Maagang akong nagising, naligo ako at nagbihis para tumulong sa pagaasikaso ng mga bata sa labas.
Habang nagsususklay may napansin akong kakaiba sa palapulsuhan ko tiningnan ko ito para itong balat na makulay. Pinaghalo ang apat na kulay na nakikita ko dito. Hinawakan ko ito at pinunasan ngunit nagulat ako ng hindi ito naalis.
"Ano ito bat ngayun ko lang nakita ito sa kamay ko?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang bagay na yun sa palapulsuhan ko.
ng may kumatok sa pintuan.
"Clarizh! Clarizh."
Tawag sa akin sa labas ni sister Marites. Kaya binuksan ko ang pintuan.
"Bakit po sister Marites.?"
Tanong ko sa kanya ng makita siya na nakatayo sa labas ng pintuan. May hawak ito na maliit na box.
"May dumating na package para sayo. May gusto sigurong humabol na bumati sayo sa kaarawan mo." Sabi ni sister Marites sa akin at inabot sa akin ang hawak niyang maliit na box. Nagtataka man kinuha ko na lang ang box at nagpasalamat sa kanya.
Kanina ko pa tinititigan ang box. Iniisip ko kong sino ang nagpadala sa akin ng regalo. Katatapos lang kahapon ng pang labing walong taon kong kaarawan kahapon. Nagpansit sina sister Lordes para sa akin at pinagsalusaluhan namin ito kahapon.
Pagdating ng gabi napag pasyahan ko ng buksan ang kahon. Isang sulat, isang parang Compass, isang bilog nakulay green na kumikinang at isang litrato ng isang babae at lalaki habang may karga ang babae na isang baby ang laman nito. Tinitigan ko ang littrato biglang kumalabog ang dib dib ko. Ng pakatitigan ko ang babae may kung ano akong narandaman. Maya maya kinuha ko ang sulat at binasa ko ito.
"Clarizh anak,"
Kumalabog ang dib dib ko ng mabasa ko ito. Ang lakas ng kalabog ng puso ko ng ituloy ko ang pagbabasa may pakiramdam akong may malalaman akong iba sa tunay kong pagkatao.
"Una maligayang kaarawan anak. Alam ko na pag nabasa mo ito tapos na ang kaarawan mo. Ako nga pala si Claire Buarge ang iyong ina isa akong anak ng tower Master. Isang makapangyarihang clan, ngunit sa isang pangyayari naubos ang aming Clan at nagiisa na lang ako na nabuhay sa amin. Kinuha ako ng magasawang Wichilius at pinalaki at inaring tunay nilang anak. Pinakilala nila ako sa Forbidden na anak nila. Kinailangan nilang itago ang tunay kong pagkatao para sa aking kaligtasan. Dahil hindi pwedeng malaman na may isang nabubuhay na Warlock yun ang tawag sa Clan ng mga tower Master at sword master. At si Emil Phanatich ang iyung ama ay isang makapangyarihang Wichilluis.
Anak patawarin mo kami sa pag iwan namin sayo sa Saint Lordes.
Orphanage, kailangan namin yung gawin para sa kaligtasan mo. Pareho tayo na lumaki sa ibang tao pero gusto ko na makilala mo kami. Hindi kagaya ko na hindi ko man lang nakilala ang mga magulang ko.
Hindi ka pangkaraniwan anak.
Isa kang Warlock namana mo ang powers ko nakita namin sayo yun nung ipanganak ka. May marka ka ng isang warlock sa iyung kanang palapulsuhan kaya kinailangan naming ikulung ang powers mo. Patawad anak para na rin sa iyung kaligtasan kaya namin ginawa yun. Upang mabuhay ka ng normal dito sa mundo ng tao at upang hindi ka matagpuan ng mga kalaban.Kaya anak sa oras na lumabas muli ang iyung marka na isang Orakolo at may mga kakayahan ng isang warlock na nakalabas sayo wag na wag mong gagamitin lalo na sa Forbidden City. Itago mo ang iyung pagkatao para sa iyung kaligtasan, mamuhay ka bilang isang wichilius sa Forbidden City hangat hindi mo siya nakikita. Mananatiling naka kulong ang iyung powers at sa oras na magtagpo kayo mag bibigay ito ng senyales at lalabas ang tanda ng isang tower master sayo pero mananatiling naka kulong ang iyung powers hangat hindi niya ito pinakakawalan. Alam ko na naguguluhan ka sa mga nababasa mo pero magtiwala ka lang anak maiintindihan mo rin kami balang araw. Nagkakilala kami ng iyung ama sa Forbidden City. Nakilala niya ako bilang isang Wichilius, hangang sa ikasal kami at namuhay na magasawa. Isang gabi nagkaroon ako ng pangitain na magkakaanak kami at manganganib ito. Hindi ko nakita kong papaano ka manganganib kaya pinagtapat ko sa iyung ama ang tunay kong pagkatao. Nagulat siya nung una pero tinangap niya rin ako hangang sa malaman namin na buntis ako sayo. Napagpasyahan namin na umalis at iligtas ka sa nakaambang kapahamakan at namalagi kami sa mundo ng tao. Pero ilang buwan pagkatapos kitang ilabas sa mundo ng tao. Dumating ang kinatatakutan namin, nahanap kami ng mga nilalang na yun. Gusto kang patayin nila kaya sa ayaw at sa gusto namin iniwan ka namin sa Orphanage na una naming nakita ng tumatakas kami sa mga kalaban natin. Pero bago ka namin iwan sinigurado muna namin ang kaligtasan mo. Sinigurado namin na hindi lalabas ang tunay mong aura. Ang makikita nila ay aura ng isang tao upang hindi ka manganib sa mundo na kalalakihan mo at upang hindi ka rin matuntun nila. Patawarin mo kami kong ginawa namin iyun. Para yun sa kaligatasan mo anak, hindi ka man lang namin dinalaw. Ayaw lang namin na matun tun ka nila pero alam ng diyosa ng buwan gustong gusto ka naming makita. Upang iligtas ka tiniis naming hindi ka makita anak. Pero alam namin na balang araw aalamin mo ang totoo mong pagkatao at alam namin na hahanapin mo ang Forbidden City. Kaya iniwanan ka namin ng magagamit mo sa pagbalik mo sa lugar na yun at upang tangapin ka nila sa kabila ng aura mo. Mahal na mahal ka namin anak magiingat ka lagi. Sa Forbidden City tayo nakatira. Kung sakali na mapagpasyahan mo na pumunta dun anak, gamitin mo ang bilog na kulay green at hanapin mo si Dugong. Ipakita mo yun upang payagan ka nilang manirahan dun at sabihin mo sa kanya na anak ka namin.At para malaman mo kung saan banda ang Forbidden City gamitin mo ang Compas ituturo ka niya kung saan ang Forbidden City.
May iniwan kaming litrato kasama ng sulat nato. Litrato natin yun ikaw yung baby na karga karga ko. Inuulit ko anak patawad mahal na mahal ka namin ng iyung ama.
Hangang sa muli
Ang iyung ina
Clair Buerge"
Natapos ko ang pagbabasa ng sulat na puno ng luha ang mga mata ko. Nanginginig na kinuha ko ang larawan at pinaka titigan ko ito.
"ina...ama."
Maaga akong nagising kinabukasan. Naligo ako at ng matapos asikasuhin ang sarili lumabas na ako ng silid ko. Nagderetso ako sa silid ni Mother Lordes. Kumatok ako sa pintuan, kagabi ko pa napag isipan ang naging disisyon ko. Narinig ko ang boses sa loob na pinapapasok ako. Kaya pinihit ko ang seradora ng pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko na naka yuko ito. Nagtaka ito dahil hindi pa ako nagsasalita kaya lumingon ito sa gawi ko nagulat ito ng makita ako.
"oh. Clarizh may problema ba?"
Tanong nito sa akin habang inaayos ang salamin nito sa mata niya.
"Wala po Mother may gusto lang po akong sabihin sa inyo." Sabi ko dito.
Umayos ito ng upo at pinaupo ako sa bangko sa harapan niya. Mukhang naramdaman nito na seryoso ang sasabihin ko.
"Ano yun iha.?"
Sabi nito. Medyo parang nabarahan ang lalamunan ko kaya tumikhim ako bago nagsalita.
"Nalaman ko na po kong sino ang mga magulang ko at kong ano ang tunay kong pagkatao."
Sabi ko kay Mother Lordes. Nagulat ito sa narinig sa akin.
"Ano ang sinabi mo? I mean saan mo nalama?"
Sabi nito sa akin. Nagulat siya sa sinabi ko at napatitig sa akin. Sinabi ko sa kanya ang nalaman ko sa pagkatao ko at binigay ko sa kanya ang box na dumating kahapon. Binasa niya ito.
" Sabi ko na nga ba. Hindi ka pangkaraniwang, kahit nung una pa lang kitang makita na nasa isang basket. Alam ko na may kakaiba sayo." Sabi nito. Pagkatapos niyang basahin ang sulat ng magulang ko.
"Ano na ang balak mo ngayun. Pagkatapos mong malaman ang totoo mong pagkatao?" Tanong nito sa akin.
"Balak ko po sanang puntahan ang Forbidden City. Baka nandun ang mga magulang ko." Sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako na parang alam na niya na yun ang gagawin ko.
"Sigurado ka ba iha? Paano ang pagaaral mo?" Tanong nito sa akin
magkokolegeyo na ako sa pasukan. Kagagagraduate ko pa lang ng High school. Late na ako naka graduate kasi late din ako nakapagaral. Dahil hinanapan pa ako nila Mother ng sponsor sa pagaaral ko.
"Naiisip ko po Mother na pumunta sa Forbidden City. Dahil baka hinihintay na ako ng magulang ko. Dun ko na lang itutuloy ang pagaaral ko at kong hindi ko po sila nakita dun babalik po ako dito Mother Lordes." Sabi ko sa kanya. Tumango tango ito.
"Alam ko na buo na ang disisyun mo. Hindi kita pipigilan, dahil baka nga nandun ang mga magulang mo at naghihintay sayo. Basta kapag wala sila dun bumalik ka lang dito."
Sabi nito sa akin.
"Kailan ang alis mo papunta sa Forbidden City. Saka san ka kukuha ng pamase mo papunta dun.?"
Tanong ulit nito sa akin.
"May naipon po ako yung mga binibigay niyo po na baon tinatabi ko po. Dahil may pakiramdam ako na kakailanganin ko yun balang araw at ngayun po kailangan ko nga siya."
Sagot ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng nag aalalang tingin.
"Alam mo bang pumunta dun?"
Tanong niya uli sa akin.
"Meron pong sinabi si ina dun sa sulat kong papaano po pumunta dun."
Sabi ko sa kanya.
"At balak ko po na bukas din umalis" Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"Kung ganon magiingat ka iha. Sasabihan ko si sister Milisa na lutuan ka ng babaunin na pagkain mo bukas sa pagalis mo." Sabi ni Mother Lordes
Sa akin.
Kinuha ang telepono na naka konekta sa kusina. Tinawagan niya si sister Marites. Maya maya may kumatok sa pintuan, pinabuksan ni Mother sa akin ang pintuan. Bumungad sa akin si sister Marites pinapasok ito ni Mother Lordes.
"Ipagluto mo ng mababaon na pagkain si Clarizh sa kanyang pagalis bukas." Sabi ni Mother Lordes kay sister Marites. Napa tingin ito sa akin.
"Aalis siya bukas para puntahan ang mga magulang niya sa malayo."
Sabi uli ni Mother Lordes.
"Kailan ang balik mo?"tanong ni sister Marites sa akin.
"Hindi ko pa alam hangat hindi ako nakakarating dun." Sagot ko sa kanya.
Nagpaalam na kami kay Mother Lordes.
"Nasaan ba ang mga magulang mo?"
Tanong uli nito. Ngayun naglalakad na kami papunta sa kusina upang magluto ng mga pagkain ng mga bata.
"Sa Forbidden city sila nakatira."
Sagot ko dito Naka kunot ang noo nito ng lumingon sa akin.
"Yung nawawalang city yun ah."
Sabi nito sa akin Napa lingon ako dito sa sinabi niya.
"Anong nawawala sister.?"
Tanong ko sa kanya.
"Ang alam ko magmula pa nung unang panahon wala pang nakakita sa lugar na yan." Sabi nito sa akin.
"Pano mo naman nalaman sister ang tungkol dun?" Tanong ko dito.
"Dahil tagaroon ako sa lugar na sinasabi kong nasaan ang City na yan." Sabi nito sa akin. Natahimik ako sa sinabi niya.
"Kung nawawala yun sister bakit yun ang nakalagay na lugar ng mga magulang ko sa sulat?" Tanong ko dito napaisip siya sa sinabi ko.
"Hindi ko din alam Clarizh. Baka natagpuan nila ang lugar na yun. Masmabuti pa puntahan mo na lang ang sinabi nilang lugar kesa mag isip pa tayo. Basta pag nakita mo na ang lugar na yun sulatan mo ako. Ikwento mo kung anong klaseng lugar yun at kung nasaan siya banda."
Sabi ni sister Marites sa akin.
Nagising ako ng maaga kinabukasan. nagasikasi ng sarili bago lumabas. Nagtungo ako sa kusina para tumulong.
"Iha. Bat nandito ka? Diba ngayun ang alis mo?" Tanong ni aling Bebang. Ang kusinera sa bahay ampunan. Tumango ako dito.
"Oh. Ganun pala, bat nandito ka?"
Tanong ulit nito sa akin.
"Para tumulong po sa inyo. Mamaya pa naman po ang alis ko"
Sagot ko sa kanya. Maya maya may lumapit sa akin, ng lingonin ko nakita ko si sister Marites. Hinawakan ako nito sa balikat at giniya palabas ng kusina