Chapter5

2135 Words
“Ano na ang plano mo? Parang ang ganda ng love life mo ngayon eh. Ano ba ang pinoproblema mo riyan?” untag ni Tweetie na kararating lang. Nakaupo lamang si Mia sa bar counter at umiinom ng wine. “Hindi ko alam,” sagot niya. Umupo naman ito sa tabi niya at um-order na rin sa bartender. Tahimik ang paligid dahil wala sila sa isang club. Nasa isang serene bar sila na kadalasang pinupuntahan ng mga mayayamang businessman. “Paanong hindi mo alam? Hindi ba mas okay nga iyon kasi jowa mo naman si Kai. Wala akong nakikitang mali or hadlang sainyong dalawa. Tama naman ang parents mo. Ang ending niyan ay kasal pa rin naman. Not sure ka ba kay, Kai? Mas gusto mo pa rin ba si Fafa Rogue?” tanong nito at hindi pa maikubli ang kilig na nararamdaman habang binibigkas ang pangalan ni Rogue. napairap naman si Mia. “Ayaw kong makasal. Ayaw kong matali kahit kanino. I hate commitments. Alam mo namang hanggang jowa-jowa lang ako,” sagot niya. “Girl, ano ka ba? Kahit ano pa ang sabihin mo dahil babae tayo darating talaga ang panahon na mag-aasawa ka. Tayong mga babae ay ginawa para sa mga lalaki. Hindi puwedeng mag-isa tayo habang-buhay no,” wika nito. “Puwede naman ah lalo na kung mentally, physically, emotionally at financially stable ka,” sabat niya. “No, I mean iba kasi iyong may kasama ka pagtanda. Iyong matatawag mong asawa mo tapos magkakaanak kayo. You know, mag-build kayo ng family together,” paliwanag nito. “Tweetie, bata pa ako. Wala pa sa isip ko ang mag-settle down. Ang dami ko pang pangarap sa buhay,” giit niya. “At hindi mo ‘yan makakamit once ma-bankrupt ang businesses ng daddy mo. Bakit ka ba nagdadalawang-isip kay, Kai? He’s hot, sporty, handsome, and wealthy too. Kilala ang pamilya nila kasi prominenti. Ano ba ang kulang?” tanong nito. “Tweetie, it’s not about his status. it’s about me. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maybe because I am still young,” sagot niya rito. “Sa bagay, kahit ako hindi ko pangarap na maiksal sa murang edad. I wanna get married at least at the age of twenty-eight. Marami pa akong gustong gawin. I wanted to travel too kahit saan kapag naka-graduate na ako ng college,” sambit nito. “See? Kung ikaw ang nasa katayuan ko papayag ka ba?” Ngumisi naman ang kaibigan niya at tumango. “Seriously?” “Kasi naman girl, Kai’s a good catch. Mabait everything about him is perfect. Hindi ka na makakakita ng katulad niya. Hindi rin naman siya magiging hadlang sa mga dreams mo kasi kita ko namang supportive siya. Kung takot kang mabuntis hello? Marami kayang methods ng birth-control kung hindi ka pa ready,” wika nito. Napakunot-noo naman si Mia. “Ang weird ng topic natin,” aniya. Natawa naman ang kaibigan. “Walang problemang hindi naso-solve ng mabuting usapan, Mia. Isa pa ito ha, bigyan niyo ng time ang each other para i-process ang situation. Isipin mo rin na you’re hitting two birds in one stone. You get to marry your boyfriend at the same time magiging maayos pa ang business niyo. Hindi na mahihirapan ang daddy mo. Lalo pa at on-going ang medication ni, Miro,” saad nito. Natigilan naman ang dalaga at parang may kung anong kumatok sa ulo niya. Tama naman ang kaibigan. Kung patuloy na malugi sila paano na si Miro? Napailing siya at mukhang kailangan na niyang gawin ang dapat. Isa pa wala namang mas importante sa kaniya ngayon kung hindi si Miro. “Fine! Thanks, medyo nalinawan ako,” aniya. “Gosh! First time yan na nag-agree ka sa ‘kin. Lasing ka na ba agad?” wika nito. She rolled her eyes at Tweetie. Her friend chuckled in return. Hindi na rin siya nagpagabi pa masiyado at umuwi na. Pagdating niya sa kanilang bahay ay sobrang tahimik. Pumunta na siya ng kusina at uminom ng tubig. Nakita niya ang isang kasambahay nila na nagtatapon ng basura sa labas. May isang bag pa sa gilid kaya kinuha niya na. “Ma’am, ako na po,” saad nito nang makabalik. Umiling naman si Mia rito. “Ako na,” sagot niya at naglakad palabas. Inilagay niya iyon sa basurahan sa labas at napatingin sa paligid. Nang masiguradong walang tao ay kaagad na kinuha niya ang isang piraso ng sigarilyo at sinindihan iyon. Napahinga siya nang malalim nang maibuga ang usok. Parang may kung anong nawala sa loob niya. Hindi niya rin mawari ang sarili kung bakit sobrang stress siya sa mga nangyayari. Umupo siya sa gilid at kinuha ang kaniyang cellphone nang tumunog iyon. Unknown number ang tumatawag. Pinatay niya pa ‘yon subalit tumawag ulit. Pagod na sinagot naman niya ito. “Who’s this?” aniya. “I didn’t know that you smoke.” Napakunot-noo siya nang marekognisa ang boses sa kabilang linya. Napatingin naman siya sa paligid at t’saka napansin ang itim na Rolls Royce sa unahan. “The hell you care,” sagot niya at pinatay na iyon. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang lalaking tila galing pa sa business meeting dahil sa suot nitong mamahaling suit. Hindi na siya nakaalis pa dahil inilang hakbang lang ng binata ang agwat nila. Hindi niya na ito tiningala at patuloy lamang sa paghithit ng sigarilyo. Hindi naman ito umiimik pero ramdam niya ang pagtitig nito sa kaniya. Tumayo siya at tiningnan ito. “Are you stalking me?” tanong niya rito. “Napadaan lang,” sagot nito. Natawa naman ang dalaga at humithit sa sigarilyo niya at binugahan ang mukha ng binata. He didn’t even flinch. He’s just staring at her intently. “Exclusive subdivision ‘to at hindi basta-bastang kalye na puwedeng daanan ng kahit sino. Paano ka nakapasok? Mahigpit ang security namin dito,” saad niya. “I own these subdivisions, at marami pang on-going constructions sa kabilang lot,” sagot nito. Natigilan naman si Mia sa narinig mula rito at natawa. “Lies...matagal na kaming nakatira rito at kilala ko kung sino ang may-ari,” aniya. “Too bad, I already bought this from him,” sagot nito. Natigalgalan naman ang dalaga sa narinig. “I-Ikaw na ang may-ari?” “The one and only. Iyang mansion sa itaas na overlooking ang mga bahay niyo rito sa baba is undergoing major renovation dahil diyan na ako titira. I will be your most valuable neighbor ever existed, Mia Li,” sambit nito. Napakurap-kurap naman si Mia at kaagd na inapakan ang sigarilyo nang maupos na iyon. Kumunot naman ang noo ni Rogue sa ginawa niya. “That’s bad for your health,” seryosong saad nito. “Tsk, nagsalita ang hindi naninigarilyo,” asik niya rito. “Hindi talaga ako naninigarilyo,” wika nito. Tumikwas naman ang kilay ng dalaga. “Sa tingin mo ba I will look this young and handsome kung pinapabayaan ko ang sarili ko sa mga bisyong nakasisira ng katawan?” anito. “Just the mere sight of you, sapat na para makasira ka ng kapwa mo,” malditang ani niya. “What’s with that rage in your eyes? It’s as if I did a mortal sin towards you,” saad nito. “Ewan ko sa ’yo, umalis ka na nga,” pagtataboy niya rito. “I’m bored,” reklamo nito. “Do you have food inside? Hindi pa ako kumakain.” Napakunot-noo naman si Mia. “Mayaman ka ‘di ba? Umuwi ka na sa inyo. Wala kaming pagkain sa loob, nagtitipid kami,” sagot niya rito. “I heard about your family’s situation. Your dad is struggling too. Just tell me if you want my help, hindi ko kasi kilala ang ama mo sa industry,” wika nito. “Shut up! Huwag kang makialam sa problema namin. We already found the solution to this at labas ka na roon. Umalis ka na nga,” inis niyang sambit. Imbis na umalis ay pumasok pa ang binata at nauna pa sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ng dalaga at mabilis na hinabol ito pero nakapasok na sa loob. “Mi-iya...” Kaagad na namutla si Mia nang makita si Miro kasama ang mommy niya. Mukhang galing pa ito sa kusina at kaiinom lang ng gatas. Kita niya rin ang gulat sa mukha ng ina niya. “M-Mia,” ani ng ina niya. Napatingin naman siya kay Rogue at sa ina niya. “Ahm...” Napalunok siya at kita niya ang confusion sa mata ng kaniyang ina. “Hello, Mrs. Li, I’m Rogue Bedzhiv,” pagpapakilala ng binata sa ina niya. Ngumiti naman ang kaniyang ina. “Of course! I know you. You’re the legendary Bedzhiv,” saad ng ina niya. May laman pa ang tingin nito para sa anak. “What brought you here? Upo ka muna hijo,” tanong ng ina ni Mia. Napapikit naman si Mia at tiningnan ang ina niya. “Mia, you didn’t tell us that you were friends with Rogue pala,” saad ng ina niya at pasimpleng pinanlakihan siya ng mata. “We’re not—” “We met two years ago at a club,” sabat ni Rogue. Natigilan naman ang ina niya sa narinig mula rito. “Mom, ibalik mo na si Miro sa kuwarto. He’s sleepy, remember bawal siya ma-stress at kailangan niya ng tamang pahinga,” sabat niya at sinenyasan ito na umalis na. Mukhang magmamatigas pa ito pero wala ring nagawa dahil humihikab na rin ang bata. “Mommy, I want to sleep,” saad nito. “See?” ani Mia. Wala namang nagawa ang ina niya kaya umalis na at nagpaalam na kay Rogue. Halos hindi pa mapuknat ang ngiti sa labi nito. “Mia, take care of our guest. He’s a VVIP,” wika pa ng mommy niya. Inilingan niya lang ito. Nang makaalis ay inis na tiningnan niya ang binata. “What the hell do you want?” tanong niya rito. “Mia? Please,” sigaw ng ina niya sa unahan. Napairap naman siya. “I told you, I’m hungry,” saad nito. “Fine! Pagkatapos nito umalis ka na, puwede ba?” asik niya rito. He just shrugged his shoulders. Pumunta na si Mia sa kusina at sumunod naman ang binata. Ramdam niya ang tingin nitong nakasunod sa kaniya pero wala siyang pakialam. Ang sa kaniya lang ay sana umalis na ito. Ininit niya na lang ang ulam at basta na lang kinuha ang kanin sa rice cooker. “Kain na,” wika niya. Tiningnan lamang siya ni Rogue at kumain na nga ito. Tahimik at pokus lamang ito kaya sa tingin niya ay mukhang gutom nga talaga ito. “Hindi ka nga talaga kumain?” usisa niya rito. Umiling naman ito bilang sagot. Sunod-sunod pa ang subo nito at humigop pa ng sabaw. “Dahan-dahan naman, para kang PG,” komento niya at nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay rito. Kaagad na kinuha naman iyon ng binata at ininom. Bumalik din naman kaagad sa kinakain niya. Maging siya ay nagutom kaya kumain na rin siya. “Hindi ka rin kumain kanina?” tanong nito. “Obvious ba?” sagot niya rito. “That little boy...” Nasamid naman si Mia kaya mabilis na kinuha niya ang tubig at ininom iyon. Kumunot naman ang noo ni Rogue. “Are you okay?” Tumango naman siya. “I didn’t know you have a brother,” saad nito. “Ang tindi naman siguro kung malalaman mo ang nangyayari sa buhay namin the fact na hindi naman tayo close,” sagot niya. “But we’re more than close before. We even tasted and saw each other’s bod—sjhjskl...” “Puwede bang kumain ka na lang? Kung anu-ano ang lumalabas sa bibig mo. Baka may makarinig ano pa ang sabihin nila,” saway niya rito. Tinitigan lamang siya ni Rogue. Seryoso ito at tila kinakalkula siya. “Ano? Naiinis ako sa tingin mong ‘yan,” aniya rito. Umiling naman ito at tumayo na. “Thanks for the food,” wika nito at basta-basta na lang umalis. Naiwan naamn si Mia na hindi makagalaw. Ilang saglit pa ay nabitiwan niya ang kaniyang hawak na kutsara at napasandal saupuan. Ang lakas-lakas ng t***k ng puso niya at nanginginig siya. “Oh God!” aniya at napahawak sa kaniyang ulo. “Mia, where’s your friend?” Napatingin naman siya sa ina niya. “Tulog na po ba si Miro?” tanong niya rito. Tumango naman ito. “Umalis na ang kaibigan mo? You did not tell us about Rogue,” saad nito. “So, what? Ano ba ang meron sa kaniya?” sagot niya rito. “Magsabi ka nga ng totoo, nililigawan ka ba niya?” tanong ng ina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD