"Kahit na. Magpahinga ka sa kwarto mo, dahil malayo ang biyahe mo. Kami na ang bahala sa pagkain na babaunin mo." Sabi nito sa akin. habang naglalakad kami papuntang kwarto ko.
"Pero sister, hindi po ako mapalagay. Kinakabahan po ako." Sabi ko sa kanya. Kaya pinaharap niya ako sa kanya. Saka ngumiti ito sa akin at saka hinawakan ang kamay ko.
"Natural lang yan Clarizh. Kasi unang biyahe mo palang ito. Buong buhay mo nandito ka sa ampunan at isa pa ngayun ka lang din magiisa. Ayaw mo naman na ihatid ka namin sa pupuntahan mo." Sabi nito sa akin.
"Kaya ko naman po sister. Wag napo kayong magalala masasanay din po ako." Sabi ko sa kanya saka ngumiti.
*****
"Oh, magiingat ka sa biyahe Clarizh. Ano man ang maging problema mo tumawag ka sa amin at pupuntahan ka namin. Ingatan mo ang gamit mo at ang pera mo. Patnubayan ka nawa ng panginoong Jesus." Sabi ni Mother Lordes sa akin. Habang naglalakad kami papuntang Bus.
Hinatid nila ako sa sakayan ng Bus papuntang Samar. Yumakap ako sa kanila saka ako nagpaalam. Kumaway ako sa kanila bago ako tuluyang umayat sa Bus.
Nakailang hinto ang Bus. Dito na lang ako kumakain sa tuwing hihinto ito. Alas nueve na ng umaga ng makarating kami sa Catbalogan Samar. Bumaba na kami sa Bus nilibot ko ang paningin ko ng nasa baba na ako maraming tao dito.
"Sabi ni sister Marites, sa may palengke daw ang sakayan papunta sa lugar na pupuntahan ko." Bulong ko sa isip ko. Nakakita ako ng isang tindahan bumili ako ng Miniral water yung malaking bote. Saka ako nagtanong kung saan ang palengke. Tinuro niya kong saan banda ang palengke.
Malayo ang iniisip ko ng nasa Jeep na ako at bumibyahe. Isat kalahating oras daw ang biyahe sabi nila. Ng mapansin ko ang babae sa harapan ko nakatingin ito sa akin. Umiwas ako ng tingin dito. Pagkalipas ng isat kalahating oras huminto na ang Jeep sa isang paradahan. Nagbabaan na ang mga sakay nito kaya bumaba narin ako. Nilibot ko ang paningin ko.
Nagiisip pa lang ako kong saan ako pupunta ng may lumapit sa akin.
"Hi! Ako nga pala si Maria mukhang bago ka lang dito ah" Sabi nito ng tingnan ko. Naka ngiti ito tumango ako.
"Sabi ni sister magiingat daw ako sa mga tao dito. Pero kailangan ko tulong." Bulong ko sa isip ko. Binaba na lang nito ang kamay niya na inaabot niya sa akin. Pero hindi parin nawawala ang ngiti niya sa akin.
"Saan ang punta mo. Baka kailangan mo ng tulong tagarito ako."
Sabi uli nito sa akin. Kaya nagtanong na ako sa kanya. Natigilan siya ng marinig ang sinabi ko.
"Isa ka din pala na naniwala na totoo ang lugar na yun."
Sabi nito. Saka ngumiti hindi ko alam kong natatawa siya sa akin o naawa.
"Magmula pa nung unang panahon wala pang nakapag patunay na totoo yang lugar na yan.." Sabi uli nito sa akin.
"Pero kong gusto mo talagang malaman kong totoo yung lugar na yan sumama ka sa akin." sabi nito sa akin. Napatitig ako sa kanya nagiisip kong maniniwala ba ako sa kanya O hindi. Nahalata niya na nagaalinlangan ako na sumama sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Wag kang mag alala dahil doon din sa amin ang daan, patungo sa gubat na sinasabi nilang daan papunta sa lugar na hinahanap mo. Si inang ang nakakaalam kung saan banda yun." Sabi nito sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya.
"At isa pa mabuting tao kami. Gusto ko lang makatulong sayo." Sabi niya uli nahiya ako sa sinabi niya. Dahil sa totoo lang kailangan ko talaga ng tao na makakapag turo sa akin kong nasaan ang lugar na hinahanap ko. Kaya sumama ako sa kanya. Huminto ang sinasakyan naming tricycle sa isang kubo.
"inang! Inang..!!"
Sigaw niya. Ng nasa harap na kami ng pintuan.
"diyasking bata ito kong maka sigaw." sabi ng matanda ng buksan ang pintuan. Napa tigil ito ng makita niya ako. Inayos niya ang salamin sa mata.
"May kasama ka pala." Sabi nito.
"Oo inang at may kailangan siya sa iyo." Sabi ni Maria dito. Kaya tumingin ang matanda sa akin. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay at pinaupo sa upuan. Tinanong niya ako kung ano ang kailangan ko sa kanya sinabi ko naman ang kailangan ko natigilan siya.
"Hindi ko alam kong ano ang kailangan mo sa lugar na yun. Pero wala ako sa lugar para pigilan ka. Lumakad ka papuntang likod ng bahay na ito, Deretsuhin mo lang yun. Sa dulo may makikita kang puno ng saging na kulay pula. Deretsuhin mo ang daan sa likod niya at makikita mo ang hinahanap mo." Sabi ng matanda. Nagpasalamat ako dito at kay Maria. Saka nagpaalam na. Nung nasa may pintuan na ako muling nagsalita ang matanda.
"Iha kung hindi rin naman mahalaga ang pakay mo dun sa lugar na yun, Wag ka ng tumuloy. Dahil lahat ng nakakarating doon hindi na nakakabalik. Pero kung mahalaga ang pakay mo mag iingat ka sa lugar na yun. Dahil ang kagaya natin hindi pwedeng maligaw doon." Sabi ng matanda. Kaya napalingon ako sa kanya. Kinakabahan man kailangan kong pumunta dun. Dahil nandoon ang mga magulang ko.Nginitian ko na lang ang matanda at nagpasalamat dito. Saka ako lumabas na ng bahay at naglakad papunta sa tinuro ng matanda.
"Inang bakit niyo po hinayaan siyang pumunta doon ?" Tanong ni Maria sa kanyang ina.
"Dahil nakikita ko sa mga mata niya na importante ang pagpunta niya dun higit pa sa buhay niya at isa pa may nararamdaman akong aura sa kanya na hindi ko maintindihan kong anong aura iyon. Dahil parang may naka balot dito na hindi ko alam kong ano, ang nasisiguro ko lang special ang batang iyon dahil matagal na siyang hinihintay ng lugar na yun."
Sabi ng matanda habang minamasdan akong papalayo.
Napa tingin na lang si Maria sa ina. May kakayahan ang kanyang ina na makita ang hinaharap sayong buhay at kong anong klase kang tao pero wala siyang nakita sa kanilang bisita. Kaya alam niya na hindi pangkaraniwan ang babaeng yun.
******
KUMALAM ang sikmura ko at pawis na pawis na din ako dahil malayo layo na ang nilalakad ko. pero wala parin akong makitang punong saging kaya huminto muna ako kinuha ko ang tubig sa bag at uminom.
Kinuha ko rin ang kamote sa paper bag na hawak ko at binalatan yun. Saka sinimulang kainin habang naka upo sa isang malaking bato. Habang kumakain nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng may makita akong kulay pulang punong saging.
"Andiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap." Bulong ko saka nilapitan ito. Naglakad ako sa daan na nasa likod ng puno ng saging kagaya ng sabi ng matanda.
Mahaba na ang nalalakad ko ng makaramdam ako ng pagka pagod huminto ako at naupo sa naka tumbang puno. Kinuha ko ang bimpo at pinunasan ko ng bimpo abg mukha ko na puro pawis, ng matapos ako kinuha ko ang nilagang itlog na tanging natitirang pagkain sa baon ko. Habang kumakain tiningnan ko ang nilalakaran ko hindi ko na makita ang pinanggalingan ko halos matataas na halaman at mga puno na lang ang makikita mo. Kung gugustuhin kong bumalik sa pinangalingan ko siguradong ikaliligaw ko na.
"Haays. Nasan na ba ako? Paano ko naman malalaman kong nasaan ba ang lugar na yun. Kaya siguro maraming hindi na nakakabalik dahil naligaw na dito." Bulong ko sa sarili ko. Nilibot ko ang paningin ko wala man lang akong nakita ng may maalala ako kinuha ko ang bag at kinapa ko ang bulsa nakuha ko ang Compass na kasama sa sulat tiningnan ko ito sinasabi dito na nasa tamang lugar ako.
"Haays. Sira na yata itong Compass na ito wala naman City dito, puro naman mga puno at matataas na halaman ang naririto. Paano ko na malalaman kung nasaan ang lugar na yun nasira pa ang Compass na maaring magturo kong nasaan yu. Haays. Kung minamalas ka nga naman Clarizh kaloka" Sa kakaisip ko hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako sa malakas na pag uga sa akin.
"Wake up. wake up" Sabi ng tinig na naririnig ko. Kaya unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako sa nakita isang lalaki na naka suot ng armore ang nasa harap ko habang ginigising ako. Napa isip ako.
" nasan ba ako? a?Ang naalala ko nasa gitna ako ng kagubatan paano ako nakarating dito?" Tanong ko sa isip ko saka tumayo ako at nilibot ang paningin ko. Tumambad sa akin ang luntiang paligid at maaliwalas na lugar napa tanga ako.
"Hey. Who are you?" Tanong uli ng lalaki na nasa harap ko. Saka lang nag sink sa utak ko sa maaring kinaroroonan ko.
"Hey. Is this Forbidden City?" Tanong ko sa lalaking na nasa harap ko. Imbis na sagutin ko ang tanong niya. Kumunot ang noo nito dahil sa tanong ko
"Hwo are you? Why are you here?"
Tanong na naman niya sa akin.
"Haaays. Napa! English na naman. Buti na lang top nuch ako sa school naiitindihan kita." Bulong ko uli. Kaya napa kunot ang noo na naman ng kaharap ko.
"My name is Clarizh Phanatich. Im here to find Forbidden City. And you who are you?" Tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ako hinawakan ako nito sa braso at marahan na hinila papunta sa isang bahay. Makaluma ang style nito. Pumasok kami sa pintuan bumungad sa amin ang isang malaking lalaki naka armore suit din ito. Nakaupo ito sa likod ng lamesa lumapit kami dito tumingin ito sa amin, ay hindi pala sa akin lang pala. Pinaka titigan ako nito.
"Human!" Narinig kong bigkas niya.
"Haays. Narinig ko na naman yang salitang yan kong tao ako ano naman kaya sila. Haaays nakakaloka." Bulong ko sa isip ko.
"Yes. what's the Problem?" tanong nito ngayun sa lalaking nagdala sa akin ang attention niya.
"I found this woman sleeping on the side of Cheery tree." Napa tingin sa akin ang lalaki na naka kunot ang noo.
"Okay lieve the woman" Sabi nito. Kaya nagpaalam na sa kanya ang lalaking nagdala sa akin. Saka lumabas na ng pintuan iniwan kaming dalawa
"Seat down!" Sabi nito sa akin. Kaya na upo ako.
"Who are you? Why are you sleeping on that tree?" tanong nito sa akin..
"Nasan ba akong lugar? Nasa bansa ba ako ng america kasi mga englishero ang mga tao dito. Kaloka buti na lang top nuch ako sa school." Bulong ko sa isip ko.
"My name is Clarizh Phanatich im here to find Forbidden City, so is this Forbidden City?" Tanong ko sa kanya. Kumunot uli ang noo niya.
"Bakit may nasabi ba akong mali bakit ganyan na lang siya makatingin sa akin" Bulong ko sa sarili ko. Tining nan ko ang lalaki na nasa harap ko na nagulat sa sinabi ko.
"What Phanatich?" Tanong niya sa akin na parang hindi makapaniwala sa narinig sa akin. Tumango ako.
"My Mother name is Clair Buerg and my Father is Emil Phanatich." Pakilala ko sa mga magulang ko. Tiningnan niya ako ng maigi.
" How can you prove that you are the dougther of her." Tanong na naman nito sa akin. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang bilog na bagay na kasama sa sulat. Pinakita ko ito sa kanya. Nagulat siya sa nakita
"my Mother said that if i found the Forbidden City I give this to Dugong." Tumango siya saka umaktong kukunin ang bato pero nilayo ko ito. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko parang hindi niya nagustuhan.
"my Mother said only Dugong." Sabi ko uli. Saka siya tumuwid ng pagkakaupo.
"But I'm Dugong." Sabi niya sa akin. Tatanungin ko din sana siya kong paano niya mapapatunayan. Ng tumingin siya sa harap ko. Sinundan ko ang tingin niya, may nakita ako sa harap ko isang bagay na babasagin na mahaba nakalagay dito ang pangalan niya. Kaya ngumiti ako saka ko binigay sa kanya ang bilog na bagay na hawak ko. Ng may pumasok na lalake may sinabi sa kanya. Ng nagusap sila nagulat ako na tagalog ang salita nila.
.