"Nasa CR kasi ako kaya hindi ko kaagad napansin na may tumatawag," paliwanag niya dito. "Sus dami mong palusot baka nga wala kang ginagawa diyan sa bahay kundi mag-cellphone lang ng mag cellphone. Marikit umayos ka hindi ako natutuwa sa ganyang ugali mo. Itigil mo yang kaka-cellphone mo na 'yan ha. Sinasabi ko sayo maglinis ka ng buong bahay at magluto ka hindi yung puro ka na lang cellphone!" Galit na wika pa nito. Tamang hinala pa, samantalang hindi na nga siya nakakahawak ng cellphone, kanina lang para tawagan ang kanyang mga magulang. "Huwag kang mag-alala kamahalan malinis na po ang buong bahay at naglalabahan ko na rin yung mga madudumi mong damit. Para nasa CR lang sabi ako eh nag-cellphone na agad. Kanina oo para kumontak lang ang mga magulang ko, napaka ano mo talaga! Bakit ka