Chapter 3

2340 Words
Nang tingnan ko kung sino iyon, isang chinitong moreno ang nakita ko. "Hi, I'm Travis" pakilala niya sabay lahad ng kamay niya tinanggap ko naman iyon. "Avion" "How old are you?" "18" simpleng tugon ko. "Isa ka rin bang school officer?" Curious ako eh baka ang circle of friends din ng kuya ni Mitch is mga officers din. "Yup. I'm a peace keeper" nakangiting saad niya. He's a good guy, I can feel it. 'He's dangerous though' kontra naman ng espada pero hindi ko siya pinansin. "Lahat ba kayong kasama ng kuya ni Mitch mga officers?" tanong ko ulit "Yup" natatawang tugon nito "Why're laughing?" "You already know Mike, why not say his name" natatawang saad niya napairap naman ako nang wala sa oras. "I don't know, hindi ko siya feel" mataray na tugon ko. Ayoko sa mga ma-attitude na lalaki. Humagalpak naman siya ng tawa dahilan para mapalingon sa'min ang mga nauna. Unti-unti silang ngumisi, lalo na yong dalawang babae makangisi akala mo Hindi babaeng tao. "Oii si Travis dumada-moves" kantyaw ng mga kaibigan napairap na lang ako habang si Travis pulang-pula ang mukha, napailing na lang ako tapos ay lumapit Kay Mona tapos inalagay sa cart ang Chocolate bars na nakikita kong parang masarap. Hindi ako familiar sa mga pangalan pero feeling ko naman masasarap ang mga ito. After nang kantyawan nila ay si Mitch at Mona ang nagpacounter habang naghihintay lang ako sa kanila sa tabi. Wala kaming dala papalabas ng grocery store dahil ang store na daw mismo ang magdedeliver ng mga iyon sa dorm namin. Wow sosyal ahh. "Wala ka bang ibang bibilhin, Avi?" Umiling ako bilang tugon sa tanong ni Mitch, competo na rin naman ang mga gamit ko sa loob ng dorm kaya wala na akong ibang poproblemahin. "Sure ka?" Inirapan ko na lang si Mitch sa kakulitan niya. Alam kong gusto lang ng mga itong gumala. Tss edi gumala sila mag-isa nila. "Umuwi na tayo pagod na ako" Aya ko dahil sakit na talaga ng paa ko kanina pa kami paikot-ikot sa grocery store. Napasulyap ako sa malapad na likod ng lalaking nauuna sa'min, it's the brother of Mitch kasabay din kasi namin silang lumabas ng store. "Girl tabi tayo ng upuan bukas ha?" Napabaling ako kay Mona tapos tumango, wala namang kaso sa'kin kung sino ang katabi ko. "Avi sis" "Hm?" "Ngayon ko lang napapansin ah ganda pala ng buhok mo, saang salon ka nagpacurly?" bulong ni Mitch nagtataka ko siyang tiningnan tapos ay inirapan. "Original 'yan, walang halong chemical" Pigil ngiti naman si Mitch. "Sure?" "Edi wag ka maniwala" mataray kong singhal kaya humagalpak siya ng tawa. "Ba't ba ang init ng ulo mo today?" I rolled my eyes at hindi siya sinagot. Ang akala kong uuwi na kami ay hindi pala, dahil dinala lang naman nila ako sa isang restaurant. Tangina gusto kong matulog eh. Nasa isang mesa lang kaming lahat at ang kuya lang ni Mitch ang nag-order para sa'min, libre niya ata. "Hoy girl, 'wag ka nang sumimangot d'yan, uuwi naman tayo after nito hindi ka ba nagugutom?" Mahinang tanong ni Mona, wala sa sarili akong tumango, well nagugutom rin naman ako, ano pa ba inaarte ko? Inilibot ko na lang ng tingin ang buong paligid, marami din palang mga estudyanteng kumakain dito ngayon, kung hindi magkakaibigan ay magjowang nagda-date. Wala sa sarili akong napangiwi nang dumapo ang tingin sa mag-jowang halos nagmamake-out na sa sulok, my god mga walang hiya sa katawan. Tapos ay sumunod ang paningin ko sa magkakaibigang parang walang kasama sa loob ng kainan, grabe kong maghiyawan. May limang lalaki at tatlong babae, sa tantya ko ay nasa third year ang mga ito. Napakunot ang noo ko nang maglabas ng kutsilyo ang isa, maya-maya ay lahat sila napatingin sa direksyon ko buti na lang ay mabilis akong napaiwas ng tingin, puta nahuli ba nila ako? Binalik ko na lang ang tingin ko sa mga kasamahan ko. Lahat sila busy sa isa't-isa. 'Master nakatingin pa rin sila sa'yo' 'Master I think they'll gonna throw that knife to you" WHAT THE HECK! 'Woah pinagpustahan ka pa' Hindi ko pinansin ang sinabi ng espada pero pinanatili kong maging alerto, mahirap na baka sa isang iglap bulagta na ako sa sahig. 'Ayan na Master, ihahagis na nang babae!' hiyaw ng espada sa isip ko dahilan para mapapikit ako ng mariin, s**t sumasakit ang ulo ko sa kaingayan niya. Mabilis kong naimulat ang mata ko nang may naramdaman akong papalapit sa direksyon ko. Sumandal ako sa upuan at pagkatapos non ang pagdaan ng kumikinang na bagay ilang dangkal lang mula sa ilong ko, s**t! Muntik pang madali ang ilong ko. "AVI!!" Hiyaw iyon ni Mitch nagkakagulo na ang paligid, pero nanatili lang ang tingin ko sa kutsilyong napabaon sa pader. Tangina siguradong paghindi ko yon naiwasan babaon yan sa bungo ko. Nagulat ako nang may humawak sa magkabila kong pisngi at pinaharap ako, it's Mona, basang basa ng luha ang mukha niya. She bit her lips. "Avion, are you okay" her voice was trembling. I sigh "Ah yeah, I'm okay, so stop crying " Tumayo ako and pulled the knife, tiningnan ko kung anong klaseng kutsilyo iyon pero parang kutsilyo iyon sa mundo nila kaya hindi ako pamilyar. Ibinaling ko ang tingin ko sa magkakaibigang, nandoon na sila Morgan pati na rin ang kuya ni Mitch. Lalapit na sana ako doon nang hawakan ni Mitch ang kamay ko, tinaasan ko sila ng kilay, umiling siya nang umiiling. "Let kuya handle it" saad niya but I pulled my arms, turned around and walked away. Hindi ako sanay na may nagtatanggol sa'kin, kaya ko ang sarili ko. I don't need a knight and shining armor. Agad kong hinagis sa mesa ang kutsilyo dahilan para mapaigtad ang magkakaibigan. Lahat sila napatingin sa'kin, I smirk. "Why did you that?" Agad na salubong na tanong ng kuya ni Mitch, I just shrugged my shoulder. "Buti nga d'yan ko lang hinagis baka kung nademonyo ako sa bungo ng babaeng yan..." I paused sabay turo sa babaeng may green na buhok. "Ko 'yon ibabaon" I continued. Alam kong siya ang naghagis non. I grin at her that makes her pale as a blank sheet. "You think I didn't see you, little b***h?" pinaningkitan ko siya ng mata, pero nakatingin siya sa likuran mas lalo siyang namutla. The heck sino ba tinitingnan niya d'yan! When I turned my head para tingnan ko sino ang tinitingnan niya, wala namang tao doon bukod sa Kuya ni Mitch na nasa tabi ni Morgan na medyo malapit sa'kin, pero masyadong malayo sa sa direksyon ng tinitingnan ng babae. Malamig lang ang expression nito like as the usual. Binalik ko ang tingin ko sa grupo at isa-isa silang tiningnan, lahat nakayuko halatang takot sa mga lalaking kasama ko. "Kung naghahanap kayo ng mapagtitripan, wag ako" malamig kong banta. Iyon ang huli kong sinabi bago umalis at bumalik sa mesa kung nasaan Sina Mona at Mitch habang nagpaiwan doon ang mga lalaki. "Haynaku, ano ba iniisip ng mga yon at hinagisan ka ng kutsilyo" naiinis na wika ni Mitch habang naka-cross arms. Hindi na lang ako nagsalita dahil nagsimula na silang pagsabihan ako ng kung ano-ano. Lahat kami napabaling sa mga lalaki, lahat sila nasa akin ang atensyon. "What?" "Are you okay?" "Yeah wala namang galos" simpleng tugon ko. "Buti na lang talaga at naiwasan" "Ano dahilan nila para hagisan si Avi ng kutsilyo?" "It's her fault in the first place" sabi ng Kuya ni Mitch Pumintig ang tainga ko sa sinabi ng kuya ni Mitch kaya napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Wow ahh naging kasalanan ko pa. "Staring is rude, and that girl is the daughter of R tribe, they're sensitive to someone's eyes watching them, it's their instinct to kill who's gazing at them." May ganoong mga tao? I know it's rude pero grabe naman yong manghahagis na lang ng kutsilyo at saka hello! Hindi lang siya tinitingnan ko, feeling naman ng babaeng 'yon. "In short it's your fault if you will be killed one day." Hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. I really really hate him. 'Master, please calm down!' Nanatili lang ang titig ko sa kanya, napipikon na ako sa kan'ya sa totoo lang, parang gusto ko siya patayin. Napabuga ako ng hangin, s**t, calm yourself Avion, calm yourself. Tumayo ako sa kinatatayuan ko dahilan para lumikha ng tunog ang upuan, hindi ko pa rin pinuputol ang titig ko sa lalaking mayabang na 'to. "Tsk, then so be it. Malay ko bang may ganoong tao pala dito, sorry ha hindi kasi ako aware" sarkastikong saad ko sa kanya sabay roll eyes. Umalis ako at hindi na pinakinggan ang tawag nila. Nakakainis! Ang sarap pumatay! Bakit ba kailangan kong mapunta sa mundong to, ayoko dito! 'I-Im sorry Master' Napatigil ako saglit dahil narinig ko ang boses ni Mr. Sword, yes mula ngayon ay tatawagin ko na siyang Mr. Sword, napapikit ng mariin. Argh! I didn't mean to blame him, nagmumukha tuloy akong masama. Binagalan ko na ang lakad ko, hindi ko rin alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng malaking kahoy. Umupo ako sa bench tapos pinanood ang mga batang naglalaro sa di kalayuan. Dinamdam ko ang malamig na hanging tumatama sa mukha ko. Napatakip ako sa mukha ko saka napahilamos sa aking palad nang maalala kong wala nga pala akong perang dala para pamasahe. "Ahh s**t! Tanginang buhay nga naman" Hindi ko alam kung bakit ngayon pa umandar ang katangahan ko. Napatigil ako sa pagmamaktol nang may nakita akong dalawang sapatos sa harapan ko, sinundan ko ng tingin hanggang sa mukha ng may-ari. Red hair and gold eyes. Wala atang pangit sa mundong ito, lahat kasi nakikita ko magaganda at gwapo. "What are you doing here?" Agad na tanong niya. Hindi naman siguro siya bulag? Nakikita niya naman sigurong nakaupo ako. "Sitting?" "Then, you're sitting in the wrong place" kumunot naman ang noo ko sa kanya. Ano na naman ba problema ng lalaking to. Napaismid ako. "Bakit, private property ba to?" "Yes, this is my private place, now leave" malamig na tugon niya tinaasan ko naman siya ng kilay at tapos tumingin sa paligid. "Wala namang nakalagay na 'PRIVATE PROPERTY' to AT MAS lalong wala akong nakikitang pangalan, kaya ibig sabihin walang nagmamay-ari sa lugar na to." Diniin ko ang word na MAS at PRIVATE PROPERTY, wala akong paki kung magalit siya sa'kin. "Leave" pag-uulit niya "Ayoko nga" "I. said. leave" mariing pag-uulit niya napangisi ako nang may naisipa akong idea. Binuka ko ang palad ko sa kanyang harapan. "Bayad muna" nakangisi kong saad kumunot ang noo niya habang nakatitig sa nakabuka kong palad "Kung hindi mo ko bibigyan, hindi ako aalis dito" "Do you wish to die?" "Nope, coins ang kailangan ko" pinalobo ko pa ang pisngi ko "Dali na kasi" pamimilit ko piningkitan niya ako ng mata tapos ay may dinukot sa bulsa niya. Napangisi ako dahil akala ko bibigyan na niya ako pero tangina binigyan niya ako ng card. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayoko niyan, coins ang gusto ko, okay? Coins." "Iwithdraw mo yan don, okay? Now leave" Tinuro niya ang isang tindahan na may malaking sign board sa itaas na "CASH OUT HERE!" Mabilis akong napatayo tapos ay hinablot ang kamay niya at nilagay sa palad niya ang card. "Hala, nariyan lang pala 'yan eh, sige salamat, bye" Kumaripas na ako ng takbo papasok sa tindahan. Sobrang saya ko dahil pwede ka ngang magcash-out don. Hay, buti na lang talaga at nakita ko ang lalaking 'yon. Pagkatapos kong makakuha ng coins ay umuwi na ako ng dorm, nakita ko sa labas lahat ng pinamili namin kanina. Wala naman ito sa sahig may basket din kasi sa labas baka 'yan 'yong purpose non. Kinuha ko ang card key na binigay sa'kin ni Mitch kanina then I swipe it bumukas naman ang pintuan, dinala ko papasok ang mga pinamili namin at inayos lahat sa kusina. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto at natulog. Paggising ko ay medyo madilim na sa labas kaya napagdesisyonan kong maligo bago bumaba, nakasuot lang ako ng night gown at pinatungan ko ng blazer. Napakunot ako dahil may naririnig akong nag-uusap, kaya napatigil ako sa pagbaba mula sa hagdanan. "Ikaw kasi kuya, kasalanan mo to lahat!" ring kong hiyaw ni Mitch. Nandito ang kuya niya? P'wede magdala ng lalaki sa dorm? "Pag hindi na'tin siya makita ngayon Gabi isusumbong kita sa HM!" Dagdag pa nito. Sino ba nawawala. "Tahan na Mitch" ngayon ay boses na naman ni Mona ang narinig ko. Pinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdanan at pumunta sa living area. Hindi siguro nila ako napansin. "Sino ba nawawala?" Lahat sila napatingin sa'kin ng laglag panga, ilang minuto lang ay tumayo si Mitch at dinamba ako ng yakap. Napamura ako ng wala sa oras. "Saan ka ba galing?" "Ha? Nandito lang naman ako buong Araw" "Saan ka nakuha ng pamasahe mo?" "Humingi ako sa isang lalaki buti nga binigyan niya ako eh" nakangisi kong pagsisinungaling sa kanila. Nanlaki naman ang mata ni Mona tapos ay nagmamadaling lumapit sa'kin. "Seryoso?" "Hindi, may nakita kasi akong tindahan na p'wedeng magcash-out, kaya may pamasahe ako" Nakita kong nakahinga ng maluwag si Mona kahit ang mga lalaki ay gano'n din. "Wag ka ngang magbiro ng gan'yan" siya niya kumunot naman ang noo ko. "Well noon may lumapit saking lalaki Kasi private property niya daw yong naupuan ko, naging unang Idea ko talaga yong mamulubi, kasi wala akong pamasahe kahit gusto kong umuwi sa dorm alangan namang doon lang ako magdamag," I paused nakikinig naman silang lahat at naghihintay sa idudugtong ko. "Sungit kaya non, but he gave me his card instead of a coin, then after that he pointed the bank and said withdraw ko daw lahat ng pera niya doon, pero may card naman ako kaya yon ang winithdraw ko." Pero sana pala kinuha ko na lang card niya, para dalawa na ang card ko. Bobo ko talaga hays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD