“Ang gaganda ng mga kasama mong babae Cyrus! Mag-share ka naman.” Reklamo ni Jordan nang naka-upo na kami. We sit at a round table as the employees serve our food.
“Babaero ka talaga. Mga sekretarya ko iyong mga iyon.” Sagot ko dito as I start to slice my meat.
“Secretary tapos ang gaganda. Akin na lang iyong isa.” Hingi ni Jordan.
“Baliw ka talaga! Iyong isa kasi magre-resign kaya tinuturuan niya iyong isa.”
“By the way, how’s Richview Grande? Medyo matagal na kaming hindi nakakapasyal ni Lucifer doon dahil sa dami ng ginagawa namin.” Tanong ni Justine.
“Pumunta ako last time doon. It’s actually the same. Malinis at tahimik. The guards there are still following the rules.” Sagot ko. Nakita ko sila Pearl na tapos nang kumuha ng kanilang pagkain kaya naman kinawayan ko sila.
“Ipakilala mo naman sila sa amin dude. Hindi pa naming alam mga pangalan nila.” Reklamo ni Kysler.
“Right, Princess and Pearl. They are both my secretaries. Meet Jordan, Kysler, Justine, Lucifer and Earl. Pagpasensyahan niyo na lang sila kung makukulit sila lalo ka na Pearl. Si Princess kasi nakikita niya sila kaya alam niya.”
“Okay lang sir. Nakakatuwa naman po sila.” Sagot nito
“Nakita mo? Gusto kami ng mga secretary mo.” Sabi ni Jordan habang winawasiwas nito ang nakatusok na karne sa tinidor niya.
“Hoy! Maitalsik mo iyang karne mo sa katabi mo.” Sita ni Justine sa kanya. Ang ayos namin sa round table going to the left ay ako, si, Kysler, Earl, Lucifer, Justine, Jordan, Princess at Pearl. Katabi ko si Pearl.
“Ay! Sorry. Princess, right?” tumango naman si Princess. “Princess gusto mo lipat ka sa akin. Mabait bang boss si Cyrus?”
“Manahimik ka nga Jordan. Pinipirata mo iyong secretarya ko. Isa pa magre-resign na siya.”
“Iyon naman pala. Lipat na lang siya sa akin. Di ba Princess? Lipat ka na lang para tawagin kitang akin.”
Naghiyawan naman kami sa pagiging pilosopo ni Jordan at halatang pinipigilan nila Princess ang matawa. Sa sobrang kakulitan ng mga kaibigan ko ay nanatili kami doon sa resto ng ilang oras pa. Pati si Lucifer na kanina ay nagsusungit ay nagsimulang ngumiti at nakalimutan na yata niya ang ka-meet niya ng alas-dos.
“Gago ka talaga Jordan! Kakabagin ako sa kakatawa sa mga pinagsasabi mo.” Tumatawang sabi ni Kysler.
“Syempre! May mga kababaihan dito kailangan kong ipakita iyong joker side ko para mahikayat kong lumipat si Princess sa akin.”
“Cyrus, gusto niya talaga si Princess eh. Ibigay mo na nga ng tumahimik na.” sabi ni Justine
“Utot mo, Jordan!”
“Si Pearl na lang ang ibigay mo kung ayaw mong ibigay si Princess.”
“Ayoko! Tara na nga! Hoy! Anong oras na! Pasado alas-tres na. Akala ko ba may meeting si Lucifer ng alas-dos?”
“Wala na! Si Jordan kasi.” Sisi ni Lucifer
“Uy! Wala akong kinalaman diyan dude!”
*****
Nang matapos ang lunch namin ay sinulit na namin ang pag-stay namin doon. Nagmeryende pa kami hanggang sa nagyaya na sila na umuwi na. Ang sakit ng tyan ko sa kakatawa. Pumunta muna ako ng banyo nang makita ko sila Jordan at Princess mula sa malayo na nagpapalitan ng phone numbers nila. Mukhang nagkaigihan nga iyong dalawa ah.
Pagkalabas ko sa banyo ay halos manglaki ang aking mga mata. Nakita kong naghahalikan na sila Princess at Jordan. Kanina numbers lang ang palitan ngayon mga labi na nila ang nagpapalitan. Nakarinig ako ng pagpalatak sa aking likuran at nakita ko si Sir Cyrus.
“Sir…”
Napailing siya. “Lang-hiya talaga si Jordan. Sinasabi ko na nga ba eh. Kanina niya pa kasi inaasar si Princess. Hoy!” sigaw niya sa mga ito at tumigil sa pagtuka ang dalawa. Naglakad naman sila papalapit sa amin at inakbayan ni Jordan si Princess. Kapansin-pansin pa ang pamumula ng pisngi ni Princess. Si Jordan naman ang lapad ng mga ngiti niya.
“Pati secretary ko, di mo pinatawad. Gago ka talaga!” iling na sabi ni Cyrus
“I told you sa akin na lang siya. I’m serious you know. Dude, ako na lang maghatid sa kanya.” Namumula si Princess at pinanglakihan ko siya ng aking mga mata.
“Bahala ka. Siguraduhin mo lang na iuuwi mo iyan ha. Kapag iyan hindi nakapasok bukas hahantingin kita.”
“Walang problema. Tara?” yaya niya kay Princess sabay tango naman ang babaita. Iniwan ako bigla. Hala ibig sabihin solo flight ako? Si Sir Cyrus pa man din ang kasama ko. Kakalbuhin kitang babaita ka bukas.
“Pearl tara. Ihahatid na kita. Balik lang tayo sa opisina at nandoon pa ang mga gamit natin.”
Pagbalik namin sa opisina ay nagsisi-uwian na ang mga tao. Nakasunod lang ako kay Cyrus at dumiretso ako sa table ko at nakita kong wala na iyong gamit ni Princess. Nakuha niya na pala. Napangiti na lang ako, bukas talaga kailangan niyang itsismis sa akin iyong ginawa nila. I start to fix my things at pinatay na iyong computer. Lalabas na sana ako ng opisina…
“Pearl, uuwi ka na ba?” lumingo ako at nakita kong nakasunod lang pala sa akin si Cyrus.
“Sir…opo”
“Sabay ka na sa akin. Ihahatid na lang kita.” Yaya niya sa akin.
“Ha? Hindi na ho sir baka nakaka-abala na po ako.”
“Ayos lang. Halika na at ihahatid na kita.” Sumunod ako sa kanya at sumakay sa kanyang kotse. Sinabi ko kung nasaan iyong bahay ko. Pagdating namin ay agad akong nagpasalamat sa kanya at bumaba ng sasakyan niya. Binaba niya ang car window niya.
“Thank you, ho sir.”
“No worries and please stop with the ho para akong matanda. Just call me Cyrus please.” Magrereklamo sana ako “What time are you going to come in the office tomorrow?”
“Depende ho kasi kung anong oras ho ako nakakasakay pero usually before eight po.” Sagot ko
“There you go again calling me with po. Come on, just call me Cyrus. Isa pa we went to one university before kaya ayos lang na tawagin mo akong Cyrus.”
“Okay, Cyrus.”
“Better.” He smiles at me at lalo lang siyang gumagwapo sa paningin ko. “Hintayin mo ako bukas. I’ll pick you up para sabay na tayong pumasok bukas. Mga 7:30 nandito na ako.”
“Ha?”
Tatanggi sana ako kaso umalis na siya at hindi man lang ako nakapagbigay ng sagot ko. Hala si Cyrus, nakakahiya na sa kanya. What just happened? Kapag nagpatuloy ito baka magkagusto ako sa kanya.