"Sige ba kung bibigyan mo kami eh."
Sagot ni Katie. Kaya bumaba ako at nagtimpla ng kape para sa aming apat at dinala ko ang monay na binili ko kahapon at ang palaman saka nilagay lahat yun sa isang tray ay umakyat na.
"Bat nga kayo nandito.?"
Tanong ko sa kanila habang nakaupo at kumakain ng tinapay.
"Ahm. Ano ba ang nangyari sayo kahapon bat pinapasundo ka ng ama ni Dia?" Tanong ni Katie sa akin.
"May ginawa ka na naman na kalokohan no?" Tanong naman ni Alice.
"wala.."
Sagot ko sa kanila. Tiningnan nila ako.
"Wala. Bat ka pinapasundo sa amin?"
Tanong uli ni Alice habang kumakain ng tinapay. Napa kamot ako sa ulo ko.
"Oo na meron ngang nangyari kahapon." sabi ko sa kanila.Napatingin sila sa akin.
"Ano?" sabay sabay na tanong nila. Habang sabay sabay ding tumingin sa akin si Alice napa hinto sa pagsubo ng tinapay niya. Si Katie napahinto sa pagpapalaman ng tinapay niya.Samantalang Si Gina napahinto sa paghigop ng kape niya.
"Haaays, ano ba kayo. Hindi ko kasi narinig yung tunog ng kampana eh."
Sabi ko hininto nila ang mga ginagawa at tumingin sa akin. Parang hinihintay nila na mag kwento ako kaya nag kwento ako.
"Si great Axel?"
Sabay sabay na tanong nila uli. Kaya napa tingin ako sa kanila.
"Talaga? Na hawakan mo si great Axel?"
Tanong ni Alice sa akin na parang hindi makapaniwala.Kaya tumango ako. Nagka tinginan sila saka tiningnan ako ng maigi. Si Alice ang hindi naka tiis nilapitan ako at tiningnan niya ang kamay ko yung braso ko yung katawan ko.
"Haays. Ano ba Alice ano ba ang ginagawa mo kaloka ka naman?"
Sabi ko dito at inawat siya sa ginagawa.
"Kasi sabi mo nilapitan mo at hinawakan si great Axel."
Sabi nito sa akin.
"Oo nga. E ano naman ngayun kung hinawakan ko yun masama ba?"
Tanong ko sa kanila. Nagtataka na ako sa reaction nila sa kwento ko.
"Paano nangyari yun?"
Tanong ni Katie. Tumango naman si Gina.
"Anong paano nangyari yun eh nangyari na nga. Teka teka. Ano ba talaga ang nangyayari?" Tanong ko sa kanila.Napapakamot ako sa ulo ko.
"Kasi Clarizh ang mga Ace hindi pwedeng lapitan. Sobra silang makapangyarihan kaya walang nakakalapit sa kanila, kung hindi ang mga pinuno lang at yung mga kawal pati narin yung dama na tinalaga sa kanila. Binigyan nila ang mga ito ng proteksiyon. Dahil kailangan ng matinding kapangyarihan para makagawa ng sheald na magagamit mong proteksiyon para makalapit ka sa kanila. Pero walang sino man ang nakakahawak sa kanila dahil sa lakas ng powers nila maari kang malusaw kaya kahit ang mate niya hindi makalapit sa kanila. Gawa iyon ng mga dragon na nasa katawan nila pwede silang makausap pero sa sapat na distansiya lang yung hindi na abot ng aura ng Dragon.
aya kapag bumababa sila dito kailangan magpatunog ng kampana para maging hudyat sa lahat ng mga nilalang sa lugar na pupuntahan nila. Na hindi sila pwedeng lumabas dahil maari silang malusaw kapag hindi nakaya ng powers nila ang aura ng mga Ace?"
Mahabang paliwanang ni Katie. Napatanga ako sa narinig.
"Totoo ba yung narinig ko anong powers ang sinasabi nila? Yun din ba ang sinasabi ng ina sa sulat niya."
Bulong ko sa isip ko.
"Kaya paano ka nakalapit kay great Axel lalo nat siya ang pinakadilikado sa lahat ng Ace. Dahil ang Dragon niya ang Pinakamakapangyarihan sa lahat ng Ace?" Tanong ni Alice sa akin. Napatanga ako sa kanila.
"Oo nga. Lalo na at wala ka manlang powers isa kang Human."
Sabi naman ni Gina. Nag kibit balikat lang ako. Kong sila nga hindi nila alam ako pa kaya. Ano naman ang malay ko sa mga powers na yan e wala naman yan sa kombento na pinanggalingan ko no. Pagkatapos naming kumain, naligo muna ako at nagbihis bago kami umalis. Nagpunta kami sa malaking bahay nila Dia. Ng dumating ako pinapunta ako ng ama ni Dia sa silid aklatan.
"Maupo ka iha."
Sabi nito ng makita ako. Kaya naupo ako. Tinitigan niya ako.
"Hindi ko alam kong paano mo nagawa na makalapit sa isang Ace samantalang wala akong nararamdaman sayong kakaiba. Hindi ka naman special wala bang binigkas ang mga magulang mo sayo iha?"
Tanong sa akin nito. Umiling ako kaya tinitigan niya ako ng maigi saka umiiling na tumayo. May kinuha ito.
"Dahil sa ginawa mo siguradong manganganib ka. Dahil siguradong nakuha mo ang pansin ng lahat. At dahil may utang na loob ako sa mga magulang mo hindi ko hahayaan na masaktan ka nila. Kaya gamitin mo ito bilang pruteksiyon mo. Isa iyan sa gamit na naiwan ng iyong ina."
Sabi niya sa akin at inabot sa akin ang isang kahon. Nagtataka man ay inabot ko na lang ito.
******OTHER PERSON POV#******
"Sino siya? at paano niya nagawa iyon?" hindi ako makapaniwa sa nakita ko.
"Paano siya nakalapit kay Axel samantlang kami hindi namin magawa.."
Bulong ko kahit nasa kwarto na ako hindi maalis sa isipan ko ang mga pangayayari.
"P. Pa. Paanong nagkaanak sila? Wala naman silang anak ng makita namin noon. Pa..Papaanong sinasabi ng binibini na yun na anak siya nila.."
Bulong ko nag salin ako ng alak.
"Kung ganon nilinlang nila ako!!"
Sigaw ako at binato ang baso na may lamang alak sa sahig.
"Hindi maaari kami lang dapat at wala ng iba!!" Sigaw ko na naman.
"Kami lang!!" galit na galit na sigaw ko.
"Dahil Ang anak ko ang nasa propisiya at Wala ng iba." Sabi ko.At napaisip.
******CLARIZH POV#*****
Hangang sa naka uwi na ako. Hindi ko parin maintindihan ang sinasabi ng ama ni Dia sa akin. Tinitigan ko ang box na binigay niya hindi ko pa ito binubuksan. Maya maya napagpasyahan ko na buksan ito. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan. Nakita ko na isang belt ang nasa kahon kulay gold ito. Kinuha ko ito saka sinuot sa bewang sukat ito sa akin. Kaya sinuot ko ito hindi ito kita kasi naiilaliman ito ng tshirt ko na mahaba. Lumabas na ako para mag asikaso ng mga alaga kong hayop. Pagkatapos nagdilig ako ng halaman. Nagulat ako sa pagdating ni Ronald may dala dala itong ulam.
"Clarizh O gumawa ako ng mushrom soup at nag prito ako ng tilapia."
Sabi nito sa akin. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang tupper na dala niya.
"Oy tyempo hindi pa ako nakaluto ng ulam." Sabi ko sa kanya habang pumapasok sa kusina.
"Yung binigay mo yan sa akin kanina."
Sabi nito. Sinalin ko naman ang dala niya sa lalagyan saka inabot sa kanya ang tupper.
"Oy malapit na niyang anihin ang mga tanim niya." Sabi nito habang nakatingin sa gulay na tanim ko.
"Oo nga sa wakas."
Sabi ko sa kanya. Nagpaalam na ito sa akin. Kaya tinuloy ko ang ginagawa ko ng matapos nag igib ako saka kumain na.
******
Mabilis na lumipas ang araw na lilibang na naman ako sa pangunguha ng mga kahoy ng magulat ako may kumiskis sa likod ko nilingon ko ito.
Nakita ko ang isang malaking Ostrich.
"Odrie.!!" sigaw ko sa tuwa. Ilang araw ko ng hindi nakikita ito lagi ko itong kasama magmula ng habulin niya ako. Ng magkita kami uli hindi na ako natatakot sa kanya. Isa pa nakakausap ko siya Hindi ko na ipinagtaka yun kasi lahat ng hayop dito nakakausap ko hindi ko alam kung papano nangyari yun basta sa hindi ko malamang dahilan na iintindihan ko siya at nakakausap kaya naging malapit kami sa isat isa gusto niya lang pala sa akin nun makipag laro kaso natakot ako sa kanya.
"Nakatakas ka na naman no.?"
Sabi ko dito. Kasi nalaman ko na tumatakas lang ito sa kanila at pumupunta ito sa gubat. Dati na pala ito pumupunta dito hindi lang nakakalapit sa akin kasi hinaharang ni prinsepe Rod. Dahil alam niya na matatakot ako pag nakita ko ito. Marami pa sila na hayop na nandito sa gubat dati natatakot ako sa kanila pero nung huli nakakausap ko na sila. Kaya nasanay na ako sa kanila at sa lugar namin kilala na nila ako dahil lagi akong nagbebenta ng kahoy at mga prutas at kabote. Magmula ng patikimin sila ni Ronald ng niluto niyang kabote nalaman nila na hindi nakakalason ito at masarap ito kainin kaya magmula nun bumibili na sila sa akin. Sa gubat naman kilala na nila ako. Hindi naman daw ako mapanganib kaya pinababayaan na lang nila ako. Tanging si Mouris lang ang lagi kong nakakasagutan kasi mas lalo pang uminit ang ulo nun sa akin ng malaman niya na nakalapit ako at nahawakan ko ang mate niya. Hindi iyon naging big deal sa mga nilalang dito sa Forbidden City nung una nagtaka sila at kung ano ano ang sinasabi pero sa tuwing nakikita nila ako naisip nila na kaya lang ako nakalapit kay great Axel dahil Human ako. Yun lang yun walang special dun.
At hindi na naman yun na ulit dahil naging alerto na ako sa tunog ng kampana sa tuwing maririnig ko yun nagmamadali agad akong umuwi at kapag nasa gubat ako nagmamadali akong magtago. Lumalabas lang ako kapag tumunog na ang isang kampana. Naging tahimik ang mga araw ko. Kasi iniiwasan ko na ang mga wagen kapag nalalaman ko na naandiyan sila nagmamadali akong pumunta sa kweba na taguan ko. Kaya hindi nila ako nakikita at saka binabantayan ako ni prinsepe Rod.
Nalibang ako sa pakikipag laro sa Ostrich kaya hindi ko alam na napalayo na pala ako. Hinahanap na ako ni prinsepe Rod kasi hindi niya na ako nakikita.
****MOURISH POV#*******
Samantalang. Kanina ko pa pinagmamasdan ang Human na babae.
Nagtataka ako kung ano ang meron dito at nakalapit ito sa mate ko.
"Human." Sabi ko habang nakatingin kay Clarizh.
"Prinsesa ano po ang gagawin namin sa pangahas na yan?"
Tanong ng dama ko habang nakatingin Kay Clarizh na tuwang tuwa na nakikipag habulan sa Ostrich.
"Hayaan niyo siya. Iniisip ko pa ang gagawin ko sa kanya."
Sabi ko sa dama ko. Ng sa darating ang isang dama ko.
"Prinsesa nasa hardin ang mate mo kasama ang dragon niya."
Sabi nito sa akin ng marinig ko ang sinabi nito bigla akong may naisip at napa ngiti ako.
"Tingnan ko lang kong makakatawa ka pa mamaya human."
Sabi ko. Maya maya komumpas ako.
****CLARIZH POV#********
Samantalang tuwang tuwa na nakikipagharutan ako sa Ostrich ng bigla na lang itong lumuhod. Natawa ako kaya sumakay ako sa kanya.Nagulat ako ng mapansin ko na nasa itaas na kami ng pinaka mataas na bundok. Lumuhod ulit ito kaya bumaba na ako.
"Odrie san mo ako dinala ang ganda naman dito." Sabi ko at nagtatakbo ako. Nagulat ako ng may makita akong nagliliwanag banda sa kaliwa ko. Ng lumingon ako dito nagulat ako ng makakita ako ng isang Dragon na kulay puti napa tulala ako dito.
Dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko nagulat ako ng maramdaman ko na may humihila sa aking pwersa. Ng tumingin ako uli sa Dragon nagulat ako nakatingin na ang kulay blue niyang mata sa akin. Kinabahan ako sa nalaman ko na siya ang humihigop sa akin palapit sa kanya.
Maya maya may naramdaman ako na parang may gustong lumabas sa akin pero hindi makalabas kaya parang nagsisikip ang paghinga ko. Unti unting lumalabo ang lahat sa akin Pero bago pa ako mawalan ng malay nakita ko ang isang lalaki na pamilyar sa akin ang kanyang kasuotan na may sinasabi sa Dragon. Habang palapit ako sa Dragon ng makalapit ako dito nagawa ko pang hawakan ang mukha nito bago nagdilim ang lahat sa akin.
*******GREAT AXEL POV#*****
Naisipan ko na pumunta sa hardin dahil sa aliwalas ng panahon naisipan kong palabasin ang Dragon ko kaya pina layo ko ang mga kawal at pinag sheald ang mga ito. Saka pinalabas ko ang Dragon nalilibang ako sa pakikipag usap dito habang naka tingin ako sa ibang dereksyon. Ng may maramdaman akong ibang pwersa kaya napa lingon ako sa Dragon nagulat ako ng makita na hinihigop ng Dragon ko ang isang binibini ng makita ko ang mukha ng binibini nagulat ako dahil ito yung binibini na gusto kong makita sa tuwing baba ako.