“Anak bilhan mo ako ng pasalubong ha?” bilin ng aking ina habang nag-iimpake ako “Sige po. Ano po ba ang gusto niyong pasalubong?” “Hmmm…kahit ano na basta galing ng Japan. Kasama mo ba iyong crush mo?” “Ma, hindi ko po siya crush.” “Asus! Deny pa more!” “Uy, ma. Saan ka natuto ng ganyan?” “Ikaw talaga. Syempre karamihan ng mga katrabaho ko ay mga bata kaysa sa akin kaya pati ako nahahawa na. ‘Wag mong ibahin ang usapan anak, kilala kita kapag nagkaka-crush ka.” “Sige nga ho, paano?” “Iniiwas mo iyong paningin mo sa akin at namumula ka.” “Hindi ah!” “Sige nga, sabihin mo ng diretsahan sa akin na wala kang gusto sa binatang iyon?” Hindi nga ako nakapagsalita. “Nakita mo na. Anak ano ka ba? Natatakot ka ba na baka hindi ka magustuhan ng boss mo? Maganda ka naman, mana sa akin. Bast