Chapter 1

2146 Words
“Mia, baka gabihin ka na naman mamaya ha,” wika ng ina niya habang pinapakain ang batang si Miro. Kasalukuyan silang nagvi-video call. “Hindi na ‘my, uuwi ako nang maaga promise,” sagot niya rito. Kaagad na napaikot ng ina niya ang mata nito. “Huwag ka ng mag-promise kung hindi mo naman kayang pangatawanan,” anito. Natawa lamang siya. Alam na alam talaga ng ina niya ang mga karakas niya sa buhay. Huminga siya nang malalim at inayos saglit ang uniform niya. “Alis na ako ‘my, bye,” aniya at nginitian ang batang lalaking sobrang cute. “Bye lovey dovey baby, I love you. Mag-iingat kayo always,” sambit niya at pinatay na ang tawag t’saka lumabas na ng bahay nila. Sumakay na siya sa sasakyan niya at nagmaneho papuntang eskuwelahan. Pagdating nga niya ay kaagad na nasilayan niya ang napakaguwapong si Kai. Matagal na niya itong crush. Simula nu’ng mag-aral siya sa sikat na paaralang ito ay talagang nakuha na ni Kai ang atensiyon niya. Magaling kasi ito sa sports, mayaman ang pamilya, at higit sa lahat mabait at sobrang pogi. Sinasadya niya lang maging suplada rito para hindi mahalata na may gusto siya rito. “Good morning, Mia,” bati nito sa kaniya. “Morning,” sagot niya lang at kinalikot na ang kaniyang cellphone. Maagang-maaga at talagang chin-at na siya ni Tweetie para mag bar hopping na naman mamaya. “Hindi pa pala dumating si Adriana,” wika nito. Natigilan naman siya sa pagtipa sa cellphone niya at tiningnan ito. “Kita mo naman ‘di ba na wala pa?” asik niya rito. Tumawa naman ito. “Chill!” “Chill mo mukha mo,” aniya rito. Tawang-tawa pa ito sa reaksiyon ng mukha niya. Nakakainis kasi ang ganoon para sa kaniya. Kita na ngang wala pa eh. Ito ang down part sa buhay crush niya. Iba kasi ang gusto ng crush niyang si Kai. Si Adriana na sobrang perpekto. Hindi naman sa nai-insecure siya sa kaibigan niya. Talagang pinagpala ang kaibigan niya at maswerte siyang naging kaibigan niya ito. Napatingin siya sa pinto nang pumasok si Adriana. Cool lang ito at tila walang pakialam sa paligid. “Hi girl,” bati niya rito. Ngumiti naman ito kaagad sa kaniya. Ramdam niyang balisa ito. “Okay ka lang?” usisa niya. Tumango naman ito. “Nakita ko iyong step-father mong pogi ah. Bagay kayo,” aniya rito. Kaagad na nanlaki naman ang mata nito at tinakpan ang bibig niya. “Huwag kang magsasabi ng ganiyan. Baka may makarinig,” anito. Nginitian niya lamang ito at tila ba inaasar. “Mia,” ungot nito. “Fine! Eh paano ba ‘yan? Hindi mo na siya step-father kasi wala na ang mama mo. Kumusta naman kayo?” usisa niya rito. Natigilan naman ang kaibigan niya. “Eh kayo ba ni, Kai kumusta na? Okay na ba?” balik tanong niya kay Mia. Natahimik naman ang dalaga at nasira ang mukha niya. Sumandal siya sa upuan niya at naikot ang mata. “Bahala na siya sa buhay niya no,” sagot niya sa kaibigan. Napaisip naman siya at kaagad na napailing. “Bakit?” usisa ni Adriana sa kaniya. Nginitian niya lang ito at inilingan. “Party tayo?” aya niya kay Adriana. “Party?” “Oo, clubbing tayo para naman hindi ka malungkot doon sa bahay niyo,” sagot niya. “Alam mo namang istrikto si Yoa, ‘di ba? Sa tingin mo ba papayag iyon? May curfew ako,” sagot ni Adriana. Kaagad na napabusangot naman si Mia sa sagot ng kaibigan. “Alam mo gets ko iyang step-father mo. Siyempre binabakuran ka lang. Takot iyan maagawan ano ka ba?” aniya rito. “Maagawan?” “Grabe ka naman sa pagkamanhid girl. Halata namang gusto ka ng step-father mong ubod ng guwapo pero ubod din ng kasamaan ang ugali. Walang pinagkaiba roon sa kaibigan niyang bansot,” inis niyang saad. “Bansot?” “Oo, bansot naman talaga ang kaibigan niya. Feeling pogi pero wala namang kuwenta. Babaero at hindi mapermi ang itlog,” sagot niya pa. Napangiti naman si Adriana sa turan niya. “So, may gusto ka pala kay, Rogue? Hindi naman bansot si Rogue ah. Bilyonaryo ‘yon t’saka sikat na bachelor sa bansa. Guwapo at malakas ang s*x appeal. Iyon nga lang mukhang walang planong mag-settle down. Pero nakakatakot din iyon ah. Halata ring masama ang ugali,” saad ni Adriana. “Masama talaga,” gigil na sang-ayon ni Mia. “Teka lang, may something ba sa inyo ni, Rogue at ganiyan ka kagalit sa kaniya?” anito. “W-Wala ah, naiinis lang ako sa mga ganoong klaseng lalaki. Walang bayag at masiyadong mataas ang tingin sa sarili. Akala nila nakukuha nila lahat. Pagkatapos kang ubusin wala na itatapon ka na lang na parang basura,” wika niya pa at inis na umayos sa kaniyang pagkakaupo. Nakangiti lamang si Adriana sa kaniya. “Oh? Ba’t pangiti-ngiti ka riyan? Nakakainis ang ngiti mo,” asik niya rito. “Crush mo naman si Rogue ‘di ba? Minsan nasabi mo ‘yon sa ‘kin eh,” saad nito. “Hindi na, kung may gugustuhin man ako sisiguradohin kong hindi ang bansot na iyon. Feeling gwapo na akala naman niya sa kaniya lang iikot ang mundo ko. Maayos pa ang turnilyo ng utak ko ang feeling niya,” inis niyang sambit. “Kalma,” ani Adriana. kaagad na huminahon na naman siya. Napahawak siya sa ulo niya at talagang naiinis na naman siya. “Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Naiinis lang ako. Pag-usapan natin ang lovelife mo. Ano na? Kumusta naman kayo ni, Gov? Akala mo ha. Huwag mo akong i-change topic Adriana,” aniya sa kaibigan. Kaagad na napailing naman ito. Pagkatapos nga ng klase nila ay dumeritso na siya sa bahay nila at nagbihis. Nauna na si Tweetie sa bar na pupuntahan nila. Pumunta sa ibang bansa ang parents niya kanina para sa treatment ni Miro. May Thalassemia ito at kailangan ng agarang alaga ng mga doctor. Huminga siya nang malalim nang makita ang picture ng bata na sin-end ng mommy niya. Naawa siya rito pero ano ba ang magagawa niya? Gumayak na siya at dumeritso sa bar. Kaagad na umupo siya sa counter at ininom ang in-order ni Tweetie. “The usual,” aniya sa bartender. “Mukhang problemado ka ngayon ah,” saad nito. Hindi naman siya nagsalita. Tuloy-tuloy lang ang paglagok niya sa inumin at napahinga nang malalim. Ang totoo ay nag-aalala siya sa kalagayan ng kapatid niya. Hindi niya makuhang magsaya gaya ng mga nakagawian niya dati. Pero nawawala kasi ang problema niya kapag nakakainom siya. “Gagi, nandito si Rogue at mga kaibigan niya,” ani Tweetie. Napatingin naman siya sa entrance at kaagad na nasira ang mood niya nang makita ang kasama nito. Ito ang sikat na sexy actress at mukhang linta kung makahawak sa braso ni Rogue. Napairap naman si Mia at tinungga ulit ang alak sa shot glass niya. “Uy! Hinay-hinay lang, baka malasing ka na naman,” ani Tweetie. “Alam mo namang mataas ang alcohol tolerance ko ‘di ba?” sagot niya rito. “Sa bagay, pero kahit na no. Nagiging wild ka pa naman kapag lasing,” anito. “Hayaan mo na, may problema lang ako.” Nagkibit-balikat na lamang si Tweetie at wala naman siyang magagawa sa kaibigan niya. Hindi naman ito nakikinig sa kaniya ni minsan. Maldita ito at hindi nagpapapigil. Napatingin ulit si Mia sa gilid at nakita si Rogue na nakikipaglandian sa babae. Kaagad na nakaramdam siya ng pagkainis at gusto niya na lang itong sambunutan. “Hey!” Siniko naman siya ni Tweetie. “What?” aniya rito. Ngumuso naman ito sa tabi niya. T’saka niya lang napansin ang lalaking tumabi sa kaniya. Napangiti naman siya nang makitang guwapo ito at mukhang may sabi. “Mind if I join you?” tanong nito. “Go on,” sagot niya lang. “I’m Arthur by the way,” pagpapakilala nito. “Mia,” sagot niya at tinanggap ang kamay nito. Halatang interesado ito sa kaniya. “Want to dance?” tanong nito. Ininom niya muna ang laman ng shot glass at tumango. Medyo tipsy na rin siya sa dami ng nainom niya. Pumunta na sila sa dance floor at kaagad na nagsayawan. Napapatalon pa siya sa sobrang saya ng pakiramdam niya. Kahit saglit ay nakakalimutan niya ang problema niya. Naging malapit na rin si Arthur sa kaniya at wala naman siyang pakialam. “Mia,” tawag ni Tweetie sa kaniya. “Bakit?” sigaw niya dahil hindi sila magkarinigan dahil sa lakas ng music. “Tumatawag ang mommy mo,” aniya. Kumunot naman ang kaniyang noo at kinuha ang cellphone. Ngumiti siya kay Arthur at nag-excuse na muna. Nagmamadaling pumunta siya sa bathroom kung saan walang music kahit na pagewang-gewang. Sobrang lakas kasi at paniguradong hindi sila magkarinigan. Pumasok na siya sa cubicle at kaagad na sinagot ang tawag ng mommy niya. “My God, Mia! What are you doing? Gabi-gabi ka na lang nagba-bar. Umaasta ka na parang walang problema,” reklamo ng ina niya. “What happened?” tanong niya rito. Kaagad na nasilayan niya ang mukha ni Miro at maraming nakatusok sa kamay nito. Kaagad na natigilan siya at napaupo sa bowl. Napahawak siya sa buhok niya at kaagad na pinigilan ang sarili na maiyak pero tumulo pa rin ang luha niya. “Ano ba ‘tong ginagawa ko?” aniya at napasinghot. Pinunasan niya ang kaniyang mata at inayos ang sarili. “Nasalinan na siya ng dugo kanina. Nag-usap na rin kami ng doctor about his bone marrow transplant,” wika ng ina niya. “Then go on, kung ano ang mas makabubuti kay, Miro gawin niyo na agad,” sambit niya. “It’s not that easy Mia. Alam mong we’re going through crisis today. Nahihirapan na rin ang daddy mo sa schedule niya. Hindi rin basta-basta ang transplant lalo pa at under monitoring pa si Miro,” saad ng ina niya. “Mommy, puwede naman akong mag-stop muna. Ako na muna nag mag-aalaga sa kaniya,” sagot nito. “No, kailangan mong grumadweyt Mia. Nakakahiya sa relatives natin. Natigil ka na nga nang ilang buwan noon buti na lang na-appeal ng daddy mo. You need to continue your studies at kaya ko naman dito. May kinuha rin akong yaya para may makasama ako rito while your dad’s at work,” sambit nito. “Putang-ina naman kasi! Bakit mas iniisip niyo pa ang sasabihin ng mga relatives niyong mga plastic kaysa sa sarili natin?” singhal niya rito. “What? I didn’t hear you,” saad ng ina niya. In-unmute naman niya ang tawag at tiningnan si Miro. “Just... just call me kung ano ang sabi ng doctor,” wika niya. Hindi niya kayang tagalang tingnan ang kalagayan ni Miro. “Please Mia, umuwi ka na. Baka kung ano na naman ang maisipan mo at uuwi ka na namang another problem ang dala,” saad ng ina niya. “Fine!” aniya. Pinatay na niya ang tawag at napahilamos sa mukha. Huminga siya nang malalim at lumabas na ng bathroom. Pakiramdam niya ay lantang gulay siya sa nangyari. “Flirting again? Mang-uuto ka na naman for your own gain?” Pagod na napatingala siya at nakita ang demonyo sa buhay niya. “Problema mo?” aniya rito at tinalikuran na ito. “Because that’s who you are. Siguro naman hindi mo gagawin ang ginawa mong panloloko sa ‘kin—” “f**k YOU!” singhal niya rito. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Maging ang kaniyang paghinga ay bumibilis. Dahil na rin siguro sa tama ng alak at stress din siya sa nangyayari. “Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo ha? Galit ka dahil nagsinungaling ako sa edad ko sa ‘yo noon tapos ano? Bakit? Ginulo ba kita ulit ha? Pinagpilitan ko ba ulit ang sarili ko sa ‘yo? Desisyon kong ibigay sa ’yo ang p********e ko sa ‘yo pero hindi ibig sabihin nu’n binibigyan na kita ng karapatan na panghimasukan ang buhay ko. So what kung bata pa ako noon? You don’t care! Gaya ng sabi mo nu’n I am not worthy of your time. Someone as young as me is not for you. Habol mo lang sa ‘kin ay s*x and just pure s*x, so kung ano man ang gawin ko sa buhay ko ngayon wala ka ng pakialam. That was freaking two years ago kaya please lang. Ikaw na mismo ang nagsabi na let’s just act na hindi tayo nagkakilala so what’s the fuss?” aniya rito at inis na tinalikuran. Kinuha niya ang bag at nag-iwan na ng pera sa bar counter at umalis. Sumakay siya sa sasakyan niya at napaub-ob sa steering wheel. “Bwesit!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD