Chapter 6

2019 Words
Kinabukasan pagkatapos ko sa mga gawain ko nagpunta ako sa gubat. Panatag ako na pumunta sa gubat kasi araw namin ngayun. Pagdating ko sa gubat na nguha ako ng mga kahoy at mga kabote pagkatapos umakyat ako sa mga puno marunong na akong umakyat tinuruan ako nila Alice. Umakyat ako sa puno ng mansanas nagpalipat lipat ako sa puno sa pamamagitan ng pag lambitin sa baging. Tinuruan naman ako ni Rod kung papaano mag lambitin sa baging papunta sa kabilang puno. Para daw makakasabay ako sa mga kaibigan ko. Kasi lagi nila akong hinihintay dahil ako lang ang mahina sa kanila. Pagdating ko sa mga sanga kumuha ako ng isang bunga. "Bakit kaya wala siya ngayun?" Bulong ko. Kanina pa ako nagpapalipat lipat sa sanga ng mga puno. Hindi ko pa nararamdaman si Rod. Hangang sa napagod ako sumandal ako sa katawan ng puno habang nakaupo sa isang malapad na sanga. Nakatulog ako sa pagod. Lagi ko itong ginagawa pagkatapos kong manguha ng mga kahoy dahil pag nasa gubat ako nakakaramdam ako ng kapanatagan kahit nakikita ako ng mga plantier hindi na nila ako ginagalaw alam na nila na may pahintulot ako kay Rod. Nagising ako dahil sa pag dapo sa akin ng isang ibon. Dumilat ako nakita ko ang isang napaka gandang ibon. Napa ngiti ako ewan ko hindi ko napansin na kinakausap ko na siya ng lumipad ito saka ko lang napansin na naiintindihan ko siya. "Teka. Naiintindihan ko siya. Tama ba ako?" Bulong ko. "Hindi naaalimpungatan lang ako mabuti pa umuwi na ako." Bulong ko ulit sa sarilj ko. Tumalon na ako pa baba. Tinali ko ang mga kahoy at nilagay ito sa likod ko. Saka ko tinali sa bewang ko ang mga plastik na nilalagyan ng mga prutas at kabote. Yung mga bulaklak naman ay hawak ko. Saktong kinukuha ko sa lapag ang mga bulaklak ng may narinig ako na malakas na tunog sa paligid ko parang tunog ng isang Ostrich. Kaya nagmamadali kong kinuha ang mga bulaklak sa lupa. Ng tumayo ako nagulat ako ng may mapansin akong nasa tabi ko nilingon ko ito laking Gulat ko ng wala akong makita kung hindi makapal na balahibo. "May nasa tabi ako kaninang puno na ganito? Parang ngayun ko lang nakita ito. Ano bang puno ito?" Tanong ko sa sarili ko. Kaya tumingala ako. "Aaay!!" Tili ko sabay takbo. Paglingon ko nasa likod ko siya mabilis na hinahabol ako. Kaya naman mas binilisan ko pa ang takbo ko habang tumitili. Ng makalabas ako ng gubat tuloy tuloy parin ang takbo ko, habang tumitili kaya ng makakita ako ng tao tuloy tuloy ang takbo ko sa kanya. Hindi ko na alam kong sino siya basta ang gusto ko magtago sa kanya. Kaya ng makalapit ako sa kanya hinila ko siya at nagtago ako sa likod niya. Saka naman dumating ang malaking Ostrich. Kaya mas lalo akong nagtago sa likod niya. Ng makita ng Ostrich ang lalaki sa harap ko bigla na lang itong huminto at niyuko ang ulo. Nagulat ako saka ko lang nakita ang mga nakaputing armore at baluti may mga hawak itong ispada. Nakatingin ito sa akin kaya mas lalo akong nag siksik sa lalaking nasa tabi ko. *****AXEL POV#*""""" "Mukhang naiinip kayo great Axel." Sabi ni Mouris nakita niya kasi ako na walang imik at nakatingin sa ibaba ng lugar namin. Nalaman din niya na hindi ako lumalabas ilang araw na at nagiging masungit daw ako nitong huli. Tumingin ako sa kanya sandali pero hindi ako umimik at saka binalik ang tingin sa labas. "Gusto mo bumaba tayo para malibang ka. Marami ngayun bunga ang mga puno." Sabi ni Mouris pero hindi parin ako umimik. Kaya hindi na siya nagsalita. Maya maya nagpaalam na ako sa kanya at pumasok na sa kwarto ko.Tiningnan niya na lang ako palayo. "Hindi kana nasanay Mouris kailan kaba niya kinausap lagi naman parang wala ka sa paligid niya. Kahit pa ikaw ang mate niya." Bulong niya sa sarili. Na lulungkot siya sa tuwing tinatrato ko siya ng ganito. Kahit kasi pumayag ako na siya ang mate niya Hindi ko maramdaman sa kanya ang senyales na siya ang mate ko kahit si Draco ayaw sa kanya . Kinabukasan tinanghali ako ng gising dahil sa kakaisip sa sinabi ni Mouris. Naiinip na ako dito sa taas. "Sa bagay matagal na ng bumaba kami. Siguro oras na para may bumaba sa amin at alamin ang nangyayari sa baba." Sabi ko. Kaya lumabas ako para kausapin ang mga magula ko tungkol sa pag baba ko. "Maganda yung naisip mo iho.Tama ka matagal na ng bisitahin natin sila." Sabi ng ama ko. Kumakain kami ng tanghalian ng sabihin ko ang balak ko pagbaba. "Isama mo ang mate mo iho para may mag gabay sayo sa ibaba. Sanay na sanay ang mate mo sa ibaba dahil lagi siyang nandun." Sabi ni Ina. "Ina hindi ko na kailangan ng gabay hindi na po ako bata. Saka hindi po ako pupunta sa ibaba para mamasyal. Aalamin ko po ang kalagayan nila ina." Sabi ko kay ina. Sumangayon ang kanyang ama sa sinabi ko. Kaya Pinaghanda ko ang mga tauhan ko sa pagbaba ko. Pinatunog ang kampana hudyat may darating na Ace Clan Kaya nagmamadali na nagsipag pasukan ang mga tao sa kanila kanilang bahay. Sinarado ang mga bahay nila nagmamadaling pinuntahan ni Ronald ang bahay ni Clarizh para sabihan na magsara at wag lalabas dahil nandito ang isa sa mga Ace. Pero sarado ito ibig sabihin wala ang dalaga sa bahay niya. "Hay. Saan kaya nagpunta ang babae na yun ngayun." Sabi ni Ronald habang nagmamadaling bumalik sa bahay niya. Bago ako bumaba at ang Dragon ko Pinag sheald muna ang mga nilalang na nasa ibaba. Pag baba ko pinabalik ko na muna ang Dragon bago ako nakipagusap sa pinuno ng mga Wichilius na si Ocarius. Gamit ang powers na sheald ay nakipag usap ito sa akin. Hindi nila kayang humarap sa akin ng walang sheald dahil maari nilang ikapahamak ito dahil nababalutan ako ng aura ng Dragon. Saktong katatapos lang naming magusap ng makarinig kami ng isang sigaw ng babae papalapit ito sa amin, nanggagaling ito sa gubat. Saktong lilingon ako sa gubat ng may makita akong isang binibini na mabilis na tumatakbo papunta sa akin. Laking gulat ko ng bigla akong hatakin nito at nagtago sa likod ko. hindi pa ako nakaka imik ng mabilis ding dumarating ang alaga kong Ostrich galing din sa gubat. Ng makita ng Ostrich na nasa likod ko ang binibini na hinahabol nito lalo itong naging mabangis. "Odrie. Stop.!!" Sigaw ko sa hayop sabay hawak sa ulo nito. Natakot naman ang hayop agad na lumuhod at tinago ang ulo sa makapal na balahibo. Saka lang kumalma ang binibini sa likod ko at bumitaw na sa akin. Ng magpasalamat ito saka lang nag sink in sa akin na nahawakan ako ng binibini. "P. Paanong?" Gulat na napatingin ako sa binibini na nasa harap ko. Mas lalo akong nagulat ng may mapagtanto ako sa aura ng babae. "Human!" Bigkas ko uli. Kumamot naman ng ulo ang babae saka tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Nagulat ako parang may kung ano na bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko. Kaya wala sa sarili na tinitigan ko ang babae. Madungis ito puro putik at may kahoy na nasa likod niya. May mga plastik na nakatali sa bewang nito.umiwas ng tingin ang babae sa akin. "Sorry!" Hinging paumanhin nito ng mapagtanto ang itsura niya. Parang hiyang hiya ito.Pero ng makita na palapit sa kanya ang mga kawal at mapagtanto na napapalibutan kami ng mga kawal. Bigla ulit itong nagtago sa likod ko. Nakita ko na mas lalong nagalit sila pinonong Ocarius at Mildguard kaya aktong papagalitan ang binibini na nasa likod ko. Pero inawat ko ang mga ito. "Stop. Mas lalo siyang natatakot ng dahil sa inyo." Sabi ko sa mga ito. "Pero great Axel_" "Ok lang kasalanan ng alaga ko. Kaya siya nagpanic." Putol ko sa sasabihin ng pinuno ng mga knigths. Ang ginawa ko hinawakan ko ang kamay ng binibini at inalalayan na pumunta sa harap ko. Hindi ko maintindihan kung bakit naaliw ako sa itsura nito. "Sino ka binibini at saang clan ka kasama?" Tanong ko dito. eto naman at ng hingi ulit ng pasensiya. Saka yumuko at nilaro ang kamay niya na puno ng putik. "Ako po si Clarizh Phanatich." Pakilala nito sa sarili. "Phanatich kaano ano ka ni Emil Phanatich.?" tanong ko ulit dito. Hindi ko alam bat aliw na aliw ako sa kakatingin dito. "A. Ama ko po siya." Sagot nito. Nakita ko nagulat ang lahat lalo na ang dalawang pinuno. Mukhang hindi alam ni pinunong Ocarius na galing sa clan niya ang binibini. "Tao mo pala ito pinunong Ocarius." Sabi ko sa pinuno ng mga Wichllius. "Ipagpaumanhin niyo po great Axel. Ako na po ang bahala na mag parusa sa nagawa niya." Sabi nito sa akin. Napa kunot ang noo ko. "Hindi mo siya parurusahan pinunong Ocarius. Mukhang bago siya dito kaya hindi niya alam ang tungkol sa kampana. At mukhang natakot siya sa alaga ko kaya ipahatid mo na siya sa kanyang tirahan upang makapag pahinga." Sabi ko sa pinuno ng mga Wichullius. Nagkatinginan sila Mildguard at Ocarius. "Sige na binibini sumama kana kay pinunong Ocarius." Sabi ko sa binibini. Nagpasalamat ito sa akin bago nagaalanganin na lumapit sa pinuno niya. Naghingi sa akin ng paumanhin ang pinuno ng mga wichilius dahil sa nagawa ng member niya. Inutusan niya ang isa niyang kawal para ihatid ang binibini. Ng makaalis ang binibini at ang kawal ay pinagusapan na namin ang nangyayari sa lugar ng mga wichilius.. ******CLARIZH POV#**** Hinatid ako ng isang kawal sa Farm. Nagpasalamat ako dito ng makarating kami sa bahay. Ng umalis ito at mabuksan ko ang pintuan sa kusina nanghihina akong napaupo sa sahig. "Haays. Clarizh ano ang ginawa mo kaloka ka." Bulong ko. Saka nagpapadyak hiyang hiya ako sa nangyari. "Haays. Bakit kasi hindi mo narinig ang tunog ng kampana.kaloka ka talaga." Bulong ko ulit. Inis na inis ako sa sarili ko. Ng mahimas masan binaba ko ang mga kahoy na nasa likod ko at binaba sa lababo ang mga prutas at kabote na nasa plastik pati na rin ang mga bulaklak. Saka kumuha ng tuwalya sa kwarto at pumasok sa banyo ng lumabas ako padilim na kaya sinindihan ko muna ang mga lampara bago ako nagbihis. Ng makapag bihis hinugasan ko ang mga prutas at inayos sa lamesa yung mga bulaklak naman ay nilagay ko sa mga vase saka hinugasan ko ang mga kabote at nilagay sa butas butas na lalagyan saka tinakpan. Ininit ko ang kanin at ang ulam na gulay na niluto ko kanina saka kumain. Kanina pa ako nakahiga pero hindi ako makatulog paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari. "Haays. Katanga mo kasi haays." Maktol ko saka bumangon at nagtimpla ng kape. Saka kumuha ng libro at nagbasa ng mga batas dito sa Forbidden City habang umiinom ng kape. "Sayang hindi ko naalala ang mukha niya. Kasi sobra ang nerviuos ko kanina kaya nakalimutan ko ang mukha niya. Gwapo siguro siya kasi ang ganda ng suot niya eh. Prinsepe din kaya siya kagaya ni prinsepe Rod." Bulong ko. Nakahiga na ako. "Hindi siguro. Kasi hindi Prinsepe ang tawag nila sa kanya. Ano nga ba yun?" Bulong ko ulit at inisip ang pangalan niya. "G. Great Axel.!" Tama yun nga ang tawag nila sa kanya.Siguro mataas din ang katungkulan niya. Kasi marami siyang alalay at ginagalang siya ng dalawang pinuno." Bulong ko. Hangang naka tulog ako sa kakaisip sa kanya. Kinabukasan tinanghali ako ng gising kung hindi ko pa naririnig ang katok nila Alice hindi pa ako babangon. Naghihikab ako habang binubuksan ang pintuan "Aba at kakagising lang ng binibini.!" Sabi ni Alice ng makita na naka padyama pa ako at hihikab hikab. "Anong oras ka na natulog at tinanghali ka bumangon?" Tanong nito sa akin. "Ginabi kasi ako matulog. Nagbasa kasi ako tungkol sa pag ani ng palay.." Pagsisinungaling ko. "Bat nga pala kayo nandito. Siya nga pala gusto niyo ng kape?" Tanong ko sa kanila ng makaupo sila sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD