Chapter 5

2038 Words
Kabilin bilinan sa akin ni Ronald umiwas sa gulo. Kasi daw ako lang ang walang power dito sa Forbidden City. Dahil isa akong Human. Kinabukasan nagtrabaho ako kay Bob naglinis ako ng kulungan ng baka. Pinaliguan ko ang mga baka niya at pinakain. Binayaran niya ako ng five hundred. Tanghali na ang uwi ko galing sa pagtatrabaho kay Bob. Kumain ako at nag hugas ng pinagkainan. Pagkatapos naligo muna ako saka ako umalis. Pumunta ako sa gubat para manguha ng kahoy at mga prutas ganun lagi ang ginagawa ko hapon na ako umuuwi. Hindi ko na sinasabi Kay Ronald na ako na lang magisa Ang pumupunta dun. Marami kasi akong nakukuha dito at naibebenta. Kaya kahit dilikado na wiwili akong pumunta dito. Minsan nalilibang ako sa pangunguha ng mga kabote ng may mga nagdatingan na mga tao. Pinalibutan nila ako katatapos ko lang ma nguha ng mga kahoy. "Hey, Sino ka bakit nandito ka sa araw na ito?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Kaya tumingala ako. "Bakit?" tanong ko. "Human!" Sabi nito hindi na ako nagtaka ng marinig ko yun. "what is your clan Human?" Tanong nito sa akin. Hindi ko na intindihan Ang tinatanong niya. Ngayun ko lang narinig ito. "What clan?" tanong ko rin sa kanya. "you mean you didint know what is your Clan." sabi ulit nito sa akin. "You what is your clan?" Tanong ko naman sa kanya. "We are the Plantier" Sabi nito. Tinuro niya sila. "Ah. I see. So im came From Wichilius clan." Sabi ko. Kaya humarap siya sa akin. "Kung ganu bakit ka nandito?" Tanong na naman niya sa akin. "Para kumuha ng kahoy at pagkain." Sabi ko sa kanya. "Hindi ngayun ang araw ng pagpunta mo dito sa gubat. Araw ito ng mga Plantier." Sabi nito sa akin. Kaya naintindihan ko. "Tell to the leader of wichilius that one of her member brake her rules." Sabi ng isa sa kanila yung medyo may edad na. " wait!!" Sigaw ng isang lalaki na nasa itaas ng puno. Tumalon ito pababa. " Prinsepe Amir!!" Sigaw nila. Napa tingin ako sa lalaki. Parang nakita ko na ito hindi ko lang maalala. "Shes my guest today. I invite her here. she didint brake any rules of her clan." Sabi nito sa kanila. Kaya na pa tanga ako sa kanya. Hindi ko nga siya kilala. Anong inimbitahan na sinasabi niya diyan. "So you may leave" Sabi nito sa kanila. Kaya walang imik na nagsi alis ang mga ito. Ng naiwan kami tinulungan niya akong magbuhat ng mga kahoy. "Ihahatid na kita. Sa susunod pwede kang pumunta dito kahit ganitong araw akong bahala sayo. "Salamat " sabi ko sa kanya. Saka ko nginitian siya. "Wala yun. Ako nga pala si Amir." Sabi nito sa akin. "Ahm. Ako naman si_" "Clarizh" Putol niya sa sasabihin ko. Nagtaka ako sa kanya bakit niya ako kilala. "Matagal na kitang sinusubaybayan. Magmula nung una mong pagpunta sa gubat. Kasama ang mga kaibigan mo. Kaya nung mag isa ka na lang pumupunta lagi na kitang sinusundan. Kasi bilib ako sayo dahil ikaw palang ang my lakas ng loob pumunta ng gubat magisa kahit na human ka." Sabi nito. Akala ko hangang sa paglabas lang ng gubat niya ako ihahatid. Pero nagulat ako ng hindi siya huminto paglabas namin sa gubat. "hey. Dito na lang." Sabi ko sa kanya. Pero imbis na sundin ako naglakad parin ito. " Ihahatid na kita sa inyo baka kung saan kapa pumunta. Maparusahan ka pa." Sabi nito. Kaya wala na akong nagawa. "So Eto ang bahay mo?" Tanong niya ng pinapalapag ko na ang mga kahoy sa labas ng pintuan. Binuksan ko ang pintuan ng kusina. Ng mabuksan ko. Tumango ako sa kanya. "Malaki naman pala ang bahay mo eh may sarili pala kayong Farm. Bakit nangunguha ka ng pagkain at kahoy sa gubat.?" Tanong niya uli sa akin. " Para ibenta.Gusto mo ba mag kape.?" Sabi ko sa kanya. "Oo ba kung bibigyan mo ba ako eh." Sabi nito. Kaya pinapasok ko siya. "hindi pwede dito lang ako sa labas kasi binibini ka." Sabi nito sa akin. Nagulat ako sa sagot niya. "Eh ano naman ngayun kung binibini ako. Wala ka namang gagawing masama sa akin diba?" Sabi ko sa kanya. "Oo naman. Malaking kaparusahan kapag may ginawa akong masama sayo." Sabi nito sa akin. Kaya natawa ako. Masyado palang mahigpit ang batas nila kaya walang gumagawa ng kalokohan sa kanila. "Kaya halika na pumasok ka na." Sabi ko sa kanya. Kaya pumasok na siya. "Kapag nalaman ng magulang mo na nagpapasok ka ng lalake sa bahay niyo mapaparusaban ka." Sabi nito sa akin. Habang umuupo sa tabi ng lamesa. Nag timpla na ako ng kape naming dalawa. "Wala ang mga magulang ko rito ako lang ang nandito." Sabi ko sa kanya. Napa tingin siya sa akin. "Nasan ang mga magulang mo?" Tanong niya sa akin. Binigay ko sa kanya ang tinapay na binli ko kaninang umaga sa Bakery ni Ronald at binigay ko rin ang palaman sa kanya. "Mamili ka kong ano ang palaman mo. Hindi ko alam kong nasan sila." Sabi ko sa kanya at nagkwento ako ng buhay ko sa kanya. "So hindi ka pala talaga Human Wichilius ka. Siguro hindi pa talaga lumalabas ang power mo. Minsan kasi matagal lumabas ang kakayahan nila. Pasasaan bat lalabas din yan." Sabi niya. Nag kwentuhan pa kami. Maya maya nagpaalam na siya. Pagalis niya pinasok ko ang mga kahoy na kinuha ko sa gubat, saka hinugasan ko yung mga kabote at nilagay sa tupper saka lumabas pumunta muna ako kay Ronald. "San ka ba nagpupunta kanina pa ako katok ng katok sa bahay mo wala ka." Sabi niya sa akin inabot ko sa kanya ang mga kabote. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ito. "pumunta ka sa gubat." Tanong niya sa akin. kaya tumango ako. "Alam mo ba na hindi natin araw ngayun dun. Buti hindi ka nakita ng mga Plantier kung hindi mapaparusahan ka ni Ocarius." Sabi nito sa akin. "Nakita nila ako pero hindi nila ako nagalaw kasi si prinsepa Amir ang nagimbita sa akin dun. Sabi niya pwede akong manguha ng kahoy ngayun. Sagot niya ako." Sabi ko. Nagulat siya ulit sa sinabi ko. "Si Prinsepe Amir? Siya ang nag imbita sayo yung Prinsepe ng mga Plantier?" Tanong uli nito sa akin. Tumango ako sa kanya. "San kayo nagkakilala?" tanong niya sa akin. "Sa gubat. Nanduon siya lagi. Bakit siya hindi pinaparusahan?" Tanong ko sa kanya. "Kasi sila ang nangangalaga sa kagubatan. Sila ang nagbabantay sa mga hayop at lahat ng halaman dahil doon sila kumukuha ng lakas." Sabi niya. Marami pa kaming napag kwentuhan binigyan niya ako ng ulam luto daw yun dito sa lugar na to. Masarap daw yun para matikman ko ang pagkain dito sa Forbidden City. Kinabukasan maaga akong nagising naglinis Muna ako ng bahay. Ng matapos nagluto ako ng almusal at kumain. Nag igib Muna ako ng tubig saka pinutahan ang mga alaga kong hayop. Nagtabas ako ng damo sa bakuran. Saka ako pumasok kay Bob. Hindi ako pumunta ng gubat. Maghapon nasa bahay lang ako. Nagbasa ng libro tungkol sa pagkakasunod sunod ng Clan dito sa Forbidden City "Ang pinaka mataas ang Ace Clan dahil sila ang pinili ng Drgon na mamuno sa Forbidden City pero ang taglay na Dragon ng mga Ace ay may kahinaan humihina ang powers nila sa tuwing sasapit ang taglamig dahil ang kakayahan ng Dragon ng isang Ace ay isang fire Dragon wala itong ibang kahinaan kundi ang winter. Ang sumond na Clan ang warlock." Basa ko. Nagisip ako. "Diba ito ang Clan na kinabibilangan ng aking ina at ang powers nila ang namana ko at kinulong nila." Bulong ko. Saka pinagpa tuloy ang pagbabasa. " Sumunod sila na makapangyarihan dahil maya kapangyarihan sila ng Meds at nagtataglay din sila ng liwanag. Sa kanila nanggaling ang karunungan ng mga wagen. Dahil sila ang pinaka guro ng mga ito pagdating sa magic. May kakayahan din silang mapasunod ang ispada at ang Clan nila ang may kakayahan na mapaamo ang isang Dragon dahil pinanganak sila na may marka ng Dragon. Sa kanila nanggaling ang mga Ace. Pag pinili na ng Dragon ng isang Warlock magiging isa na siyang Ace. Dahil magiging makapangyarihan na siya dahil sa taglay niyang Dragon pero hindi lahat ng Warlock ay pinipili ng mga Dragon iilan lang ang may kakayahan na piliin ng Dragon. Yung pinaka malakas lamang sa kanila. May kakayahang sila na Makita ang Hinaharap. Ang sumunod na Clan ang mga Wagen ang mga wagen ay isang uri ng Magician. Malakas sila sa pag gamit ng spell may kakayahan din silang makita ang hinagarap kagaya ng mga warlock at kaya rin nilang pasukin ang isipan ng isang nilalang at mapasunod ito may kakayahan din silang lumklha ng apoy. Napalakas nila ang natutunan sa mga warlock, dahil sila ang mga dama ng mga warlock. Sila ang mga tauhan ng mga warlock kaya ang kapangyarihan at kakayahan ay nanggagaling sa mga warlock. Ang sumunod na Clan ay ang mga Plantier. Ang kapangyarihan nito ay nanggagaling sa halaman. Lumalaks sila kapag may tubig at halaman. Kaya nilang utusan ang halaman at makausap ito kagaya ng mga Ace at warlock. Napapasunod nila ang mga halaman at nagiging sandata nila ito. Kaya sila ang sumunod sa Wagen dahil nasa pangangalaga nila ang mga pangunahing kailangan ng mga nilalang sa Forbidden City. Ang tubig at mga halaman sila din ang nagpruprutekta sa hangin. Ang sumunod ang Engkantasya nasa kanila ang mga diwata ang mga dwarf Ang mga lamang lupa. Magagaling din sila sa larangan ng magic pero takot sila sa gulo. Gusto nila ng katahimikan. Nakatira silamalapit sa gubat dahil kagaya ng mga Plantier sa kalikasan sila kumukuha ng lakas. Sumunod sa kanila ay ang mga wichilius. Ang Wchilius ay pangkaraniwan lang ang powers. Mahina lang ang kakayahan nila sa magic at hipnotismo. Ngunit kaya nilang paamuhin ang lahat ng hayop at nakakausap nila ito. Magaling din sila sa larangan ng pakikipagdigma. Sa kanila nanggaling ang mga knigth na nagbabantay sa hanganan ng Forbidden at mundo ng tao. Sila din ang nangangalaga sa portal. Ang pinaka huli ang mga Guardian wala silang powers pero malalakas sila kaya nilang buhatin ang isang bundok. Malalaking tao din sila at magaling sila sa pakipag laban kagaya ng mga wichilius likas din silang matatalino at mauutak." Basa ko.Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pagbabasa. Nagising ako sa pagdating ni Ronald. Dinalahan ako ng ulam ni Ronald niluto niya ang dala kong kabote sa bahay siya kumain. "Ang cute naman ng bahay mo. Simple lang ang ganda. Ang dami mo palang tanim. Matutuwa ang magulang mo pag balik nila." Sabi niya habang tuwang tuwa na tinitingnan ang mga tanim ko. Maya maya nagpa alam na siya. Sarado ngayun ang tindahan niya kasi sabado. Paagdating ng hapon nagpapakain ako ng mga hayop pinasok ko na sa kulungan ang mga baka. Dumating ang tiyuhin kong si Dugong tinimplahan ko siya ng kape. "Pasensiya Clarizh kong natagalan ang pagdalaw ko sayo mukhang maayos naman ang buhay mo. Nabubuhay mo uli ang Farm." Sabi nito habang tinitingnan ang mga halaman ko. "Sa tulong po ng iniwan nilang pera para makapag umpisa ako." Sabi ko sa kanya. Nagkwentuhan kami tungkol sa mga magulang ko nagtanong ako sa kanya kong anong klase ang mga magulang ko. Hindi din nagtagal nagpaalam na ito dadalaw na lang daw sa susunod. Kinagabihan hindi ako agad nakatulog inisip ko ang napagusapan namin ng tiyo Dugong. Sabi niya parehas kilala ang mga magulang ko dahil sa angkin nilang kakayahan. Parehas daw malakas na Wichilius ang mga magulang ko. Siguradong ganun din daw ako hindi palang lumalabas ang tunay kong power. h Hindi daw agad agad lumalabas ang power ng isang Wichilius minsan daw matagal bago ito lumabas. "Pero ang sabi ni Ina bata palang daw ako nakita na nila ang powers ko. Kaya nga nila kinulong ito sa isang spell dahil maari akong manganib dahil dito. Pero wala siyang sinabi kong gaano ito kalakas at kabilin bilinan niya sa akin na wag kong sasabihin kahit na kanino na naka kulong ang powers ko. Haays nakakaloka ibig sabihin iba ako sa kanila e ano ako kung ganun." Bulong ko sa sarili ko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD