto mo ba maglakad-lakad muna? Maganda ang panahon ngayon," nakangiti na sambit ko na kinatingin ni Sorin.
"May mga humahabol sa akin. Baka madamay ka pa kapag kinaladkad na naman nila ako."
"Iyong mga humahabol ba sa iyo na naka-suit? Masama ba silang tao?"
"Body guard ko sila."
"Bakit mo sila tinatakbuhan? Kung body guard mo sila?"
"Hindi ko kailangan ng body guard, sinasakal nila ako."
"Pagod na ako."
Umiyak muli si Sorin. Napababa ako ng tingin. 'Nong nagbabasa ako dati ng story tapos ganitong scenario ang nababasa ko at naiimagine ko.
Hindi ko maiwasan isipin na masyadong pathetic ang character pero ngayong totoong tao na nakikita ko. Alam ko na ang totoong kwento sa character niya na ganito hindi ko maiwasan malungkot at the same time maawa sa kanya.
Gusto ko sabihin sa kanya ang lahat pati 'yong narinig ko kagabi. Sabihin na layuan niya si Rogue at kay Lancer na lang siya pero ngayong nakikita ko si Sorin.
Nakikita ko kung gaano ito nahihirapan at nasasaktan. Hindi simpatya o awa ang kailangan ni Sorin. Kailangan niya ng pagmamahal, lakas, katotohanan at respeto.
Isa siyang totoong tao at hindi katulad ng mga fictional character na basta kailangan lang ng affection para masabing may romance.
Pumikit ako ng madiin at tumayo. Nilapitan ko si Sorin at umupo sa tabi nito.
"Pero hindi iyon reason para magpakamatay ka," tanong ko na kinatingin ni Sorin. Ngumiti ako at hinawakan ang laylayan ng suot niyang t-shirt.
"Cheer up. Tara bili tayo ng ice cream."
"Treat ko," nakangiti na sambit ko.
Imbis magsalita bakit hindi na lang ako gumawa ng way para makita niya ang reality diba? Kailangan lang naman ni Sorin ng makakasama.
"Pero sa ngayon. Ayusin mo muna 'yang mukha mo."
"Nagkalat 'yang make up mo. Baka mapagkamalan tayong miyembro ng kulto kaladkarin tayo ng mga gwardya. Pareho pa naman tayo naka-itim."
Bahagya siya natawa matapos iyon marinig. Kusang kumislap ang mata ko matapos ko siya makitang tumawa.
Palihim akong nag-gitgit matapos pumasok sa isip ko si Rogue. Hindi siya deserve sa affection ni Sorin. Sobra-sobra si Sorin para sa kanya. Grrr
So? Ayon nga naglakad kami palabas ng building. Duon nakita namin ang mga gwardya ni Sorin.
Napatingin ako kay Sorin ng hihilahin ako nito paalis. Ngunit hindi ko iyon hinayaan kaya napatingin siya.
"Wala tayong ginagawang masama. Hindi natin kailangan tumakbo."
"Pero ikukulong na naman nila ako! Ayok—."
"Young master!"
Hinawakan ko si Sorin at tiningnan ang mga body guard daw ni Sorin.
"Mawalang galang na po manong. Bibili lang kami ng ice cream sa cafeteria."
"Ms. Mas mabuting huwag ka ng mangialam. Trabaho namin ito at hindi pwede maalis sa paningin namin si young master "
"Kung hindi siya aalis. Hindi niyo ba siya kakaladkarin? Diyan lang kami sa cafeteria. Hindi siya tatakbo."
Nilingon si Sorin na nakayuko bago tiningnan sina manong na nagkatinginan.
"Sige."
Napatingin si Sorin matapos pumayag ang mga body guard. Nakangiting hinarap ko si Sorin.
"See? Hindi ka nila kakaladkarin kung hahayaan mo lang sila gawin ang trabaho nila."
"Tara na bibili tayo ng ice cream."
"Alam mo ba kapag stressed ako iyon ang nilalantakan ko?"
Binitawan ko si Sorin at nakangiting pinagpatuloy ang paglalakad.
"Paano mo sila nakumbinsi?" tanong ni Sorin na kinatingin ko.
"Hihi sa charm. Hindi mo ba napansin na maganda ako?"
Napangiwi si Sorin na kinanguso ko.
"Bakit hindi ka umoo?! Hindi ko gusto 'yang tingin mo."
Maya-maya pareho na lang kaming natawa. Guess what feeling ko unti-unti na din kami naging close ni Sorin.
Tama din ang naging kalkula ko madaling pakisamahan si Sorin. Kahit papaano may advantage din ang pagiging writer ko. Marunong ako bumasa ng sitwasyon at mga tao.
Ayon nga bumili kami ng madaming ice cream pero si Sorin ang bumili at talagang ang dami niyang kinain.
"Teka hinay-hinay ka. Baka ubuhin ka 'nan."
"Wala akong pakialam. Masarap ang ice cream."
Natawa ako kasi mukhahg ngayon lang siya nakatikim ng ice cream at mukhang wala siyang balak tigilan iyon.
"Ano pa lang pangalan mo?" tanong ni Sorin matapos niya ako tingnan.
Shoot! Nakalimutan ko magpakilala.
"Hehe, I'm Morrigan Batista. Transferee."
"Kaya pala ngayon lang kita nakita— at hindi mo ako kilala kaya nilapitan mo ako."
"Ha? Bigdeal ba na kilala kita?" nagtataka na tanong ko na kinatingin niya.
"Nevermind," ani ni Sorin bago ngumiti ng konti.
"Sorin Tadeo, mula elementary. Dito na ako nag-aaral."
"Cool!"
"Cool?"ulit ni Sorin.
"Kasi masyadong expensive ang eskwelahan na ito. I mean hindi ka basta makakapag-aral dito kung wala kang pera."
"Wala akong pera."
"Anong pinambabayad mo sa tuition mo?" tanong ko. Umiwas ng tingin si Sorin at sumubo ng ice cream.
"May ibang tao na nagbabayad ng tuition para sa akin," sagot ni Sorin.
"Hihi ang swerte mo naman," ani ko bago sumubo ng ice cream. Napatingin siya kaya sinalubong ko ang tingin ni Sorin.
"Paano naging maswerte iyon?"
"Kasi may ibang nagbabayad sayo ng tuition?"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo," bulong ni Sorin bago sumubo ulit ng ice cream na kinatingin ko.
Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Nanahimik na lang ako dahil baka may masabi akong maka-offend kay Sorin mahirap na.
-
"Oy salamat pala sa ice cream ah. Nilibre mo ako."
"Bayad iyan sa pagpapaalam mo sa akin sa mga gwardya. I mean hindi nila ako kinaladkad matapos nila ako makita kanina dahil 'sayo."
Napasimangot ako, hindi ko alam kung anong iniisip ni Sorin. Kung sasabihin niya na bayad niya iyon sa pagligtas ko sa buhay niya mas ma-appreciate ko pa sana iyon kahit sabihin pa na bayad iyon.
"Ha? Bakit ka nakasimangot? Hindi ka nagsasalita?"
Huminto si Sorin kaya napatigil din ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Ha?"
"Natahimik ka. May nasabi ba akong masama?"
"Naisip ko lang na mas na-appreciate mo 'yong walang kwentang ginawa ko kaysa sa pagligtas ko sa buhay mo," sagot ko na kinatigil ni Sorin.
Hinawi ko ang buhok ko at nakangiting tiningnan si Sorin.
"Lagi mong tatandaan na isa lang ang buhay ng tao kaya kailangan mo iyon pahalagahan at alagaan."
"Iyong simpleng mis-understanding sa pagitan mo at ng mga, gwardya na iyon maayos pero 'yong buhay na sasayahin mo dahil lang sa kanila kahit kailan hindi na maibabalik."
Lumapit ako at tinapik ang balikat ni Sorin.
"Bago mo isipin magpakamatay. Tanungin mo ang sarili mo kung may nagawa kana ba para mabuhay."
Ngumiti ako muli at kumaway.
"Babalik na ako sa dorm. Kanina pa ako tini-text ng kaibigan ko," paalam ko bago tumalikod at naglakad palayo.
Ngunit bago pa ako tuluyan makalayo humarap ulit ako at nakita ko si Sorin na nakatayo pa din duon at nakatingin sa akin.
"Huwag mo na ulit subukan na tumakbo para hindi kana masaktan at mapagod! Take it slowly and try to appreciate everything even a small things!"
"Masama 'man iyon o mabuti! Bigyan mo sila ng chance na maappreciate ng isang Sorin Tadeo!"
Kumaway muli ako bago tumakbo paalis. Double meaning iyon pero sana maintindihan niya.
3rd Person's POV
Hindi maintindihan ni Sorin ang nararamdaman niya matapos sabihin iyon ni Morrigan. Para bang may alam ito sa mga nangyayari sa kanya.
Para bang nagkaroon ng c***k sa pagkatao niya matapos iyon marinig kay Morrigan. Unti-unti iyon nabasag hanggang sa magkadurog-durog.
Nang mawala sa paningin ni Sorin si Morrigan naglakad na muli ang lalaki. This time siya na ang kusang tumungo sa penthouse na si Lancer mismo ang nagpagawa para sa kanya.
Tumigil ito sa harap ng maliit na gate at tumingala para tingnan ang kabuuan ng penthouse.
Iyon lang ang iisang penthouse sa university na iyon at siya lang ang iisang estudyante na meron nuon sa buong university.
Kahit si Lancer na anak ng may ari ng university walang penthouse na katulad ng meron siya.
"Bakit nga ba ito ginagawa ni Lancer?"
Hinawakan ni Sorin ang ulo niya. Dahil sa pagpasok ng sunod-sunod na tanong sa isip niya.
"Appreciate?"
Tiningnan ulit ni Sorin ang penthouse bago binuksan ang gate at naglakad papasok. Pagbukas ng pinto may nakita na siyang mga nakahandang pagkain sa mahabang lamesa.
Iba't ibang uri ng pagkain na inihanda ng personal chef na hinired ni Lancer para ipagluto siya.
Humakbang si Sorin palapit sa lamesa. Nanlaki ang mata ng chef at tinaas na ang mga braso incase na may lumipad na naman na plato sa kanya.
Kinontrata kasi siya ni Lancer bilang personal chef ni Sorin. Dinoble nito ang sahod at inofferan ng certificate ang mga anak para pumasok ng libre sa university.
Wala siyang idea na magiging buwis buhay ang pagluluto niya kay Sorin dahil binabato nito sa kanya ang mga plato at niluluto niya
"Pahinging tubig."
Napatingin ang chef matapos marinig ang boses ni Sorin. Nakaupo ito sa lamesa at nagsisimula ng kumain."
"Sabi ko tubig."
"A-Ah! Tama tubig! Kukuhanin ko na young master!"
Halos madapa ang butler s***h personal chef ni Sorin papunta sa kusina at para kuhanan ng tubig ang binata na nagsisimula kumain.