Tinuruan ako ni Ronald kung saan makakabili ng baka at manok na pwede Kong alagaan at yung mga buto at mga pwedeng itanim kay Lyla ko naman mabibili. Yung may tindahan ng mga bulaklak. Yung mga gamit naman sa bahay ay kay Luis. Bumili ako ng tatlong pares na manok dalawang daan isang pares dalwang baka tatlong libo isa bumili ako ng pagkain ng manok saka ako pumunta kay Lyla bumili ako ng binhi.
Kinabukasan dinala ni Bob ang mga baka ko busy ako sa pag papatubig ng palayan na nasa harap ng bakuran ko yung iba na itanim ko na kahapon. Pnaliguan ko muna ang baka na dala ni Bob saka ko pinakawalan sa mga damuhan yun ang nabasa ko sa libro kagabi. Pagkatapos kinuha ko ulit ang libro para sa mga tanim. Binasa ko kung papaano magtanim.
Kinabukasan uli pag dating ng hapon tinanim ko na ang mg binhi. Katatapos ko lang sa mga gawain ko ng dumating sila Alice sa bahay. Ang mga bago Kong kakilala na mga witch din kagaya ng ama ko. Pinakilala ni Ronald sa akin nung isang araw.
"Hoy Clarizh tama na yan sumama ka muna sa amin magkakapera ka dito. May ituturo kaming lugar sayo na pwede mong pagkakitaan."
Sabi ni Alice. Alam nila na wala na akong pera.
"Talaga? Sige sasama ako, sandali lang maliligo lang ako maupo muna kayo sa loob." Sabi ko sa kanila kaya nag siakyat naman sila sa bahay at naupo sa sala. habang naliligo ako sige ang biruan nila.
Sinama nila ako sa gubat sabi nila dito daw kumuKuha ng mga kahoy at mga prutas. Pwede ko daw ibenta yung kahoy at mga prutas na makukuha ko dito. Pati yung mga bulaklak. Kaya tuwang tuwa ako. Tinuruan nila ako sa pagtatali ng mga kahoy. Ang bilis nilang umakyat sa puno samantalang ako hindi ako makaakyat sa puno. Kaya ako na lang ang taga salo ng mga nakukuha nila. Pagkatapos pinaghatihatian namin ang mga nakuha namin.
Pagdating ko sa bahay tinambak ko sa kusina ang mga kahoy na nakuha ko at yung mga prutas hinugasan ko. Ibat ibang klase ito nung una hindi ako makapaniwala na may mga prutas na ganito sa gubat. May aple, Orange, ubas, kayomito, saging at manga. Ang dami naming nakuha. Naglagay ako sa basket ng isang Orange isang aple at isang manga dinala ko ito kay Ronald
"Pumunta ka sa gubat?" Tanong nito sa akin ng ibigay ko sa kanya ang mga prutas.
"Oo sinama ako nila Alice kahapon."
Sagot ko sa kanya.
" Ah. Kasama mo sila. Skala ko ikaw lang eh. Wag kang pupunta magisa dun dilikado maraming mababangis na hayop dun."
Sabi niya. Tumango lang ako sumunod na araw naging busy ako sa Farm. Hangang sa sinama na naman nila ako sa gubat na nguha nanan kami ng kahoy. Nung nakaraang kuha namin naibenta ko ang mga kahoy na nakuha ko pati yung mga bulaklak binenta ko kay Lyla. Habang tinatali namin ang kahoy na nakuha namin biglang lumakas ang hangin.
"Wagen!!" Sabay sabay na sabi nila. Sabay sabay ding tumayo ang mga ito. Nagulat ako.
"Ikubli niyo si Clarizh." Sabi ni Alice.
Nagulat ako sa ginawa nila. Tinago nila ako sa likod nila. Naguguluhan man hinayaan ko na lang sila. Mayamaya bigla na lang may mga nagsipag litawan sa harap namin.
"Hmm. Wichilius " Narinig kong sabi ng nasa harapan nila. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero sigurado ako na isa din siya sa bigla na lang sumulpot sa harap namin.
"Anong ginagawa ng mga weak dito ha." sabi uli nito. Napataas ang kilay ko sa likod.
"Sino ba tong mayabang na to" bulong ko sa isip ko.
"Sino yung nagsalita ha? Sinong mayabang na sinasabi mo."
Sabi nito. Nagulat ako kasi nabasa niya ang inisip ko.
"Hoy mga weak. Mukhang may tinatago kayo sa likod niyo. Siya ang narinig ko na nagsalita? Bakit nagtatago ka diyan." Sabi uli nito.
"Ang yabang talaga akala niya naman natatakot ako sa kanya." Bulong ko uli.
"Abat lumabas ka diyan labas!!"
Sigaw nito. Kaya hinawi ko ang mga nasa harap ko.
"Oh ayan lumabas na ako. Ano na ang gusto mong gawin ngayun aber."
Sabi ko. Ng nasa harapan na ako. Nakita ko siya. Maputi siya na parang tinakasan ng dugo naka kulay itim na kapa at damit siya parehas ng mga kasama niya.
"Human!" Sabay sabay na sabi nila.
"Haays. Ayan na naman. E ano ngayun kong tao ako kayo kasi hindi tao kaya ganyan ang ugali mo hindi makatao."
Sabi ko sa kanya. Napangiti sila Alice.
"Anong ibig mong sabihin Human?"
Sabi nito.
"Haays. Kaloka to akala mo kong sino makaasta wala naman palang brainy."
Sabi ko ulit. Natawa na sila Alice. Kaya mas lalong na inis ito. Inawat na ako nila Alice.
"Teka lang Human hindi pa tayo tapos!!" Sigaw na naman nito. Kaya nagpantig na ang tenga ko ayaw ko sa lahat yung sinisigawan ako.
"Wag kang sumigaw ang lapit lang namin oh. Maliban n lang kong bulag ka. Kaloka ka." Sabi ko dito.
"Abat iniinis mo talaga akong Human ka. Ni hindi ka marunong romespeto sa mas malakas sayo akala mo kong sino kang malakas. E ikaw naman itong pinaka weak sa kanila." Sabi nito sa akin. Na lalo akong nainis ayaw ko din sa lahat yung nangaagrabyado ng mga mahihina. Lalo na kong ako ang tinatawag na mahina.
"Hoy babaeng walang dugo at sino ka naman para erespeto ko aber. Ni ikaw nga hindi marunong rumespeto sa kapwa mo tapos gusto mo na erespeto ka. Isa pa sanay na sanay ka talaga manapak ng kapwa mo no, bakit sino ka ba sa palagay mo at dapat kang katakutan. Sa palagay mo malakas ka na niyan kasi naninigaw ka. Alam mo sa lugar namin ang mga ganyan, yan ang mga duwag at mahina kasi malakas lang sila sa mga kaya nila."
Sabi ko sa kanya. Kaya susugurin na sana niya ako. Kaso biglang may dumating.
"Mouris. Hinahanap ka na ng ama mo kanina pa."
Sabi ng dumating.
"Hmmp. May araw ka rin Human magkikita pa tayo."
Sabi nito. Bago inis na inis na umalis.
"Kaloka. Aalis ka na lang nanakot ka parin. Haaays.." Sabi ko dito. Tiningnan ko siya hangang sa mawala sila. Hindi na ako nagtaka ng bigla silang naglaho dahil Sabi nga ni Ronald may mga powers sila.
"Naku ikaw talaga Clarizh. Alam mo ba na muntik na akong maihi sa pantalon sayo." sabi ni Katie.
"Ako nga akala ko mahihimatay na ako kanina sa takot." Sabi naman ni Dia.
" Ako. Bilib ako sayo Clarizh, kasi tama ka sanay na sanay siya manakot dahil alam niya na takot ang mg tao dito sa kanila." Sabi naman ni Alice. Samantalang yung iba naming kasama wala ng kibo.
"Syempre naman Alice. Kilala ang mga wagen sa pagiging malakas at makapangyarihan. Ano lang ba tayo sa kanila." Sabi ulit ni Katie.
"Alam niyo kaloka talaga kayo. Kaya kayo laging tinatapakan nung babaeng walang dugo nayun. Kasi pinapakita niyo na takot kayo sa kanya. Kaloka.."
Sabi ko sa kanila habang binubuhat ko ang mga kahoy na nakuha ko.
kinabukasan ng bumili ako ng tinapay Kay Ronald. Sinita ako nito. Dahil sa nangyari kahapon.
"Ano ka ba Clarizh.
Hinarap mo raw si Mouris kahapon. Naku kang babae ka. Buti walang nangyari sayong masama. Alam mo ba kung sino ang hinarap mo ang mate ni great Axel. Pag nagsumbong yun mapaparusahan ka."
Sabi nito sa akin. Naghatid narin ako ng prutas sa kanya at binentahan ko siya ng kahoy.
"Eh kasi na paka yabang ng babaeng walang dugo na yun eh."
Sabi ko sa kanya. Natawa ito sa tawag Kay Mourish.
"Alam mo ba kung bakit ubod ng yabang yun?" Tanong nito sa akin
umiling ako.
"Kasi mate nga siya ni Great Axel."