Chapter 4

1241 Words
Pagpasok ko ng bahay ay nandoon pala si mama na naghihintay. “Nay, mano po. Kanina pa po ba kayo na nakatayo diyan?” “Hindi naman anak. Nakita ko iyon. Sino iyon anak? Manliligaw mo ba?” tudyo niya sa akin. “Hindi nay ah! Boss ko po siya. Hinatid niya lang ako kasi sabay na po kasi kaming uuwi.” Napangiti siya sa akin. “Crush mo iyon noh? Ayiee!” “Hala siya. Hindi ah! Nay, pumasok na nga lang tayo.” “Namumula siya oh!” “Nay!” tinawanan lang ako ng aking ina at napangiti na din ako. Pumanhik na kami sa loob ng bahay at nagkwentuhan tungkol sa nanyari sa buong araw ko. Kinabukasan nagising ako nang maamoy ko ang mabangong linuluto ng aking ina. Bumangon ako agad at nakita ko siyang hinahanda ang pinggan ko. “Ma, ang aga niyo naman yatang nagising?” “Kain ka na. Oo papasok ako sa factory ngayon eh.” Napakunot ang noo ko. “Ha? Akala ko ho nag-resign na kayo doon?” “Oo, kaya nga last week ko na ngayon. Sayang naman kung hindi ako papasok. May sahod pa rin naman ako doon. Pambili ko din ng gamot ko.” “Ma, huwag na kayong mag-alala. Malaki naman ho iyong sahod ko diyan sa bago kong trabaho.” “Pasensya ka na anak at pabigat ako sa iyo.” “Ma, please don’t tell that. Hindi iyan totoo. Kapag sumahod ho ako ibibili ko kayo ng kahit na anong gusto niyo.” “I’m sorry. Ikaw tuloy ang sumasagot lahat ng gastusin dito sa bahay na dapat ako ang gumagawa.” “Okay lang po iyon.” My mom smiles at me, and I continue to eat my breakfast. After that, I went to take a shower and prepares my things. While I was brushing my hair in front of the mirror, nakarinig ako ng busina sa labas ng bahay naming. Pagsilip ko ay kumakaway si Cyrus with a smile on his face. “Iyan na iyong crush mo anak.” Asar nanaman ng aking ina “Ma.” Dali-dali kong kinuha iyong mga gamit ko at lumabas papunta sa kotse ni Cyrus na nakaparada sa tapat ng bahay namin. “Good morning, Pearl. Sakay na, sabay na tayong pumasok.” Pagsakay ko ay hiyang-hiya ako. “Good morning. Akala ko hindi mo tototohanin iyong sinabi mo kahapon.” “Pwede ba naman iyon? I’m serious when I said that, and I will continue to do this every day?” “Everyday? Hala! Hindi niyo naman ho ako girlfriend para ihatid-sundo niyo po ako araw-araw.” “No problem. Totohanin natin.” Napaubo ako sa sinabi niya at halos manglaki ang mga mata ko sa kanya. “Are you okay?” “Huwag mo nga akong gulatin. Stop that!” “Or else what?” he smiled at me sabay kindat pa. I fan my hands on my face kasi pakiramdam ko pinagpapawisan ako sa sobrang init. Ano bang nangyayari at ganito ang pinagsasabi ni Cyrus? Ayos lang kaya siya? May sakit kaya siya? Pagkarating namin sa opisina ay pinagtitinginan kami ng guards at iyong ibang empleyado na papasok pa lang sa opisina. I just bowed my head dahil sa hiya. Ano na lang iisipin nila? Pagkarating ko sa mismong workplace ko ay nandoon na si Princess at humihikab pa. Mukhang hindi niya nakita iyong nakita ng ibang empleyado. “Morning…” upo ko sa tabi niya “Oh! Bakit namumula ka? May sakit ka ba?” tanong ni Princess at lumabi ako sa kanya. “Anong problema mo?” “Princess…” pinalo ko siya nang maalala ko iyong ginawa niya kahapon. “Aray! Nababaliw ka na ba? Kanina para kang sinampal ng paa ng kabayo sa sobrang pula ng pisngi mo tapos namamalo ka.” “Ikaw ha? Iniwan mo ako kahapon. Inindian mo ako. I hate you.” Humalukipkip ako at sinimangutan siya. “Haist…ikwekwento ko pa naman sana sa iyo iyong nangyari kahapon.” “Nakakainis ka, alam mo iyon? Sige na nga, kwento mo na dali.” “Ayan, tsismosa ka din.” “Sabihin mo na kasi. May ikwekwento din sana ako.” “Ay talaga?! Sino? Si Sir Cyrus ba?” namula ako. “OMG! May nangyari sa inyo?” “Sssshhhh! Ang ingay mo!” tinakpan niya ang bibig niya at di makapaniwalang nakatingin sa akin “Hindi! Walang nangyari sa amin.” “Ikaw pa-virgin ka.” Asar niya sa akin “Anong ako? Ikaw nga itong may kahalikan sa first meeting pa lang nila. Sino sa atin ang pa-virgin aber? Ikwento mo na kasi. Ano may nangyari ba sa inyo ni Jordan o wala?” Tumingin muna siya sa paligid at ibinaba ang blouse niya kunti para ipakita sa akin ang naiwang love bite doon sa leeg niya. Napasinghap ako at nagtatawanan kami nang katokin kami ni Cyrus mula sa bintana ng opisina niya habang naka-dikit ang telepono sa tenga niya at tinuturo ang phone na nagriring sa tabi naming. Sinagot ito ni Princess. “Hi po. Sensya na po. Okay po.” Napatingin siya sa akin. “Pinapatawag ka ni sir.” I look at him and he just smiles at umalis sa pagkakatayo niya sa bintana ng opisina niya. “Uy! Balitaan mo ako ha? Baka nagtutukaan na kayo sa loob hindi ko pa alam ha?” Pinalo ko siya bago pumasok sa opisina ni Cyrus. Ano naman kaya ang sasabihin niya? Pagapsok ko sa opisina niya ay nakatayo siya sa harapan ng mesa niya at nakapamulsa. “Sir tawag niyo daw po ako.” “Yes. Come sit here, Pearl. Hindi naman ako nangangagat unless you want me to.” Napatingin ako sa kanya at pilya siyang nakangiti sa akin. Is he this playful? I never thought. I sat on the chair at umupo siya sa tapat ko. “Here. Kindly check your itinerary.” Kinuha ko ang papel na binibigay niya sa akin. I look at it at halos lumaki ang mga mata ko. “Japan? For two weeks?” napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa nakikita ko. “Yes, you will be my secretary there.” “Mag-isa ko lang? Sir, hindi pa po ako ganoon kagaling na katulad ni Princess.” “Alam ko pero kung maiiwan ka dito sigurado may mga trabahong kailangang taposin within those two weeks. May mga taong maghahanap sa akin. There’s no one who is going to guide you here para turuan ka, not unlike kung kasama kita at least I can tell you what to do.” May point nga naman siya but still, just being alone with Cyrus is a big no, no. Anong gagawin ko doon? Anong mga dadalhin ko? Hindi ko pa na-try ang sumakay sa eroplano. “Hey, don’t take it negatively. Remember this is your job, mas maganda na sumasama ka sa akin para mas marami kang matutunan. There will be times that I will pull you to come with me without warning. Mas magandang ready ka.” He’s right. Totoo nga naman ang sinabi niya. Why I am so nervous to be with Cyrus anyway? “Sorry. I’ll pack my bags immediately.” “Okay. Susunduin na lang kita. Get enough sleep dahil kakailanganin mo iyan.” “Yes, sir.” “That’s all. You may go.” Tumayo na ako at nagpaalam. Hawak-hawak ko ang papel na bumalik sa tabi ni Princess. “Ano? Anong nangyari? Bakit parang nakakita ka ng multo sa loob? Ano ba iyang hawak mo?” tanong ni Princess at sinilip niya ang laman ng papel. “Japan?! Oh, my gulay! Girl makakapunta ka na sa Japan. Buti ka pa girl, pinangarap kong pumunta sa lugar na iyan. “Kaso kinakabahan ako. Anong gagawin ko doon? Wala pa naman akong alam na gawin. Princess!” “Baliw! Chance mo na iyan para matuto ka. Alam mo ba kung sino ang nagturo sa akin ng mga ginagawa ko? Si Sir Cyrus at magaling siyang magturo. Kaya no need to worry.” “Hindi ka ba pwedeng mag-request na sumama sa akin?” “Naku girl, may date kami ni Jordan bukas eh. Hatid-sundo niya ako kaya hindi ako pwede.” Inirapan ko siya. “Iniiwan mo talaga ako.” “Kaya mo iyan. Isa pa mag-enjoy ka na lang. Japan iyan noh! Ang mahal kaya ng pamasahe papunta diyan lalo na kapag peak season.” “Kung sabagay. Haist…bahala na nga.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD