CHAPTER 7: Kasal

4386 Words
Pabalik-balik ako sa paglalakad sa tabi ng kama habang sinusulyapan ang cellphone sa bed side table. Sinuyod ko ang buhok gamit ang daliri. I'm frustrated. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Attorney para hingin na sa kanya ang mapa. Nang sa ganoon makaalis na ako rito sa bagong Hotel na pinag-stay-han ko pansamantala. Dalawang linggo na ang lumipas noong huling kita ko sa kanya roon sa unang Hotel na pinag-check-in-an ko. Ang kaso nga lang hindi kami nagkaharap dahil kasama niya si Rickson. Akala ko, isang linggo lang ang pagtatago ko kay Attorney ngunit hindi ko naman inaasahan na aabutin pala ng dalawang linggo. Paano ba naman kasi, sa mga nagdaang mga araw. Ilang beses ko siyang kinontact na magkita kami, dapat siya lang ang mag-isang humarap, ngunit sa tuwing oras na para magkita na kaming dalawa, palagi niyang kasama si Rickson. Nagtatanong nga siya kung bakit hindi ako sumisipot sa tagpuan namin. I only reasoned out that I was busy. Kung alam niya lang talaga na takot kaming magkaharap noong lalaking kasama niya palagi. Baka mawindag iyon. Mukhang hindi rin siya sinabihan ni Rickson sa nangyari sa aming dalawa. Hindi lang isang beses na kamuntikan nila akong mahuli. Umaalis rin agad ako sa tagulpuan pag natanaw kong kasama niya si Rickson. Mabuti na lang hindi pa nila ako nahuhuli. Magaling kaya akong magtago. Which is great for me! Hanggang kailan ko ba pagtataguan ang lalaking nakakuha ng virginity ko? I don't know. Wala na sa isip ko ang mag-usap kami. Past is past, malapit na rin akong maka-move on sa pagiging pabaya kong babae. Kaya ngayong araw balak ko na namang makipagkita kay Attorney. I was hoping that Rickson isn't with him anymore. Maybe 2 weeks is enough, baka sumuko na iyon sa paghahanap sa akin. Hindi ko natiis na tawagan na lang si Attorney Yanson nang buo na ang desisyon ko. Dinampot ko ang cellphone sa bed side table. Agad namang nag-ri-ring ang kabilang linya. Tahip-tahip ang kaba habang naghihintay sa pagsagot nito. Sana lang talaga hindi na nito kasama lalaking 'yun oras na magkita kami. "Attorney Fritz Yanson!" tawag ko sa buong pangalan nito nang masagot niya ang tawag. "Hey! Ms.Corteza, long time no calls?" Himig sa boses nito ang pagkagulat. Kumunot ang noo ko nang makarinig ng maingay sa kanyang background. May iilan pa siyang kinausap bago niya ulit tinuon ang pansin sa akin. "So what is it again? Bakit ngayon ka lang na patawag?" "Saan ka ngayon? Gusto kong makipagkita sa'yo. Ibigay mo na sa akin ang mapa ng lupain ni Mommy at Daddy. Gusto ko nang lumipat roon! Mamulubi ako kung dito lang ako sa Hotel, hindi ako makakatipid!" mabagsik kong sabi. Naiinis dahil malaking pera na ang na waldas ko para lang sa pagtatago ko kay Rickson. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko dahil may katawanan siya. Maingay rin ang lugar nito. Napahilot na lang ako sa sintido. Gusto ko na naman magalit sa hindi pakikinig ni Attorney sa akin. Mukhang busy rin yata siya. Narinig ko pa na may nagpakilala sa kanyang babae. "Attorney! Nakikinig ka ba!?" sindak kong sabi dahil sa iritasyon. "Ow! Sorry! Sorry! What is it again?" May halakhak sa kanyang pagtatanong. Pinagloloko ba ako ng lalaking 'to? Hindi niya ba alam na ilang pagkumbinsi sa sarili ko na tawagan siya ngayon tapos ito ang pambungad niya sa akin? Inaasar niya pa ako. Hindi yata interesado na makuha ko ang mapa. "Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita. Diyan lang tayo mag-usap," iritado kong presinta. "Nasa social gatherings ako ngayon. Mas mabuti pa nga na puntahan mo ako kung gusto mo talagang makuha ang mapa." "Social gatherings? Saan iyan?" Nagkasalubong ang dalawa kong kilay. "I will text you the location... And by the way. Nandito rin ang mag-inang Serrano sa gatherings na dinaluhan ko. Baka gusto mo silang makausap. Come here ASAP." "Alright. Just tell me where you are. Pupunta agad ako riyan!" Pinatay ko na ang tawag at nagmadaling magbihis ng babagay sa social gatherings na sinasabi nito. Nawala na nga sa isipan ko ang magtanong kung nandoon rin ba si Rickson kasama niya dahil sa nalaman kong nandoon rin pala ang mag-inang Serrano. Kung hindi ko sila makaharap sa Mansyon. Dahil pinapaalis ako ng kanilang mga guards. Mas maiging sa ganitong paraan mag-cross ang landas namin lalo na sa kabit ni Daddy na Mommy ni Rosalie na si Rosalina. Gusto ko siyang makaharap at sumbatan sa pag-angkin niya sa bahay ng magulang ko. Hindi ko matanggap na pinagbawalan niya akong makapasok sa bahay namin, tatlong beses na akong pumunta roon. Ngunit ganoon pa rin, pinagtatabuyan ako ng gwardiya. Hindi ko rin naabutan si Rosalina at Rosalie dahil palaging umaalis. Nagtitimpi ako nang ilang araw para lang hindi ko ito komprontahin. Maybe this is the right time to confront her. I don't want to lose this chance. I wore a white backless dress. May slit sa bandang hita, pinaresan ko ng mataaas na takong. Sinuotan ko rin ng mga alahas sa leeg, sa pulso, pati hikaw na bumagay sa suot ko. Naglagay ako ng mapulang lipstick. This is my strength so that I can hide my true emotions. Kinapalan ko rin ang eyelash ko pati ang eyeshadow. After, I've done preparing myself. Agad na akong dumiretso sa lokasyon na binigay ni Attorney sa akin. Isang malaking Hotel iyon. Agad akong nagtanong sa front desk kung saan ginanap ang malaking event sa Hotel. May umaalalay agad sa akin papuntang event room. Sumakay kami ng elevator. Sa labas pa lang ng event room, marami nang mga bibigating tao ang pumasok sa malaking pintuan. May mga artista pa, politician, even the business man and women are in here. Meroong mga camera man ang bumungad sa akin nang makapasok ako sa red carpet. Hindi ko alam kung ano'ng meroon sa event na iyon dahil nakapasok agad ako na walang pag-uusisa sa mga nagbabantay. Which is weird. Tinext ko si Attorney na nandito na ako sa pinagdadausan ng event. Agaran niya akong nahanap sa daming tao na nandito. I looked around. Pormal ang lahat ng taong nandito, nag-uusap ng mahina. Nagtatawanan na may class pa rin ang dating. Malaki ang espasyo ng lugar. Everything in this gatherings was socialized in my eyes. Mahabang panahon na rin mula noong naka-attend ako nang mga ganito. Medyo naninibago ako sa mga taong tumitingin sa akin habang dinadaan ko sila.. "I thought, hindi ka na pupunta. Wala sa itsura mo ang mahilig sa ganito," sabi ni Attorney Yanson. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Bagay sa kanya ang suot na blacksuit. Maayos rin sa pagkakadapa ang kanyang buhok. Malinis siyang tingnan. May hawak siyang wine glass na iniinom niya agad bago ako hinarap. "I came here just for the map. Hindi ako magtatagal. Gusto ko nang makuha ang mapa. Can you lend it to me?" "Samahan mo muna ako sa lamesa ko. Nandoon sa dala kong suit case." Huminga ako nang malalim. Ayaw kong maglakad-lakad sa loob ng gatherings kaya iniling ko ang ulo. "Kunin mo na lang sa lamesa mo. Hintayin kita rito," wika ko pa. "You sure?" hindi sigurado niyang tanong. Alam niya kasing mainipin ako. "Yeah..bilisan mo, dito lang ako." "Alright. Hintayin mo ako riyan. Huwag kang gagawa ng eksena. Nasa paligid lang ang mag-inang Serrano. Kumalma ka, kung gusto mo silang kausapin. Go ahead, but don't make a scene. Baka lalabas agad 'yan sa balita." Dahil sa sinabi nito bumalik sa isipan ko kung ano ba talaga ang sadya ko rito. Bukod sa mapa, si Rosalina Serrano ang gusto kong makita kaya ako nandito. "Alright, I won't," hindi sigurado kong tugon. Pagka-alis ni Attorney. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Kahit papaano hindi ako na out of place rito dahil sa suot ko. Bumagay naman sa theme ng lugar na puti at gold. Kapansin-pansin ang ibang lalaki na tumitigin rito sa gawi ko kung saan ako nakatayo. Saktong may dumaan na waiter na may dalang mga wine. Kumuha ako ng isa, sumimsim nang ilang saglit bago ko nahagip si Rosalina sa pinakagitna ng maraming tao. May kausap siyang mga grupo ng matatanda na ka edad niya lang. Nasa tabi nito ang kanyang anak na si Rosalie. May kausap rin na matangkad na lalaki. Maputi, mukhang may itsura. Ngumingiti siya roon, at hinawakan niya sa braso. Nagbeso pa siya sa lalaki. Kumikislap ang kanyang mga mata habang kinakausap niya ito. Nakatagilid ang lalaking kausap niya rito sa pwesto ko kaya tanging matangos na ilong nito ang namataan ko. Ngunit familiar sa akin ang tindig niya. Hindi ko lang makompirma kung sino ito. Ibang-iba ang ngiti ni Rosalie doon sa lalaking kaharap niya. Pero hindi ko na masiyadong tinuonan ng pansin sa kanya, mas natuon ang atensyon ko sa ina nito na malaki ang ngiti sa mga kausap na matatandang business man. I can remember how my Mom, doing the same thing before, ganito rin sila ni Daddy noon. Nakipag-usap sa mga business man kapag sinasama nila ako sa mga ganitong event. Mariin kong hinawakan ang wine glass. Nanguha ako ng lakas. Umusbong ang galit sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang tagumpay na ngisi ng kabit ni Daddy. Talagang kina-career ng babaeng ito ang lahat. Maski ang posisyon ni Mommy, kinukuha niya ang spot light... Let's see kong makangiti pa ba siya sa gagawin ko. Mabilis ang hakbang ko palapit sa mag-inang Serrano. Agad akong nakita ni Rosalina, nawala ang nakapaskil nitong ngiti sa kanyang labi. May gulat sa kanyang mukha pagkakita niya sa akin na malapit na sa kinaroroonan nito. Kalaunan ngumiti siya sa akin. Akmang sasalubungin niya ako nang ka plastikan... "Iha—" Bago niya pa ako mabati nang nakangiti tinapon ko sa pagmumukha nito ang laman ng wine glass kong hawak. Dahilan para matigilan ang lahat. "How dare you para kuhanin mo lahat ng properties ni Mommy at Daddy!" sumbat ko sa kanya. Napa-awang ang kanyang labi. Nagsinghapan ang lahat ng taong nakakita sa ginawa ko. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot o mahiya sa pag-eskandalo sa malaking gatherings na ito. Mas namutawi ang galit ko sa kabit ni Daddy kay sa isipan ang sasabihin ng mga taong nakapaligid namin. "W-What are you saying, iha? Wala akong inangkin sa mga properties niyo." Kahit ramdam kong nahihiya na siya sa dugyot niyang itsura dahil sa wine na sadya kong tinapon sa kanyang mukha dahilan para magkaroon ng mantsa ang puting dress nito. Nagawa niya pa ring kumalma. Pinapakita ang plastic nitong ngiti. "Wala ba talaga? Bakit sabi ng anak mong si Rosalie. Pati bahay ng magulang ko, inangkin mo na? Is it true that it is yours?" "Mali ka lang siguro nang pagka-unawa... Can we talk in private? Huwag tayong gagawa ng eksena rito. Maraming nakarinig sa'yo " Luminga siya sa paligid. Humingi nang paumanhin sa lahat. Dahil hindi na ako natutubuan ng hiya. Inilingan ko siya ng ulo. "You want in private? Ayaw mo bang malaman ng lahat ng taong nandito ang baho niyong mag-ina?" Tumawa ako nang pagak. Halos hindi na makangiti si Rosalina. Huminga siya nang malalim. "I don't know what you're talking, Elsie. You're just over reacting." "Tsk! Mapagpanggap ka talaga. Hindi ka lang mahilig sumira ng pamilya kundi isa ka rin pa lang sinungaling. Feeling mabait! Akala mo kung sino? By the way...Nagsumbong ba ang anak mo na pumunta ako sa bahay namin para sana patalsikin kayo roon pero hindi ako pinapasok ng gwardiya dahil inutos mong bawal akong pumasok sa mismong bahay ng magulang ko. Bilib na talaga ako sa kakapalan ng mukha ng kabit." I said dissapointedly. I even shooked my head in disbelief. "What? Wala akong inutos sa mga gwardiya na ganoon. Nagkakamali ka lang, Elsie. Kaya hindi kita pinapasok roon dahil marami pang kailangan ayusin ang malaking bahay niyo. Pinapa-renovate ko ito para maayos kang tumira doon oras na makabalik ka." "Who told you na bagohin mo ang desinyo na gusto ni Mommy?! Feeling may-ari ka niyan? Ibig sabihin, totoo nga talaga ang narinig ko, balak mo nang angkinin ang lahat ng properties ng Corteza? Including our house?" Namutla ang ginang. Tumingin rin siya sa paligid subalit pinag-uusapan na siya ng lahat. Mas nagkaroon tuloy ako ng pag-asa na pahiyain siya lalo. Matagal ko nang hinintay na ipahiya siya at ipaalam na isa siyang kabit ni Daddy. Tama lang talaga ang pagpunta ko rito, hindi ko lang nasira ang buhay niya kundi pati imahe niya bilang mayamang business owner. "Huwag na nating palakihin ito, Elsie. Nagkakamali ka lang talaga sa lahat ng hinala mo. Wala akong inangkin. Inaalagaan ko lang—" "Are you telling me that I'm a liar? Tanongin mo ang sampid mong anak sa mga sinasabi niya sa akin nun. She told me that you own that place. Nakatanggap nga 'yan ng sampal sa akin dahil sabi niya kinuha mo na raw ang bahay ng magulang ko. It wasn't mine anymore. Go, ask your daughter about it " Tinuro ko si Rosalie sa kanyang tabi na halatang natakot rin sa presensiya ko. Hindi ko mapigilang tingnan ang kausap nitong lalaki kanina, na familiar sa akin. At doon ko lang na pagtanto na dalawang pares na mata ang nakatitig sa akin mula pa noong nakalapit ako rito. Nagkatinginan kami ng lalaking nasa tabi ni Rosalie. Namanhid ang mukha ko nang magkasalubong ang titigan namin. Walang emosyon ang kanyang mga mata. Ngunit nahaluan iyon nang pananaliksik. Gumagalaw ang kanyang panga nang makitang hindi ako interesado sa pagkikita namin ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. Nagpanggap na hindi siya namukhaan. Kahit ang totoo. Nangatog ang binti ko dahil si Rickson pala ang kausap ni Rosalie. Kaya pala familiar sa akin ang tindig niya, at kaya pala mukhang attracted si Rosalie sa kanya habang kausap niya ito bago pa man ako makalapit, dahil iba ang karisma niya ngayon. He's wearing a white longsleeve with black torso pants. Bumagay iyon sa kanya. Even his black piercing, and a gold watched. Tawag atensyon siya para sa akin. Oh heck! Si Rosalie at Rickson? They seems close earlier. Shít! Don't tell me. Magkakilala pala ang dalawa!? Of all the place na pwede kaming magkaharap ulit sa ganitong pangyayari pa. He even heard what I'm saying right now. Mabilis kong iniwas ang tingin sa lalaki nang wala itong balak mag-iwas sa akin ng tingin. Siguro hindi niya inaasahan na magkikita ulit kami. I looked at him coldy.. Kung kanina malakas ang kumpyansa ko, tila naglaho na lang bigla pagkakita ko sa kanya. But, I don't want to lose this game just because we saw each other. Hinarap ko ang mag-inang Serrano na halatang windag sa mga sinusumbat ko sa kanila. Kahit sa kalooban ko gusto ko na lang tumakbo dahil nakamasid lang si Rickson sa akin gamit ang mabagsik nitong mga tingin. But I don't want to end it here... Let me finished what I was started. Before walking out in this crowded place. "Sabihin mo sa Mommy mo, Rosalie lahat ng sinabi mo sa akin noong nagkita tayo sa harapan ng gate ng Mansyon." Tinaasan ko ng kilay ang anak ni Rosalina. "Wala akong sinabi sa'yong masama.. Basta ka na lang nagalit sa akin noon. I even welcome you—" "Oh, shut up! Just tell her everything. Stop saving your àss. Proud ka pa nga na ipaalm sa akin na bahay niyo iyon. Hindi ba? When in fact, sampid lang kayong dalawa, anak ka sa kabit at ang Mommy mo ay kerida lang ni daddy! Kaya ang lakas ng loob niyong mag-ina na kuhanin lahat ng pinaghirapan ng magulang ko. Hindi porket malaki ang na invest niyo, pinagbawalan niyo na akong pumunta sa bahay namin!" Hindi na halos makatingin sa akin ang mag-ina. Pinipigilan ko ring huwag balingan ulit si Rickson ng tingin para hindi ako ma-distract sa presensiya nito. Kahit ramdam ko ang tumutusok niyang tingin sa akin. I remained my stare straight. "Calm down, iha. You're making a scene, pwede namang natin itong pag-usapan sa tamang panahon," saway ni Rosalina. Kumalma na ang reaksyon nito. Pinahid niya ang mukha. At maarte siyang ngumiti sa akin. "Please, clam down." "How can I calmed down when you're pushing my patience?" asik ko. "As I have said, Elsie. Wala akong kinuha. Hindi mo yata naintindihan ang sinabi ng anak ko. Kinuha ko ang bahay niyo at ako muna ang nagdala ng Company dahil malaki ang na invest ko sa negosyo ng magulang mo, iha. Dahil hindi ka naman marunong sa negosyo, at ako ang mas nakakaalam nun. Pansamantala muna akong mag-manage sa negosyo niyo para hindi ito malugi. Sa'yo naman mapupunta iyon lahat kung sinusunod mo ang last will and testament. But I guess, mukhang wala ka nang balak sundin ang nakasaad roon." May halong pang-iinsulto ang saad niya. Tila sigurado na talaga siya. Tinutukoy niya sa last will and testament ang pagkaroon ko ng asawa't anak. Saktong narinig ko ang boses ni Attorney sa likuran ko. Tinatawag niya ako. Agad ngumisi si Rosalina, pagkakita niya kay Attorney. Tila ba nagkaroon siya ng kakampi. "Hindi pa ba sinabi ng Attorney mo ang tungkol sa last will and testament na hinabilin ng magulang mo bago sila mawala?" tanong ni Rosalina. Nang makita niyang hindi ako maka-imik. Napangisi siya nang malaki. Tinaasan niya pa ako ng kilay. "Attorney Yanson...Sabihin mo nga sa alaga mo ang dapat niyang gawin bago niya makuha ang properties ni Geraldine at Manuel? Hindi iyong pupunta siya rito at tapunan ako ng wine dahil akala niya inangkin ko ang ari-arian ng magulang niya. Mukhang wala pa siyang alam sa dapat niyang gawin.* Ang ina naman ngayon Rosalie ang malakas ang confident sa kanyang sarili para lang hindi siya mapahiya. Mas umusbong tuloy ang usap-usapan sa paligid. Naghalo-halo na sa pandinig ko ang panghuhusga ng mga tao. Hindi alam kung saan sila kakampi at maniniwala. Sa akin ba o kay Rosalina. "That's what I told you, Mom. Makitid ang utak ni Elsie. Hindi marunong makinig. Masiyado siyang padalos-dalos. Hindi nag-iisip. Akala mo kung sino, porket anak siya ng mga Corteza, ang lakas ng loob magpahiya sa atin rito!" sabi naman ni Rosalie na mas nagpatingkad sa galit ko sa kanya. Binalingan ko siya ng masamang tingin. Agad itong natakot at umatras. Kinuyom ko ang kamao. Akmang may sasabihin ako ngunit pinigilan ako ni Attorney. "Elsie? Bakit nag-eskandalo ka. Di ba sabi ko sa'yo kalmahan mo lang," bulong ni Attorney sa akin. "Umalis na tayo... Huwag kang gumawa ng eksena rito!" Hinila niya ang braso ko palayo sa mag-ina. Hindi ko siya pinakinggan. Hindi rin ako nagpatinag. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ang hayaan ang sariling maging talunan sa mga taong hindi karapat-dapat galangin. Binawi ko ang pagkakahawak ni Attorney sa akin. I crossed my arm. Taas noong tiningnan ang ina ni Rosalie... "Actually, hindi na kailangan sabihin ni Attorney sa akin ang tungkol sa last will and testament. Dahil alam ko na ang tungkol roon." Malamig ang titig ni Rosalina sa akin. Unti-unting bumakas sa kanyang emosyon ang pinigipigilang galit. "Really? Kung alam mo na pala. Are you willing to do it? Handa ka na bang mag-asawa sa mura mong edad at magkaroon ng anak? Sa tingin ko... Wala pa sa isipan mo ang mag-asawa. Hindi ba't rebelde ka sa States? Naglalandi ka roon. Kung sino-sinong lalaki na lang ang pinapatulan mo? May sumeryoso kaya sa'yo para pangasawahin ka? I guess, walang tatanggap sa kagaya mo, dahil babaeng pariwara ka lang, iha," natatawa nitong sabi na mas ikakuyom ng kamao ko. Suntok sa buto ko ang mga paratang niya sa akin. Pigil na pigil ako sa sarili na huwag sampalin ang ina ni Rosalie. Huminga ako nang malalim. Pinakita kong hindi ako na apektuhan sa mga binibintang niya. Kahit ang totoo, halos mahugot ko ang hininga. Nangapa ako ng sasabihin subalit na blangko ako bigla. Suddenly, nabaling ang tingin ko sa lalaking katabi ni Rosalie. Doon ko lang na pansin na nakahawak pala ito sa braso ni Rickson habang ang lalaki naman sa akin nakadirekta ang galit niyang mga titig Mariing nakatikom ang kanyang bibig. He was looking at me intensely. When, I've got finally what's to say in my mind. Tumingin ulit ako kay Rosalina. I smirked. "How sure are you na walang sumeryoso sa aking lalaki? At sino'ng malandi sa amin ng anak mo?" I looked at her daughter. "What?" Si Rosalie sa nangalaiting boses. "I'm not malandi. Excuse me?" apila nito. I raised my eyebrows. I looked at her insultedly. "Hindi niyo ba alam na magiging asawa ko ang lalaking kinakapitan mo ngayon sa braso, Rosalie? He's my fiance by the way. Haven't the news on our wedding. Hindi pa ba dumating sa inyo? Kaya umuwi ako rito sa Pilipinas para sa kasal namin..." Tumingin ako sa lahat nang naki-usisa. "Everyone, he's Rickson. My fiance. Siya ang papakasalan ko. All of you in here, are invited." Bumaling ulit ako kay Rickson. He was watching me confused on my statement. Bumababa ang tingin ko sa kamay ni Rosalie na mariing nakakapit sa braso nito. "Let go his arm, yoú bítch! Wala kang karapatang hawakan siya. Balak mo bang landiin itong fiance ko?" ingos ko pa. Agad kong hinawakan ang kamay ni Rickson at hinigit ko siya para makatabi siya sa akin. Nabitawan siya ni Rosalie. Nagulat ang mag-inang Serrano sa anunsyo ko. Pabaling-baling ang tingin niya sa akin at sa lalaking hawak ko na ngayon sa kamay. Mahigpit ko itong kapit, doon ako nanguha ng lakas ng loob. "W-What? Ikakasal kayo? Siya ang magiging asawa mo, Elsie?" gulat na reaksyon ni Rosalie. Tinuro si Rickson. Mas umingay yata ang usap-usapan sa paligid namin sa biglang anunsyo kong 'yun. Ngayon ko lang nakita na pinanghihinaan ito ng loob sa nalaman. Nagtagumpay yata akong wasakin ang puso nito base sa kanyang reaksyon. I know it, she's attracted with him. May gusto siya sa lalaki. "Nagulat ka ba dahil balak mo yatang sulutin itong finance ko. Kanina mo pa siya nilandi. Baka gagaya ka rin sa Mommy mo? Isang kabit." "N-No w-way... I can't believe this!" Nanlaki ang mata ni Rosalie. Nanghingi siya ng kompirmasyon kay Rickson. "Is this true, Rick? Ikakasal ka ba talaga sa kanya? I thought you don't have a girlfriend?" Bago pa makasagot ang lalaki. Sumingit na ako sa usapan. "Wala siyang girlfriend, dahil diretso na kaming magpakasal. I'm his soon to be wife..." I flip my hair so that mas mainggit pa siya. Which is effective dahil mukhang naiiyak na si Rosalie. Mas sumilay tuloy ang ngiti kong tagumpay. "By the way... Invited kayo sa kasal namin. Alam kong hindi kayo maniniwala na ikakasal kaming dalawa kaya pumunta kayo. Kahit ayaw kong nandoon kayong mag-ina. Much better that you will witness our wedding. Sa susunod na buwan na 'yun mangyari. I guess, magbalot na kayo ng gamit niyo habang maaga pa, dahil oras na ikakasal kami ni Rickson. Wala kayong makukuha maski konti sa pinaghirapan ng magulang ko." After I said that. Matagumpay akong umalis roon kasama si Rickson na nagpatianod lang sa eksenang ginawa ko. Mabilis kaming lumabas ng gathering rooms, habang magkahawak ng kamay. Wala rin naman siyang balak bumitaw. Mariin ko itong hinawakan, dahil na blangko bigla ang isipan ko sa nangyayari. I can't believe na kailangan ko pang gumamit ng ibang tao para lang manalo sa usapan. At hindi ako mapahiya. Pagkarating namin sa parking lot. Pagkalabas namin ng elevator. Nasa gilid pa lang kami ng elevator nang bigla niya akong pinasandal nang padarag sa dingding. Nanlaki ang mata ko nang makasalubong ang mabangis niyang titig. "What was that, Miss?" he asked coldly. His jaw clenching. Kinurap ko ang mga mata. Hindi maka-imik nang matauhan sa mga pinagsasabi ko kanina. Namula ako bigla. "H-Ha? T-That was nothing. Huwag mo nang isipan ang sinabi ko. It's just for a show!" Iniwas ko ang tingin sa kanya. Sinubukan kong itulak siya palayo. "Tabi nga... Aalis na ako!" Ayaw ko nang pahabain ang usapan. "Stay... I'm not done talking to you." Mariin niya akong pinasandal sa dingding upang hindi ako makaalis sa kanyang harapan. Nanlaki na lang ang mata ko pagkakita sa galit nitong emosyon. Tila hindi na gustuhan ang panggamit ko sa kanya. "Tsk! I'm sorry, okay? Iyan ba ang gusto mong sabihin ko?" masungit kong sabi. Yumuko siya para tanawin ang namumutla kong mukha. He stare on me with his fierce look. Kumabog ang puso ko nang nilapit niya ang bibig sa punong tenga. "Hindi sapat ang sorry lang. Pagkatapos mo akong iwanan doon sa bahay ko. Hinanap kita nang ilang araw, hindi ka nagpakita sa akin. Tapos ngayong nagkita ulit tayo. You announced our wedding in front of the crowd without my consent? And that thing is just for a show for you?" mariin niyang wika. Nanlamig ang mukha ko sa mainit niyang hininga na tumama sa bandang leeg ko. Hindi ko alam kung paano ko lusutan itong lalaking 'to. Napakagat labi na lang ako sa tensyon sa pagitan namin. "Ano'ng gusto mong mangyari? Totohanin natin ang kasal? Come on, ginamit lang kita para mapahiya ang kabit ni Daddy. That's all..." "Stop bullshiting me! Let's have our wedding!" Nalaglag ang panga ko sa diretsahan niyang sambiit. He tilt his face closer into mine. He hold my wrist tighter. Sinalubong ko ang titig niya. Namilog ang mga mata ko. "Nababaliw ka na ba? Hindi ako magpapakasal sa'yo! Ni hindi nga kita kilala! At ayaw ko sa lalaking kagaya mo!" Natupok ko yata ang iritasyon nito dahil humigpit ang pagkakadiin niya sa akin. Pati pulso ko halos mapiga na niya sa sobrang sakit nang pagkakahawak nito. Tinagilid niya muli ang ulo para mas matitigan ako nang diretso sa mga mata. Tumigas ang kanyang mukha at iritado akong pinagmasdan. "The fúck I care, kung ayaw mo sa akin. Sinimulan mo itong lahat, tatapusin natin sa kasalan kung ganoon. And you told everyone in there, that we will be having our marriage next month? Then, we'll be getting married on that month just like you said. Prepare yourself, because you can't back out on our upcoming wedding, Miss," pinal niyang sabi. Namutla ako sa seryoso nitong pagmumukha. Tila sigurado na talaga siya sa desisyon na ikakasal kami. Halos malugutan na ako nang hininga. Kami? Ikakasal sa susunod na buwan? Of all the people na pwede kong maging asawa sa lalaking ito pa na hindi ko lubusang kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD