Chapter 2

2180 Words
Tumigil kami sa harapan ng Isa pang counter, mukhang ibang counter ito. Binigay ni Mona ang papel namin tapos nagpasalamat, tumango naman ang babae sa counter. Napasulyap pa sa'kin ang babae tapos ay ngumiti, ngumiti rin ako pabalik ng peke. Tss. "Ngayon ko lang napansin, ang ganda ng dress mo" "Ah ito napulot ko lang to" Kahit ang totoo ay ilang araw ko na itong sout, galing ako ng party noon at nandoon ang target ko kaya nakadress ako ng pula na may halong itim. "Mona!" Sabay kaming napatigil ni Mona dahil sa babaeng tumatakbong lumapit samin. She's cute, maliit siyang babae, maputi, may bangs at mahabang buhok, matangos na ilong at mapulang labi. "Nauna na pala kayo, hindi niyo man lang ako hinintay, friendship over sis" nagtatampong saad ni Mona nanlaki naman ang mata ng babaeng kararating lang tapos ay dinamba ng yakap si Mona. "Sorry, alam mo namang dito nag-aaral ang kuya ko at kinukulit akong magregister na" saad pa ng babae habang nagmamakaawang tingin kay Mona. "Fine, fine, buti na lang at nakilala ko itong magandang ito" Doon lang napatingin sa'kin ang babae tapos ay tinaasan ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay. She crossed her arms. "Mitch" malditang pakilala niya "Avion" mahinang saad ko not leaving her eyes nagulat ako ng bigla siyang napatili. Marami ang napapatingin sa direksyon namin pero parang wala atang paki itong si Mitch. "Oh my I like your name sis, so I like you na, I want to call you Avi and you Sis Mona call her Ion" excited na excited na sabi pa niya na ikinangiwi ko. "What the heck." Ang dami ko ng pet names. "First year ka rin ba?" Tanong ni Mitch tumango ako. "How old are you?" "18" "Same" nakangiting sabi niya tapos yumakap sa braso ko, ngayon pinagigitnaan na nila ako. Naglakad kami papasok sa gymnasium, halos maglaglag ang panga ko sa laki ng gymnasium nila mas malaki pa ata to sa Araneta colosseum eh. "Doon tayo" turo ni Mitch sa bakanteng tatlong upuan na nasa itaas. Dumaan kami todo-excuse me si Mitch dahil siya nag nauna, tahimik lang akong nakasunod habang nasa huli naman si Mona. Napapatingin pa sa gawi namin ang ilang estudyante pero hindi na lang din namin pinansin. "Tingnan mo silang napapatingin sa'yo Girl, super pretty mo kasi" bulong ni Mona sa'kin pagkatapos namin umupo, kunot noo ko siyang tinaasan ng kilay tapos ay inirapan. "Imagination mo lang yon" saway ko natawa naman ang dalawa kaya napanguso ako. "Oii Mitch andito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ng kuya mo" Sabay kaming napaangat ng tingin sa lalaki. He has gold hair and eyes, matangos na ilong at maputlang balat. "Bakit daw?" The shrugged his shoulder. " I don't know" Napalipat ang tingin niya sa'kin. "New Face?" "Yeah, first year din siya dito" tugon ni Mitch tumango naman ang lalaki. "Morgan" sabay lahad niya ng kamay tinanggap ko naman iyon. "Avion" "Nice name" nakangiting saad niya labas ng dimple niya kaya wala sa sarili din akong napangiti. "Yeah, thanks to my parents" pabirong tugon ko na ikinatawa niya lalo kahit itong dalawa kong kasama nakikitawa na rin. "Bye, baka hinahanap na ako ng kuya mo Mitch" paalam nito tumango naman si Mitch kaya gano'n din ako. Kumaway muna siya bago umalis ng tuluyan. "Type mo?" bulong ni Mona nagtataka ko siyang tiningnan "No" "Weh? Iba ang tingin mo girl eh" asar ni Mitch inirapan ko siya at tumingin sa harapan, doon ko lang napansin na may Isa pang pares na nakatitig sakin or sa direksyon namin. Nasa opposite side siya ng gymnasium at tulad namin ay nasa itaas na part din siya. Hinanap ko kung sino pero hindi ko mahanap pero ramdam ko ang mga nakakapaso niyang titig tila ba handa na akong atakihin. "Yuhoo~ Avi" "Hoy!" "What?" Naiinis na tugon ko. "Avi are you okay? Kanina ka pa tinatawag ni Mona hindi ka nakikinig" sabi pa nito wala sa sarili akong napatingin kay Mona. "What?" She sigh. "Please be alert dahil lalabas ang pangalan mo sa board kung saang section ka mapupunta" mahinang saad nito. Tiningnan ko ang malaking screen sa harapan, napakunot ang noo ko para siyang projector lang pero ang kaibahan ay para talaga siyang nakalutang na screen. "Saang year level na 'yan?" tanong ko Kay Mona "Third level pa lang naman" tugon nito "Woah section A pa rin si Kuya" namamahang bulong ni Mitch habang nakatitig sa screen. "Third year na pala kuya mo?" Baling kong tanong sa kan'ya napatingin siya sa'kin tapos ay timango. "Vice president lang naman ng student counsil ang kuya ng babaeng yan mula noong first year Hanggang second year and Balita ko ngayon ding third year" "Ah famous" pagfamous maraming boboto. "No, it's not about how famous you are but it's about how strong you are" kontra naman ni Mitch na ikinatingin ko sa kanya. "Kung sa ibang school boto ang pagbabasihan, dito labanan ang basihan, kung mananalo ka laban sa lahat ng na-elect na kapareha mo ng posisyon eh magiging sa'yo ang posisyon na yon" "Really? So tapos na ang labanan?" "Yup noong isang araw lang" may pagkadismaya ang boses ni Mitch ibig sabihin non hindi rin siya nakanood. "How about the president?" Sabay silang napatingin sa gawi ko "Put* girl, walang magsusubok na humamon sa posisyong 'yon" nakangiwing saad ni Mona "Why?" "Well he's known for being merciless, he's leading their army that time, sinakop niya lang naman ang dalawang kontinente sa edad na kinse, kaya simula noong nahawakan niya presidente na posisyon walang sumubok na hamonin siya." Nakayap sa sarili si Mitch habang sinasabi niya iyon even Mona shivered. Okay noted, kahit ano ang mangyari hindi mo p'wedeng ma-meet ang ganoon tao self. "Ohh classmate tayo!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa sinigaw bigla ni Mitch "My god girl, hindi mo naman sinabing assassin type ka rin pala" "What? No, I didn't put that, I just said I know a lil bit of sword" nagtatakang kong tugon. "What?!" Halos sabay nilang hiyaw. Grabe din mga bibig ng mga babaeng to. "Ano ka ba girl, bakit kasi sword pa sinabi mo don eh keyword na yon para sa system, automatic ka nang malalagay sa assassin class," halos batokan na ako ni Mona dahil sa katangahan ko. The heck wala naman kasi silang sinabi. "What the hell" bulong ko na lang "At class A talaga? Really? Akala ko ba decided na kung sino ang Class A" baling ko Kay Mona napakagat naman siya ng labi tapos ay bumungisngis. "Ah hehe, Oo nga, pero mukhang may bakante pa kaya siguro dito tayo nilagay" saad pa niya. "Nakakabaliw ito"bulong ko. 'Bakit ayaw mo ba non, master' Napa-roll eyes na lang ako sa kinomento ng espada. Dahil ayaw ko talaga non. "Gaga ka Mona, hindi ka ba nakikinig sa'kin, mga archer kasi yong decided na at mukhang hindi masyadong marami ang class-A ng assassin type ngayong taon" pairap na asik ni Mitch. Ay yon naman pala. "Okay sorry naman, wrong information ang narinig ko eh" nakapuppy-eyes pa na sabi ni Mona napailing na lang ako sa kanila. "Yikes! Let's go sa dorm na'tin" "May dorm agad tayo? Eh hindi naman tayo binigyan ng dorm number" nagtataka kong saad "Ano ka ba girl, kung pang ilan ka sa listahan doon ang room number mo sa class-A, sunod-sunod lang naman tayo sa listahan kaya room mate tayong tatlo" nagkakamot-ulong sabi ni Mona "Ahh ganon ba yon?" Wala sa sarili kong saad tapos ay nagtinginan pa ang dalawang babae "Let's go na nga lang" sabay hila sa'kin ni Mitch lumabas kami ng gymnasium, dumaan kami sa open field tapos malayo pa ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa likod pumasok kami sa parang villa. "Ito ang villas ng mga first year, doon sa may di kalayuan ang second year tapos non ang third year then the last year" sabi pa ni Mona tumango naman ako. Pumasok kami sa villa pangatlong bahay kami dahil nga class A kami ng mga assassin class kaya kami ang nauna, in short, front line kami if ever na may mga pagsugod na magaganap. Pagpasok namin sa bahay, sala agad ang sumalubong sa'min, umakyat kami sa second floor may tatlong kwarto akin ang gitna, si Mona sa left, at right si Mitch. Bumaba kami sa kusina, may kitchen counter tapos dining table, completo rin sa kagamitan ng pagluluto kahit 'yong ref malaki pero noong buksan ko walang laman. "Grocery ba tayo?" Tanong ko sabay silang napatingin sa'kin tapos ay tumango. Pero bago pa man nila ako mahila agad akong umatras "Pero maligo muna ako" sabay takbo ko sa itaas at pumasok sa kwarto, sobrang lagkit kasi ng nararamdaman ko. Pagkatapos kong mag-shower nagsuot ako ng simpleng White shirt na lagpas sa siko ang sleeve tapos mandarin type ang collar at may red strings na nakapalibot doon, then black skirt na lagpas lang sa tuhod, may slit pa ito gilid tapos sa shoes simpleng glass sandals na may 2 inch na heels. Woah sobrang sakto lang sa'kin ang mga damit kahit ang shoes, buti na lang at nalagay ko sa papel ang mga sizes ko. Tinalian ko ang buhok ko at naiwan ang manipis na bangs ko. Pagbaba ko nakita ko sila sa sofang naghihintay. "Tara" Aya ko sabay silang napatingin sa'kin at natulala. "What?" Naiiritang tanong ko sa kanila. "Mas lalo kang naging pretty sa suot mo ngayon girl!" Tili ni Mitch napairap na lang ako at iniwan sila sa loob. Naramdaman ko naman ang presensya nila kaya humarap ako sa kanila sabay taas ng isang black card na may Xenthen University at ang logo nito. "Ah you have that?!" "Yeah nakapatong sa ibabaw ng coffee table" tugon ko "Whoa lucky b***h" namamanghang saad ni Mitch "Eh ano ba 'to?" tanong ko ulit Ngumisi si Mona. "Kung ilan ang nasa card na to sa'yo na" "Ahh okay" I guess I am lucky, dahil wala akong pera pagdating ko dito. 'Gosh Pera lang problema mo, bigyan pa kita ng mansyon kung gusto mo' mayabang na saad ng espada Hindi ko naman siya pinansin baka kung anong kahanginan na naman ang sabihin niya. Paglabas namin ng Villa may nakaabang nang karwahe, agad kaming sumakay, umikot lang kami pero ang alam ko hindi kami lumabas ng university. Tumigil kami sa harapan ng medyo may kalakihang two storey grocery store, pagkatapos naming bumaba ay si Mitch ang nagbayad ng pamasahe. Pagpasok namin sobrang lawak pala sa loob, si Mona ang nagtulak ng cart dumiretso kami sa meat section. Hinayaan ko lang silang dalawa kung ano man ang kunin nila pagkatapos ay sa vegetables section, ngayon ako lang ang nagpupulot habang tahimik lang na nakasunod ang dalawa, halatang hindi kumakain ng gulay. Then on the condiments section pinupulot ko lang ang mga alam ko, doon kami sa section na yon mas natagal pero wala naman akong reklamong narinig mula sa dalawa. "May nakuha ba akong flour?" Tanong ko sa sa dalawa sabay silang umiling. I sigh. "Mauna na kayo sa chips section kukuha lang ako ng flour" saad ko kanila agad naman silang tumango habang ako bumalik kung saan ang harina nakalagay. Pagkatapos kung kumuha ay agad ding dumiretso sa kung saang section ang mga chichirya. Nakita ko silang may kausap na gurpo ng mga lalaki akala ko napatrobol ang mga babaeng yon pero nakita ko roon si Morgan kaya agad ko naisip baka nandoon ang kuya ni Mitch. Lumapit ako sa kanila tapos ay tahimik na nilagay doon sa cart ang flour. Naramdaman kong lahat sila napatingin sa'kin pero mas pinili kong tingnan ang dalawa. "Done?" "Hindi pa, ikaw hindi ka ba kukuha?" Bumaba ang tingin ko sa bagong cart na dala ni Mona, puno iyon ng mga chichirya. Agad na nagsalubong ang kilay ko tapos ay ngumiwi. "Chips are unhealthy" "How about chocolates?" Napaisip pa ako sabay ngumisi. "Sure" "Who is she?" Napatingin ako sa lalaking nagtanong, he's a nerdy type dahil sa glasses niya, pero hindi pa rin maipagkakaila na gwapo rin siya, maputla, matangkad, matangos na ilong at mapulang labi parang kamuka niya si Mitch. Napatingin ako kay Mitch tapos sa lalaki tapos binalik ulit Kay Mitch. "Your brother?" Mabilis na tumango si Mitch tapos ngumiti "Ah Avion" unang pakilala ko sabay lahad ng kamay tiningnan lang iyon ng kuya ni Mitch. "Mike" tipid niyang saad pero hindi tinanggap ang kamay ko kaya kinuyom ko iyon at ibinaba. Lumipat ang tingin ko kay Morgan kumaway siya sa'kin then mouthed 'Hi' I smiled at him dahil nakita ko na naman ang sobrang lalim na dimple niya, s**t! Kahinaan ko ang dimple po. Binalik ko ang tingin ko sa dalawang babae at yong mga lokaloka nagpipigil ngising nakatingin sa'kin alam na alam ko ang mga titig na yon. Inirapan ko sila. "May bibilhin pa ba kayo dito?" tanong ko "Wala na, nasa kabila ang mga chocolate bars sabay na na'tin sila kuya total doon na rin naman sila papunta," sabi pa ni Mitch tumango naman ako at sumunod sa kanila. Nahuli ako kaya gano'n na lang gulat ko nang may biglang tumabi sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD