Chapter6

3194 Words
Kinabukasan ay maagang gumayak si Mia papuntang eskuwelahan. Tiningnan niya muna si Miro sa kuwarto nito at hinalikan. “Get well, Miro baby. Babawi si Mi-iya,” aniya at hinalikan ulit ang pisngi nito bago umalis papuntang eskuwelahan. “Anak, kumain ka na ba?” tanong ng ina niya na tumutulong sa kasambahay nila na nagluluto. “Sa cafeteria na po ako kak—I mean, dinadalhan ako ni, Kai ng pagkain sa school,” sagot niya. “Really? Wow! Sinasabi ko na nga ba. Kai is really a good match for you. Mabait talaga ang batang iyon. Mabait kasi ang mga magulang kaya ikaw ayusin mo iyang buhay mo ha. Nakakahiya iyang pagka-lakwatsera mo,” saad ng ina niya. “Umuwi kang maaga at may dinner tayo mamaya sa house nila,” dugtong nito. Tumango lamang siya at tumalikod na. Pumasok na siya sa kaniyang kotse at nagmaneho na paalis. Pagdating niya sa eskuwelahan ay kaagad na nasilayan niya ng guwapong mukha ni Kai. May dala-dala na naman itong brown bag. “Good morning,” bati niya rito at ngumiti. Nilapitan naman siya nito at hinalikan sa pisngi. “Good morning, did you sleep well?” tanong nito. Tumango naman siya kahit ang totoo ay hindi talaga. Naguluhan kasi siya sa reaksiyon ni Rogue kagabi at bigla-biglang umalis. “Wala tayong klase sa first period natin. I brought you some food alam kong hindi ka na naman kumain ng breakfast. Doon na tayo sa bench malapit sa football field,” wika ni Kai. Tumango lamang si Mia rito. Nauna na nga ang binata at nakasunod lamang ang tingin niya rito. He’s too perfect for her. Hindi nga niya maintindihan ang sarili na kahit nobyo niya na ito ay parang hindi pa rin siya makapaniwala. Noon lang ay grabe ang pagpapansin niya rito tapos ngayon heto na. “Come on babe,” tawag nito sa kaniya. Napangiti naman siya sa endearment nito sa kaniya at sumunod. Umupo na sila sa bench at kaagd na inasikaso naman siya ng nobyo. Nakita niya ang dalawang Tupperware at may Filipino breakfast iyon. May coffee pa na galing sa starbucks. “Hindi na rin ako kumain kanina para may kasabay ka. Nang sa ganoon ay hindi ka malulungkot na kumain,” saad nito. Napangiti naman si Mia at hinawakan ang pisngi nito. “Pogi ka na nga, maalaga pa. Swerte ko naman sa ‘yo,” aniya. Natawa naman ito. Kaagad na kumain naman sila at parehong malayo ang tingin. “My parents told me about the merging of our companies. They thought of marrying us two para maging mas matibay pa ang bonding ng families natin. What do you think of it?” tanong nito. Mia sipped her cup and smiled a little. “How about you? What do you think about it?” balik tanong niya rito. “Honestly? I’m happy. Kung iisipin nga ay sobrang advantage nu’n sa ‘kin. I get to marry my special someone. Kahit walang merging ng company na mangyayari papakasalan din naman kita in the future,” wika nito. Natuwa naman si Mia sa narinig dito. Masaya siya, but it was half-hearted. Sa dami ng mga pinagdaanan niya hindi niya na alam kung alin doon ang totoong kasiyahan. Hindi niya na kayang pagkatiwalaan ang sarili dahil tinatraydor siya. “Bakit? Ayaw mo bang magpakasal sa ‘kin?” tanong nito sa kaniya. Nginitian naman ito ni Mia. “Kai, hindi naman lingid sa ‘yo na sobra kitang crush ‘di ba? Pero alam mo rin na hindi ako good influence sa mga kaibigan ko. Masiyado akong prima dona at party girl. Hindi ako nababagay sa isang tulad mo. You’re perfect at marami kang maipagmamalaki hindi tulad ko. Kahit saan ako ilagay hindi naman ako nag-e-excel. Walang nakaka-proud sa ‘kin,” malungkot niyang sambit. “But you’re perfect, Mia. Hindi mo nakikita ang halaga mo,dahil busy kang punahin ang mga kamalian mo. Ang kakulangan mo. You are perfectly flawed and that’s what makes me fall for you even more,” sagot ng binata. “Kai, hindi mo kasi naiintindihan. I am the type of girl, na hindi mapagkakatiwalaan. Hindi mo maaasahan sa mga simpleng bagay, dahil tanga na boba pa,” aniya. “Why are you looking down on yourself? Why so harsh, Mia? Sa tingin mo ba, hindi ko alam ang mga nangyari sa ‘yo? I know, and I’m fine with it. I love every bit of your imperfections,” wika nito. Tinitigan naman ito ni Mia, at kita naman niya na seryoso ito sa kaniyang sinasabi. “Kai, ilang araw pa lang ba tayong magnobyo? I mean, hindi pa nga tayo umaabot ng isang buwan tapos ganiyan na maririnig ko sa ‘yo. Naku, ha! Iisipin ko talaga na matagal ka ng may gusto sa ‘kin niyan,” biro niya rito. “Because I do,” saad nito. Natigilan naman ang dalaga. “Hindi nga?” “Sinabi ko na sa ‘yo noon, ‘di ba? I was just blinded by the fact,na hindi naman talaga si Adriana ang gusto ko. I only want to be friends with her, para mapalapit kay, Governor Yoa. It is you all along, Mia,” wika nito. Natigilan naman si Mia at sumubo ng kanin. “Then fine, let’s get married. Wala naman siguro akong rason para huwag pumayag sa magiging kasunduan, ‘di ba?” sagot niya rito. Napangiti naman nang matamis si Kai. Ni hindi nga napigilan ang sarili nitong halikan siya sa pisngi. He even gave her a peck on her lips. Napakurap-kurap naman si Mia at kaagad na lumayo. “I-I’m sorry, did I—” “Don’t be sorry, I was just surprise. Hindi naman big deal sa ‘kin ‘yan. That was just a kiss, normal lang,” sagot niya rito. Napangiti naman si Kai. Pagsapit nga ng uwian ay maagang umuwi si Mia para magbihis. She’s too excited for tonight. Nag-ayos siya at siniguradong presentable siya tingnan. Gulat na gulat pa nga ang mommy niya, nang makita siyang prim and proper sa suot na dress. “What a miracle!” saad nito. Napairap naman ang dalaga. “Hindi puwedeng mapagod si Miro kaya stay muna siya rito with his Yaya Ubeng. I already instructed her what to do if ever hahanapin niya tayo,” sambit ng kaniyang ina. Tumango naman si Mia. “Puntahan ko lang siya saglit bago tayo umalis,” wika niya. “Okay, bilisan mo lang.” Pumasok siya sa kuwarto ng bata na ngayon ay nanonood ng palabas sa malaking TV nito. “Hi, baby ko, kumusta ka na? Feeling good?” tanong niya rito,at kaagad na nagpakaraga naman ito sa kaniya. Niyakp niya ito at hinalikan sa pisngi at noo. “Mommy Iya, Miwo want ice shrem,” sambit nito. Hinawakan naman niya ang mukha nito at huminga nang malalim. “Anak, magpagaling ka muna, ha. Kapag nakita kong strong na ang baby ko, bili tayo marami ice cream. Lahat ng gusto mo,” aniya rito. “Chocolates, too?” Tumango-tango naman si Mia. “Yes! Kahit ano,” aniya at napangiti. “Yey!” sigaw nito at niyakap siya nang mahigpit. “Wab you Mi-iya,” sambit nito. Shortcut iyon ng Mommy Mia. Hindi pa amsiyadongd eritso magsalita si Miro kaya mi-iya ang tawag sa kaniya. “Aalis muna kami saglit ha. Uuwi rin kami agad. Huwag kang magpasaway kay, Yaya Ubeng,” bilin niya rito. Tumango naman ito. Mukhang gusto pa yatang humirit na sasama kaso umiling na si Mia. “Kailangan mong magpahinga rito, baby. Hindi ka puwedeng mapagod lalo pa at gabi na. Uuwi agad si mommy, okay?” wika niya rito. Wala na ring nagawa ang bata at nanood na lamang ng paborito nitong palabas. “Intay kita Mi-iya,” anito at kumaway na sa kaniya. Parang nilalakumos naman ang puso niya sa sakit. Kaya nahihirapan siyang umusad dahil dito. Kahit alam niyang wala na sa linya ang buhay niya ay lalo niya pang ginugulo. Dahil hindi niyaalam kung paano iha-handle ang sitwasiyon niya. Ang daming bumabagabag sa kaniya. “Ang lalim ng iniisip mo,” sambit ng kaniyang ina. Tiningnan naman niya ito, habang nagmamaneho ang daddy niya. “Mommy, Daddy, hindi ba unfair ‘to sa side ni, Kai?” aniya. “Unfair? Why?” tanong ng daddy niya. “Wala silang alam na may anak na ako. That Miro is my son. Ayaw kong ikubli ang anak ko habang buhay. He’s getting bigger. Napapagod na ako sa ganitong set-up. Ayaw kong kamuhian ako ng anak ko paglaki niya,” mahinang saad niya. “Oh, gosh! Ngayon ka pa talaga maggaganiyan, Mia? Papunta na tayo. Ano pa ba ang iniisip mo, ha? Walang sino man ang may alam sa pagbubuntis mo noon. Walang makakaalam hangga’t walang magsasalita sa ating tatlo. Kung patuloy na tikom ang bibig natin walang makakaalam,” sagot ng ina niya. “Pero mommy mabait si Kai. Hindi niya deserve na lokohin. Kamumuhian niya ako, kapag nalaman niya ang totoo sa ‘kin,” giit ng dalaga. “Anong totoo, Mia? Ilang beses ko bang dapat itaktak diyan sa kokote mo na wala kang anak. Miro is my son, he is your younger brother. Mag-isip ka naman, Mia. Ikaw lang ang makakatulong sa ama mo ngayon. Lalo na sa sitwasiyon ni, Miro. Hindi puwedeng wala tayong pera. Alam mo naman na wala akong tiwala sa mga doctor dito sa bansa natin. He needs an immediate care, at lalong he deserves to be treated well too. Kung sana lang kasi sasabihin mo na kung sino ang ama niya ay wala tayong magiging problema,” wika ng ina niya. Naikuyom naman ni Mia ang kamao niya. “Tama na ‘yan, darling. Mia was just worried,” sabat ng ama niya. “Sino ba ang totong ama ni, Miro, ha? Mia Rose? Bakit hindi mo masabi-sabi sa ‘min?” galit na wika ng ina niya. “I don’t know,” sagot niya lang at napatingin sa labas. Rinig naman niyang buntong hininga ng kaniyang ina. “Mia, I am just protecting your dignity as a woman. You are my only child. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao sa pamilya natin, kapag nalaman nilang nagpabuntis ka nang sobrang aga? Na malandi ka? Na naging pabaya kaming magulang sa ‘yo? Anak, I am not doing this for our own interest. Iniisip ko lang ang magiging kahihinatnan. Ayaw kong maliitin ka ng ibang tao. Ayaw kong masira ang tingin nila sa ‘yo, dahil hindi mo deserve iyon. Kung kailangan kong magsinungaling hanggang kamatayan ko gagawin ko. If it’s for you, gag—” “Alam naman natin na hindii mo ‘yon gagawin para sa ‘kin, ‘My. Ginagawa mo ‘to, dahil ayaw mong mapahiya sa mga kakilala mo. Ayaw mong mapahiya ka sa mga relatives natin. Ayaw mong malaman ng mga tao na may disgrasyada kang anak. I know, I did a big mistake before. Kaya pilit kong tinatama ang lahat. Ayaw kong dagdagan ang mga kasalanan ko. I failed you, kaya ayaw kong makagawa pa ng isang pagkakamali, dahil siguradong damay kayo pagdating ng panahon. Ayaw ko nang nakikitang nadadamay kayo sa mga maling desisyon ko sa buhay,” sabat niya rito. Kaagad na natahimik naman ang ina niya at kababaksana sa mukha nito ang disappointment. “Mia, alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Whether we like it or not damay kami sa kung ano man ang mangyari sa buhay mo. Mas masakit para sa ‘min na makita kang nahihirapan o kinukutya ng iba dahil anak ka namin. It hurts hearing that form you,” saad ng ina niya at umiwas ng tingin sa kaniya. “Pero mas masakit na kailangan kong itago ang anak ko just to save my face. Alam kong kapag nalaman ng lahat ang totoo pagpipiyestahan nila ako, tayo. Pero Mommy naman, deserve ng anak ko na ipagmalaki,” giit niya rito. “Ipagmalaki? How? Ano ba ang kaya mong gawin para maipagmalaki siya ha? By telling it to the world? Paano mo ba bubuhayin ang anak mo kung wala kami? Knowing na may sakit pa siya. Mia, nag-usap na tayo ‘di ba? You agreed on marrying Kai,” inis na sambit ng ina niya. “Ano ba ang pinagpuputok ng butsi mo parang nagbabago ang lahat? Nakikipagkita ka na naman ba sa ama ni, Miro? For Pete’s sake Mia! kapag nalaman kong may ugnayan kayo ng kung sino mang Poncio pilatong ama ni, Miro I will disown you!” galit nitong singhal sa kaniya. Napapikit naman si Mia at parang sasabog ang puso niya sa stress. “Tama na!” ani ng Daddy niya at nag-park sa gilid ng daan. Seryoso lang ito at nakatingin sa kaniya sa rearview mirror. “Kausapin mo iyan, George. Hindi ko na matantsa ang batang ‘yan. Sumusobra na. Ni hindi man lang marunong tumanaw sa mga paghihirap natin. We strive so hard para mapaganda ang buhay niya. Sinira niya na nga noon, mukhang balak pang sirain ang ngayon,” reklamo ng kaniyang ina. “Mia, what do you want?” Tiningnan naman niya ang kaniyang ama. “I...I don’t want to lie anymore. Ayaw kong magsinungaling kay, Kai dahil alam kong darating ang panahon na pagsisisihan ko iyon. Ayaw kong lumaki si Miro na hindi ako ang kinikilala niyang ina. Kakarmahin ako pagdating ng panahon. Maliit na bagay lang naman ‘to eh. Kung hindi niya ako tanggap then fine, hahanap na lang ako ng ibang paraan para makatulong sa kompanya,” s**o niya sa ama. Tumango-tango naman ito. Kita niya na naiintindihan siya ng kaniyang ama and she’s grateful for that. “Pero hindi madali ang kagustuhan mo anak. Malaki ang chance na hindi matutuloy ang kasal. Kai will feel betrayed. galing sa isang respetado at prominenting pamilya ang mga De Guzman. Hindi sila papayag na madumihan ang pangalan nila. As much as I don’t want you to drag on this mess, wala akong magagawa anak. Pero hindi kita pipilitin kung ano---” “No! I can’t! I can’t live with poverty. George this is not what we have talked,” sabta ng ina niya. “Meryl, mukha ba akong papayag na maghirap tayo? I can work. I can still work,” saad nito. “You can’t! Alam mo ba kung ano ang sakit ng papa mo ha? He’s having mild symptoms of heart attack. Kung gusto mong---” “Stop it, Meryl!” “No, she needs to know. Dapat niyang malaman na hindi na maganda ang kalagayan ng katawan mo ngayon. Maraming iniindang sakit ang ama mo and he’s not okay. Huwag mo ng dagdagan ang problema ng pamilya natin, Mia. Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Kung alam ko lang na aabot sa ganito ang pag-i-spoil ko sa ‘yo noon sana pinabayaan na lang kita,” galit na singhal ng ina niya. Nasaktan naman siya sa narinig mula rito. “Really, Mom?” asik niya. “Ano ba? Sabihin niyo lang kung tutuloy pa ba tayo o hindi na. Nakakahiya sa pamilya De Guzman. They’re expecting us there. Pagkauwi natin t’saka natin pag-usapan ulit ‘to. Kailangan nating magpakita sa kanila ngayon kaya please lang. Huwag na kayong mag-away,” mahinang sambit ng daddy niya. Natahimik naman si Mia. Tumingin siya sa labas at hindi na alam ang tamang gawin. Alam niyang masama na rin ang loob ng ina niya sa kaniya. Iniisip niya lang ang kahihinatnan ng lahat. “I’m sorry,” she said and held her breathe. Rinig niya rin ang pagbuntong-hininga ng kaniyang ama. Nagmaneho na ito at napaisip naman si Mia. “I’m sorry Mom kung masiyadong ino-overthink ko ang lahat,” aniya. “Stop being an overthinker. Nalagpasan natin ang nangyari sa ‘yo noon, ngayon pa ba kaya? Huwag mo ring isipin na magbabago ang desisyon ko tungkol sa marriage deal na ‘to dahil hindi. Magbabago lang ang desisyon ko kung kasing yaman ni, Rogue Bedzhiv ang ipapalit mo,” saad nito. Kaagad na nag-abot naman ang kilay ni Mia. “Hindi mo nga kilala masiyado ang lalaking iyon. He’s a jerk Mom,” wika niya rito. “But you’re friends with him.” “Magkaibigan sila? Paano kayo nagkakilala? Mailap siya Mia. Hindi iyon basta-basta nakikipag-usap kanino lalo na kung business ang pinag-uusapan,” sabat ng kaniyang ama. “Pero hindi siya mailap sa mga babae, Dad. He’s a womanizer. Kaya nga tumatanda na wala pa ring asawa,” sagot niya rito. “Ang alam ko ay hindi mahilig sa babae si Rogue. Kusa lang na nilalapitan. kaya nga hindi makapag-asawa dahil walang nakikitang deserving,” sambit pa nito. Natawa naman nang pagak si Mia. “And you think that’s true, dad? Knowing that jerk. Palagi ko kayang nakikita iyon sa club na pinupuntahan ko,” aniya. “Sigurado ako, dahil secretary niya ang nakauspa ng kaibigan ko. Nandoon pa nga ako nu’ng nag-uusap sila kaya hindi ako nagkakamali sa pandinig,” saad nito. Natawa naman si Mia at umiling. “I saw how his eyes sparkled when he stares at you, Mia. Baka may gusto si Rogue sa ‘yo,” sambit ng ina niya. “Come on, Mom. Ito na naman ba ang pag-aawayan natin?” asik niya rito. “I’m just stating as what I have observed. Hindi naman ako magsasabi ng ganiyan kung hindi ko nakita mismo,” sambit nito. “Meryl, I know we’re going through something. Pero huwag mong ipagkanulo ang anak mo kay, Rogue. Alalahanin mong malaki ang agwat nila. Bata pa ang anak mo,” saway ng ama niya rito. “George, what’s the big deal? Eh tayo nga twelve years ang age-gap natin. Did I stop myself from loving you?” saad ng ina niya. Ngumiti naman nang tipid ang daddy niya. “You really loved me before kaya hindi mo na inintindi pa ang gap natin,” nakangiting saad ng ama niya. “Lamang lang naman ng ilang paligo sa ‘yo si Rogue kung pagdating lang sa pormahan ang basehan. Mia, your Dad was just like Rogue before. Nu’ng makilala ko siya I was too young too. pero hindi na ako nag-atubiling pakasalan siya. He’s hot, handsome, and wealthy,” saad ng ina niya. “Kaya ba pinagtiisan mo ako, darling?” tanong ng kaniyang ama habang nakabusangot. “Darling, kung hindi kita mahal nunkang magtatagal tayo. Hindi ko after ang wealth mo. Nakalimutan mo na bang international model din ako noon. Marami akong endorsements at sikat ako sa modelling world. I have a big income too. It’s just that you are perfect for me. You’re stable, responsible, and you really loved me. Kaya, I have all the reasons para mag-stay,” sagot ng ina niya. Kahit anong galit niya sa parents niya kusa talagang natutunaw. Makita niya lang na masaya ang mga ito at nagmamahalan ay okay na siya. “Fine! I’m sorry for my outbursts kanina. I’m being selfish,” aniya at ipinikit saglit ang mata at kunwaring nakikinig sa earphone niya para hindi na magsalita ang kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD