Chapter 2

2155 Words
Masakit ang ulo ng dalaga kinabukasan pero kailangan niyang bumangon dahil may klase pa siya. Kaagad na dumeritso na siya sa dutsa at napasigaw nang mabasa siya ng sinlamig ng yelong tubig. Nagising naman ang diwa niya kaya napabuntong-hininga siya. Pagkatapos niyang maligo ay napatingin siya sa malaking salamin at tiningnan ang kaniyang katawan. Nandoon pa rin ang malaking peklat pero hindi na masiyadong kita dahil maputi siya. Kaagad na nagbihis na siya at lumabas na ng bahay. Hindi na siya nag-abalang kumain dahil wala namang magluluto para sa kaniya. Mag-isa lang siya ngayon at ang kasambahay na naglilinis ay MWF naman ang punta at hindi stay in. “What a day!” aniya at nagmaneho na papuntang eskuwelahan. “Hey!” tawag sa kaniya ni Kai. Tinikwasan niya lang ito ng kilay. “What?” Pansin niya ang pagpapapansin nito sa kaniya. Hindi nga niya alam kung ano ang nakain nito at medyo kakaiba na. Napansin niya lang ito nu’ng mga nakaraan pa. “Suplada mo ngayon ah. Wrong bed?” tanong ng binata. Kinunutan niya lang ito ng noo at hindi sinagot. “Mia, can we talk later?” wika nito. “About what? Busy ako may gala ako mamaya,” sagot niya. “About us,” anito. Natigilan naman siya at gulong-gulo na tiningnan si Kai. “Us? Kailan ba nagkaroon ng tayo?” aniya rito. Nilapitan naman siya ni Kai at ginulo ang kaniyang buhok. “Magkakaroon pa lang,” saad nito at nginitian siya nang matamis. Napakurap-kurap naman siya at hindi makapagsalita. “See you later,” anito at nauna na sa kaniya. Naiwan naman siyang hindi alam kung ano ang gagawin at sasabihin. She was stoo stunned to speak. “Ano ang ibig niyang sabihin?” Sumunod na siya rito at napangiti nang tipid. Mukhang gumagalaw na ang baso sa kanilang dalawa. Pagdating nga niya sa room nila ay kita niya ang kakaibang ngisi ng mga kaklase niya. “What? Bakit ang saya-saya ng mukha niyo? It’s too early to be happy,” saway niya sa mga ito. Hindi naman sila nagpatinag at mukhang tinutukso pa sila ni Kai. Natigil lang iyon nang dumating ang propesor nila. Pansin niya rin ang kaibigang si Adriana ay mukhang masaya ngayon. “Ano ang meron?” tanong niya rito. “Sa ano?” “Ba’t ang saya-saya mo tingnan? May nangyari ba sa inyo ni, Gov?” usisa niya rito at nginitian ang kaibigan. Hindi naman ito nakasagot at sobrang pula ng mukha at taenga. Para namang sinilihan si Mia sa kilig. “Uy! Grabe ka na. Super malihim ka na ha. Ano na? Ano na ang real score niyong dalawa ha?” wika niya. “Huwag ka nga. Hinaan mo ang boses mo,” saway nito sa kaniya. Natawa naman si Mia at lalo pang tinudyo ang kaibigan niya. Bandang hapon nga ay inaya siya ni Kai na mag-dinner sila sa isang restaurant. Pumayag naman siya. Talagang crush niya pa rin si Kai hanggang ngayon kahit alam niyang nagdadalawang-isip siya. Gusto niya ang binata pero hindi niya sure kung kaya niya bang mag-commit dito. Kung kaya niya bang i-next level ang relasiyon nila. Talagang bumili pa siya ng damit at nag-ayos para sa dinner date nila. Convoy sila kaya pumunta na siya sa restau. Pagdating nga niya roon ay kitang-kita niya sa loob si Kai na naghihintay sa kaniya. Napangiti naman siya at bumaba na ng kotse. Kamuntik pa siyang bumangga sa lalaki dahil nakapokus siya sa cellphone niya. “Sorry,” aniya at napatingin dito. Natigilan siya at sana pala tiningnan niya muna ito bago nag-sorry. Tinalikuran niya na lang ito at mukhang sisirain lang nito ang romantic date night niya. “Are you following me?” saad nito. “Excuse me?” sagot niya rito. Nilapitan naman siya ng binata at sinipat pa ng tingin ang buong katawan niya. “What are you looking at?” asik niya rito. “Talagang nagbihis ka pa ng maganda. Are you trying to seduce me again this time young lady?” sambit nito at nginitian pa siya. Natawa naman nang pagak si Mia at tiningnan ito sa mata. “Really, Rogue? Kahit ikaw pa ang huling lalaking maiiwan sa mundong ‘to hinding-hindi ako magpapapansin sa ’yo. Sino ka ba? I’m not following you either dahil hindi ako aso,” sagot niya rito. “Why Mia? Nakalimutan mo na bang halos gabi-gabi mo akong pinupuntahan noon sa condo ko?” anito. Naikuyom naman ng dalaga ang kamao niya at galit na tiningnan ito. “That was before. Masiyado lang akong inosenti para patulan ang isang tulad mong demonyo. Pinagsisihan ko ‘yon!” gigil niyang sabat. “Ah! Really? Base sa pagkakaalala ko wala kang pagsisisi sa mga nangyari noon. You keep on screaming my name, you’re begging for more and—” “Am I still begging you for that?” malamig niyang tanong dito. Natigilan naman si Rogue at tiningnan siya. Huminga pa ito nang malalim at hinawakan ang mukha niya. Kaagad na umiwas naman siya at lumayo rito. Natawa naman ito sa kaniyang reaksiyon. “Hindi ka makasagot ‘di ba? Ano ba sa sinabi mo ang hindi mo maintindihan? Pwede bang huwag mo ng guluhin ang buhay ko? Huwag kang papansin dahil hindi ka nakakatuwa,” inis niyang wika rito. “Come on, Mia. Alam naman nating nagpapapansin ka pa rin sa ‘kin. I know that stares. Alam kong hinahanap-hanap mo pa rin ang mga hawak ko,” anito sa halos pabulong na ang boses. “You’re right. I craved for it every night, before. Pero huwag mong kakalimutang that was two years ago. Hindi na ngayon. Iba na ngayon kaya please lang. Huwag mo na akong guluhin pa. I’m taking my time and trying not to do the same mistake anymore. Inaayos ko ang buhay ko kaya ayusin mo rin ang sa ‘yo. Matanda ka na at malapit na ring lumagpas sa kalendaryo. Ayusin mo ang buhay mo at mukhang paurong ka,” aniya rito at inirapan pa bago tinalikuran. Natigilan siya nang hawakan nito ang braso niya. “Ano ba?” asik niya rito. Kita niya ang galit sa mga mata nito. Napakalamig nu’n. It was getting familiar to her. Napakalamig din ng mata nito noong nalaman nitong niloko niya ito. Galit na galit ito nang malaman nito ang katotohanang she was just eighteen years old and not twenty-four. “Are you insulting me? Nakalimutan mo na bang ako ang niloko mo noon ha?” sambit nito. “Bakit ba lagi mong ini-issue ang edad ko noon ha? Nangyari na ‘yon. That was two years ago ilang beses ko pa bang dapat ulit-ulitin iyan sa ‘yo ha? Maging masaya ka na lang dahil hindi naman kita inobliga sa nangyari. Hindi kita ginulo t’saka bakit ba galit na galit ka ha? Magpasalamat ka na lang dahil sa ‘yo ko isinuko ang bataan ko. Hindi nga big deal sa ‘kin iyon, sa ‘yo pa kaya? Sa inaakto mo parang ikaw pa ang nawalan ng virginity. Napaka-OA!” inis niyang wika rito. Kumunot naman ang noo nito at halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. “And it’s making me feel guilty until now,” seryosong sagot nito. “Mukha ba akong miserable, Rogue? Mukha ba akong hindi masaya sa buhay ko ha? I’m okay, I’m fine kaya please lang. Huwag mong sayangin ang oras ko. May date ako sa loob at kanina pa naghihintay. Let’s mind our own lives, okay? Huwag mo na ring stress-in ang utak mo’t kakarampot na nga lang ‘yan. Hindi bagay sa ‘yo na ma-guilty dahil alam natin kung ano ang budhi mo,” saad niya rito. Huminga nang malalim si Mia at tinapik ang balikat nito. “Hindi lang ako ang babaeng hindi na virgin sa mundong ‘to. Kung ako ang first time mong naka-s*x na virgin, thank you sa experience. Ganoon lang ‘yon, huwag kang mag-alala. Hindi ko naman ipinagkalat na may nangyari sa ‘tin at may delikadesa naman ako. Dala lang ng kapusukan iyon. Don’t worry,” wika ng dalaga at pasimpleng kinagat ang labi niya para pigilan ang sariling pumiyok. Huminga siya nang malalim at nginitian ang binata. “Huwag mo ulit akong guluhin. Ikaw na ang may sabi noon na umakto na lang tayong hindi magkakilala. Magkaiba ang mundo nating dalawa at matanda ka na. Bata pa ako, marami pa akong mararanasang kasiyahan sa mundong ‘to. Kaya ikaw, mag-settle down ka na rin para magkaroon ka ng peace of mind,” dagdag niya pa at tuluyan na itong tumalikod. Hindi naman kumibo si Rogue at nakatingin lang sa dalaga na papasok na ng restaurant. Huminga nang malalim si Mia at napahawak sa dibdib niya. “s**t!” aniya at inayos ang sarili. Nanginginig ang kamay niya. Kaagad na napangiti siya nang pilit nang makita si Kai na kumakaway sa kaniya. Kaagad na nilapitan niya ito at naupo na. “Hi! Akala ko hindi ka na pupunta,” saad nito. Ngumiti lamang si Mia rito. “Pupunta ako ano ka ba? Libre ‘to kaya hindi ko palalagpasin,” sagot niya. Natawa naman ang binata. Kaagad na nag-order naman sila ng pagkain nila. “You look beautiful,” sambit ni Kai. Natigilan naman siya at kaagad na parang may kung anong sumipa sa puso niya. “Totoo iyan ha. Kikiligin na ako,” saad niya. Lalo namang natawa si Kai. “Hindi ko alam na sobrang gaan mo pa lang kasama. Nagtataka tuloy ako bakit hindi ikaw ang nagustuhan ko kaagad,” aniya. Natigilan naman ang dalaga at gusto niyang bayagan ito. Wala talagang sensitivity sa katawan. Pinaramdam pa sa kaniya na second option siya. “Ahm, ano pala ang gusto mong pag-usapan natin?” tanong niya sa binata. “About us,” deritsong sagot nito. “U-Us?” Tumango-tango naman ito. Natigil lamang sila sa pag-uusap nang dumating na ang order nila. Nagutom naman ang dalaga kaya kaagad na nilantakan niya iyon. Tuwang-tuwa naman si Kai. “Hindi ka ba kumain kanina?” Natatawang tanong nito. Tiningnan naman niya ito at tinanguhan. “Isang chocolate bar lang ang kinain ko buong araw,” sagot niya. Natigilan naman si Kai. “Hindi nga?” “Oo nga, kailan ba ako nagsinungaling? Wala lang akong gana kumain kaya ganoon,” aniya. “Lagi mo bang ginagawa iyan?” tanong ni Kai. Evident sa boses nito ang pag-aalala sa kaniya. “Oo, okay lang naman ako. T’saka bumabawi naman ako ng kain sa gabi,” sagot niya. Tiningnan naman siya ng seryoso ni Kai. “Bakit?” “Alam mo bang masama sa katawan mo iyan? Lagi ka pang nagpa-party. Baka magkaproblema ka sa tiyan mo,” sambit nito. “Sus! Okay lang ako, kung magkakasakit sana noon pa. Ilang taon ko na ‘tong gawain,” aniya at natawa pa. Natigilan naman siya nang pitikan ni Kai ang noo niya. “Aray! Ang sakit ah,” reklamo niya rito. “Don’t worry, from now on I’ll bring you food. Ako na ang bahala sa pagkain mo para hindi ka magutom,” wika nito habang nakangiti. Na-touch naman siya sa sinabi nito. “Ano ang kapalit sa kabaitan mo?” tanong niya rito. Ngumiti lamang nang matamis si Kai. “Hayaan mo akong ligawan ka,” deriktang sambit nito. Napalunok naman si Mia. “H-Huh?” Natigilan naman silang dalawa sa pag-uusap nang may umupo sa katabing table nila at naglalampungan. “Roggy, ano ba?” wika ng babae at halatang kinikilig. Napalingon naman sila ni Kai sa mga ito at parehong napailing. “I’m serious about it, Mia. Hindi ko alam kung bakit ang tagal kong na-realize na ikaw naman talaga ang gusto ko. All along ikaw ang gusto kong maging-girlfriend at hindi si Adriana. I was just blinded by the fact na sobra kong iniidolo ang stepfather niya,” saad nito. Kaso hindi nakikinig ang dalaga at ang tenga niya ay nabibwesit na sa dalawang naglalampungan sa tabi. “What do you want, Arki?” tanong ni Rogue sa kasama nito. “I want to eat you,” sagot nito at kinagat pa ang labi sa sensuwal na paraan. Tumawa naman si Rogue na parang gustong-gusto niya rin. “Ang lalandi,” mahinang saad ni Mia. “Mia, are you okay?” tanong ni Kai sa kaniya. Kaagad na tiningnan niya si Kai at inilingan. “Ang ingay rito Kai. Baka puwede tayong mag-usap sa ibang lugar?” aniya habang iniismiran si Rogue na nakataas ang kilay na nakatingin sa kaniya. Sumang-ayon naman ang binata. “Right, let’s just eat,” sagot nito habang nakangiti. Halos hindi naman malunok ni Mia ang kinakain niya sa sobrang landi ng katabi nila. Parang pusang naipit pa iyong Arki. Parang nilalapirot ang ingrown kung makahalinghing eh lobster lang naman ang kinakain. Sa pagkakaalam niya ay isa itong sikat na sexy star.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD