Kabanata 7

1220 Words
"Mama kausapin ninyo naman po si Papa na ayaw ko pa pong mag-asawa. Hindi ko naman po kagustuhan iyon lahat eh. Hindi ko naman po kagustuhan yung nangyari, wala po akong alam doon. Nagulat nga lang po ako kasi bigla bigla na lang na nangyari na ang lahat. Ayoko pa pong mag-asawa marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Kapag may asawa na ako syempre hindi ko na po kaya pwedeng gawin ang lahat ng iyon kasi pagpabawalan niya ako sigurado eh." umiiyak na pakiusap niya sa kanyang Mama habang nag nasa loob sila ng kanyang silid at naghahanap ito ng damit. "Wala akong magagawa sa kagustuhan ng ama mo Marikit, ikaw ang may kasalanan. Bakit hindi ka man lamang nagising? Bakit hindi mo man lamang pinigilan ang Tito Conran mo? Tapos gano'n ba ang sinasabi mong hindi mo nagustuhan? Ano iyong sinasabi ng Tita Emma mo kanina? Naabutan niyang tagpo ninyong dalawa ng tito mo? Ikaw daw ang nasa ibabaw! Ganoon ba ang sinasabi mong hindi mo nagustuhan? Ganon ba ang sinasabi mong aksidente lang ang lahat?!" galit na singhal sa kanya ng kanyang ina. Bigla naman siyang natamini dahil di niya akalain na nabanggit pa pala ang bagay na iyon ng kanyang Tita Emma. Bakit naman kailangang detalyado pang ikwento sa kanyang mama. Hiyang-hiya tuloy siya dito at tila ba wala siyang maidahilan pa sa kanyang ina. "Pero Mama, ayaw ko pa po mag-asawa napakabata ko pa po. Hindi ko naman po talaga sinasadya iyon. Sabihin natin na parang nadala na rin po ako, pero hindi ko naman po gustong agawin si Tito Conran kay Tita. Okay po nangyari na ang lahat, nangyari na po iyong pagkakamali na iyon pero pwede pa naman pong itama eh. Mama sige na po maawa na kayo sa akin, ayoko po talaga." Umiiyak na pakiusap niya ulit dito. Lumapit siya dito at niyakap sa likod ang ina pero talagang wala itong ginawa kundi maghanap lamang ng damit na maaari niyang maisuot para sa kanyang kasal. "Tigilan mo ako sa pag iyak-iyak mo na yan Marikit hindi mo ako madadala diyan. Buo na ang desisyon namin ng iyong ama na ipakasal ka sa Conran na iyon dahil hindi naman namin hahayaan na nadungisan ka na ng hayop na iyon tapos hindi ka pa niya panagutan!" Galit na wika nito. Maya-maya ay nakakuha na ito ng damit na maaari niyang isuot. Isa iyong long dress na kulay white. "Hubarin mo na iyang damit mo at isuot mo ito! Bilisan mo na at nagagalit na ang iyong ama!" Utos niya dito sabay abot ng damit sa kanya. "Mama naman eh, maawa naman kayo sa akin hindi niyo po ba ako naiintindihan. Ako naman pakinggan ninyo, anak ninyo ko eh." naluluha pa ring hirit niya dito pero iminuwestra na nito sa kanya na isuot na niya ang long gown na iyon. Kaya wala na sila nagawa kundi sundin ang utos nito at sinuot niya ang gown. Inutusan na lamang siya nito na maglagay ng liptint at pulbos lamang at saka pabango. Hindi na sila nito hinayaang ayusan ang sarili para naman sana maging maayos kahit papano ang mukha niya sa kasal na nais ng mga magulang. Pero dahil narinig na nila na sumisigaw ang kanyang Papa ay minadali na siya ng kanyang mama hindi na siya nakahirit mag-make up. Paglabas nila ng kanilang silid ay nakadamit na rin si Tito Conran, iyong lang din na suot suot nito kanina na polo shirt. Tapos medyo nagsuklay lamang ito ng buhok, gwapo naman ito kahit anong isuot. Kahit anong porma ay bagay na bagay dito. Kaya naman hindi niya masisisi ang kanyang Tita Emma na ma-inlove ng sobra dito kaya lang heto nga ang nangyari. Naging sakuna ang lahat dahil imbis na ang Tita Emma niya ang pakasalan ay siya itong pinapakasal sa lalaki. Pero wala itong sinasabi tahimik lamang itong lumabas ng bahay sumunod naman sila at nauna rin ang kanyang Papa sa sasakyan. Ang van na lamang ng kanyang Papa ang ginamit nila patungo sa opisina ng Mayor. Hindi na hinayaan na mag-drive pa ng kotse nito si Conran dahil iniisip siguro ng kanyang Papa na baka tumakas ang lalaki. Ito naman ay walang imik tila hinahayaan na lang ang kanyang mga magulang ang magdesisyon. Pero si Tita Emma niya ay nagpilit na sumama, iyak ito ng iyak habang nakayakap kay Conran na noon naman ay seryoso lamang. Tila wala itong pakialam sa pag-iyak ng kanyang Tita Emma basta nakatanaw lamang ito sa labas ng bintana. Kasama nila sa sasakyan ang kanyang Lolo at Lola pati na ang dalawa pang kapatid ng Mama niya. Ang mga pinsan naman niya ay hindi na pinayagan pang sumama dahil maiingay pa ang mga ito. Tama na daw na maging saksi ang mga tito at tita niya. Para siyang maiiyak, hindi ganito iyong pangarap niyang kasal eh. Iyong kasal na nais niya, engrande at sa simbahan. Iyong masaya siyang maglalakad sa aisle, at punong-puno ng kasiyahan ang kanyang puso habang papalapit sa kanyang gwapo at machong groom. Tapos iyong first kiss nila pari ang mismong mag a-announce. Hindi ang mayor, tapos iyong bubuhatin siya ng kanyang groom palabas ng simbahan kapag natapos na ang kasal tapos bongga ang reception ng kasal. Pero heto, ganitong kasimple at kawalang kwenta ang kasal niya. At ang masahol pa hindi niya mahal ang lalaki, at matanda pa. Samantalang ang pangarap niyang groom ay kasing edad niya or kahit 5 years lang ang gap ng age nila. Pero si Conran, 15 years! Mas matanda pa sa kanya Tita. Naipilig na lamang niya ang ulo sa isiping iyon, para nais niyang maluha pero pinigilan na lamang niya. Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig at nagulat siya dahil pasado ala una na pala ng madaling araw. Papaanong mangyayari na maaari pa silang ikasal na dalawa ni Mayor ng ganoong oras. Sabagay ang Papa niya pala ang nagdesisyon kaya siguradong na-inform na nito ang Mayor ng kanilang bayan. Siguradong pagbibigyan ng mayor ang kanyang Papa dahil close na close ang mga ito. Ang kanyang Papa kasi ay hindi man mayaman pero nakasuporta palagi sa mga adbokasiya ng mayor sa kanilang lugar. Kaya hindi malabong pagbigyan ito ng kanilang Mayor kung humiling ang kanyang Papa na ikasal sila ni Conran ng ganong oras. Napahinga na lamang siya ng malalim habang nakatanaw sa labas gusto niyang umiyak ng umiyak ng oras na iyon. Pero ayaw naman niyang magmukhang kawawang kawawa sa kanyang kasal kaya pinigil na lamang niya ang kanyang sarili. Iniisip na lamang niya na hindi totoo ang lahat, na panaginip lamang ang lahat. Kaya naman may papikit-pikit pa siyang nalalaman pero pagmumulat niya ng mata ay katabi pa rin niya si Conran at nasa kabila naman nito si Tita Emma na mahigpit na nakayakap kay Conran at iyak ng iyak. Magulong magulo ang kanyang isipan ngayon. Pero bahala na kung saan siya dadalhin nito. Magulang naman niya ang nagdesisyon kaya wala na rin siyang magagawa pa. Basta sobrang kaba din niya ng mga sandaling iyon, para na nga siyang matatae pero pigil pigil na lamang niya dahil ayaw niyang lalong magalit sa kanya ang kanyang Papa. Tapos si Conran pa kapag napapatingin sa kanya parang mangangain. Medyo malayo sa kanila ang Munisipyo kaya minabuti niyang pumikit na lamang para kahit papano ay mapanatag ang kanyang loob. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD