Chapter4

3181 Words
Kinabukasan ay wala sa mood ang dalaga dahil hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa isipan niya ang sinabi ni Rogue. “Nababaliw na yata ang lalaking ‘yon,” aniya at naligo na. Matapos ngang asikasuhin ang sarili ay lumabas na siya at nag-drive papuntang eskuwelahan. Nang mai-park nang maayos ang sasakyan ay bumaba na siya at kaagad na nasilayan ang matangkad na lalaking nakasandal sa gate at tila hinihintay siya. “Good morning,” nakangiting bati nito. Napangiti na rin siya dahil nakakahawa ang fresh at cool na aura nito. “Good morning,” sagot niya. May kinuha ang binata sa bag nito at ibinigay sa kaniya. Napatingin naman siya roon at binuksan ang maliit na brown bag. “Aw, thank you,” aniya at sobrang na-appreciate niya ang ginawa nito. “Ikaw ang gumawa?” tanong niya rito. Proud na tumango naman si Kai. Clubhouse sandwich iyon at may kasama pang yakult. Kaagad na nilantakan niya na iyon habang naglalakad sila. Pagpasok pa lang nila ay kaagad na tinukso na sila ng mga kaklase nila. Hindi naman niya napigilan ang sarili na matawa sa mga reaksiyon nito. “De Guzman, three points!” sigaw ng kaibigan ng binata. “Upo na at late kayong dalawa,” sabat ng propesor nila. Kaagad na natawa naman si Mia at tumabi sa kaibigan niyang si Adriana. Tahimik lang ito at parang palaging malalim ang iniisip. “Woi! Okay ka lang ba?” usisa niya rito. Tumango naman ito bilang sagot sa kaniya. “Parang hindi ka okay,” giit niya. Tiningnan naman siya nito. “Kasi pupunta rito mamaya si Yoa,” saad niya. Kaagad na kuminang naman ang mata ni Mia sa narinig. “Gagi! Ba’t ngayon mo lang sinabi? Sana nakapag-ayos man lang ako. Ang pogi ni, Gov,” aniya. Napailing naman si Adriana. “Baka marinig ka ni, Kai. Hindi mo sinabi sa ’kin na kayo na pala ha hmm. Nagkagustuhan lang kayo kinalimutan niyo na ako,” wika ni Adriana. “Ano ka ba? Iba naman kasi si Gov no. T’saka iba rin si Kai. Iba-iba ang level nila. T’saka chika mo nga sa ‘kin ang nangyayari sa bahay niyo. Mukhang iba yata ang tabas ng mukha mo ngayon. Ano? Dumada-moves na no?” saad niya rito. Kaagad na namula naman ang mukha ng kaibigan niya. “Yyiiiee! Sabi ko na nga ba eh pero bakit parang alanganin ka na pupunta rito si Gov? Ayaw mo bang masilayan ang love of your life mo?” tanong niya sa kaibigan. “Baka may makarinig sa ‘yo. Hinaan mo ang boses mo,” saway nito sa kaniya. Napaikot lamang ni Mia ang mata niya. Pagsapit nga ng lunch ay kaagad na umalis na sila papuntang cafeteria. Wala si Kai dahil may training sa basketball at malapit na ang paliga ng mga eskuwelahan. “Adriana! Pinapatawag ka sa office,” sambit ng kaklase nila. Natigilan naman si Mia at sinimangutan ang kaibigan. “Ako na naman mag-isa,” wika niya. Kaagad na ngumiti lamang nang tipid si Adriana. “Susunod agad ako promise pagkatapos nito,” sagot nito. Tumango na lamang si Mia at nagpatuloy sa paglalakad. Natigilan lamang siya nang masilayan si Rogue kasama si Governor Yoaquin Baltazar at ang isa pang kaibigan nito t’saka ang head ng eskuwelahan. Natuod siya at kaagad na gumilid. Kita niya pa ang kakaibang ngiti ng kaibigan ni Rogue sa kaniya. Iniwas niya ang kaniyang tingin at siniguradong hindi mag-abot ang kanilang paningin. Naninibago siya sa aura ni Rogue. Masiyadong istrikto at nakasuot pa ng mamahaling suit. Parte ng board ang mga ito kaya mataas ang tingin ng mga tao. Kilala rin talagang magaling na businessman si Rogue Stan Bedzhiv. Wala itong issue na Cassanova o ano pa man kaya hindi niya maintindihan kung bakit. Eh kahit saan siya magpunta ay nandoon ito at nakikipaglandian pa sa kani-kaninong babae. Siguro nga ay ganoon ang nagagawa ng pera. talagang kayang pagtakpan ang umaalingasaw na baho para magmukhang malinis sa madla. Pagdaan ni Rogue sa kaniya ay napapikit siya at nasamyo ang pamilyar na amoy ng perfume nito. Mamahalin at talaga namang sobrang bango. Nagpatuloy na siya sa paglalakad nang tumunog nag kaniyang cellphone. Nag-chat si Kai na sabay na silang kakain at papunta na ito sa cafeteria. Akmang magre-reply na siya nang biglang mabangga niya ang pader. “Aish!” Napatingala siya at napalunok nang makitang tao iyon. Seryosong guwapong mukha na magkadikit ang kilay habang nakatinign sa kaniya. “Ano ba ang ginagawa mo at sobrang engrossed ka sa phone mo? You didn’t even bother looking at where you are going,” sabi nito. Natigilan naman si Mia at kaagad na napabuga ng hangin. “S-Sorry,” aniya at nagpatuloy na nang hawakan ng binata ang kamay niya at hinila siya papunta sa bakanteng room. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako,” aniya at nagpupumiglas pa sa hawak nito. “Shut up! Baka isipin ng iba inaano kita,” wika nito. “Talaga namang inaano mo ako ah,” reklamo niya at sinamaan ito ng tingin. “Ano na namang drama ‘to ha? Hanggang dito ba naman hindi mo ako tatantanan?” asik niya. “I told you to break up with that De Guzman,” saad nito. Naririndi siya sa boses nito at gusto niya na itong tirisin nang sobrang pino. “Alam mo? Nakakapagod ka. Ano ba ang problema mo? Ano ba talaga ang kailangan mo sa ‘kin para tantanan mo na ako? Bakit ba ayaw mong maging masaya ako ha? Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo para gawin mong impiyerno ang buhay ko?” inis niyang sambit dito. “Break up with him at wala tayong magiging problema,” ulit nito. “No, I love him. Kung hindi mo maintindihan iyon bahala ka na sa buhay mo. Kahit ano pa ang sabihin mo hinding-hindi mo na ako mapapasunod sa ‘yo. Tigilan mo na ako,” mahinahong sagot niya. “Then fine, sabi mo ‘yan ha. What if sabihin ko na lang sakaniya na may past tayo? That we’re more than friends before? No, friends don’t f**k each other. Sabihin ko na lang sa kaniya na may nangyari sa ‘tin nang paulit-ulit. And you like it,” anito. Hindi na napigilan ng dalaga ang sarili niya at malakas na sinampal ang binata. “Ganiyan ka na ba ka walang kuwenta ha? Huwag kang mag-alala at ako ang magsasabi sa kaniya na hindi ako virgin. So, what? Iyan ba ang gusto mo? Gusto mo isama pa kita eh,” asik niya rito. Napahawak naman si Rogue sa mukha niya at halatang nasaktan ito dahil pulang-pula iyon. “Damn it!” aniya at ginalaw-galaw pa ang kaniyang panga. “We are over, Rogue. Kung ano man ang nakaraan natin wala na iyon. Tapos na ‘yon,” sambit ng dalaga. Halatang pigil-pigil ang boses na huwag sumigaw. Ramdam sa tabas ng dila nito ang galit. “We are far from being over, Mia. We’re just starting,” anito at nginisihan siya. Kaagad na nagsitaasan ang balahibo niya sa sinabi nito. “Nababaliw ka na ba?” “Sa ‘yo? Maybe yes,” sagot nito. Natapik na lamang ni Mia ang noo niya at napapikit sa labis na stress. “Ano ba talaga ang pakay mo sa ‘kin? Ang dami mong babae. Kahit sino talagang bubukaka sa ‘yo. Huwag mo akong paikutin, Rogue. Tapos na ang lahat sa ‘tin. Wala lang iyon noon. Dala lang ng kalibugan ang meron sa atin noon. Tinapos na natin kaya wala na tayong dapat pakialaman pa. Ikaw ang nagdesisyon noon, alalahanin mo naman. Nakakapagod ka. Halos kada kita natin paulit-ulit ko na lang na sinasabi ‘yan. Huwag mong guluhin ang tahimik kong buhay. Kung hindi ka masaya sa buhay mo huwag kang mandamay,” wika niya rito. “Hindi tayo aabot sa ganoon kung hindi ka lang nagsinungaling sa ‘kin,” saad nito. “Oh sige, iyon na nga. Nangyari na, nagsinungaling na ako. Okay naman ah. Umalis ako at hindi ako nagpakita sa ‘yo. Umiwas ako at talaga namang pinanindigan ko ang pangako ko sa ‘yo na hindi kita guguluhin na kakalimutan kita at kasalanan ko. Ngayon ano na? Bigla-bigla magpapakita ka ulit para ano? Para guluhin ulit ako? T’saka ano ba talaga ang rason ba’t moako ginugulo? Gusto mo na naman bang tikman ako ha? Nababaliw ka na naman ba sa katawan ko? Kung libog lang iyan ipakamot mo sa iba. Huwag ako, dahil hindi ako bayarang babae. Respito naman kahit kaunti. May boyfriend na ako at hindi nakakatuwa ang ginagawa mo,” seryosong sambit niya. Tinitigan naman siya ni Rogue. Kahit hindi ito nagsasalita pero kitang-kita niya ang kawalan ng ekspresiyon at kalamigan ng mata nito. Tila hindi nasisiyahan sa ipinapakita niya. “The moment that I’ve taken you, akin ka na, Mia. Walang sino man ang makakakuha sa ‘yo kung hindi ako lang. Walang sino man ang puwedeng umangkin sa ‘yo, ako lang Mia,” sagot nito. Napalunok ang dalaga nang lapitan siya nito at hinawakan ang mukha niya. Ang mainit nitong kamay ay kaagad na parang kinuryente siya. “So don’t tell me what to do, I hate it. Ayaw kong pinapangunahan ako at ayaw ko ring hindi ako sinusunod. Kung magpupumilit ka sa kagustuhan mo, trust me, pagsisisihan mo. I will give that bastard a hard life. Pati ang pamilya niya hindi ko sasantuhin,” mabigat nitong saad. Kaagad na napakunot-noo si Mia. “Huwag mong idadamay sa katarantaduhan mo ang pamilya nila. Demonyo ka ba?” asik niya rito at kaagad na lumayo. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Ngumiti lamang nang matamis si Rogue at inayos ang bahagyang nalukot na coat. “I want to talk to you longer but I’m afraid the time is up. Babalik na rito ang mga estudyante. Bibigyan kita ng oras para makapag-isip, Mia. I will not rush you, but I can’t promise. Depende sa kung ano ang nakikita ko. Seeing you with him, is like putting chilies on my eyes. Isipin mo na lang kung gaano kasakit sa mata ‘yon for me,” anito. Hindi makapaniwalang natawa na lamang si Mia. Talagang baliw itong kaharap niya. Tiningnan nito ang rolex watch niya at namulsa. “See you,” dagdag nito at tinalikuran na siya. Nang maiwan na siya ay napaupo siya sa isang upuan at natawa nang pagak. Hindi niya akalaing maririnig iyon sa bibig ni Rogue. Nasipa pa niya ang isang upuan dahil sa inis at galit. “How dare you? After everything I went through alone, babalik ka na para ba akong laruan mo. How dare you?” galit niyang sambit. Ramdam sa boses niya ang gigil. Napahinga siya nang malalim at lumabas na rin ng room dahil maya-maya nga ay babalik na ang mga estudyante galing sa lunch. Dumeritso na siya sa cafeteria at kailangan niyang kumain. Pansin niya kasi nitong nakaraan ay sumasakit ang tiyan niya. Humihilab at hindi tumitigil hangga’t hindi siya nakaiinom ng antacid. Pagdating niya sa cafeteria ay kaagad na nakita si Kai. Napangiti naman siya at nilapitan ito. May order na ito para sa kaniya. “Sorry, natagalan ako, nauna ka pa tuloy sa ‘kin,” wika niya rito. “It’s fine, kumain ka na,” sagot nito. Tumango naman siya. Habang kumakain sila ay napapansin niya ang pagtitig nito. ​ “Bakit?” tanong niya rito. “Ang ganda mo pala lalo kapag nasa malapitan,” saad nito. Natigilan naman sa pagnguya si Mia at pinigilan ang sarili na kiligin sa narinig. Napangiti siya at tiningnan si Kai. “Ikaw naman lalong pumupogi. Kahit pinagpapawisan amoy baby ka pa rin, parating looking young and fresh,” aniya. Napangiti naman ang binata. Mukhang gustong-gusto ang narinig mula sa kaniya. “Kain ka pa,” wika nito. “Mukhang pinapataba mo ako ah,” reklamo niya rito. “Para wala ng magkagusto sa ‘yo. Walang magtatangkang agawin ka sa ‘kin,” sagot nito habang nakangiti. Kumikinang pa ang mga mata. Nakaramdam naman ng kaunting lungkot si Mia sa narinig mula rito. Sa katunayan ay talagang mabait si Kai. Sobrang bait na ayaw niya itong masaktan. Paano na lang kapag nalaman nito ang totoo sa kaniya? paniguradng masasaktan ito. “What are you thinking? Huwag kang mag-isip masiyado. Just eat, huwag mong isipin ang mga bagay na hindi naman kailangan,” sambit nito at binigyan pa siya ng fresh juice. Ininom niya iyon at kamuntik ng maluwa nang makita si Rogue at ang dalawa pang kaibigan nito na pumasok ng cafeteria. Napalingon naman si Kai at kaagad na napangiti nang makita ang iniidolo nitong si Yoaquin Baltazar. “Ngayon pa lang sila pumunta rito sa cafeteria,” ani Kai at tila gusto pang tumayo para lapitan si Yoa pero pinipigilan lang ang sarili. Si Mia naman ay pilit na kinakalma ang sarili at iniiwasan ang tingin ni Rogue. Rinig niya ang bulungan at tilian ng mga estudyanteng nakakita sa tatlo. Hindi naman kasi lingid sa kanila ang napakagandnag reputasiyon ng mga ito. Ang guguwapo pa at ang tatangkad. Puro pa mga renowned young bachelor’s ng bansa kaya marami ang nagkukumahog. “T-Tapos na ako, Kai. Time na rin para sa susunod na subject natin, mauuna na ako. Mag-iingat ka sa practice mo,” saad ng dalaga. Tumango naman ang binata at nagulat pa siya nang tumayo ito at halikan siya sa pisngi. Hindi na siya nakapagreklamo pa dahil nobyo naman niya ito. Alangan namang sampalin niya ito sa ginawa. Ngumiti si Kai. “S-Sorry,” anito at mukhang nabigla rin sa ginawa. Ngumiti naman si Mia at hinalikan din ang pisngi nito pabalik. “Bye,” aniya at kinuha na ang kaniyang bag. Naiwan naman si Kai na halos matuod sa kinatatayuan sa ginawa ng nobya. Habang naglalakad naman si Mia ay natigilan siya at huminga nang ilang beses. Ginawa niya iyon para ipakita kay Rogue na okay siya at masaya sila ng nobyo niya. Para tigilan na siya nito. Tumunog ang cellphone niya at may text from unknown number. Tiningnan niya iyon at binasa. “You think kissing him back will make me stop, Mia? Don’t think about it. Lalo mo lang akong ginagatungan para mas makaramdam pa ng galit.” Hindi naman siya makahinga sa nabasa. “The nerve!” inis niyang saad at gusto niyang sumigaw sa sobrang inis. Nai-stress siya. Paniguradong maglalagasan ang buhok niya sa sobrang stress sa gurang na Rogue na ‘yon. ----------------------------------------------------------- Paglipas nga ng ilang araw ay umuwi na ang pamilya niya. Sobra siyang excited at naghihintay siya sa bahay nila. Hindi na siya nag-abalang sunduin ang mga ito sa airport dahil may ginagawa rin siya. Tinawagan niya na rin ang maids nila na stay-in dahil bumalik na ang kaniyang pamilya. “Mi-iya!” sigaw ng batang lalaki nang makita siya. Kaagad na parang nilakumos ang dibdib niya sa nakita at naiiyak na niyakap ito. “Kumusta ang baby na iyan ha?” tanong niya rito at hinaplos ang mukha nito t’saka niyakap nang mahigpit. Sobrang na-miss niya ito. “No cry, Mi-iya,” wika nito. “Oh! O-Okay baby,” sagot niya at napangiti. Pinunasan niya ang kaniyang mata at hinawakan ang mukha ng bata. “I missed you so much, baby namin. Sobrang happy si Mi-iya na okay ka na. Strong ang baby na ‘yan,” aniya at pinipigilan ang sarili na pumiyok ang boses. Tiningnan niya ang kamay nito at may marka pa talaga ng mga tusok ng karayom. Medyo bumpy pa nga. “Srong Miro, srong,” saad nito. Lalong naantig ang puso ng dalaga sa narinig mula rito. Bagama’t may iniindang sakit ang bata ay sobrang proud siya rito at talagang fighter ito. Kita niya ang bahagyang pagkapayat nito. Mabuti na lamang at talagang tutok na tutok ang ina niya sa pag-aalaga sa kapatid. “Mi-iya, eat Miro,” wika nito. Nabalik naman siya sa kasalukuyan at kinarga ito. “Okay, may food sa kitchen. Eat tayo roon,” sagot niya na ikinatuwa naman nito. Kaagad na pumunta sila roon at pinakain ang bata. Nakatingin lamang siya rito at hinalikan ang ulo nito. Sobrang na-miss niya ito. Sinusubuan niya ito hanggang sa mabusog. “Busog ka na?” tanong niya rito. Tumango naman ito. Pinainom niya na ito ng tubig at kinarga. Nanood sila ng TV sa sala at hinyaan itong makatulog habang akay-akay niya. Tiningnan niya ang mukha ni Miro at kaagad na lumandas ang isang butil ng luha. Kaagad na pinunasan niya at dinala na ito sa kaniyang kuwarto. Anong oras na rin at kasalukuyang nagpapahinga ang parents niya dahil pagod sa biyahe. Tinabihan niya ang bata at niyakap ito nang mahigpit. “I’m sorry baby at wala si Mi-iya para samahan ka roon. I’m sorry, pero sobrang love na love kita. Ikaw ang pinaka-love ni, Mi-iya,” bulong niya sa tenga nito. Huminga siya nang malalim at sinubukan na ring matulog. Kinabukasan nga ay tinawag siya ng papa at mama niya. May importanteng pag-uusapan daw kaya pumunta na siya sa lanai. Nandoon ang dalawa at nagkakape. “Ano ang meron?” tanong niya sa mga ito. Nagtinginan pa ang dalawa bago sumagot. “We know about your relationship with, Kai De Guzman,” saad ng papa niya. “And then?” tanong niya. “Our businesses are on the brink of bankruptcy, Mia. Kailangan natin ng tulong ng pamilya nila para maisalba ang kompanya ng papa mo,” saad ng ina niya. Kumunot naman ang kaniyang noo. “So?” “We decided that you will marry their son. And mas mabuti na rin na kayo na at mukhang wala tayong magiging problema,” sagot nito. Natameme naman siya sa narinig mula rito. “Ipapakasal niyo ako kay, Kai para sa benefits ng company?” asik niya. “Mia, what seems to be the problem? Kayo naman ‘di ba? At the end of the day pasasaan pa’t kasal din naman ang patutunguhan ng relasiyon niyo,” wika ng ama niya. Napapikit naman siya. “Hindi niyo kasi naiintindihan. Paano kung...paano kung malaman niya ang totoo? T’saka bata pa kami,” sabat niya. “Mia, you’re getting older. Hindi paurong ang edad mo. What’s the truth, Mia? May tinatago ka ba kay, Kai?” sagot ng ina niya. Seryoso na rin ang mukha nito. Huminga siya nang malalim at tiningnan ang ama niya. “Anak, hindi naman agaran ang kasal niyo eh. You can compromise with his family. Hindi naman kailangan na ngayong taon na rin ‘to kayo ikakasal. I want you to understand that there’s no other way. Maghihirap tayo kapag hindi tayo kakagat sa deal na ‘to,” paliwanag ng ama niya. “Take this as your compensation to us. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa mo, Mia,” giit ng ina niya. Nainis naman siya sa narinig mula sa bibig nito. “Fine!” mabigat niyang sambit. “Maghanda ka bukas at magdi-dinner tayo sa kanila,” saad ng ina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD