Chapter 2

1407 Words
Maaga akong pumasok sa trabaho at wala pa lang alas-otso ay nandito na ako sa opisina. Kaso masyado yatang napa-aga dahil security pa lang ang nandito. Umupo na muna ako sa may lobby habang hinihintay ang iba. “Pearl!” napa-angat ako ng tingin nang nakita ko ang sekretarya ni Cyrus. “Good morning!” bati ko sa kanya. “Ang aga mo naman.” “Oo nga eh. Napa-aga ako masyado. Mukhang na-excite lang ako kasi first time kong magtrabaho.” “Okay lang iyan. Tara na sa taas” yaya niya sa akin at sumunod naman ako. “Buti ka nga ang aga mo, alam mo ba noong first day ko na-late ako. Kaso si sir Cyrus hindi man lang ako pinagalitan. Kaso buong araw niya naman akong pinagtrabaho. Siguro iyon iyong way niya na pagsabi sa akin na sa susunod huwag na akong malalate.” I smiled at her. Nakakatuwa siyang kasama kasi ang daldal niya. “Sorry, hindi ko pa alam iyong pangalan mo.” Tanong ko sa kanya “Oo nga naman. Sorry, my name is Princess. Pearl, right? Alam mo don’t worry kung ikaw ang magiging secretary dito, gugutuhin mo na dito ka na lang.” “Bakit naman?” “Si Sir Cyrus kasi super bait niya tapos malaki pa siya magpasahod. Palagi ka pang may bonus pero iyon nga lang mahirap ang trabaho. Palagi kasing may out of the town o out of the country na meeting si Sir. Syempre ikaw ang kasama palagi. Matanong ko, may passport ka na ba?” she says as she is turning on the computer. “Meron naman na. Kung maganda naman iyong trabaho mo dito, bakit ka pa aalis?” “Hmmm…actually iyan din ang tanong ni Sir Cyrus sa akin. To be honest, I just want to rest for a year. Like I told you, nakakapagod ang trabaho dito. Payag naman si sir na magleave ako kahit one-year pero nakakahiya naman sa kanya. Kaya sabi ko na lang na reason ko personal.” “Ibig bang sabihin may balak ka pang bumalik after one year?” “Di ko sure pero baka hindi na siguro. Iyong naipon ko baka magbusiness na lang ako.” Tumango-tumango siya. Nang malapt nang magalas-otso ay nagdatingan na ang iba pang empleyado. Nakita niyang may linabas na malaking notebook si Princess at inabot sa kanya. “Sa iyo na iyan.” “Ha?” “Alam mo ba iyang notebook na iyan ang diary ko noong nagtratrabaho ako. Lahat nang hindi mo maiintindihan nandyan lahat. Tuturuan pa rin naman kita ng hands-on at saka iyong process pero isang buwan lang kasi ako dito. Kaya susubukan kong ituro sa iyo lahat ng pwede mong malaman.” Ang kapal at ang bigat ng notebook. “Sana matuto ako agad.” “Oo naman. Ako yata ang mentor mo noh!” I smiled at her. Sinimulan na niya akong turuan at eksaktong alas-otso ay dumating na si Cyrus. He’s wearing a gray coat with a light blue tie and white polo. Ang gwapo niya talaga lalo na at bagong ligo niya lang. “Good morning ladies!” bati niya sa aming dalawa ni Princess. “Good morning po sir.” “Princess, what’s my schedule today?” tanong niya dito “Uhm…sir may meeting po kayo with Mr. Sanchez mamayang alas-dies. Pagkatapos po may lunch meeting ka kay Sir Earl, Justine, Lucifer, Jordan at Kysler. Tapos po, nagrerequest po ng upgraded system si Sir Jethro.” “What? Sinabi ko naman sa tukmol na iyon na maghintay siya ng isang linggo.” Natawa ako noong binanggit niya ang tukmol. “Thank you, Princess. Please tell Jethro, he needs to wait another f*****g week dahil sa pangungulit niya sa akin.” “Okay po. I’ll call him right away.” Pumasok si Cyrus sa opisina niya. “Wow! Sino si Jethro?” tanong niya kay Princess “Matalik na kaibigan ni sir. Ganoon talaga mag-usap ang mga iyon. Ako din noong una nagulat din ako kaso habang tumatagal masasanay ka din.” Nagring ang telepono na nasa desk ni Princess. “Good morning. This is Princess of Moonsoft. How may I help you? Sir Jethro, good morning po. Sir Cyrus? Yes, po. Pinapasabi niya po na maghintay ka daw ulit ng isang linggo para sa request mo kasi ang kulit niyo daw po.” Princess look at me and handed me the phone. “Pakinggan mo siya dali.” “Tsk! Tell him to f**k off, that asshole. Nasaan siya? I’ll talk to him.” Sigaw nito at binalik ko kay Princess ang telepono. “Yes, sir. One moment sir.” May denial siya sa telepono. “Sir Cyrus, si sir Jethro gusto ka daw maka-usap.” May pinindot siya ulit at mukhang transfer call siya. “Nakakatuwa naman iyong mga kaibigan ni Sir Cyrus.” “Hay naku! Nakaka-stress kamo. Kapag tumagal ka malalaman mo ang sinasabi ko. Na-try ko pa na isang araw akong walang nagawang trabaho dahil tumatawag sila sa telepono ko at naglolokohan sa telepono. Meron pa pupunta sila dito at mag-iingay diyan sa opisina ni sir.” I giggled sa kwento ni Princess. Half day akong tinuruan ni Princess nang mga trabaho niya. Sumakit ang ulo ko sa sobrang dami ng information na kailangan kong imemorise. How can she handle all of this? Totoo nga ang sabi niya na super nakakapagod ang trabaho. Pero kailangan kong kayanin ito kung gusto kong matulungan ang aking ina. “Pearl tara kain tayo diyan oh.” It’s already lunch time kaya pala nagugutom na ako. Pakiramdam ko buong araw na akong nagtratrabaho. I stand up at sasabay na sana ako kay Princess nang lumabas si Cyrus sa opisina niya. “You ladies, going to lunch?” tanong niya “Yes po.” “Tamang-tama sabay na kayo sa akin. Ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko.” “Yehey! Tara Pearl sabay tayo kay Sir.” Lumabas kami sa opisina at kinawit ni Princess ang braso niya sa braso ko habang papunta kami sa parking lot. Sumakay kami at ako ang nasa harapan. Ang bango ng kotse niya. “Pearl please put on your seatbelts baka may checkpoint.” Utos sa akin ni Cyrus at agad ko namang sinunod. Umandar ang kotse niya at pumunta kami sa may city lights. Buffet daw kasi ngayon ang nandoon kaya pwede kaming kumain ng want to sawa. Pagpasok naming ay nakita namin sa lobby ang ibang kaibigan yata ni Cyrus na puro kalalakihan. “Dude! Ayos ah! Nagdala pa siya ng mga babae!” masayang sambit ng isang lalaki na may mga kayumangging mata. “Nakakita ka nanaman ng mga babae Jordan. Alalahanin mong nandito ang tatay natin. Behave ka kung ayaw mong mabatukan.” Sita naman sa kanya ng isang may ilaw berde na mga mata. “Hey! Kanina pa ba kayo dito?” tanong ni Cyrus sa kanila at nagsitayuan ang mga kaibigan niya. Ang tatangkad naman nila para silang mga basketball player. They are all rich as well. Anong klaseng mga nilalang kayo? “Gutom na kami Cyrus!” reklamo ng isa niyang kaibigan na may halong asul at lila na mga mata. “Diyan ka naman magaling Ferrer! Pag may libre para kang K9 na nakaka-amoy ng drugs. Bakit hindi mo subukang mag-apply sa army para mapakinabangan naman iyang ilong mo.” Asar naman ng isang lalaki na may mas itim na kayumangging mga mata. “Lucy! Inaasar ako ni Kysler oh! Ikompara ba naman ako sa K9.” Sumbong nito sa nagngangalang Lucy at hindi man lang umiimik o ngumingiti. Pambabae ang pangalan niya? “I regret bringing my secretaries kung alam ko lang na ganito ang maririnig at madadatnan nila.” Iling ni Cyrus. Natatawa na lang kami ni Princess sa kakulitan nila. “Sabi ko naman sa iyo diba?” sabi sa akin ni Princess at tumango ako. “Tsk! Meeting ang ipinunta natin dito. Let’s eat, I have to meet another client at two oclock!” saway sa kanila ng nagngangalang Lucy. He scares me. Galit ba siya sa mundo? “Iyan na nga ba sinasabi ko eh. Iyong tatay natin nagsalita na. Tara na bago pa siya magtransform na dragon.” Sabi yata ni Kysler. Maya-maya ay lumapit sa amin si Jordan at kinausap kami. “Hi girls! Jordan nga pala.” “Princess, and this is Pearl.” Pakilala ni Princess sa aming dalawa. “Ayon oh! Iyong isa doon ang bilis basta nakakita ng babae. Hoy! Jordan pumunta ka nga dito.” Tawag sa kanya ni Justine. “Nakakainis ka naman!” “Mamaya na iyan. May meeting si father baka magalit sa atin.” “Oo na, oo na!” umalis ito at lumapit sa kanila. Nang makapasok kami sa resto ay agad nakilala ng mga empleyado doon ang mga kalalakihan. Ganoon ba talaga sila kasikat? “Sir, kayo po nagpareserve ng anim po noh?” tanong ng isang babae. “Yes, but make it eight please. May additional.” Sabi naman ni Cyrus. “This way na lang po, sir.” Pumasok kami at nakita namin na ang daming pagkain. Nagutom ako bigla. “Nakakagutom.” Reklamo ni Princess at napatingin si Cyrus. “Sorry, sir.” “No, it’s okay. You can get your food. Doon lang kami sunod na lang kayo.” “Salamat po.” Sabay naming sabi ni Princess at kumuha na ng pagkain namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD