Chapter 6: Magtatago

2443 Words
I booked an exclusive hotel. Wala na akong choice kundi pansamantala munang manatili rito. Napagpasyahan kong huwag na lang makipagkita kay Attorney Yanson sa lokasyon na gusto niya. Hanggang ngayon pala isipan sa akin kung bakit gustong makipagkita ni Rickson sa akin? Ano'ng sadya niya? At ano'ng pag-uusapan naming dalawa? Kahit balik-baliktarin man ang mundo. Hindi na ako makipagkita sa lalaking 'yun. As I have said... Wala akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos nang pangyayari doon sa mismong bahay nito. It was my most embarassing. That I have ever done to myself. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako matawagan ni Attorney. Palipasan ko muna ang isang araw bago ko ulit bubuksan ang cellphone. Gusto ko munang magpalamig sa nangyari sa buhay ko. Ano kayang pumasok sa isip noong Rickson na 'yun? Bakit gusto niya akong makita? Wala na kaming dapat pag-usapan. Ako na ang talunan, nagpadala ako sa naramdaman ko kaya na ibigay ko ang pagka babae na hindi naman talaga dapat. Kung susumbatan niya ako tungkol sa nangyari sa aming dalawa? Ipamukha niya sa akin na isa akong walang kadelikadesang babae dahil sinuko ko ang sarili sa kanya. Mas lalong ayaw ko na siyang makaharap ulit. Kung ipamukha niya lang na mababang uri akong babae. Aminado akong nagkamali sa mga desisyon. Pagtatawanan niya kaya ako oras na magkita kami? Kaya ba gusto niyang makipag-usap sa akin? Insultuhin niya ba ang pagkatao ko? Iyon ang kinatatakutan kong mangyari kaya magtitiis na muna akong hindi manghingi ng tulong kay Attorney Yanson. Gusto kong makipagkita sa kanya na kaming dalawa lang. Wala ang lalaking 'yun. Kinabukasan sinubukan kong buksan ang cellphone ko. Sunod-sunod na mensahe ang natanggap ko kay Attorney. Nagtanong siya kung bakit hindi ako sumipot sa tagpuan naming dalawa. Nagtanong rin siya kung saan raw ako ngayon. Agad akong nagtipa ng mensahe para hindi na ito mag-alala sa akin. Si Attorney Yanson lang kasi ang katiwala ni Mommy at Daddy na pwede kong asahan habang nandito ako sa Pilipinas. Siya lang din ang makakatulong sa akin. Hindi naman pwedeng iiwasan ko na lang siya. To: Attorney Yanson -Don't worry about me. I'm safe. Nag-book ako ng Hotel para may matutulugan ako. Magkita tayong dalawa. Huwag mong dalhin iyong may ari ng bahay na napasukan ko. Show your own self... Dapat ikaw lang. Huminga ako nang malalim pagka-send ko ng mensahe. Naligo muna ako sa araw na 'yun para ma-relax itong katawan ko. Ilang beses rin akong tumingin sa cellphone ko. Naghihintay sa mensahe ni Attorney ngunit dumating ang hapon, wala pa rin siyang reply. Kinabukasan na siya nakapag-reply sa akin. From: Attorney Yanson - Can you send me the location where you at? Ako na ang pupunta sa'yo. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya kung na saan ako ngayon. As I have said, he's the only one who I can be trusted. I don't have a choice. Sinabi ko sa kanya ang Hotel na pinag-stay-han ko. Kalaunan nag-reply agad ito. From: Attorney Yanson - Pupuntahan kita ngayong araw. Hintayin mo ako riyan. Maybe at 12 o'clock. I'm in there. Huwag kang aalis, diyan ka lang sa Hotel. Inayos ko ang buhok. Nilapag ang cellphone. Kailangan ko na talagang makuha ang mapa ng lupain ni Daddy na nasa kanya. Para makalipat na ako ng tirahan. Hindi ko kayang magtagal ng ilang araw dito sa Hotel. Baka mamulubi ako, lalo na't malaki ang bayad per night rito. Including the breakfast, lunch and dinner. Well the atmosphere and the big room in this hotel are satisfying. Your money is worth it. But still, I want to cherish the money. Ayaw kong magwaldas ng pera. Mas maiging tipirin ko ang savings lalo na't hindi ko naman pinaghirapan ang perang 'yun. Nilaan ng magulang ko ang savings para sa akin. Ayaw kong kuhanin ito para gamitin sa ibang gastusin ko, kailangan kong kumayod ng mag-isa. Kahit laki ako sa mayamang pamilya ngunit hindi naman tinuro ng magulang ko ang gumastos. Nag-text ulit si Attorney Yanson na parating na siya rito sa Hotel kaya nag-swimming na muna ako sa ground floor. Doon ko na lang siya hihintayin. Marami akong kasabayan rito sa swimming pool. May iilang mga lalaki ang bumabati sa akin. I keep on smiling to them and nodded my head. Mula rito sa swimming pool makikita lang ang taong pumapasok sa entrance ng Hotel kaya pati pagpasok ni Attorney mamaya masilayan ko lang din. Halos pasado alas dose na iyon, lumalangoy pa rin ako pabalik-balik sa swimming pool. Until someone approached me suddenly and asked my social media accounts. "I'm sorry. I'm not interested in dating," sagot ko na lang. Nasa gilid na kami ng pool. Nakalubog ang katawagan ko hanggang leeg. I stopped swimming just to talk to him. He's tall, he's so white and handsome. Sa kutis nito mukhang half fil-am. May accent rin ang pagsasalita. Tumabi naman sa akin ang lalaking ito kung saan ako nakasandal sa dulo ng swimming pool. Tanaw ko rito ang Entrance ng hotel kaya dito ako nagpapahinga. Binabantanyan ko rin ang pagdating ni Attorney. "I just want to be your friend. Kanina pa kita napapansin na magaling lumangoy rito. You're like a gymnastic the way you swim." Hindi ko mapigilang tingnan ang katabi. Hinarap niya rin ako sa nakangiti nitong mga labi. I can't believe na napapansin niya ang mga galaw ko. Isa rin sa dahilan kaya mahilig ako sa swimming pool dahil... "It's my sports in America. Sumali ako sa swimming competition noong nasa high school ako. So... Yeah, you were right. Isa akong gymnast." "Really. I'm also into sports too." He smiled even more. "What sports?" "Acrobatic... It was on my college days. I was raised here in the Philippines but, I live on States. I came here for good and maybe live it here too," kwento niya. Marami pa siyang sinasabi ngunit hindi ko natuon ang atensyon sa mga kwento niya sa akin nang mahagip ng mata ko ang entrance ng Hotel. Pumasok ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Gusto ko na sanang magdiwang sa pagdating nito, pero nagulat na lang ako nang may kasama itong lalaki na familiar sa akin. Wearing his black pants and a white polo-shirts. He looked very attractive on it. Halos mabali ang tingin ng mga staff sa Hotel nang pumasok siya. I gulped while watching his manly walk on the ground. Nakapamulsa siyang tumungo sa front desk. Kasama si Attorney. Kausap ni Attorney Yanson ang babaeng front desk, habang palinga-linga naman iyong lalaking kasama nito sa paligid. May iilang bumabati pa sa kanya na agad niya lang tinanguan. Napamura ako dahil hindi nag-iisa si Attorney sa pagpunta rito sa Hotel. "Freak!" bulong ko. Pinapatay na sa isipan si Attorney Yanson. Napakasinungaling talaga. Ang sabi ko sa kanya siya lang dapat mag-isa ang pupunta pero bakit kasama niya si...Rickson. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito? "What did you say? You call me freak?" tanong ng katabi ko. Akala niya yata siya ang sinabihan ko ng 'freak' Saktong biglang lumingon iyong Rickson rito sa swimming pool area. Kung saan ako nakamasid sa kanya. Bago niya pa makita ang mukha ko. Agad kong hinarap ang lalaking katabi para likod ko lang ang makikita niya. Ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Tanging glass wall ang nakaharang rito sa front desk at sa swimming area kaya alam kong kitang-kita niya ang pag-akmang pagharap ko sa lalaki. I hope he wouldn't see my face before I turned around. "You're not a freak..." I said. "Hey? What you're doing?" gulat ng sabi ng lalaking kausap ko nang nilapit ko pa lalo ang sarili sa kanya. Pati ako nagulat sa taranta kong galaw. Ngumisi ako sa kanya para maibsan ang kahihiyan dahil ang lapit ng mukha ko sa lalaki. I also locked his body in my two hands. Nilagay ko sa edge ng swimming pool. "What's your name?" kalmado kong tanong. I acted normal when the truth is... Nawawala ako sa sariling ka isipan. Dahil sa taranta ko na hindi makita ni Rickson kailangan ko pang magpanggap na interesado ako sa lalaking kausap. "You can call me Anderson. What about you?" Kinurap ko ang mga mata. Ngumiwi ako sa ngisi nito. Akala niya siguro type ko siya dahil nilapit ko ang sarili sa kanya. Hindi niya alam na ginamit ko lang ang pakikipag-usap sa kanya nang harap-harapan para lang hindi makita ni Rickson ang mukha ko. "Elsie," maikli kong sagot. Pinalipas ko muna ang ilang minuto. Bumaling ako sa aking likuran, dumiretso iyon sa kung saan si Attorney at Rickson. Likod na lang ang nakikita ko sa dalawa dahil sumakay na sila ng elevator. Papunta na sila sa room ko kaya naman kahit may sinasabi pa iyong lalaki. Agad na akong nagpaalam para makabalik na ako sa room number ko. Shíts! Bakit sumama pa ang lalaking 'yun kay Attorney. Sinadya niya ba ito? Hindi pwedeng maabutan ako ni Attorney at noong Rickson. I need to avoid him. Ngayon pa lang gusto ko nang pagalitan si Attorney. Hindi man lang siya nagsabi na kasama niya ang lalaking 'yun! Kung sa bagay nahalata niya yata sa mensahe ko na ayaw kong makita iyong Rickson kaya sinama na lang niya nang walang pasabi rito sa Hotel. Sumakay ako sa isang elevator. Kahit basang-basa pa ako sa suot kong two piece. Hindi 'yun kawalan para mabahala ako. Natatakpan lang naman ang katawan ko sa suot kong bathrobe kaya hindi mahalata ang suot ko kahit maglakad ako rito sa hallway ng hotel. Pagkarating ko sa floor kung saan ako naka check in. Dumiretso agad ako sa room, pero bago 'yun. Agad akong nagtago sa isang hallway nang makita kong nasa labas rin si Attorney Yanson at Rickson. Hindi ako makadiretso sa room. They keep on knocking on my door. Ilang beses ring nag-doorbell. Habang si Rickson naman nakasandal sa tabi ng pintuan. Naka-angat ang isang paa sa dingding. Hinintay ang pagbukas ng pinto. He even crossed his arm, walang gana ang mga galaw. Pumikit ako nang mariin. Hindi na alam ang gagawin kung paano ko makukuha ang mga gamit roon sa kuwarto ko. They guarding my room. Saktong may dumaan na housekeeping na babae. May tulak-tulak siyang cart na may naglalamang mga panlinis. Agad ko siyang inutusan na kuhanin ang mga gamit ko sa loob ng kuwarto at huwag ipaalam sa dalawang lalaki na nandito lang ako. Sabihin niya rin sa mga ito na bawal silang pumasok sa loob dahil naka-check out na ako. Agad namang sinunod ng house keeper lahat ng payo ko. Pinuntahan niya sina Rickson. Pinaalis niya sina Attorney at sinabi niyang hindi na ako naka-check-in sa hotel. Nagtaka pa nga iyong Rickson dahil nakalagay sa log book na hindi pa raw ako naka check out. Dahil magaling iyong house keeper na mag-explain. Walang magawa ang dalawang lalaki kundi ang umalis na lang sa labas ng room ko. Agad naniwala na wala na ako roon. Tumungo sila sa elevator. Naghihintay na magbukas ito. Nakita ko pang panay tawag si Attorney sa akin sa kanyang cellphone. At galit naman ang mababakas sa itsura noong Rickson. "Hindi sumasagot si Elsie! Amputek!" yamot nitong reklamo. "You told me that she's in here? Bakit wala siya? Did you fúck up again this time?" sindak na tanong ni Rickson. Hinagod niya ang may kahabaang buhok na medyo natatakpan ang kanyang mga mata. "Sabi niya kasi nandito siya sa Hotel na ito... Habilin ko nga sa kanya na huwag umalis. Pero ginawa niya pa rin. Walang pasabi si Ms.Corteza na umalis na siya rito sa Hotel." "Maybe she find out that I'm coming with you! That's why she leave immediately! This is your fault..." "Bakit ako ang sinisisi mo? Ano ba'ng sadya mo sa kanya? Bakit panay pilit kang magkita kayo? Ako na nga ang dehado rito!" reklamo namang tanong ni Attorney. Sumeryoso ang mukha ni Rickson. Iniling niya lang ang ulo. "Hanapin muna natin siya bago ko sabihin sa'yo ang sadya ko sa kanya. I wanna talk to her so bad. I want to remind her on what she did. Mali ang iwan niya ako sa bahay nang basta-basta." Namutla ako nang kumuyom ang kamao ni Rickson sa panggalaiti. "E, paano 'yan? Mukhang iniiwasan ka yata niya? Ano bang meroon sa inyong dalawa? Ano bang ginawa niya sa'yo? Bakit ayaw mo siyang paalisin sa bahay mo?" naguguluhang tanong ni Attorney. Walang ganang bumaling ang kausap kay Attorney. He shrugged his shoulder in annoyance. "You're asking too much... Tsk! Umuwi ka na muna. I'll go somewhere." "Teka? Saan ka pupunta?" "Puntahan ko muna si kuya Austine sa opisina niya. Manghiram ako ng damit. I don't bring any clothes. Mukhang magtatagal pa ako rito sa Siyudad kahahanap sa babaeng 'yun..." Namulsa si Rickson. Umayos na ako sa pagtatago rito sa hallway kung saan malapit lang din sa elevator kung saan sila nakatayo. Rinig na rinig ko ang pag-uusap ng dalawa. Tahip-tahip ang kaba ko. "Malala ka na talaga, Rickson. Pati damit nakalimutan mong magbalot, basta-basta ka na lang sumama sa akin sa siyudad!" hindi makapaniwalang sabi ni Attorney Yanson. Tinawanan niya pa ito, sinamaan naman siya ng tingin ni Rickson. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya naka alis na rin ang dalawa. Doon ako nakahinga nang maluwag. Ang hirap palang makinig sa usapan ng dalawang 'yun. Pati ako naguguluhan na rin kung bakit gusto akong makausap ni Rickson. Ano ba'ng ginawa ko noong may nangyari sa amin? Bakit tila galit na galit siya sa ginagawa ko? Mas na trigger tuloy ako na huwag nang magpakita sa kanya. Dahil nahihiya ako sa nangyari sa amin. Wala na akong balak alamin ang tungkol sa sadya niya sa akin. Mas mabuti pang kalimutan na lang namin ang isa't-isa. Para sa akin wala siyang panagutan dahil sarili ko mismo ang nagbigay ng virginity ko. Bakit nag-alburuto 'yun at desperado pa akong makausap? Habang pinapakingan ko sila ni Attorney kanina, kinakabahan ako lalo. Sana hindi na mag-cross ang landas namin. "Ma'am, ito na po ang maleta niyo. Nakuha ko na po lahat ng gamit niyo sa room," sabi ng babaeng house keeper. "Thanks. Salamat rin dahil pinaalis mo ang dalawa. Here's your tip." Nginitian ko siya pagkabigay ko sa malaking halaga. Walang katapusan naman ang pasasalamat ng babae sa akin. Napagpasyahan kong umalis na lang sa Hotel na iyon. Plano kong lilipat na lang sa ibang Hotel. Mali ba ang magtiwala ako kay Attorney? Pero pati siya clueless sa mga nangyayari kaya lahat nang utos ng Rickson na 'yun sinusunod niya. Mas mabuting palipasin ko muna ang isang linggo bago ko hingin sa kanya ang mapa. Baka hindi na umaaligid iyong Rickson na 'yun sa kanya. Sa ngayon magtatago muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD