Pagkatapos nilang magusap nagpaalam na ang lalaki. Saka niya tiningnan ang bilog na binigay ko sa kanya tinaas niya ito nagliwanaga ito lumabas ang imahe ng isang lalake.
"Hello! Dugong alam ko na pag nahawakan mo ito ay nagkita na kayo ng anak ko. Dugong siya si Clarizh Phanatich ang anak namin ni Clair. Pinanganak siya ni Clair sa mundo ng mga tao ngunit sa hindi inaasahang pangyayari kinailangan namin siyang iwan sa isang ampunan. Dugong ikaw na ang bahala sa anak namin ni Clair alam ko na hindi mo siya pababayaan. Ngayung nakita mo siya alam kong alam mo ang pinagaalala namin sa kanya. Kaya umaasa ako na pangangalagaan mo siya hangang sa muli nating pagkikita." Ng mawala ang imahe ng ama ko saka siya bumaling sa akin. Samantalang inis na inis ako sa kanya marunong pala siyang magtagalog pinahirapan pa ako mag English buti na lang top nuch ako. Nagulat ako ng paglingon ko nasa tabi ko na siya binigay niya ang bilog na bagay na kulay green sa akin saka niyakap ako.
"Well come my niece to Forbidden City." sabi niya sa akin.
"Wher is your Parents?" tanong nito ng bitawan ako.
"Pwede bang tagalog na lang ang isagot ko?" Tanong ko sa kanya kaya natatawa siya saka tumango.
"Hay! Buti naman. Sa totoo lang hindi ko alam kong nasaan sila dahil iniwan lang nila ako sa isang ampunan at pinadala lang nila sa akin ang isang sulat. Kasama yan saka isang Compass at isang larawan namin.Nalaman ko lang kong sino ako ng mabasa ko ang sulat nila. Pumunta ako dito dahil nagbabakasakali ako na dito ko sila makikita"
Sabi ko. Kaya tumango tango siya.
"Pero paanong nagkaanak sila ng isang tao?" Tanong nito na parang hindi makapaniwala habang naka tingin sa akin. Maya maya umiling ito.
"Ano bang sinasabi nito bakit ano ba ang mga magulang ko hindi tao ganun din sila. Hay kaloka."
Bulong ko sa isip ko habang pinagmamasdan siya. Maya maya tinawag niya ang isang tauhan niya at pinahatid ako sa bahay namin sabi niya bibisita na lang daw siya sa akin. Pagnatapos ang trabaho niya.
"Pasensiya na Clarizh. Hindi kita maihahatid sa bahay niyo hindi kasi ako pwedeng umalis dito hangat walang pumapalit sa akin dito." Sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang po yun." Sabi ko sa kanya.
Marami kaming nadaanan na bahay na may masasayang pamilya. Napaka tahimik na lugar. Malinis ang paligid, puro makikita mo kulay green sa paligid nito. May mga tindahan akong nakita pero iba iba ang tinda nila. Kadalasan mga bahay.
Hangang lumiko kami sa isang daanan pakaliwa may nakita akong tindahan ng mga bulaklak dumeretso kami dito hangang may nakita akong signe board na nakalagay.
"Emils Farm"
Basa ko nagderetso kami may nakita akong dalwang bahay. Huminto ang mga kawal na kasama ko.
"This is your parents Farm and that is your parents house."
Sabi ng isa sa mga kasama ko na ayun englisera parin. Tumango ako sa kanila. Nagulat ako ng yumoko ang mga ito sa akin saka nagpaalam na sa akin. Napailing na lang ako
Tiningnan ko ang paligid ko napaka tahimik. Naglakad ako may malawak na bakuran ito binuksan ko yung unang bahay na nakita ko wala itong laman kung hindi mga gamit na hindi na kailangan.
"storage house"
Bulong ko.Lumabas ako dito lumakad ako papunta sa pangalawang bahay na nakita ko. Umakyat ako sa hagdan na gawa sa kahoy at binuksan ko ang pintuan nito.
Tumambad sa akin ang napaka ruming bahay. Puro ito agiw at sobrang kapal ng alikabok. Pumasok ako sa loob may upuan ito na gawa sa kahoy may mahaba at may pang isahan lang may lamesa sa gitna nito na maliit na gawa din sa kahoy. Maganda ang disenyo nito halatang pinaghirapan ang mga nakaukit dito. May maliliit na unan ang mga bangko pero ang dumi dumi na. May mga kurtina din ang mga bintana na puro dumi na rin, may maliit na TV at aparador na puno ng libro. Sa tabi ng TV may vase na may lamang bulaklak na plastik na puno ng dumi. Sa kabila ng TV may nakalagay na maliit na frame na may larawan tiningnan ko ito larawan ng mga magulang ko. Sa gilid may isang tokador na may kung ano anong display. Sa tabi nito ay may pintuan, binuksan ko ang pinto tumambad sa akin ang makapal na alikabok at mga agiw. Hinawi ko ang agiw at nakita ko na may isang papag na may Kutson at naka sapin pa ito may kumot at unan din pero madudumi. Sa gilid ng higaan may lamesa na may nakalagay na vase at may bulaklak ito na plastik. Sa tabi nito may larawan ng mga magulang ko ulit na naka frame. Sa taas ng higaan may malaking frame na ang nakalagay embroide ay larawan ng isang Dragon napaka ganda nito ang mata nito na akala mo buhay. Sa kabilang gilid ng kwarto ang isang malaking bintana na sliding na gawa sa kapis, Sa dulo naman ang isang malaking aparador. Gawa sa kahoy ang bahay ang sahig nito ay gawa sa makapal na playwood. Binaba ko ang bag ko sa ibabaw ng higaan saka lumabas ako. Nakakita ako ng isang pintuan may string na kortina ito kaya kita ang loob may hagdan ito pababa na gawa din sa kahoy. Bumaba ako napasok ang liwanag galing sa labas. Nakita ko na kusina ito may mga lutuan may lababo na sementado at naka tiles. May ref, may lamesa na pabilog gawa din ito sa kahoy may sapin itong mantel na puro dumi. May mga bangko ito na anim sa gilid ang sahig nito ay sementado na walang designe naka Finish lang ito. May pintuan ito palabas na gawa sa kahoy puro agiw ito. Sa kabilang side ay may pintuan binuksan ko ito bumungad sa akin ang toilet na kulay puti sa harap nito ang isang sink na kulay puti din may malaking salamin dito may lagayan ng kung ano ano gilid nito, may drower din ito sa ilalim. Sa tabi ng palikuran may balde at lamang tabo. Sa dulo may kurtina na plastik binuksan ko ito.Isa palang paliguan ito.
Tiles ang sahig nito. May ilaw sa taas pero hindi na gumagan.
Lumabas ako at dumeretso sa kwarto. Nakita ko sa relos na nasa ding ding na alas dyes na ng umaga tiningnan ko ang relos ko hindi ito gumagana naka hinto ito.
"Haays. Kareregalo lang sa akin nito ni Mother Lordes nung kaarawan ko hindi na agad gumagana. Ano yun nagregalo sa akin ng sira siguro na loko siya ng binilihan niya. Haays nakakaloka." Bulong ko. Kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumain ng gabihan at agahan. Kinuha ko ang walet ko sa bag at lumabas ako ng bahay. Duon ako dumaan kung saan kami dumaan naglakad ako hangang may nakita akong bakery. Pumasok ako dito hindi lang pala bakery ito dahil para narin itong malaking tindahan. Tumingin ako sa mga tinapay. May insaymada na malaki, may mamon, may puding, may cake at iba pa. Maya maya may naramdaman akong tao sa loob tumayo ako ng tuwid at ngumiti dito.
Nagulat ito.
"Aay. Human.!" Tili nito.
"Eto na aman tayo. Mukhang mapapalaban na naman ako ng english buti na lang top nuch ako sa school." Bulong ko sa isip ko.
"Yes what do you want?"
Sabi nito sa akin. Tama nga ako englisero din.
"Ahm. How much that insaymada and monay?" Tanong ko sa kanya napa kunot ang noo niya.
"That insaymada is two pesos and monay is one pesos." Sagot nito sa akin. Nagulat ako sa presyo.
"Grabe nakakaloka. Nakaraang henerasyon paba ang bakery nato, kasi saan siya kumukuha ng murang arina. Haays nakakaloka." Bulong ko.
"Give me five insaymada and five monay." Sabi ko. Habang inaantay ko ang binili ko nagtitingin tingin ako sa mga nakalagay sa stante na tinda niya . Ng may pumasok sa loob napa tingin ako dito tumingin ito sa akin.
"Human." Narinig kong bigkas niya.
"Haays. Ayan na naman yang human na yan ano kaya sila sa palagay nila. Bakit lagi na lang sila nagugulat pag nakikita ako. Haays nakakaloka." Nginitian ko ito pero hindi ako pinansin nito
.
"Mang Ronald pabili ako ng isang gatas ng baka at isang kilo ng arina."
Sabi nito. Nagulat ako sa narinig.
"Haays. Nakakaintindi naman pala ito ng tagalog. May pa english english pa sa akin. Haays nakakaloka ang mga tao dito." Bulong ko binigay na nito sa akin ang tinapay at binayaran ko ito. Pero hindi pa ako umaalis kasi may bibilihin pa ako nag tingin tingin ako sa paligid.
"Oh katie ikaw pala anong bibilhin mo?" tanong nito sa babae na ang pangalan ay Katie.
"Pabili ako ng isang gatas ng baka at isang kilo ng arina."
Sabi nito. Nagpaalam ang tindero na ang pangalan ay Ronald na kukunin lang ang order ni Katie. Maya maya binigay na nito ang binibili ni Katie at umalis na ito. Lumapit ako kay Ronald.
"Marunong ka naman pala ng tagalog eh. May sabon ka bang tinda na panghugas ng pingan at panlaba pati narin pang ligo at saka shampo."
Sabi ko sa kanya. Napa tawa siya sa akin.
"Pasensiya kana nahahawa na ako sa kanila ang pagkakaalam kasi nila English ang salita ng tao kaya inienglish ka nila."Sabi niya. Napatango na lang ako.
"Bago ka dito no? Kasi iba ang mga tawag mo galing ka ba sa mundo ng tao?"
Tanong nito. Naguluhan ako sa tanong niya.
"Bakit ano ba dito hindi mundo ng tao.?" Tanong ko din sa kanya. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tumango siya. Naguguluhan akong tumingin sa kanya.
"Wala ka sa mundo ng tao. Nandito ka sa mundo ng may mga hindi pangkaraniwang kakayahan, sa mundo ng mga witch at kung ano ano pa. Paano ka ba napunta dito at bakit ka pinayagan ni Dugong na pumasok dito. Siguradong my special sayo na hindi namin nakikita?"
Tanong niya. Naguguluhan man sinagot ko parin ang tanong niya.
"Anak ako nila Clair At Emil. Iniwan nila ako sa isang ampunan at ngayun ko lang nalaman ang totoo kong pagkatao. Ng may dumating na sulat sa akin na galing sa kanila pagkatapos ng panglabing walo kong kaarawan. Kaya nalaman ko ang lugar na ito." Sabi ko dito. Ngumiti siya.
"Parehas pala tayo isa din akong tao katulad mo na may lahing witch.
Tao ang aking ina at ang aking ama ay isang wichillius pinagtapat lang sa akin ng aking ina ang tunay kong pagkatao ng mamatay na siya. Sinabi niya sa akin na pumunta ako dito sa ama ko kaya nakarating ako dito nung una kagaya mo rin ako. Nagpalasalamat ako na may isa uling tao na makakasalamuha ko. Iba ang tawag nila sa mga bagay bagay yung tinapay na yan ako ang nagpangalan niyan. Ako din ang nagdala niyan dito. Mura ang bilihin dito kesa sa mundo ng tao. Kaya makakatipid ka sa dala mong pera. Ikaw pala ang anak nila Clair hindi namin alam na buntis siya ng umalis. Nalaman na lang namin nung hinahanap sila ng mga wagen. Tapos nakita namin na pinagpapatay ng mga wagen ang mga alaga nilang hayop at nagkakalat ang mga gamit nila. Kami na lang ang naglinis at nag ayos ng bahay niyo bago namin sinara . Ano ang kasalanan ng mga magulang mo sa mga wagen at saka paano sila nagkaanak ng tao. Pasensiya na pero wala kasi akong nararamdaman na konting aura sayo. Kagaya ka lang ng mga tao."
Sabi nito ulit. Hindi ko parin naiintindihan ang mga sinasabi niya sa akin.
"Kaya ka siguro bibili ng sabon dahil maglilinis ka ng bahay niyo no. Eto ang ejak sabon na panlaba may powder din ito yung bareta piso yung powder one fifty kagaya ng shampo at sabon na panligo one fifty din ang tooth paste may Onrok din ako dito yun naman ang tinatawag na sonrox sa atin. Two pesos yun."
Sabi niya sa akin. Gusto ko tuloy matawa sa mga pangalan ng sabon. Bumili ako nito
.
"Oo meron pero iba ang kape nila mas masarap sa kape natin pero parehas lang ang pangalan pati asukal." Sabi niya
bumili din ako nun.
"Meron dito kesong puti pero mahal masarap naman lalo na sa tinapay. Meron ding pinut pero hindi gawa sa mani gawa ito sa pili. Mayonais na gawa sa itlog ng Ostrich. Yung kesong puti limang piso isang bar. Yung penut tatlong piso isang garapon yung mayonais ay dalawang piso isang maliit na garapon."
Sabi niya sa akin.bumili narin ako Saka nagtanong ako ng maiinom.
"May mga drinks dito pero walang soft drinks pero parehas lang ang lasa. Ang soda na nasa bote ay dalwang piso yung fruity fruity na nasa tetra pack ay piso."
Sabi niya sa akin ulit. Bumili ako ng soda nilagay niya lahat sa isang plastik ang mga binili ko nagpaalam na ako sa kanya.