Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising. Hinilot ko ang sintido para maibsan ang pagkahilo. Parang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa ininom kagabi.
Akmang tatayo na ako nang may maramdaman akong tao sa aking tabi. Mabigat ang bandang tiyan ko, may naka dantay na braso. Tila nawala ang pagkahilo ko nang may na pagtanto.
Dinilat ko ang mga mata. Tiningnan ang katabi, muntik na akong sumigaw sa gulat nang makita ang mukha ng lalaki. Kinurap ko ang mga mata. Gustuhin ko mang itulak siya palayo ngunit ayaw ko namang magising ito.
Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ang buhok nito na halos natakpan na ang mga mata ay bumagay sa kanya. Mas lalo siyang gumagwapo kahit natutulog lang. Mas klaro sa akin ang mahaba nitong pilikmata, pati ang makapal nitong kilay. Sobrang kinis ng kanyang mukha, maputi rin siya. In short, guwapo talaga kahit ano'ng gawin niya.
But wait. What just happened last night? Bakit siya nakayakap sa akin ngayon?
Ilang beses akong lumunok. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Tiningnan ko ang katawan sa ilalim ng comforter. Tanging panty lang ang suot ko. Wala na akong damit. Pati itong katabi ko, nakasuot lang siya ng boxer. Mainit ang kanyang katawan na nakadikit rin sa hubad kong katawan. I wanna scream loudly when I remembered what had happened.
May nangyari sa amin! And he gets my virginity too!
I can still recall in my mind, what was happening last night. It was embarassing. I was the one who insist on giving him my virginity. What have I done to myself?
Sinapo ko ang noo, pinokpok nang ilang beses gamit ang palad dahil sa mga pinanggagawa ko kagabi. Naalala ko pa, ako mismo ang nagtulak sa kanya na may mangyari sa aming dalawa.
Namula ako sa kahihiyan nang maisip ang ungol ko at sarap na sarap pa ako sa paghalik ko sa kanya kagabi. Gusto ko na lang lamunin ng kama hanggang sa maglaho na lang ako rito.
The hell! Para yata akong sinaniban ng masamang esperito kagabi. Naging malandi ako sa harapan niya. Inakit ko siya. Dahil ba 'yun sa kalasingan ko o dahil hindi ko matiis ang karisma ng lalaki? I really don't know the reason. All I know, dahil siguro sa kalasingan kaya nasuko ko na lang basta-basta ang bataan.
Elsie! You're doomed! Tatanga-tanga ka talaga!
Huminga ako nang malalim. Dahan-dahan kong tinanggal ang nakadantay na braso noong lalaki. Mukhang hindi pa naman siya nagigising dahil sa mabigat nitong paghinga, hudyat na mahimbing pa rin ang tulog nito.
Sinubukan kong tumayo sa kama at ramdam ko ang pamamanhid ng binti. Ang gitnang bahagi ko naman, sobrang sakit, konting galaw lang sa paa para akong natinik sa kirot. Impit akong dumaing para lang hindi magising 'yung lalaking nakakuha sa pagkabirhen ko.
I even cried last night because of the pain. Ang sakit pala. Hindi naging madali kapag natapos na ang kahibangan..Lalo na ngayon, dalang-dala ko ang sakit sa gitnang bahagi. Pati sa pag-ihi ko sobrang hapdi. Kumikirot ng sobra. Tila may na punit sa loob.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang estranghero ko na ibigay ang iniingatan kong pagka babae. Ang hirap nang balikan. Nagsisi ako sa kapabayaan ko sa sarili.
"Stupid ka, Elsie! Sobrang stupid mo talaga!" Pinagalitan ko ang sarili sa harapang salamin rito sa banyo.
Ilang beses kong kinalma ang sarili. Gusto kong sumabog sa galit. Tama nga ang lalaking 'yun, pagsisihan ko rin ang nangyari kagabi. Nawala na ang tama ng alak sa katawan ko kaya ganito na lang ako nanghinayang. Ganito ko pinagluksaan ang mga maling desisyon na nagawa ko kagabi. Hindi na ako nag-iisip ng tama, nagpadala ako sa sensasyon.
Gusto kong umiyak. Gusto kong magwala dahil hindi ko nagawang pigilan ang sarili, pero kasalanan ko rin naman ang lahat.
Kahit blur sa akin ang nangyari ngunit hindi pa rin talaga mwala sa isipan ko kung paano ko hinalikan ang lalaking 'yun. Pinipigilan niya ako kagabi para lang walang mangyari sa amin ngunit sa kasamaang palad, pareho naming na gustuhan ang nangyari. Sumuko rin agad siya. At ako na mismo ang nagpumilit na pailaliman pa namin ang halik.
Ilang beses ko na yatang inuntog ang ulo sa glass shower room para lang matauhan ako. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kirot sa gitnang bahagi, kahit niligo ko ang sarili sa malamig na tubig. Walang pagbabago, hindi ko makalma ang sarili sa sobrang pagsisi. Nakakahiya talaga ang mga pang-aakit ko sa lalaki.
Mabilis lang ang pagligo ko. Nataranta na ako ngayon. Natatakot na baka maabutan niya ako, ayaw ko siyang magising. Gusto ko nang umalis rito bago pa niya ako makita.
Iyong nangyari kagabi. Dala lang 'yun sa kalasingan. Dapat ko na 'yung kalimutan. Wala akong mukhang maihaharap sa estrangherong lalaki, pagkatapos ng katangahan ko kagabi. Hindi ko matanggap na binababa ko ang sarili para lang sa kanya. Hindi naman ako ganito pero bakit ang dali lang para sa akin na ibigay sa lalaking 'yun ang pagka babae ko. Iyon ang hindi ko matanggap sa sarili.
Pagkalabas ko ng banyo. Natutulog pa rin 'yung lalaki. Nakahinga ako nang maluwag.
Nakadapa siya sa kama. Kalahati na lang ng kanyang katawan ang natatakpan ng comforter. Kahit likod nito, ang hunk niyang tingnan. No wonder, why I give up myself last night. Ang hirap din naman kasing tiisin ng karisma niya.
Dahan-dahan ako sa mga galaw ko habang kinukuha ang maleta sa sulok. Ilang paghinga ang ginawa ko bago ako tuluyang nakalabas ng bahay na 'yun. Pasado alas sais yata ng umaga nang makaalis ako.
Bumyahe ako palayo sa probinsiyang iyon. I wanna forget everything in there, including that man. I was hopping na sana hindi na ulit kami magkitang dalawa. Dahil maalalala ko lang ang kahibangan ko. Nandidiri ako sa tuwing na iisip ko na binigay ko sa lalaking 'yun ang lahat kagabi. Nawala ang delikadesa ko bilang babae. Naging pariwara ako. Nakakahiya talaga ang pagbigay ko sa katawan ko ng kusa. I even begged to him. The heck with me!
Habang nasa byahe. Ilang pagtawag ang ginawa ko para ma-contact lang si Attorney Yanson. Sa pagkaalala ko, pupuntahan niya ako sa bahay noong lalaki. Gusto kong ipaalam sa kanya na huwag na itong tumuloy sa pagkat wala na ako roon. Ang kaso hindi naman ma-contact ang cellphone niya. Out of coverage.
"Seriouly? Palagi bang patay ang cellphone niya sa ganitong sitwasyon na kailangan ko ng tulong?"
Hindi ko kasi alam kung saan ako patungo ngayon. Nasa kanya naman ang totoong mapa na pagmamay-aring lupain nila Daddy at Mommy.
But suddenly, na isip kong puntahan na lang ang bahay namin kung saan nakatira doon ang mag-inang Serrano. Bakit pa ba ako lalayo gayong pwede ko namang pa alisin ang mag-ina sa mismong bahay namin. At ako na ang titira doon.
Tama! That decision is right. Mas malaki ang karapatan ko sa bahay ng magulang ko kaya bakit ko hahayaang titira ang mag-ina roon. Hindi naman nila 'yun bahay! Dapat ko 'yung kunin sa kanila!
Kaya naman kahit bangag ako sa ka iiisip sa nangyari kagabi. Inayos ko ang sarili nang makarating sa malaking gate. Mula rito natanaw ko lang ang Mansyon. Marami ng nagbago at na renovate. Mas gumanda rin lalo.
Matagal na panahon, simula noong huling kita ko sa bahay namin kung saan masaya pa kami noon kasama ang magulang ko. Walang saling palusa. Nasira lang ang pamumuhay namin nang malaman ko ang tungkol sa pagkaroon ng kabit ni Daddy. At dumating na nga si Rosalie sa bahay, mas lalong nasira ang nakasanayan naming buhay sa malaking bahay na 'yan.
Ilang beses akong bumusina sa labas ng gate. Naka-lock kasi ito kaya hindi ka basta-bastang makapasok.
Kalaunan may gwardiyang nagpakita sa akin. Lumabas siya ng gate upang lapitan ang kotse ko. Binuksan ko ang bintana para makausap iyong nagbabantay. Sinuot ko muna ang shades sa mata para pagtakpan ang namumugto kong eyebags.
"Ano'ng kailangan niyo, Miss?"
Kumunot ang noo ko sa pagkat hindi ako kilala ng gwardiya. Kung sa bagay sampung taon akong hindi tumira rito kaya malamang hindi niya ako kilala.
"Anak ako ni Manuel Corteza at Geraldine. Gusto kong pumasok sa bahay namin. Pakibukas ang gate." Binababa ko ang suot na eye glasses upang makita niya ang nanaliksik kong mga mata.
Naguguluhang tumingin sa akin ang gwardiya. Tumingin siya sa bahay namin pagkatapos sa akin.
"Ikaw pala ang anak ng mag-asawang Corteza. Pasensiya na, Ma'am, pero ipinagbabawal po ni Madam Rosalina na papasukin kayo sa loob."
Nalaglag ang panga ko. Ilang sandali akong natigilan. Hanggang sa matawa ako sa sinabi niya.
"Ako? Bawal pumasok sa mismong bahay na 'yan? Ang kapal naman talaga ng mukha niya para angkinin itong bahay ng magulang ko!" Humigpit ang kapit ko sa steering wheel. Tagis rin ang bagang ko.
"Bawal talaga kayo sa loob, Ma'am. Mabuti pang umalis na kayo. Pasensiya na, hindi ka namin pwedeng pagbuksan ng gate."
"Huwag mo akong ipagtabuyan! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Anak ako ni Manuel at Geraldine! Sa amin ang bahay na 'yan kaya bakit ako aalis?!"
Nagpupuyos na ako sa sobrang inis. Talagang totoo pala ang sinabi ni Attorney Yanson sa akin, lahat ng properties ng magulang ko, including our house. Ang kabit ni Daddy ang humahawak sa lahat. Hindi ko lang lubos akalain na pati bahay namin, inangkin niya rin. At ipinagbabawal pa akong makapasok.
"Sumunod lang po kami sa utos—"
"Punyeta! Bahay ng magulang ko 'yan. Bakit hindi niyo ako papasukin? Magkano ba ang binigay ng bruhang Rosalina na 'yun sa inyo para pagbawalan niyo ako?" sindak kong tanong.
Kinuyom ko ang kamao. Oras na makita ko ang pagmumukha ng mag-inang Serrano babangasin ko talaga ang pagmumukha nila! Walang kasing kapal ang balat nila para gawin nila sa akin ito.
"Pasensiya na, Ma'am. Umalis na lang po kayo baka masisanti pa kami."
"No way! Hindi ako aalis rito! Tawagin niyo ang bruhildang kabit ni Daddy. Gusto ko siyang makausap!"
"Walang tao sa bahay na ito. Umalis ang mag-ina kaya umalis na lang po kayo."
Napasinghap ako sa kawalan. Sinundan ko ng tingin ang gwardiya nang pagsaraduhan niya ako ng gate. Nakita ko pang may isa pang guwardiya ang lumapit sa kanya. Nag-uusap silang dalawa habang panay tingin sa kotse ko.
Hindi ko naman alam ang gagawin sa oras na 'yun. Gusto kong pumasok sa bahay namin pero wala akong magawa kung magmatigas sa akin ang dalawang gwardiya. Hindi rin nila ako pinagbuksan ng gate. Mas sinusunod nila ang utos ni Rosalina kay sa papasukin ako sa loob.
Ilang segundo akong nanatili muna sa kotse. Pinapakalma ko ang sarili. Hindi pa rin ako umaalis sa labas ng bakal na gate. I need more patience right now. Hintayin ko na lang ang mag-inang Serrano. Mas mabuting sila ang kokomprontahin ko. I need a valid reason, why I'm not allowed to live in our house.
Makalipas ang kalahating oras. Lumabas ang nakausap kong gwardiya, para ipagtabuyan ulit ako.
"Maam, nakaharang kayo rito. Umalis na kayo bago pa kayo maabutan ni Madam Rosalina. Baka mapagalitan pa kami."
"That's my intention! Gusto kong maabutan niya ako rito. Hihintayin ko ang Madam mo. At wala kang magawa kung nakaharang itong kotse ko!" I rolled my eyes.
Ganitong wala akong agahan. Lahat ng sasabihin ko puro pang iinsulto na lang. Panay pagtataboy pa rin sa akin ang guwardiya ngunit hindi siya mananalo sa matabil kong bibig kaya umalis rin agad siya. Makalipas ang isang oras. Sumubok ulit ang isa pang kasamahan nito na paalisin ako dahil nakaharang ang kotse ko sa gate, ngunit kagaya noong nauna. Hindi sila nanalo sa kagustuhan kong manatili rito.
Umabot ng dalawang oras ang paghihintay ko sa mag-inang Serrano hanggang sa namataan ko sa likod ng kotse na may panay busina. Napangiti ako nang bumukas ang gate at nagmadaling pumunta iyong dalawang gwardiya sa kotseng kadarating lang. Namumutla pa ang mukha ng dalawa. Takot yata dahil naabutan ako ng kanilang amo na nakaharang rito sa labas ng gate.
Wala akong pakialam kung masisante sila, they deserve it anyway. Hindi nila ako pinapapasok sa bahay ng magulang ko. Tama lang din na matanggal sila sa serbisyo. Akala nila maiinip ako kahihintay sa bruhildang Serrano. But no! I'm triggered to talk the mistress of my father Rosalina and her daughter Rosalie. Pagbubuhulin ko ang dalawa sa inis ko ngayon.
It looks like, dumating na ang kanina ko pang hinihintay.
Naglagay muna ako ng pulang lipstick sa labi. Nagpaganda nang kaunti habang hinihintay ang paglapit ng mag-ina. I was chilling on that moment when suddenly someone knock on my window shield.
Ngumisi ako sa kawalan pagkatapos binababa ang lipstick. Ayaw ko namang maging bastos habang kaharap ang mag-ina, kaya bumababa ako ng kotse para makaharap ang taong matagal ko nang hindi nakikita.
Nilakasan ko pa ang pagsarado ng pinto ng kotse kong dala nang makaharap ang babaeng gulat na gulat ang mukha pagkakita sa akin. May takot rin sa kanyang mga tingin. Bumaling ang atensyon ko sa kanyang likuran. Ngunit mag-isa lang siya.
"Elsie? What are you doing here? Glad, I see you again! Sampung taon tayong hindi nagkita." Galing sa gulat nitong reaksyon, ngumisi siya sa akin na hindi abot sa kanyang tenga.
Hindi ko alam kung plastic ba talaga siya noon pa dahil hindi pa rin nagbago ang tungo niya sa akin. Baita-baitan pa rin. Nakakairta talagang pagmasdan. Kung si Mommy at Daddy nadadala sa pagiging santita kuno nito, ngunit hindi niya ako malinlang.
Bata pa kaming dalawa noong huling pagkikita namin. Malaki na ang ipinagbago niya. Marami na siyang alahas sa katawan, maganda ang suot na mga damit. Kung hindi ako nagkakamali. Isang taon ang agwat ng edad namin kaya halos magkatangkad lang kami.
"Tama na ang pakikipag-plastikan, Rosalie! Hindi bagay sa'yo, para kang kontrabida sa paningin ko!" I smirked.
Nawala ang ngisi nito. May galit sa kanyang mga mata ngunit sinubukan niya pa ring maging kalmado. She tried to smiled again.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka pala ng Pilipinas? Para naman masundo ka namin ni Mommy."
"Where is she anyway? Can you call your, Mom? Gusto ko siyang makausap!" I crossed my arm.
"She's working in her Company right now—"
"Her? Really?" I sarcastically lauged. "You sure of that? Hindi ba't sa Daddy ko 'yun? Temporary lang siyang namamahala? Kaya bakit niyo inangkin?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Nahilaw ang pagmumukha nito. Hilaw rin siyang ngumiti pa balik.
"Si Mommy na kasi ang nagdala sa negosyo ni Daddy Manuel dahil malaki ang shares niya sa Company niyo... Uhm... Anyway. Bakit hindi ka nagsabi na umuwi ka pala? Sasabihan ko sana si Mommy na sunduin ka namin sa Airport," bait-baitan pa rin nitong saad. Hindi man lang natinag sa pang-insulto ko.
"Masundo? Sigurado ka bang susunduin niyo ako? Huwag kang patawa! Maski sariling bahay ng magulang ko. Ayaw niyo akong papasukin tapos susunduin niyo pa ako!? And why would I inform you na bumalik na ako? Hindi kita ka ano-ano! Sampid ka lang!"
Taas noo ko siyang hinarap. I know my words are too much. But I couldn't help it but insult her status.
Ngumiwi siya. But she keeps her posture straight.
"Kagustuhan ni Mommy na hindi ka papasukin. Hindi ko rin kayang suwayin si Mom dahil sa amin na kasi ang bahay ng magulang mo," palaban siyang ngumisi. I don't know if it's real or sinakto niya talaga na mainis ako sa ngisi niya.
"What? Inangkin niyo agad ang bahay ng magulang ko? Namatay lang sila, pero hindi ibig sabihin nun kayo na ang pwedeng humawak sa lahat ng properties ng Corteza. Buhay pa ako, I'm their illegitimate child. Habang ikaw anak ka lang sa kabit. Ang Mommy mo naman, isang malandi na pumatol sa may asawa kaya wala kayong karapatan sa lahat ng pinaghirapan ng magulang ko!"
At sa puntong na insulto ko ang stado niya. Unti-unting bumakas sa kanyang mukha ang pinipigilang poot. I wanna see her true color. Ayaw kong tinatago niya kung ano talaga siya. I guess I triggered her patience.
"Ang sakit mo namang magsalita, Elsie? Mula pagkabata ang laki ng inggit mo sa akin dahil pinatira ako ng daddy mo sa inyo. Walang araw na hindi mo ako pinagsalitaan ng masama. Palagi mo akong iniinsulto noon. Hanggang ngayon ba naman na malaki na tayo? Hindi mo pa rin ako tanggap bilang kapatid mo?"
"Bakit naman kita tatanggapin? Ikaw at ang Mommy mo ang dahilan kaya nasira ang pamilya namin. Ikaw rin ang dahilan kaya lumayo ang loob ko sa Daddy ko dahil masiyado kang baita-baitan! Plastic ka pa!"
Umawang ang kanyang labi. Iniling niya ang ulo.
"Kahit nasa States ka nakatira. Hindi pa rin nagbabago ang ugali mo. Ganoon ka pa rin! Pakiramdam mo, lahat na lang inangkin ko! Ang laki talaga ng galit mo sa akin, ano? Mag move on ka na dahil wala ka ng kakampi. Namatay na ang magulang mo! Mag-isa ka na lang! Ganyan ang balik sa'yo dahil ang sama ng ugali mo!"
Kinunutan ko siya ng noo. Huminga ako ng malalim. Lahat sa isipan ko nag-flashback sa akin kung paano niya kinukuha ang loob ni Mommy at Daddy kaya na pamahal agad sa kanya ang magulang ko. Tapos makikita kong masaya pa siya dahil nawala ang magulang ko.
"Huwag na huwag mong insultuhin ang pagkawala ng magulang ko, Rosalie! Kahit mag-isa na lang ako. Pero siguraduhin ko na lahat ng inangkin niyo na dapat sana sa akin kukunin ko! Wala kayong makukuha maski peso sa pinaghirapan ni Mommy at Daddy!"
Hindi na ako makapagpigil malakas na sampal ang inabot niya sa akin. Nanginginig ang buo kong katawan. Gusto kong maiyak dahil tama nga siya, mag-isa na lang ako. Hindi ko rin matanggap na isisi niya sa ugali ko ang pagkawala nina Mommy.
"What the! Bakit mo ako sinampal?" Hinawakan niya ang pisnge. Pinandilatan niya ako ng mata.
"Dahil gusto ko lang? May angal ka?" paghahamon ko.
Umatras siya nang akmang sasampalin ko siya ulit.
"How dare you! Isusumbong kita kay Mommy! Dapat lang talaga na hindi ka niya papasukin sa bahay dahil hindi tayo magkasundo!"
"Sino namang may sabi sa'yong makipag-sundo ako sa anak ng kabit?" balik ko.
Mas nanlaki ang mga mata niya. Nanginginig ang kanyang labi. Gusto na nitong umiyak.
"Ang sama pa rin talaga ng ugali mo, Elsie!! Pagbayarin mo itong pagsampal sa akin. Hindi mo ba matanggap na totoo ang sinabi ko na kasalanan mo kaya sila nawala?!"
Namanhid ako ng ilang sandali.
"Unang-una, hindi ko kasalanan ang pagkawala nila. Hindi ko ginusto ang mawalan ng magulang. At wala akong maalala na naging mabait ako sa'yo kaya bakit ka pa nagugulat na magaspang pa rin ang turing ko kagaya mong plastic?" Bahagya akong natawa sa takot na pinapakita niya.
"Pagbayarin mo ito! Matapang ka lang ngayon dahil akala mo may makukuha ka pero wala!"
"Ano'ng pagbayarin ko sa'yo? Ang ipagtabuyan ako sa mismong bahay ng magulang ko, ganoon ba? Gusto niyo akong pahirapan mag-ina? Angkinin niyo lahat ng properties ni Mommy at Daddy dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko makuha lahat ng inangkin niyo!"
Hindi na ito makapagsalita. May tumulong luha sa kanyang mga mata. Tanging malamig na titig ang ginawad ko. Kahit nanghihina na ako, hindi ko 'yun pinakita sa kanya. She doesn't deserve to see my weakness.
"Ang boring mo kausap! Hindi na ako magtatagal. Nalabas ko na ang galit ko. Magsumbong ka sa Mommy mo dahil sa pagsampal ko sa'yo para kami naman ang magtutuos kapag nagkita kaming dalawa."
Napagpasyahan kong umalis na lang sa malaking bahay na 'yun. Hindi na ako nagpumilit na makapasok pa. Iniwan ko na rin si Rosalie na windag pa rin sa pagsampal ko sa kanya. Kulang pa nga 'yun sa lahat ng kagagawan nila. Sinira nila ang buhay ko, sila naman ang sisirain ko ngayon.
Sa kalagitnaan ng pagbyahe ko. Nakatanggap agad ako ng tawag galing kay Attorney Yanson. Taranta ko naman itong sinagot. Handa na akong magalit sa kanya subalit ngayon lang siya nagparamdam gayong kanina ko pa siya tinatawagan, hindi ma-contact. Sa pagsagot ko sa tawag nito natameme ako sa bungad niya.
"Ms.Corteza? Saan ka ngayon? Pinuntahan kita sa bahay ni Rickson pero wala ka noong makarating ako." He seems worried about me.
Here it is! Naalala ko na naman ang nangyari kagabi kaya ako umalis ng maaga. Tanging buntong hininga ang narinig niya.
"Ang tagal mo. Hindi na kita mahintay pa kaya umalis na lang ako. Magkita na lang tayo—"
"Alam mo bang hinahanap ka rin ni Rickson? Galit na galit nga 'yun noong sinabi kong hindi ko rin alam kung saan ka. Nagtatanong siya kung saan ka raw nakatira..."
Na-break ko nang malakas ang kotse. Nakaramdam ako ng malakas na pagtibok ng puso. Rickson? Rickson pala ang pangalan niya. Gosh! I can't believe, even his name nakalimutan ko.
"A-ano'ng sinabi mo? Did you tell him my address?"
Mahabang katahimikan ang namutawi sa kabilang linya.
"Makulit e! Tinatakot ako na tatanggalan niya raw ako ng lesensiya bilang Attorney kundi ko sasabihin kung na saan ka, kaya sinabi ko ang address kung saan ang malaking lupain ng magulang mo. Di ba doon ka rin naman titira?"
"What?" Hindi ko maproseso ang lahat ng sinabi niya. Nangatog na lang bigla ang tuhod ko. Humahataw rin ang puso ko sa kaba.
"Ibibigay ko sa'yo ang mapa para mapuntahan mo ang lugar kung saan ka titira. Magkita na lang tayo roon...Nga pala. Kasama ko si Rickson ngayon. Gusto ka niyang makita. I will call you again later, kapag nakarating na kami ng siyudad!"
"W-wait? Kasama mo siya?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Oo... Ang sabi niya may importante raw kayong pag-uusapan. Hindi naman niya sinabi sa akin kung ano'ng sasabihin niya sa'yo. Kanina pa nga ito hindi makausap ng maayos. Kaya magkita na lang tayo para maliwanagan ako sa pag-albruto niya, dahil kanina pa ako pinagbuntungan ng galit ni Rickson dahil iniwan mo raw siya. Kung makita mo lang talaga siya ngayon..."
"We should go now. Who's calling—"
"Putek! Tinawag na ako ni Rickson. Babalik na ako sa kotse! Nasa Gasolina station kasi kami ngayon. Lumayo muna ako para makausap ka. Magkita na lang tayo mamaya. I will text you the location," himig sa boses niya ang taranta.
Naputol na ang tawag. Ang alam ko lang boses noong Rickson ang huling nagtanong kay Attorney kung sino ba raw ang katawagan nito.
Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong maka-imik. The heck! Hinahanap ako ng lalaking nakakuha ng virginity ko? At kasama siya ni Attorney Yanson papuntang siyudad? Dahil gusto niyang magkita kami?
Namanhid na lamang ang buo kong katawan. Hindi ko alam ang gagawin kung makipagkita ba kay Attorney ngayon. All I know... I'm not ready. Dahil wala akong mukhang maihaharap sa lalaking nagngangalang Rickson.