Nandito ako ngayon sa kompanya ni Cyrus at nag-apply bilang assistant niya. Napag-alaman ko kasi na magre-resign na ang dati niyang sekretarya kaya nang malaman ko ito ay dali-dali akong pumunta sa kompanya nito at nag-apply.
Noong college pa lang ako ay nakikita ko siya sa campus pero hindi ko siya kaklase dahil mas ahead siya sa akin ng isang taon. I heard rumors that he is already managing his own company at his young age. Noong grumaduate na ako ay nabalitaan ko na bumalik siya sa Baguio para magtayo ng kanyang opisina doon. I actually don’t know why I want to see him again kaya sinundan ko siya sa Baguio. Kaso pagdating sa Baguio ay hindi ko siya nahanap o nakita man lang. Nang lumipas ang tatlong taon ay nakalimutan ko ang aking pagkagusto na makita siyang muli. Doon nagsimulang manghina ang aking ina. I’ve decided that I want to marry a rich guy para man lang sana matulungan ko ang aking ina.
Nanggaling ako sa isang karaniwan na pamilya. Hindi mayaman, hindi rin mahirap. Kaso simula nang mawala ang aking ama dahil sa sakit na lung cancer ay doon kami unti-unting bumagsak. Nakakakain pa rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw pero hindi sapat ang kinikita ng aking ina sa factory. Lalo na at nakakuha siya ng asthma dahil sa pagtratrabaho niya dito ng ilang taon. Kaya noong makapagtapos ako ng aking pag-aaral ay naghanap ako agad ng trabaho. Hanggang sa makita ko si Cyrus sa isang magazine. Doon bumalik lahat ang mga alaala ko noong nasa college pa lang ako. He’s already a successful billionaire with a software company called the Moonsoft Corporation at mukhang nandito lang siya sa Baguio. Nakita ko na naghahanap siya ng bagong secretary.
Noon balak kong makapag-asawa ng mayaman pero kung magiging sekretarya ako ni Cyrus ay baka matulungan ko na ang aking ina. Hindi ko kailangang isuko ang aking bataan sa kung sino mang ponsyo pilato. Nagpaganda ako at dala-dala ko ang mga credentials ko. Hindi ganoon kalaki ang opisina ni Cyrus dahil nasa Baguio nga naman siya. Maliban na lang kung hotel ang itatayo niya, baka pwedeng matayog ang kompanya niya.
“Ms. Realce?” Tawag pansin sa akin ng isang babae. “Sunod ka na po.”
Pagtayo ko ay sumunod ako sa babae. Nang tumigil kami sa harap ng pinto ng office ni Cyrus ay nagsimulang mamawis ang mga palad ko.
“You look stiff. Just relax. Hindi nangangain si Sir Cyrus. He’s actually very kind and nice.” Pansin ng babae sa akin. Mukhang nakita niya na kinakabahan ako.
“Salamat.”
“Just answer him truthfully, and you will get the job.” Tumango ako. Kumatok siya sa pinto nito. I heard him say ‘enter’ at nagbukas ang pinto. Nakita ko siyang naka-upo at busy na nagsusulat ng napakadaming papeles.
“Please have a seat, Ms. Realce.” Napalunok ako sa pagbanggit niya ng apelyido ako habang nakatingin siya sa resume ko. I sat on the chair at huminga ng malalim. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. May lahi kaya siyang intsik? Hindi naman ganoon kasingkit ang mga mata niya pero maliit ito kumpara sa mga mata ng Pinoy. Ngunit mahaba din ang mga pilik-mata nito. His nose is pointed and his skin is brunette.
“Parehas pala tayo ng pinuntahang kolehiyo noon?” simulang tanong niya sa akin. He looks at me at muntik pa akong mapasinghap nang makita ko ang buong mukha niya. He’s so handsome.
“Yes, po. Sa totoo po niyan kilala po kita kaso hindi niyo lang po ako napapansin noon.” Relax relax relax.
“Sorry about that. Anyway, maganda ang credentials mo. Bakit wala ka pang work experience?”
“Uhm…” ito na nga ba ang sinasabi ko, but this is for the job. “Can I answer honestly sir?”
“Sure.”
“Sa totoo po niyan, Umasa lang ako noon sa kinikita ng aking mga magulang. Then, my father died because of lung cancer at ngayon parang susunod na ang aking ina. I regretted my decision before of not looking for a job and just took things for granted. I wanted an easy money that is why I wanted to marry a rich guy before. I search for rich men pero hindi siya ganoon kadali. Kaya naman I tried to apply as a…” I grip the folder in my hands. “p-prositute…” napatungo ako and I started to cry. Ito ang isang nakaraan sa buhay ko na ayaw kong balikan.
“Did you continue applying?” dinig kong tanong niya at umiling lang ako. Nakita ko na lang na inaabutan niya ako ng panyo. I look up, and I saw him looking at me with such care in his eyes. I accepted the handkerchief.
“Thank you, sir. Pasensya ka na po.” Hinging paumanhin ko habang aking pinupusan ang aking luha. Ang bango naman ng panyo niya.
Hinila niya ang isang upuan at umupo sa harapan ko. “Look, it’s not my style to judge other people. To be honest, I was shock about your decision of applying as a p********e, but like I said, who am I to judge. Ms. Realce, I would like to congratulate you for getting the job.”
“A-ano po…?” di ko makapaniwalang tanong. I got the job? Seriously?
“You got the job. Don’t think that I am giving this job to you because of your past. I can see that you have a potential. Sayang naman ang pinag-aralan mo kung hindi mo ia-apply.”
Sa sobrang saya ko, napa-iyak nanaman ako at nagpasalamat ako sa kanya. “I’ll tell my secretary to give you the details. Welcome to the company, Ms. Realce.” He said while smiling.
“Thank you so much po. Salamat po talaga, Sir.”
“Okay. You may go. See you tomorrow.”
Lumabas ao ng opisina niya at nakita ko ang sekretarya niya. Linapitan ko ito. “Ano nakuha ka ba?”
“Yes. I got the job.”
“Salamat naman. Sabi ko na nga ba makukuha ka eh.”
“Paano mo naman nalaman?”
“Gut feel. Anyway, good job! See you tomorrow. Ite-text na lang kita kung anong oras ka papasok.”
Tumango ako at nagpa-alam na sa kanya. Nang makalabas ako ng kompanya ni Cyrus ay nakalimutan kong tanungin iyong pangalan ng sekretarya niya. Bukas ko na lang tatanungin. I’m just so happy. Sa wakas, may trabaho na ako.