Kabanata 6

2000 Words
"Makasabi ito ng ayaw sa matanda eh kung halimbawang hindi mo nagustuhan yun, bakit nasundan pa?" pang-uurat ni Jenny kay Marikit. Eksakto kasi na nakabihis na siya ng tumawag ang kanyang bestfriend na si Jenny at hindi niya napigilan na hindi maikwento dito ang mga nangyari at kung bakit nagkakagulo ngayon sa kanilang bahay. May usapan kasi sila bukas na magkikita sa mall at sinisiguro lamang nito na matutuloy sila kaya tumawag pero ayun nga at dahil sa sobrang sama ng loob niya at talagang nalilito na siya ay naikwento niya ang mga pangyayari dito. Kaya lang ang pasaway eh mukhang natuwa pa sa pangyayari dahil finally daw eh nawala na ang pagka inosente niya. Iyon nga lang hindi nito nagustuhan ng malaman nito kung sino ang lalaki nakakuha ng virginity niya, lalo na ng malaman nito na 15 years ang agwat ng edad nila. At lalo na ng sabihin niya na boyfriend ng tita niya ang lalaki. Iyon nga lang ng tinanong siya kung magaling at kung kumusta naman ito pagdating sa kama, sinabi niya na magaling at syempre nasarapan siya kaya lang nga ayaw talaga niya sa matanda. At ngayon wala na ang virginity niya at ito ang nakakuha. Wala naman siyang balak na agawin ang lalaki sa kanyang Tita. Ayaw niya kasing magkaroon ng boyfriend na matanda at isa pa malaking isyu pa yun at malaking gulo. Kaya para sa kanya ay hindi na dapat pang makialam ang kanyang mga magulang. Wala siyang balak na pakasalan ang lalaki at batid naman niya na wala rin siyang balak na pakasalan ni Tito Conran dahil alam niya kung gaano nito kamahal si tita Emma niya. Kaya buong buo ang loob niya na walang mangyayaring kasal at hindi matutupad ang nais ng kanyang mga magulang. Baka nga magmadali pa ang dalawa na magpakasal dahil sa nagkaroon nga ng problema silang tatlo. Iyon nga lang wala naman siyang balak na maging problema ang mga ito eh. Iiwas na lamang siya kapag natapos na ang gabing ito dahil alam naman niya na mali ang nangyari sa kanilang dalawa ni Tito Conran. Iyon nga lang wala naman talaga siyang kasalanan. Pero ang pinaka kasalanan lamang niya ay hinayaan niya ang lalaki na tuluyan siyang angkinin at maulit pa iyon ng isang beses. Iyon nga lang hindi na iyon natapos pa dahil nga sa nahuli na sila ni tita Emma. Kaya naman kinonfirm niya kay Jenny na magkikita pa rin sila bukas sa mall dahil hindi pwedeng hindi sila magkita kasi matagal na nilang balak iyon. Magshopping sila dahil nakasahod na rin siya sa t****k at sa pagla-live stream niya. Balak kasi niya na ilibre ito sa mamahaling restaurant at ipamili ito ng mga damit gaya ng pangako niya dito. Medyo tumaas kasi ang sahod niya ngayon sa pagiging content creator at tiktokers. Nang matapos silang mag-usap ay ipinasya niya na lumabas na ng silid at sumunod na sa mga ito. Aalamin niya kung ano ang mga napag-usapan ng kanyang pamilya pati na ni Tito Conran. Para matapos na rin ang lahat, nais na rin niyang matulog kasi nandoon na siya tsaka yung nangyari kanina medyo napagod talaga siya. Ramdam na ramdam pa niya yung pananakit ng parteng nasa pagitan ng kanyang hita pati na ang pananakit ng kanyang balakang dahil sa pagkawala ng kanyang virginity. Hindi niya talaga akalain na mangyayari ang ganitong bagay sa kanya lalo na at si Tito Conran niya ang lalaking nakauna sa kanya. Hindi man kasi sila close na dalawa pero mabait naman ito kapag nagkikita sila. Pero masasabi naman niya na okay lang din at talaga namang nadala siya sa langit ng lalaki. Nasarapan siya at talaga nag-enjoy din, siguro nga kung hindi sila nahuli ni Tita Emma niya ay baka naulit pa ng naulit ang bagay na iyon sa kanila. Baka nga hanggang magdamag ay hindi pa rin siya tinigilan ni Tito Conran. Pero alam naman niya na mali iyon, alam niya na nasaktan niya ang kanyang Tita Emma lalo pa at pamangkin siya nito. Mabait pa naman ito sa kanya at lagi siyang inaasikaso pero hindi naman kasi niya akalain na mangyayari ang ganoong bagay na magkakamali ang ka-sintahan nito. Tiningnan muna niya si baby Iggy boy ang anak ng kanyang Tita Emma mabuti na lamang at kahit na anong gulo at anong ingay kanina hindi nagigising ang bata. Kumilos lamang ito ng bahagya, ang ginawa niya ay isinubo niya ang feeding bottle nito at saka bahagyang tinapik-tapik ang bata hanggang sa makatulog ulit ng mahimbing tsaka na siya nagpasyang lumabas ng silid. Pagdating niya sa sala ay nagulat siya dahil hanggang ngayon ay nagtatalo-talo pa rin ang mga ito. Umiiyak ang kanyang Tita Emma, na noon ay nakaluhod sa harapan ni Tito Conran. "Parang awa mo na love, huwag mong gawin to nagmamahalan tayong dalawa hindi ba? N-Nangako ka sa akin na ako ang pakakasalan mo eh, n-nangako ka sa akin na b-bubuo tayo ng pamilya kasama si Igyy Boy. Nangako ka sa akin na dadalhin mo na kami sa Manila ng anak ko. Bakit ganito, bigla bigla si Marikit na ang gusto mong pakasalan!, Bakit dahil ba virgin mo siyang nakuha? Dahil mas bata siya, dahil ba mas maganda siya?!" umiiyak na wika ng kanyang Tita Emma na ikinagulat niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito bakit tila yata mali ang kanyang iniisip na hindi papayag ang kanyang Tito Conran. Bakit parang ang sinasabi yata ng kanyang Tita Emma ay papakasalan siya ng boyfriend nito. "Tumayo ka nga diyan Emma! Hindi ka na nahiya na magmakaawa ka sa walang kwentang lalaki na yan! Tumayo ka diyan at hayaan mong panagutan niya ang ginawa niya sa pamangkin mo at ikaw naman makahahanap ka rin ng lalaking nararapat na para sayo. Hindi mo dapat pinanghihinayangan ang ganyang lalaki!" galit naman na wika ng kanyang lolo. Awang awa ito sa anak kahit na sabihin pa na nagagalit ito ay iba naman ang nababanag sa mga mata nito. Awang awa din naman siya sa kanyang Tita Emma hindi niya akalain na makikita ito sa ganitong sitwasyon at iyun ay dahil lamang sa ginawa ng boyfriend nito at dahil lamang sa nangyari. Napansin naman niya sa itsura ni Tito Conran na parang naaawa ito sa kanyang Tita. Nais nitong tumayo na ito pero hindi nagpapatinag ang kanyang Tita. Nakaluhod pa rin ito sa harapan nito at nakahawak pa sa binti ng lalaki. Siya naman ay tila gusto na niyang sugurin ito at ipamukha niya sa kanyang Tito Conran na kasalanan nito ang lahat. Hindi na siya nakatiis lumapit siya dito at inalalayan na tumayo ang kanyang Tita Emma. "Huwag na po kayong umiyak Tita Emma. S-Sorry po sa nagawa ko pero wala na kayong dapat ipag-alala dahil hindi po ako magpapakasal sa boyfriend niyo. Alam ninyo naman po na napakabata ko pa at ayaw ko pa pong ikasal kaya wala po kayong dapat ipag-alala. Kaya tumigil na po kayo sa pag-iyak Tita." naluluha niyang wika sa tiyahin. "Marikit, p-pigilan mo sila ha. P-Please huwag kang magpakasal sa Tito Conran mo. M-Maawa ka sa akin, alam mo naman na mahal na mahal ko ang Tito mo 'di ba? Alam mo naman na sa loob ng dalawang taon sa kanya lang umikot ang buhay ko kaya huwag na huwag mong tatanggapin ang pagnanais niya na pakasalan ka at ang kagustuhan ng mga magulang mo ha, p-parang awa mo na." Umiiyak na pakiusap nito sa kanya. "Huwag po kayong mag-alala tita, hindi po ako magpapakasal, napakabata ko pa kaya ayoko pa. Hindi ko naman ginusto ang nangyari eh," paninigurado niya dito para tumahan na ito sa pag-iyak. "Mama, Papa hindi po ako magpapakasal. Bakit ninyo po ba pinagpipilitan ang ikasal ako kay Tito Conran. Hindi naman po namin ginusto ang lahat, isang aksidente lamang po ang nangyari kaya bakit ho kayo ganyan?" Baling naman niya sa kanyang mga magulang. "Tito Conran bakit hindi ka magsalita ngayon? Hindi ba wala namang kung anong namamagitan sa ating dalawa. Kaya dapat hindi tayo ikasal na dalawa. Bakit ngayon parang iba na yata ang nais mo, kanina ayaw na ayaw mong magpakasal diba, pinaglalaban mo ang pag-ibig mo kay tita Emma pero bakit ngayon hinahayaan mo kami?! Ayokong magpakasal! Ayokong magpakasal sayo!" Baling niya kay Tito Conran. Tahimik lang kasi itong nakikinig sa kanila, hinahayaan silang dalawa ni Tita Emma. Ano bang nangyari dito, bakit biglang nagbago ang nais. "Tumigil ka Marikit! Nakapagdesisyon na kami ng mama mo na kailangang ikasal kayong dalawa ni Conran! Hindi ako makakapayag na maagrabyado ka dito, napakabata mo pa tapos sasamantalahin niya ang pagkabata mo dapat lamang na panagutan niya ang lahat!" Galit na singhal sa kanya ng kanyang Papa. Mababakas sa tono nito ang galit at maging sa kilos pero mababanaag sa mata nito ang pagkalungkot dahil siguro sa nangyari sa kanya. Sabagay napakarami nga namang pangarap sa kanya ang kanyang mga magulang. Tapos ang alam ng mga ito, kahit na masyado siyang magaslaw at talagang open sa lahat at active siya sa social media ay iniingatan niya ang kanyang sarili. Kaya para bang na-disappoint din ang mga ito sa kanya. Tila hindi matanggap ng mga ito na nangyari nga ang bagay na iyon na hindi sinasadya. Sabagay palagi kasing pinapaalala ng kanyang Mama na dapat isuko niya ang kanyang bataan sa lalaking kanyang mapapangasawa. Sa unang gabi ng kanilang kasal dahil iyon daw ang pinaka magandang maireragalo niya sa kanyang mapapangasawa pero dahil ngayon ay wala na, hindi na niya magagawa pa iyon. Pero hindi niya lubos maisip na nanaisin ng mga ito na ipakasal si sa lalaking 15 years ang agwat ng edad sa kanya at isa pa ay kasintahan ito ng kanyang tita. "Hindi po Papa hindi po ako magpapakasal! Napakabata ko pa po, marami pa po akong nais gawin sa buhay ko. Kaya please lang po hayaan ninyo na muna po ako. Gusto ko po na ako na lamang pong mag-isa, gusto ko po na mahal ko ang mapapangasawa ko at hindi isang taong hindi ko naman kailanman hinangad na maging asawa!" mariing pahayag niya sa mga magulang. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ng kanyang Papa, mabilis itong lumapit sa kanya at isang malakas na sampal ang pinakawalan nito. At dahil sa malakas ang sampal na iyon at hindi niya inaasahan at isa pa ay lalaki ito pabagsak siyang napalugmok sa sahig. Ito ang unang beses na nasaktan siya ng kanyang Papa at sa harapan ng kanyang buong angkan at ang lalaking nais nitong pakasalan niya. Napasinghap na lamang ang kanyang Mama pati na ang iba pa nilang kamag-anak habang nakatingin sa kanya. Umiyak siya ng umiyak, maging ang tita Emma niya ay iyak din ng iyak at patuloy na nagmamakaawa sa kanyang mga magulang. Pati na kay Conrad pero si Conran hindi niya maintindihan kung bakit bigla-biglang nagbago ang nais nito. Samantalang kanina pinagdidiinan nito na kahit ipakulong pa nga ng kanyang papa ay hindi siya nito pakakasalan pero bakit bigla-bigla nagbago ang kagustuhan nito. "Wala kang karapatang tumanggi ako ang masusunod! Sinira mo na ang tiwala ako sayo anak, kaya ako naman ang masusunod ngayon!" seryosong pahayag ng kanyang ama. Napatingin naman siya kay Conran at makikiusap sana dito na pakiusapan ang kanyang Papa pero matalim ang mga tinging ipinukol nito sa kanya at doon siya na patanong kung bakit. Bakit tila yata galit ito sa kanya ay wala naman siyang kasalanan dito. Kung tutuusin nga ito pa ang may sala sa kanya. "Asawa ko, bihisan mo na ang iyong anak kahit na hindi na pangkasal kahit na iyong damit niya na maayos. Dahil ngayon din ay magtutungo tayo kay Ninong para ipakasal silang dalawa!" Puno ng awtoridad na pahayag ng kanyang Papa. Na ikinagulat niya, ang Ninong na sinasabi nito ay ang Mayor nila sa kanilang bayan. Napansin niya na maging si Conran ay nagulat din sa desisyon ng kanyang ama. Grabe agad-agad naman kasi, animo may hinahabol ito na ewan. Wala na siyang nagawa ng akayin siya ng kanyang Mama patungo sa silid niya para magbihis. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD