Chapter 4

1967 Words
Hayaan na nga sa susunod na lang na makita ko 'yong lalaking yon, hihingin ko yong card na ibibigay na sana niya sa'kin. "Never accept anything from someone next time" Agad na tumaas ang kilay ko dahil sa malamig na boses na yon. "Don't ever talk to me" malamig ko ring turan na ikinalunok ng katabi niyang si Travis. "Buong Araw ka namin hinanap and in the end andito ka lang pala" may halong galit at gigil na ang boses niya tinaasan ko siya ng kilay. "It's your fault kaya ako umalis, so it's your fault kung bakit kayo napagod." Hindi ko ugali ang magpatalo lalong lalo na sa lalaking to. Sinamaan niya ako ng tingin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin, parang may invisible na kuryente sa pagitan namin. "Okay, tama na 'yan," pumagitna sa'min si Mitch kaya sa kan'ya napunta ang tingin ko. Umirap ako. "Hmph! Kuya mong pangit ng ugali ang pagsabihan mo" mataray kong usal saka padabog na pumasok sa kusina. Tanginang 'yon masamid sana s'ya sa sarili niyang laway Nagluto ako ng simpleng pagkain, tapos salad at lasagna, dinamihan ko talaga ang lasagna dahil hindi ata uso sa kanila ang salitang "rice." Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na ang dalawa, sumunod naman ang mga lalaki, pasekreto akong napaismid ng makita ko ang kuya ni Mitch na panghuling pumasok. Mabuti na lang at madami ang niluto ko. "Let's eat," walang ganang aya ko. Napatayo naman si Mitch at Mona gano'n na rin ang mga lalaki. Lumapit sila sa mesa at tiningnan ang luto ko. "Woah, Avion mas mukhang masarap pa nga siguro ang luto mo keysa doon sa restaurant na kinainan na'tin kanina." Namamanghang saad ni Travis, napakibit naman ako ng balikat saka naghila ako ng upuan tapos ay umupo. Nagsimula na kaming kumain naririnig ko pa rin ang mga puri nila sa luto ko, napailing na lang ako at tahimik na nagpatuloy sa pagkain at sobrang iingay. Can't they eat quietly? Pagkatapos naming kumain, tumambay muna sila ng ilang oras hanggang mag alas 8, masama raw pagnaabotan sila ng alas 9 ng gabi sa dorm namin, curfew time na raw kasi yon. Nakilala ko na din ang tatlo pang lalaki na kasama ng kuya ni Mitch, sila ay sina Ximon, Reneir, at Royce, Isa ding mga officers ang mga ito kaya nasisiguro kong malalakas ang mga to. Kinabukasan ay ang unang Araw namin sa klase, alas singko palang ng umaga ay binubulabog na ako ng dalawang babae. Tangina kung p'wede lang pumatay, silang dalawa talaga uunahin ko. Anyway, maganda naman uniform nila, white long sleeve shirt then pinatungan siya ng maroon na vest sa right chest ay ang logo ng paaralan at sa baba ang name tag, khaki colored above knee skirt with maroon madras pattern, yung neck tie niya is ribbon ang pagkakatali, gano'n din ang kulay kagaya ng skirt. While sa baba, a white above knee socks na may maroon lining sa dulo and a maroon ankle boots. Hinayaan ko lang na nakalugay ang curly kong buhok na hanggang bewang ko. Pagbaba ko ay naghihintay na ang dalawa sa'kin, they both smiled sweetly at me. "Woah, sobrang bagay sa kutis mo ang uniform" nakangiting komento ni Mitch, napataas naman ako ng kilay tapos ay napairap. She's talking nonsense, bagay naman saming tatlo ang uniform dahil parehas kaming mapuputla. "Sa cafeteria na tayo mag-almusal." Sumang-ayon kami sa suhestyon ni Mona at nang lumabas ng dorm. Pagpasok namin sa cafeteria marami nang estudyante sa loob pero may mga bakante pa namang mesa akong nakikita. "Sa second floor na lang tayo, andoon sila kuya eh" "Huwag na Mitch, dito na lang tayo, alam mo namang mainit ang dugo ni Ion Kay Kuya Mike" sita ni Mona nanatili lang ang tingin ko sa harapan at hindi pinahatalang naririnig ko sila. Tss totoo naman kasi ang sinabi ni Mona, talagang masisira ang araw ko kung makikita ko ang lalaking 'yon. Hinila nila ako sa counter para kumuha ng pagkain, at sinasabi ko sa inyo ha, hindi ito free dahil may card machine na nasa dulo isang swipe ng card lang automatic na paid na ang pagkain mo. Puta, kailangan ko na talaga ng pera kung palagi na lang ganito. 'Master ilang ulit ko bang sabihin sa'yo na may pera akong inilaan para sa'yo' I mentally roll my eyes dahil sa sinabi ni Mr. Sword pano siya magkakapera eh hindi ko alam kung ilang daang taon na siyang nasa loob ng espada. After namin magbayad, naghanap kami ng bakanteng mesa at nagsimulang lumamon. Nanatili lang ang mata ko sa mesa dahil baka kung saan saan na naman dumapo ang mata ko at mahagisan na naman ng kutsilyo ang worst ay baka espada na ang ihagis sa'kin. "Nga pala Avion remember this, be respectful especially to the president, hindi uso sa assassin class ang pagiging mahina so expect na maraming bullies or worst maging target ka ng mga classmates natin, so ipakita mo lang na kaya mong labanan sila," wika ni Mitch napatango naman ako habang nilalakad namin ang corridor. Tumigil kami sa pintuang may nakalagay na Class-A assassin, si Mona ang nagbukas kaya napatigil sa pagiingay ang mga kaklase namin at napatingin sa gawi namin. Pinili ko ang bakanteng upuang nasa tabi ng bintana, tumabi sa'kin si Mona habang nasa unahan namin si Mitch katabi ng Isa pang babae. Maya-maya lang ay may lumapit na babaeng blondina kay Mitch. "Hi Mitch" nakangiting bati pa nito at dahil likas Kay Mitch ang pagiging friendly binati niya rin ito pabalik. "Friends na tayo ha?" Hindi naman nakasagot si Mitch sa tinuran ng babae. Puta binati lang pabalik friends na? "Alis ka nga d'yan" sabay hila niya patayo sa katabi ni Mitch tapos ay tinulak ito dahilan para halos masobsob . Whoa sarap niyang sabunutan. "I'm Marielle nga pala" maarteng pakilala niya Kay Mitch hindi naman makatanggi ang Gaga at tinanggap ang kamay ng babae. "Mitch" "Yeah, I know you" nakangiti pang saad nya. "So from now on tabi na tayo at magbest-friends na tayo!" Tumitiling saad niya wala sa sarili akong napatingin kay Mona, parang walang pakialam lang siya at nakatingin lang sa babaeng tinulak ng maldita. Nakatayo pa rin pala siya doon at Hindi kumikilos. "Ahh doon ka na lang sa likod namin, bakante pa naman." Mahina namang tumango ang babae tapos ay umupo sa sinabing upuan ni Mona. Matangkad siya, maputi at maganda, bagay sa kan'ya ang brown niyang wavy hair at brown eyes. She's so quiet, kaya mas lalong nakakatakot ang ganoong klase ng babae, because they're like ocean, quite yet very dangerous. "Avion, ngayon ko lang napansin ang haba pala ng buhok mo" Napabalik ako sa aking ulirat ang marinig ko ang boses ni Mona habang hinahaplos niya ang buhok ko. "Kailan ka huling nagpaputol?" Tanong niya napakibit ako ng balikat. Kialan nga ba? 2 years na ata or 3 years? "Hindi ko na maalala" simpleng tugon ko tapos ay tumingin sa labas ng bintana. "Sobrang tagal naman ng teacher" bulong ko "First day ngayon Avion, so walang teacher na papasok, iikot lahat ng student officers para magpakilala at sabihin ang mga rules ng paaralan" wika ni Mona. What the heck? Akala ko pa naman isang mahabang essay tungkol sa naging bakasyon ko ang ipapasulat ng teacher ngayong Araw. Wala rin naman akong maisusulat "Ah gano'n ba?" Yon na lang ang lumabas sa bibig ko tumango naman si Mona "Yup" Nabaling ulit ako ng tingin sa harapan, kinukulit pa rin ng maldita si Mitch, napapansin ko na nga ang pagkairita sa mukha ni Mitch. Pfft tiisin mo yan Mitch, ginusto mo 'yan. Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. Agad na nalukot ang mukha ko nang unang pumasok doon ay ang kuya ni Mitch, habang laglag panga naman ang mga kaklase ko, agad akong napatakip sa tainga ko nang tumili ang mga kong babae at ang pinakalamas doon ay ang babaeng katabi ni Mitch. Pffft sabi na eh may motibo. "ENOUGH!!" Halos lumuwa na ang ugat sa noo ng Kuya ni Mitch dahil sa galit. Napatakip ako sa bibig ko, s**t natutuwa ako. Parang gusto ko tuloy na sabihin sa mga kaklase kong "sige lang sumigaw pa kayo" baka sakaling mamatay sa galit ang lalaking 'yan. "The president can't be with us today because something urgent came" It's Morgan with his sorry tone and his dimples kaya napangiti ako ng malapad. Sinimulan ng sabihin ng Kuya ni Mitch ang rules and regulations, hindi ako tumitingin sa kan'ya nanatili lang sa puting board ang tingin ko. Ayoko siyang tingnan nababanas ako sa pagmumukha niya, masisira lang Araw ko. "Ms. Avion are you with us?" Napatingin ako sa Kuya ni Mitch at sinalubong din ako ng matalim niyang titig. Bigla ring lumamig ang titig ko sa kan'ya. Ayoko talaga sa kan'ya promise. "Yes, Vice Pres" "It's Mike" pagtatama niya at tila naghihintay na sasabihin ko ang name niya, I want to grin pero pinipigilan ko baka masapak ako, hindi naman sa natatakot ako pero gusto ko muna maging lowkey. "Yes, Vice Pres" Namula naman sa galit ang mukha ng kuya ni Mitch habang sobrang sama ng tingin sa'kin. Hindi ko pa rin pinuputol ang titig ko sa kanya. Gusto ko siyang pikonin hanggang sa mamatay siya. "That very rude? Who are you?" Lahat kami napalingon sa pintuan at nakita ko roon ang lalaking nakapamulsa, his red hair and gold eyes is very familiar. Napakunot ako ng noo sabay naningkit ang mata ko...wait saan ko nga ba siya nakita...saan nga ba? Oh yeah! Yong lalaki kahapon. Lumapit siya sa'kin, kahit sobrang bigat ng presensya niya ay nanatili pa rin akong nakatayo at nakatitig ng diretso sa mga mata niya. "I'm Avion" inosenteng sabi ko. Tumigil siya sa harapan ko, his emotionless eyes was glaring at me. Wait parang familiar siya, saan ko nga bas siya nakita? Ah! "Ikaw 'yong card boy kahapon di ba?" Di ko mapigilang tanong, tinaasan niya ako ng kilay. "Card boy?" Naguguluhang tanong niya. I nod tapos ay ngumisi. "Yong lalaking nagbigay ng card sa'kin kahapon, akin na ulit 'yong card mo" Mas lalong kumunot ang noo niya at tinitigan ako ng mariin bago tumalikod at tumabi sa Kuya ni Mitch. "I am the president, Rycel" Tipid na pakilala niya, laglag panga ako, s**t! He's the president? Wala ni isang nagsalita at nakayuko silang lahat, gwapo rin naman si Rycel pero mas matimbang siguro ang takot nila keysa sa paghanga sa lalaking to. "You may sit" utos niya sa'kin habang nakangisi. Tangina parang dinaya ako ng mundo. Wala sa sarili akong napaupo tapos napasulyap kay Morgan, nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Aba't inaasar ako ng lalaking yon sa pamamagitan ng mga titig niya, tss kung wala lang siya dimple, naku talaga! Nang napasulyap ulit ako kay Morgan, namula ako bigla dahil nahuli niya ako kaya ngayon ay nagpipigil tawa na ang gago. Hmph! Nang matapos nang magpakilala ang lalaking nasa kabilang side ko ay tumayo ako. "Avion, 18 years old" "Full name, young lady" mariing saad ng Kuya ni Mitch hmph! Sarap niya talagang ibalibag. "Kailangan ba yon?" Bulong ko "Yes, dahil kailangan yon ng system, Ms. Avi" ngayon si Travis ang sumagot, I nod "Sweet Avionna Ece Monsesa, 18 years old." Happy? Tss. Napalingon sa'kin si Mitch nabasa ko pa nga ang bibig niyang napasabi ng "woah" "Mona Liza Manelle, 18 years old" Hanggang sa matapos ang buong klase sa pagpapakilala, nagpaalam ang mga officers at lumabas ng classroom namin. Agad na hunarap sa'kin si Mitch. "Ay kaloka ka Sis, hindi mo man lang sinabi na gano'n pala kahaba ang name mo" "Eh tinatamad ako eh" maktol ko natawa naman siya ng mahina. "Avionna pala yon eh but Avion is okay too" tumatangong saad niya sa sarili napailing na lang ako tapos ngayon si Mona na naman ang kinukulit niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD