Halos mapuyos sa galit ang kanyang kalooban dahil sa mga pinagsasabihin ng lalaki sa kanya. Ipinagluto na nga niya ito't lahat ang dami pang kaartehan. Nakuha pa nitong mamintas, di na lang muna tikman bago kumuda. Todo effort pa siya sa pagluluto ng ulam tapos pipintasan lang ng pasaway. Lahat ginawa niya para lamang mapasarap ang ulam na ni-request nitong iluto niya, kaya nga nagdecide siya na iyong may pakwan para maiba naman. Tapos gano'n lang ang magiging reaksyon nito pagkakita, ni hindi pa nga nito tinitikman. Sumusobra na talaga ang lalaking yon. Kung makapagsalita pa akala mo kung sinong napakagaling magluto. Dapat ito na lang ang nagluto hindi na siya inutusan pa. Akala mo kung sinong boss na makautos na ipagluto, ng ipinagluto naman niya. Iyon lang makukuha niya pipint