"Saan mo ba ako dadalhin?" inis kong tanong. Sobrang bilis lang nang pangyayari. Nasa kotse niya ako ngayon. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na magpapakasal raw kami sa susunod na buwan agad niya akong pinasakay sa magara nitong kotse. Mas mahal pa ito kay sa sasakyan ko. "Just sit in there. Don't move and stop asking," he said in his cold tone. Ang lakas talaga ng loob ng lalaking ito. Siya pa ngayon ang mayganang mainis sa pagtatanong ko. Gayong pala-isipan sa akin kung bakit niya ako pinasakay sa sasakyan niya nang sa pilitan. "Yung kotse ko doon sa hotel? Naiwan ko... Kailangan ko iyong balikan!" pagpumilit ko nang wala itong imik. Wala talaga siyang balak na ibalik ako sa Hotel. His mind are fix. Seryoso lang itong nagda-drive sa tabi ko. Maski balingan ako rito at pansinin a