Pupungas pungas na bumangon siya sa sofa. At saka tila wala sa sarili na naupo mo na siya doon bago nagsalita. "Oh ano ngayon hindi ka makapagsalita akala mo ay hindi kita mahuhuli na pahiga-higa ka lamang dito. Ayos ka wala kang ibang ginawa pahiga-higa at cellphone ang galing mo naman. Sabi ko na hindi ako nagkamali sa hinala ko sayo!" naiiling pang wika nito sa kanya na tila ba nang-aasar pa. "Para nakatulog lang sasabihin mong walang ginawa?! Bakit hindi mo man lamang tanungin kung bakit ako nakatulog? Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod nalabhan ko na lahat ng mga madudumi mong damit. Nalinisan ko na din ang buong kabahayan pati na ang mga silid pati na ang labas tapos sasabihin mo pahiga-higa lang ako!Sasabihin mo pacellphone-cellphone lang ako at panoodnood ng TV! Sobra ka na Co