Chapter3

2097 Words
“About pala roon sa sinabi ko kanina...” Napatingin naman si Mia kay Kai at alanganing nginitian ito. Tumunog ang cellphone niya at nakita ang chat ng kaniyang ina. “S-Sige, continue ka lang. Si Mommy lang ‘to nag-chat,” saad niya rito. Tumango naman ang binata at ngumiti sa kaniya. “Mia, if you would give me the chance I will seize it. Babawi ako sa mga nagawa kong hindi maganda sa ‘yo,” aniya pa. Napakunot-noo naman ang dalaga nang mabasa ang chat ng mama niya. “If you’d let me, puwede ba kitang ligawan? I will talk to your parents to show them that I am serious about you,” dagdag pa ni Kai. Natigilan naman si Mia at tiningnan ito. “S-Sigurado ka ba?” tanong niya rito. Gusto niyang manigurado dahil mahirap na. Tumango naman ito. Tila nangingiusap pa ang mga mata. Natigilan naman ang dalaga at napalunok. Iniisip niya kung may dapat ba siyang isaalang-alang para huwag itong sagutin. Sa katunayan nga ay crush niya ito noon pa. “Sige, wala namang mawawala kung susubukan natin ‘di ba?” sagot niya. Kita naman niyang nagulat ang binata sa isinagot niya. “W-What do you mean?” anito at tila hindi makapaniwala. “Tayo na, puwede mo naman akong ligawan araw-araw eh. Isa pa, hindi naman ang ligawan ang pinapatagal kung hindi ang relasiyon kaya tayo na. Basta huwag mo lang akong lolokohin. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako mahirap kausap. Kung darating ang araw na ayaw mo na sa ‘kin sabihan mo lang ako nang deritso at wala tayong magiging problema. Sanay na akong masaktan,” sambit niya. Nagitla siya nang bigla siyang yakapin nang mahigpit ni Kai kaya napakurap-kurap siya. Rinig niya ang matamis nitong tawa kaya tinapik na lamang niya ang balikat nito at napangiti. “Walang bawian ha,” wika nito. “Oo naman,” sagot niya at natawa na lamang. Tiningnan niya si Kai at wala naman siyang makapang pag-aalinlangan sa puso niya. Susubukan lang naman nila. “Thank you, Mia. Thank you for the chance. I will not waste it,” anito. “Pangatawanan mo ha. Huwag mo akong lolokohin at talagang magkakamatayan tayo, Kai,” aniya. Natawa naman ito at hinalikan ang kamay niya. Ang bilis duma-moves ng binata. “Grabe siya!” ani Mia at kaagad na binawi ang kamay na ikinatawa ng kaniyang bagong nobyo. Tumunog ang kaniyang cellphone at kaagad na napakunot-noo nang makitang tumatawag ang ina niya. Kaagad na sinagot naman niya iyon. “Yes ‘my?” sagot niya. “Successful ang transplant kanina kay, Miro. Baka next week or next day ay makauuwi na kami,” wika ng ina niya. Nakahinga naman nang maluwag si Mia at napaluha pa sa tuwa. “Where are you, Mia? Gabi na,” sambit ng ina niya. Natigilan naman siya at napatingin kay Kai na nakikinig lang sa kanila. “Hello Tita, I invited Mia to have dinner with me. Lately kasi hindi siya kumakain nang maayos,” sabat ni Kai. Kaagad na inilayo naman ni Mia ang cellphone sa nobyo. “Ano ba?” aniya at bumusangot. “Is that Kai?” tanong ng ina niya. “Sige na Mommy, uuwi na rin ako at gabi na, bye. Kiss Miro for me, bye,” aniya at pinatay na ang tawag. Hindi na naman siya titigilan nito lalo na at anak ito ng kaibigan ng mommy niya. Yes, they’ve known each other for long pero hindi lang masiyado close dahil malayo naman ang mga bahay nila. Tumunog ang cellphone niya at ito na nga. Kinukulit na siya ng ina niya at tinatanong na. “Ahm, uwi na tayo. Gabi na at may pasok pa bukas,” aniya. Tumango naman si Kai. Tumayo ito at namulsa. “Hatid na kita,” saad nito. Umiling naman si Mia. “I’m fine, huwag kang mag-alala. T’saka dala ko rin ang sasakyan ko. Malayo rin ang bahay namin sa inyo kaya kita na lang tayo bukas,” sagot niya. Tumango naman si Kai. “Puntahan na lang kita sa bahay niyo bukas,” giit nito. “Kai, relax ka lang ano ka ba? Jowa mo lang ako at hindi mo kailangang pagurin ang sarili mo para sa ‘kin. Strong independent woman ‘to ano ka ba?” wika niya at natawa pa. Napangiti naman si Kai. Kitang-kita sa mukha nito ang paghanga sa kaniya. “Basta, minsan ihahatid-sundo kita,” giit nito. Tumango na lamang si Mia. “So? Uwi na tayo,” aniya. Tumango naman ang binata. “Puwede bang payakap ulit?” tanong nito. Si Mia na ang yumakap sa binata. “Good night,” saad niya at naglakad na papunta sa sasakyan niya. Binuksan naman ng binata ang pinto. “Ingat sa pagda-drive,” anito. “Ikaw rin,” sagot niya. Ngumiti naman ito nang matamis at nag-flying kiss pa sa kaniya. Natawa na lamang siya at nagmaneho na pauwi. Nakikita niya pa ang sasakyan ni Kai na nakasunod sa kaniya. Ilang minute nga ay lumihis na ito dahil magkaiba ang daan nila. Pagdating niya sa bahay nila ay hindi pa siya agad na lumabas sa kaniyang kotse. Nakatingin lamang siya roon at napabuntong-hininga. Sobrang tahimik at para bang nilulukob na naman siya ng kalungkutan. Kaya ayaw niyang umuwi sa bahay nila dahil wala siyang kasama. Siya na naman mag-isa. Naiintindihan naman niya na ganito palagi pero hindi niya alam kung bakit parang iba ngayon. Bumaba na siya ng sasakyan at pumasok sa bahay nila. Pinihit niya ang front door at natigilan nang hindi iyon naka-lock. Kaagad na sinugod siya ng kaba. Pinakinggan niya ang paligid at wala namang kakaiba. “Baka nakalimutang i-lock ng maid kanina,” aniya at napabuga ng hangin. Pumasok na siya at sobrang linis ng bahay nila. Mukhang nakalimutan nga ng maid na i-lock. Paaalalahanan na lang niya. Imposible rin kasing mapasok ng magnanakaw ang bahay nila dahil nakatira sila sa isang exclusive subdivision at mahigpit ang security. Umupo na siya sa couch at kalaunan ay humiga na rin. “What time is it?” Napabalikwas siya ng bangon at kaagad na nanlaki ang mata nang makita si Rogue sa unahan. Nakatayo at nakapamulsa habang hawak-hawak ang kopitang may lamang vino. “A-Ano ang ginagawa mo rito?” Kinakabahan niyang tanong at napabangon. Hindi naman siya nilingon ng binata at malayo ang tingin nito sa labas ng glass window nila. “Hindi uwi ng matinong babae ang alas-diyes,” sambit nito. Napapikit naman ang dalaga. “Hindi gawain ng matinong lalaki ang basta na lang pumapasok sa bahay ng iba. Suma-sideline ka ba bilang magnanakaw ha?” asik niya rito. Nilapitan niya ito at itinuro ang pinto ng bahay. “Umalis ka na. Trespassing ‘tong ginagawa mo. Huwag mo ng hintaying tumawag pa ako ng security,” seryosong wika niya. Tiningnan lamang siya ni Rogue at tinawanan. Lumapit ito sakaniya kaya napaatras siya. “A-Ano’ng ginagawa mo? Lumayo ka nga,” aniya at akmang itutulak ito subalit hindi man lang natinag ang binata. Malaking tao si Rogue at sobrang tangkad pa. He’s towering her. “Call them,” anito. Napakunot-noo naman si Mia. “Ano ba ang ginagawa mo rito? umalis ka na. Trespassing ka,” galit niyang sambit. Nagkibit-balikat naman si Rogue. “Wala kang kasama ngayon,” anito. Nanindig naman ang balahibo ni Mia sa boses nito. “Wala kang pakialam. Umalis ka na please lang. may kalse pa ako bukas. Matutulog na ako,” sagot niya. Tumikwas naman ang kilay ng binata dahil sa inaakto niya. “You’re not the Mia I used to know before,” anito. Natawa naman nang pagak ang dalaga. “What would you expect? Na ganoon pa rin ako? After everything sa tingin mo magkakandarapa pa rin ako sa ‘yo? My God! Rogue I was just eighteen that time. Alam kong kasalanan ko na nagsinungaling ako sa ‘yong bente-kuwatro na ako but who cares?” asik niya rito. “I care,” sagot nito. “I care dahil pinaniwala mo ako,” dagdag nito. Napapikit naman si Mia at naiinis na siya. “My God! Heto na naman tayo. Mag-aaway na naman ba tayo sa walang katapusang past issues na ‘to ha? Dalawang taon na ang lumipas. Ano pa ba ang gusto mo ha? Ano pa ba ang kailangan kong gawin para tantanan mo na ako? Tapos na iyon. I’m sorry, okay? Tapos na ‘yon bakit mo pa ba ako ginugulo? Ano ba ang nawala sa ‘yo? Isa rin naman ako sa naging babae mo pero bakit hindi sila ang guluhin mo? Bakit ako ang ginugulo mo? Nakakapagod ka,” aniya rito. Kababakasan ang galit sa kaniyang boses. “Ano ba talaga ang totoong issue mo sa ‘kin ha? Bakit ba binibwesit mo pa rin ako? Ikaw ‘tong tumaboy sa ‘kin noon. Ikaw ‘tong galit-galitan tapos nandito ka ngayon? Bakit mo ba ako ginugulo?” Nangigigil niyang tanong dito. Ngumisi naman si Rogue. It brings shivers down her spine. Kakaiba ang ngiti nito. Ang mga mata rin nito ay malamig. Nawala na ang playful aura nito kaya napaatras siya ulit. “Because I need you, Mia. Ikaw ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon hindi ako makahanap ng babaeng dapat na pakasalan. Ikaw nag dahilan kaya hanggang ngayon hindi ako makapag-settle down,” anito. Natawa naman ang dalaga sa narinig. “Gago ka ba?” singhal niya rito. “Baka nga,” sagot nito. “Oh God! Alam mo ikaw? Umuwi ka na. Lasing ka na siguro,” aniya rito at hinila ang kamay nito. “Kung lasing ako sisiguruhin kong nasa kama tayo ngayon at pinapaligaya kita,” saad nito. Kaagad na nabitiwan naman ni Mia ang kamay nito at iniwas ang tingin dito. His baritone voice never really cease to make her nervous. Napalunok siya at hinarap ito. “Rogue, may boyfriend na ako. Iyong lalaking nakita mo kanina siya ang boyfriend ko. Sinagot ko siya kanina. So, please stop this nonsense. Nakakatakot ka na. Kung umasta ka para kang psychotic stalker. I’m trying to fix my life dahil sa rami ng pagkakamali ko noon. Gusto kong baguhin ang buhay ko at kalimutan ang mga nangyari nu’ng nakaraan. Hayaan mo na ako sa buhay ko. Ano pa ba ang kailangan kong gawin para tantanan mo na ako?” mahinahon niyang sambit. Hindi naman kumibo ang binata at nakatitig lang sa kaniya. “Break up with him,” seryosong saad nito. “What?” Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ngumiti ito pero hindi umabot sa kaniyang mga mata. “I know that De Guzman. Kung ayaw mong sirain ko ang buhay niya at ng pamilya niya break up with him,” wika nito. “Gago ka nga!” singhal niya rito. Inubos ng binata ang vino sa kupita nito at natawa. Mukhang normal lang sa kaniya na manakot. “Sa tingin mo ba nakakatuwa ka ha?” “Kailan ba ako nagpatawa, Mia Li?” sambit nito. Kaagad na nilukob ng takot ang buong sistema niya. “Kung nabo-boring-an nga sa buhay mo puwede bang huwag kang manira ng buhay ng may buhay ha? Huwag mo akong guluhin. Ni minsan hindi ako nangialam sa ‘yo. Sirang-sira na ang buhay ko at inaayos ko pa lang. Huwag mo ng dagdagan ang problema ko!” aniya rito. “Problema lang ang bigay ng relationship, Mia. So I’m suggesting that you break up with him,” saad ng binata. Kaagad na natawa naman ang dalaga sa narinig. “I don’t care! Wala akong pakialam sa opinions mo dahil iba-iba tayo. Huwag ka ngang feeling may pakialam dahil sa totoo lang kaya nagiging problema ang pakikipagrelasiyon dahil sa isangkatulad mo. Hindi makuntento sa isang babae lang. Gustong pasukin ang kani-kaninong butas. Isa pa, magkaiba kayo ni, Kai. Ibang-iba sa ‘yo at higit sa lahat kaedad ko at naiintindihan ako. Matanda ka na. Ayusin mo na ang buhay mo at huwag mong pagtuonan ng pansin ang buhay ko,” inis niyang sambit dito. “Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. You heard it loud and clear,” wika nito at tinalikuran na siya. “Putang-ina mo! Gago ka!” sigaw niya rito. “I’m more than that, trust me,” sagot nito at lumabas na ng bahay. Naiwan naman si Mia na nanghihinang napaupo sa couch nila. Napapikit siya at umaasang sana panaginip lang ang lahat. “Ano na naman ‘to?” aniya at napamura. Gusto niya itong bugbugin sa galit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD